Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 13 Rodriguez’s Twins

NAPAKUNOT-NOO SIYA. “Ano ba ’tong pinaggagawa mo sa akin, Katarina?”

Naguguluhan siya nang matapos nitong bawasan ang buhok niya kapantay sa haba ng buhok ni Katarina, ngayon ay nilagyan siya ng bangs ng kapatid.

“Ops! Walang atrasan kundi hindi papantay ’tong bangs mo. Saka um-oo ka nang tanungin ko kung p’wede ko bang pakailaman ang buhok mo.” Tuwang-tuwa ito.

“Baka malito sa atin ang tao kapag tinitigan tayong parehong-pareho.” Natawa naman siya sa sinabing iyon.

Minsan kasi ay ginawa na nila ito noon, kaya sobrang nalito ang mga taong nakasasalamuha nila sa loob ng bahay kung sino si Katarina at si Katalina—pareho pa man din silang mahinhin. Kaya nga binigyan talaga sila ng pagkakaiba ng mga magulang nila para hindi malito; nilagyan nila ng bangs si Katarina samantalang siya ay wala. Palaging nakatali ang buhok ni Katarina, siya ay nakalugay lang ang mga buhok.

“Iyon nga ang gusto ko, e. Na-miss ko na tuloy ang mga kakulitan natin noon.” Si Katarina.

“Oo, iyong tinatawag kang Katalina tapos ako si Katarina. Iyong ikaw ang uutusan imbes na ako. Tapos iyong bawal sa ’yo ang magpagod pero hinayaan ka nilang magdilig at maglaro kasi akala nila ako ikaw.”

“Tapos ’pag nalaman nila, pagagalitan ka kasi hinayaan mo akong gawin iyon,” pagpapatuloy nito.

“Huwag ka, pinagalitan ka rin kaya, kasi alam nilang lampa ka noon kaya nang madulas ako akala nila ay ako ulit ikaw.”

Doon ay nagkatawanan sila. Hinding-hindi nila makakalimutan ang mga pangyayaring iyon dahil malaking bahagi iyon ng kabataan nila.

“Ayan. Perfect! Parang ako na ikaw, ate. Kahit na kambal naman talaga tayo,” tawa nito.

Pareho silang napatingin sa salamin. At doon ay nakita niya ang parehong bilugang mga mukha, russet brown eyes color, matangos at manipis na ilong at hugis pusong mga labi. Kung titingnan ay ang hirap ngang alamin kung sino siya at ito. Maliban sa buhok. Napatingala siya sa kapatid.

“Nakahanda na ang pangpakulot, for final transformation,” pagngisi nito na ikinatawa niya.

At nang matapos nga ang lahat ay halos maging sila ay napanganga nang tumapat silang pareho sa isang full length mirror. Parehong nakasuot ng A-line dress na kulay asul at headband na may ribbon na kulay pula.

“Katarina?” turo sa kaniya ng kakambal.

“Katalina?” pagsakay niya rito at tinuro ang kakambal bago parehong itinaas-baba ang mga kilay habang nakangisi at binigyan ng high-five ang isa’t isa.

“Mama? Tita?”

Nasa kalagitnaan na sila ng hagdan nang makuha ang atensyon nila ng batang ngayon ay nalilito kung sino ang mama at tita niya sa kanilang dalawa. Halos ang lahat ay napanganga at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa kung sino nga ba si Katalina o si Katarina. Maging ang mga naninilbihan sa kanilang tahanan ay napahinto sa kanilang ginagawa. Samantala, tanging ang mayordomang si Silli ang siyang bukod-tanging nakangiti sa lahat ng naroroon. At ang kanilang ina na si Jennelyn, na nakaupo sa sopa, ay napangunot ang noo, ngunit kalaunan ay nawala rin ang pagkakakunot niyon nang tuluyang makilala kung sino sa kanilang dalawa si Katalina at Katarina. Ang ama lang naman kasi ang nahihirapang alamin ang pagkakaiba nila, pero nakikilala sila nito dahil sa magkaibang mannerisms nilang dalawa. Si Katarina kasi ay mahilig hawakan ang tainga nito at siya naman ay nakagawian na ang kagatin ang kaniyang ibabang labi lalo na kung nag-iisip. Naroroon din si Vicente na tila ba sinusuri kung ano ang mayroon sa isa na wala sa isa, pero gano’n na lang ang pagkamangha dahil sa pagkakahalintulad ng dalawang babae. Kung nakalilito na nga sila kahit magkaiba ang gupit o korte ng buhok at damit, paano pa kaya ngayon na halos magkapareho silang dalawa?

“O tita? Mama?” pagturo pa nito sa kanila at tama naman ang naituro ni Angielyn, ang kaniyang anak. Pero hindi pa rin sigurado ang bata.

Nagkatinginan silang dalawa at magkahawak kamay na ipinagpatuloy ang pagbaba ng hagdanan. Parehong may nakapaskil na malawak na ngiti sa mga labi.

“Wow! Ang gaganda n’yo po!” manghang wika ng kaniyang anak sa kanila. “Paano ko po kaya malalaman kung sino po si mama o si tita sa inyong dalawa?” Nagawa pang ilagay ng bata ang hintuturo sa kaniyang baba para mag-isip habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Magkasabay silang nagkibit-balikat at ngumiti. Huwag lang kasi silang pagsalitain na dalawa dahil medyo may pagkakaiba na ang kanilang boses. Medyo matinis na malamya kasi ang kay Katarina, samantalang malamya na magaspang naman ang sa kaniya.

“Mama-lola, help me. Hindi ko po mahanap si mama at tita sa kanilang dalawa.”

Nagtawanan ang lahat nang tumakbo ang anak sa lola niya at nagpakandong.

“Okay, I will give you some clue. Look at their moles in their neck. Which has a bigger one?” ang kanilang ina habang yakap ang apo mula sa likuran at itinuro sila.

“Malaki po ang mole ni mama sa kaniyang leeg. Aha! Alam ko na kung sino sa kanila si mama.” Kumawala si Angielyn sa pagkakayakap ng mama-lola nito at patakbong tumungo sa kaniya at niyakap siya ng anak.

Pinantayan niya ang tangkad ng bata. “Good job, Angie!” bati niya sa anak at hinalikan sa pisngi na ikinahiyaw nito sa tuwa. Nagtawanan na lang ulit sila.

LULAN NG SASAKYAN ngayon sina Katalina at ang kaniyang anak kasama sina Vicente at Katarina. Tahimik lamang ang kanilang byahe nang magsalita si Katarina, “Ate, saan ninyo gustong pumunta ni Angie pagkatapos natin sa boutique?” Pagbaling nito sa kanila na nasa likuran ng sasakyan nakaupo.

Tutungo kasi sila sa isang kilalang may magagandang kalidad na patahian ng mga damit pangkasal at kung ano-ano pang kasuotan dito sa Casa Serrie, kung saan nagpagawa na nga ang kaniyang kapatid ng damit pangkasal nito. Gaya ng sinabi ng kakambal niya noong isang araw sa kanilang ama ay babalik sila rito upang sukatan silang dalawa ng kaniyang anak ng susuotin para sa araw ng kasal nito. Siya kasi ang magiging Maid of Honor ng kakambal at flower girl naman ang kaniyang anak. Hindi mo nga naman akalain ang tadhana, masyadong mapagbiro. Akalain mo ba namang masasaksihan pa niya ang kasal ng dati niyang nobyong manloloko at sa kapatid pa niya ito makikipag-isang dibdib.

“Kahit saan lang po, Tita Katarina.”

“Siya po si ate,” pamimilosopo niya sa anak. Natawa naman si Katarina doon lalo na nang panggigilan niya ang pisngi ng anak na halos ikinareklamo nito.

“Okay. Kahit saan daw sabi ni Ate Angie. Alam mo na ba kung saan natin ipapasyal ang Ate Angie natin, Love?”

“Oo naman. Ako ang bahala d’yan.”

“Yehey!” Halos magkasabay sina Katarina at Angielyn doon.

Napatawa na lang siya at nang mapadako ang kaniyang paningin sa rear view mirror ay nakita niyang nakangiti rin maging si Vicente. Pero nang tumingin doon ang lalaki ay siya namang ikinaiwas niya. Ibinaling niya sa kapatid ang tingin na kahit sa unahan ang daan ay sa kanila nakaharap. Ngumiti siya nang magtama ang kanilang mga mata.

“AY! SINO sa inyo ang ikakasal?” gulat na tanong ng lalaking sa kilos at boses pa lang nito ay malalaman mo nang may pusong babae. Napangiti silang pareho.

“Hulaan n’yo po.”

Napababa ang kanilang mga tingin nang magsalita ang maliit nilang kasama.

“Ay! May bulinggit pang kasama. Hello, beautiful girl!” bati nito.

“Hello po.”

“You’re so cute, baby girl.” Ipinagdikit pa nito ang mga palad at idinikit sa pisngi. Isa sa mga senyas ng isang tao na gusto nang matulog.

“Thank you po.” Pagngiti nito at tumingala sa kaniya. Humilig din ito sa kaniya.

“Oh, I see. Who is your mother in the beautiful ladies in front of me?” Kumikinang ang mga mata nitong tumingin sa kanilang dalawa ni Katarina. Halatang napaka-friendly nito.

“Ah, by the way, ate. He’s Ruby, my designer and the owner of this boutique. Mayroon din siyang branch sa Maynila na pinamamahala niya naman sa kaniyang kapatid na babae,” pagpapakilala ni Katarina sa kaniya sa kaharap, ang binabaeng sumalubong sa kanila, na siyang may-ari rin ng boutique na si Ruby.

“Hi. Nice to meet you, Ruby.”

“Now, I know who is who,” banat pa nito na ikinatawa nila. Napakakuwela talaga at kapag ito ang naging kaibigan mo ay paniguradong hindi mawawala ang tawanan at ngiti sa mga labi mo. “Hello, Miss Katalina. Nang ikuwento ni Katarina na dadalhin niya rito ang kambal niya ay hindi ko inaasahan na magkasing kamukha talaga kayo. Expected naman kapag sinabing kambal pero masyado akong nasorpresa. Magkamukhang-magkamukha talaga kasi kayo at ang hirap i-recognize. Kalorke! And of course, you two are the only beautiful and stunning twins with their simple blue dress I have ever seen. Para kayong international model.” Pag-abot nito ng kamay sa kaniya at imbis na bitawan ay hinawakan pa ito ng dalawa nitong mga kamay. Halos manghang-mangha sa kambal.

Pareho silang natawa nang mahina ni Katarina. “Thank you,” magkasabay pa nilang tugon.

Chương trướcChương sau