“MAMA, P’WEDE po ba akong bumili ng marshmallows?” Turo ng anak nang makita ang mga marshmallow sa stante na naroroon.
Narito sila ngayon sa isang grocery store sa bayan. Nagyaya kasi ang anak na mamili pagkagising. Mahilig kasing kumain nang kumain ang anak kaya lumulobo na ang katawan.
“Oo naman,” ngiti niya at nagdiwang naman ang anak.
Tumungo siya sa mga pagkaing may halong keso dahil paborito rin ito ng kaniyang anak. Maliban doon ay paborito rin niya ito. Hindi nawala ang pagkahumaling niya sa mga keso simula nang bata pa siya. Kukuhanin na sana niya ang crackers na may halong keso nang may taong kumuha rin niyon kaya napatingin siya sa taong iyon. Natigilan siya nang muling makita ang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayong araw.
“Katalina? Oh my gash! How are you?”
Bahagyang napataas ang kaniyang kilay nang kumustahin siya nito na para bang close sila. Hindi man lang nahiya sa ginawa nito o sabihin na lang na ‘nila’ sa kaniya noon.
“Ayos lang. Gusto mo rin pala ito?” Itinaas niya ang pagkaing kanina ay halos pag-agawan nila.
“Ahh, hindi. Hindi ako mahilig sa mga matatamis. Bilbilhan ko lang sana ang pamangkin ko.” Kumuha ito ng ilang piraso at inilagay sa basket nitong dala na pagmamay-ari ng nasabing grocery store, pero kakaiba ito dahil sa halip na gawa sa plastic o bakal ay gawa ito sa nitó.
Tumatango-tango siya. “Akala ko pa naman ay gusto mo lahat ng gusto ko.”
“Ha?” Pagharap nito sa kaniya nang bumulong siya.
“Wala. Masarap ’yan, paniguradong magugustuhan iyan ng pamangkin mo,” sagot na lang niya rito.
“Mukha nga. Ay! Kumusta nga pala kayo ni Vicente?”
Napatabingi siya ng ulo sa naging tanong nito.
“Oh my gash, sorry! Hindi pala ikaw ang fiancee niya, si Katarina, ang kakambal mo. Pero kung ako sa kaniya, ikaw na lang ang pipiliin ko kasi baka maaga siyang mabyudo.” Halakhak nito na ikinainit ng kaniyang ulo. Halatang binubuwesit ang kaniyang araw.
“Excuse me, Danica. Pero kapatid ko ang tinutukoy mo.”
“Ops! Oo nga pala. Pero ayaw mo no’n? Bagsak ulit sa ’yo si Vicente?”
‘Pag ako hindi makapigil baka dumugo ang bibig nito’t matanggal ang mga ngipin. Hindi naman bagay ang mga braces nito na nakakabit sa kaniyang ngipin dahil mas lalong naging kamukha ng puwet ng manok ang kaniyang bibig.’ mga katagang parang dumaan lang sa kaniyang utak.
“Hindi kaya sinasabi mo lang ’yan para kunsintehin ang sariling kahit anong gawin mo ay hindi mapapa sa ’yo si Vicente? You like him, right? Kahit hindi mo sabihin, I sense it. Kaya siguro ginawa mo ang lahat noon dahil nagbabasakali kang mapikot mo siya at maagaw sa akin, hindi ba? Nanalo ka naman siguro, hano? Pero bakit ngayon sa kamukha ko pa rin siya bumagsak? Hindi ba epektibo?”
Mabilis niyang nainsulto ang kausap at nag-alab na lang bigla ang mga mata nito sa galit. Kulang na lang ay labasan ito ng maitim na usok sa ilong. Pero kaagad din nitong kinalma ang sarili at nakahalukipkip ang mga brasong lumapit sa kaniya.
“Kamukha mo? Hindi ka ba natatakot sa mangyayari sa kapatid mo? Paano kung minahal siya ni Vicente dahil kamukha mo? He doesn't love her because she is she and not you. I couldn't see it to happen. At paano pa kaya kung malaman niyang naging kayo? Kawawang, Katarina.” Umiling-iling pa ito.
Natawa siya sa sinabi nito na halos hindi ito makapaniwala sa naging reaksyon niya. Pero sa loob niya ay kinakabahan na talaga siya. Iyon ang pinakainiiwasan niya sa lahat. Hindi niya inisip ang sinabi niya kanina, pero paano nga kung totoong minahal ni Vicente ang kapatid dahil kamukha niya ito? Hindi. Mali pa rin kasi iba naman ang tingin ni Vicente sa kaniya kumpara sa kapatid niya. Grabe kasi kung mag-alala ang lalaki pagdating sa kapatid niya. Basehan na siguro iyon para sabihing espesyal ang kaniyang kapatid sa lalaki.
“Gusto mo si Vicente? Go! Kunin mo siya. Akitin mo siya para tumahimik ka. Nagawa mo nga noon, ’di ba? Kung, kung nagawa mo nga. Pero ito ang tatandaan mo... kung ano man ang mangyari sa kapatid ko, hahanapin kita. Hahanapin ko kayong dalawa. Tama nang sinaktan ninyo ako noon, pero ang lait-laitin mo ang kapatid ko sa harapan ko ngayon? At saktan n’yo din kagaya ko? Hindi ko kayo mapapatawad doon.”
Hindi niya alam kung talagang pagkakataon talaga ang nagpaharap sa kanila o sinasadya talaga ng babae na lumitaw sa harapan niya? Sa dinami-rami nga naman kasi ng tao sa Casa Serrie ay bakit ito pang kalandian lang ang ambag sa mundo ang nakasalubong niya?
“Katalina, kung iniisip mo na gagawin ko iyon ulit nagkakamali ka. Kung mayroon man sa ating dalawa ang magiging dahilan ng pagwasak ng kapatid mo, ikaw iyon. Vicente still into you afterall.”
Naningkit ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. At matapos iyong sabihin ay iniwanan siya roong punong-puno ng palaisipan. Anong klaseng kahibangan ba ang lahat ng sinabi ng babaeng iyon?
“Ate, what do you think?”
Itinaas ni Katarina ang A-line dress na kulay rosas at idinikit ito sa kaniyang katawan para matingnan kung bagay ba sa kaniya o hindi. Kahit nakita niya naman iyon ay nawalan siya ng imik dahil mas nangingibabaw sa utak niya ang sinabi ni Danica—ang kaklase noon ni Vicente na siyang nakita niyang kahalikan nito sa abandonadong silid o imbakan ng mga sirang gamit sa kanilang paaralan.
“May tao ba riyan? Hello, ate?” Kinaway-kaway ni Katarina ang kamay nito sa harap niya at doon ay natauhan siya.
“Katarina, bakit?”
“Sinasabi ko na nga ba, e. Narito ka nga kasama ko pero ang layo ng iniisip mo. Sino ba iyan, ha? Lalaki ba?” pagnguso nito ngunit sandali lang iyon nang pumulupot ito sa braso niya at ngayo’y ngiting-ngiti na sa kaniya.
“Wala lang. May bigla lang kasing pumasok sa isip ko. At saka kung lalaki lang naman ang dahilan ay huwag na, ’no!”
“E, bakit kasi ang bitter-bitter mo na e hindi naman lahat ng lalaki manloloko. Why not to entertain some man that knows their responsibility when it comes to love and to the women they loved, katulad ni papa, ni Vicente.”
Halos mapairap siya nang mabanggit nito si Vicente.
“Maybe not for now. Kay Angie ko muna ibibigay ang buong atensyon ko. Kailangan kong maging praktikal dahil may anak na ako—in short, responsibilidad muna bago ang sarili. Ang mga lalaki naman kasi nandyan lang ’yan at ang dami nila sa mundo kaya hindi ako natatakot na maubusan. Kung para talaga siya sa akin, para siya sa akin. He can wait for me if we really destined to be together.”
‘At kung p’wede nga ilayo ka sa lalaking iyon ay baka matagal ko na ring ginawa dahil mas marami pa d’yang mas deserve sa ’yo. Bakit kasi siya pa ang minahal mo, Katarina?’ Gusto man niyang isatinig ang mga huling katagang iyon ay nanatili na lang iyon nakakulong sa kaniyang isip.
Sa ngayon kasi ay wala na siyang magagawa pa kundi suportahan ang kapatid. Iniingatan din niya si Katarina na hindi masaktan dahil sa kondisyon nito.
“Alam mo, ate. Ibang-ibang ka na talaga. Kahit magkambal tayo, kahit na minuto lang ang itinanda mo sa akin, minsan ay para bang hindi ko matarok ang iyong mga iniisip.”
Kinuha niya ang kamay sa nakapulupot na mga kamay ng kapatid, hinarap at hinawakan niya ang mga balikat nito. “Hindi kailangan na malalim ka mag-isip o mababaw. Ang mahalaga lang naman ay nauunawaan mo ang nga bagay-bagay. Hindi mo na kailangan pang abutin ang mga bagay na hindi na kaya at limitado na dahil ikaw lang din ang mahihirapan. ‘Be contented in life’ ika nga.”
Malaki naman talaga kasi ang ipinagkaiba nilang dalawa ng kakambal niya. Dahil hindi nito nakikita ang sitwasyon sa labas ng bahay at tunay na lagay ng mundo. Kung ano lang kasi ang maisip nito ay siyang sasabihin o gagawin. Basta ba alam nitong tama naman iyon. Samantalang siya ay subok na ng buhay. Halos nasubukan na rin ang lahat at natuto. Katarina learned the importance of life because of her sickness while her, she learned the essence of it through experience and being a witness of the real situation of the world. They were both suffered but one of them was limited. Para bang, isa sa kanila ay kailangang manatili lang na kalma at ang isa naman ay siyang susulong sa madugong digmaan.
“Thank you, ate. Thank you for being my twin and being the best sister.”
Napakunot-noo siya sa sinabing iyon ng kapatid. Ano naman ang ipinagpapasalamat nito’t biglaan naman iyon?
“How I wish that I have a normal life like you so that I can learn everything naturally. Kaya nagpapasalamat ako na kahit ipinagdamot sa akin ng mundo ang buhay na normal, sa pamamagitan ninyo ay para ko na ring naranasan ang lahat ng ito. Marami akong natutunan sa inyo, lalo na sa ’yo. Dahil bata pa lang tayo ikaw na ang pumupuno ng mga kulang sa buhay ko. Kaya wala na nga akong hihilingin pa, ate. I love my life even my heart is weak. You are the one who teach me on how to be contented despite of everything.”
Nanubig ang mga mata niyang hinaplos ang mga pisngi ng kakambal. Kahit magkaiba man ang sakit na nararanasan nila at dahil pinagbigkis na sila ay ramdam nila ang kapunuan sa pamamagitan ng isa’t isa, ang sandigan sa tuwing ang isa ay nahihirapan. Sila na ang magkakampi simula nang una. Kahit pinaghiwalay man ay walang ipinagbago.