CHAPTER 54: The willpower

Avery

Habang tinatahak ng aking mga paa ang daanan ay hindi ko maiwasan ang kaba. What kind of place is this? Puro mga kakahuyan ang aking nakikita.

Alam kong malayo na kami ni Tachi ngunti pakiramdam ko ay parang nasa likuran ko lang ang mansion and it gives me goosebumps. Bawat kaluskos o anumang ingay sa paligid ko habang naglalakad ay natatakot na ako.

What if biglang lumitaw ang mga tauhan ni Haize? What if magpagkamalan akong kalaban at barilin ako? Huwag naman sana. Okay lang sa akin of they drag me back to that hell hole but I'm not risking my son's safety.

Sinulyapan ko si Tachi. Nakapikit ito at tulog na tulog. He's still three months and yet he's bigger than the normal three months old. Alphas tend to grow up faster than betas and omegas. I want Marius to meet him. He will be happy when he meets him. There will be three alphas in the family. Achin and I are omegas. We will be one big happy family.

Naisipan ko munang magpahinga. Makirot pa rin ang bahagingniyon ng aking katawan dahil sa demonyong Haize na iyon. Plus hindi pa gumagaling ang hiwa sa aking tiyan na siyang nagpapahirap sa akin sa paglakad. Naghanap ako ng mapagtataguan at doon muna magpapahinga. Sa aking paglinga-linga ay nakakita ako ng isang malaking puno. Pumunta ako doon at naupo patago sa malaki nitong katawan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa tindi ng pagod at sa sakit na aking naramdaman. Nagising na lang ako ng may naramdaman akong malamig na bagay na dumaan sa aking paa.

"Where the hell is that omega?" narinig kong may nag-salita mismo sa harapan ng punong aking pinagtataguan.

"He tricked us. Kung hindi pa pinabuksan ng Boss ang pintuan ng kanyang silid ay hindi pa natin alam na tumakas ito. Hindi pa iyon nakakalayo at kahit tumakas man siya, maraming mababangis ng mga hayop at makamandag na mga ahas ang nakatira rito. Malas na lang niya kung alin sa dalawa ang unang makakita sa kanya," sagot ng isa pa.

"Tara na. Sabihin na lang natin kay boss na nilapa na ito ng hayop baka imbes na makabalik tayonng buhay, maaring hindi na kapag nakita tayo ng lintek na Task force na iyan," sabi ng isa.

Hinintay ko muna silang makaalis saka ako lumabas sa aking pinagtataguan at nagpatuloy sa paglalakad.

Shoot, alam na ni Haize na nakatakas ako. At pinaghahanap ako ng kanyang mga tauhan. Hindi ko na rin alam ang oras. Ang mahalaga ay makalayo ako sa kanila. Whatever that cold thing that wakes me up, I thank it with all my heart.

It's probably around nine or ten in the evening noong magising si Tachi at nagsimulang umiyak. Muli akong huminto upang ipagtimpla siya ng gatas. Ginamit kong tanglaw ang liwanag ng buwan sa pagtimpla ng gatas niya. At pagkatapos ay muli akong naglakad habang dumedede siya sa feeding battle habang pahiga ko siyang karga.

I walk and walk and walk. Wala akong particular na direction since I don't have any idea what this path will lead me. There's something keeps on telling me to follow the path and don't stray away from it.

Umingit si Tachi. Ganitong oras ito nagigising kapag gabi at nakikipaglaro na ito sa akin. At dahil walng ilaw at tanging tanglaw lang ng buwan ang aking gamit, patingin-tingin lamang si Tachi sa palagid habang nagta-thumpsuck pagkatapos makapag-burb.

Kung hindi lang tumindinang sakit ng aking tahi at muling napagod dahil sa mga dala-dala ko ay hindi ako magpapahinga.

"Tachi, mommy's tired," sabi ko kay Tachi habang nilalaro-laro siya which earned me a giggle from him. "We need to rescue daddy so that we'll still be a complete family. Daddy, me, big brother Cameron, you, and little brother Achi. Daddy and I needed to give you a proper name with little Achi. So be quite my little darling or else the bad guys will see us," mahinang sabi ko sa kanya as he understands me.

Muli ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Alam kong palalim na ng palalim ang gabibat kailangan ko ng magpahinga. I haven't drank any pain-realiver dahil nakalimutan kong magdala.

To ease the pain, nagsimula akong magkwento kay Tachi as like he understands me.

"You know, son? I was a big idiot back then when I was younger," sabi ko sa kanya habang hinihimas-himas ang likuran niya. I'm starting to feel cold dahil pumasok na ako sa mas makapal na kakahuyan. To ease the cold, I hug Tachi. Alam kong kahit makapal pa ang suot niyang onesie, still, baby pa rin ito at mabilis lamigin kesa sa adult na katulad ko. "If only I tried to understand your dad back then, I wouldn't have you and Achi. I ran away from him and fell in love with his best friend to hide from him when he was looking for me and your big brother. Then as fate played with me, your real father, Sebastian, cheated on me with his real fated mate," natatawa kong sabi. "Serves me right? Yes?" sabi ko pa. "But I was pregnant with you and little Achi when I decided to leave him. To my surprise, I met your daddy Marius in the airport and once again, fate played again with me. Tinanggap nya ako at kayo. He even imprinted his genes to you two. If there's one person who deserves to be your father, that would be him. I love him so much. And I'm glad it wasn't too late yet," sabi ko pa.

Coocoo.

Napatingin ako sa ere. Nakita ko ang isang owl na pumapagaspas ang kanyang mga pakpak habang nakatingin sa akin. It was pure white and it's feathers were illuminating the moon's light rays. As if that owl is glowing. Palipad-lipad lang ito at minsan ay dumadapo sa isang sanga na para bang naghihintay sa akin. At kapag malapit na ako sa kinaroroonan niya, lilipad ito at liligon-lingon sa akin as if it wanted me to follow it.

Nakipagsapalaran ako. What if fate sent this nocturnal bird to be my guide? Hindi naman siguro masama ang magbakasakali, hindi ba?

Ilang oras pa ang aking nilakad at naririnig ko na ang mahihinang boses ng mga taong nag-uusap.

"Owl wait! Are you leading me to the enemies' lair?" tanong ko sa kanya as if it understands me.

"Cooooooooo" sagot nito sa akin na nagpatuloy pa rin sa paglipad papalapit sa mga boses ng tao.

Bumuntong-hininga ako. I'm sure that owl won't lead to danger, right?

Hanggang sa dumapo ang owl sa isang sanga kung saan malapit na ito sa mga boses. Tumingin ako sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad bago hinawi ang mga talahib na naroon para lang makita sa Cole na nakatayo at nakatingin sa direksyon ko.

"Jade?!" gulat na gulat niyang tanong. "Christ! Is that you!?" sabi pa niya bago niya ako nilapitan.

"Take my son, please," sabi ko sa kanya bago ako nawalan ng ulirat.

"This is the Marius' mate?" narinig kong tanong ng isang lalaki.

"Yes Sarge," narinig kong sagot ng boses ni Cole.

"He doesn't look good. Take good care of him, Cole," sabi pa ng isa. "We need to contact Marius' team ASAP," sabi pa nito.

"We lost contact with them, Sarge. Tanging ang GPS Tracker na lang ang natitirang pag-asa natin. Marius' tracker is moving and he is still alive. Papunta na sila sa hideout ni Haize," sabi ni Cole.

Bahagya kong iminulat ang aking mga mata upang makita ang sinasabi ni Cole. Nakita ko nga siyang may hawak na tablet at ito marahil ang ginagamit niyang pang-tracked kina Marius. I don't need that. Alam ko na ang daanan pabalik sa mansion. Ito ang daanang dinaanan ko kagabi. All I needed to do was look for that path and run as fast as I could.

"Malapit na ang kanyang team sa hideout, Sarge," narinig kong sabi ni Cole.

"Shit! That must be a trap!" sagot ng Sarge.

Bigla akong bumangon at walang sabi-sabing tumakbo palabas sa kubong kinaroroonan ko.

"Jade! Wait!" sigaw ni Cole na humabol sa akin.

I don't have time! Marius will die! I need to warn him. Haize knew I escaped and he also knew that Marius would come for me. At hindi ako papayag na magtagumpay ang demonyong iyon! No! Never! Wala rin akong pakialam kung magkasugat sugat mana ng aking mga paa sa mabatong daanan na iyon. Ang mahalaga ay mailigtas ko ang aking mate!

Lakad-takbo ang aking ginawa. Hindi ko alintana ang sakit na aking mga paa, tiyan at ulo. Pakiramdam ko ay biglang naninigas ang aking mga muscles but it didn't stop me. I need to find him before Haize gets him first.

Ilang sandali pa ay nakikita ko na ang bubong ng mansion na tinitirhan ko ng ilang buwan. I can feel that my body is giving up due to exhaustion but I don't care. Pinilit kong gumalaw kahit na hinang-hina ang aking pakiramdam.

"Move! We need to move ourselves or else Marius will be in danger!" sabi ko sa aking sarili. "Come on! Move!"

Maya-maya ay narinig kong may nagsasalita.

"Did you contacted them?" narinig ko ang pamilyar na boses na iyon na hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.

"Sorry, sir. The radio is broken," sagot ng kausap nito.

"Damn it. We're here. We need back up, right now," sagot niya.

Pinilit kong humakbang kahit na naninigas na ang aking mga paa refusing to move kahit anong galaw ang aking gawin. At ng sa wakas ay nakita ko si Marius, na nakatalikod sa akin at sa bahay ay hindi ko napigilan ang matinding tuwa.

"Marius!" tuwang-tuwang tawag ko sa kanya na pinilit kong igalaw ang aking katawan patakbo sa kinaroroonan niya.

Lumingon siya sa akin at nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.

"Jade!" tuwang-tuwang sabi niya.

He spread his arms wide to catch me as I threw myself on him.

"Marius. I missed you," mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya.

"You don-"

Bang!

Naramdaman ko ang bagay na iyon na tumama sa aking likuran. It was so fast. The pain suddenly erupted within me. Napatingala ako kay Marius at nakita kong balisang balisa ito habang nagsasalita ngunit hindi ko naririnig ang sinasabi niya. I saw his comrades pulling their guns and firing at their will.

"Jade! Talk to me baby! Please! Please! Please!" natataranta niyang sabi habang hawak-hawak ang aking ulo.

"M-Mar-ius," sabi ko sa kanya bago ako nilamon ng kadiliman.