CHAPTER 38: Avery’s safety

Avery

"Jesus Christ, Jade," sabi sa akin ni Ate ng makita kami ni Cameron at Marius matapos niya kami mapagbuksan ng pintuan.

Biglaan ang pagpunta namin doon kung kaya nagulat ang ate.

Pagkatapos naming nagpahinga sa bahay ni Cole ay nagpasya si Marius na dalhin ako sa sa Bramix kung nasaan ang aking ate.

"I'm sorry Belle but I need to keep Jade and my son here until they are safe to go back to Bree," sabi sa kanya ni Marius.

"It's okay, your grace. They will be safe here," sagot sa kanya ng ate.

Matapos ang mga halik at mga katakot-takot na salitang ibinilin ay umalis na si Marius. Kami lamang ang nakakaalam na narito kami. As for Gaynell, inuwi siya ni Cole sa mga magulang nito kung saan alam niyang ligtas ito mula kay Haize.

"Tell me everything starting from the beginning of why are you and Marius again," nanlalaking mga matang tanong sa akin ni ate habang nagtitimpla ito ng gatas. Wala doon ngayon ang partner niya dahil na sa ibang bansa ito.

"Sebastian cheated on me with his fated mate and then I met Marius again. Tinanggap nya kami and now he imprinted his genes to the twins," sagot ko sa kanya. Wala talaga ako sa mood magsalita ngayon dahil sigurado akong papagalitan lang ako nito.

"So I see, at the end, kayo pa rin talaga dalawa ni Marius huh?" sabi sa akin ni Ate. "He seems to have changed compared to the last time I saw him," sabi pa niya.

Ngumiti ako.

"Yes he did," sagot ko sa kanya. "Sabi niya he had this bipolar severe syndrome back then kung kaya lagi niya akong sinasaktan. Wala akong masabi sa kanya nagyon ate. Plus tinanggap niya ako muli sa kabila ng pagkakaroon ng anak kay Sebastian," sabi ko sa kanya.

Tumitig sa akin si ate.

"Does he know about it? Alam ba niyang buntis ka?"

Tumango ako.

"He knows. That's why he wanted me back. I heard that some guy named Haize is backing him up. And now, Marius and I don't have a choice but to hide me and my son," sagot ko sa kanya.

Niyakap ako ni ate at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag-alala.

"Don't worry. Walang makakaalam na nandito ka. You're even free to go outside since all omegas regardless of gender are required to wear abaya and face cover. Walang makakakilala sayo kapag isinuot mo ito. Bukas na bukas ay bibili agad ako," sabi pa niya.

"Thank you, Ate. Hindi ko alam kung saan kami ng anak ko pupunta kung wala ka. Marius is suspecting that one of his men is Haize and Sebastian's eyes," sabi ko sa kanya.

"Sabi ko nga, ako na ang bahala sa iyo. You're my precious little brother. At saka ibinilin ka ng mama sa akin noon. So rest assured that I will protect you now matter what," nakangiting sagot niya.

Mabilis akong nakatulog ng gabing iyon. Si Ate na mismo ang ang naghanda ng aking higaan at tinulungan na rin niyang bihisan si Cameron since mabilis na akong mahapo dahil sa bigat na rin ng aking tiyan.

"Maaga akong aalis bukas. Isasarado ko ang bahay. Huwag na huwag mong bubuksan kapag may kumatok ha?" bilin ni Ate sa akin.

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Wala pa rin si ate at tulog na tulog pa si Cameron. Nagpasya akong gumawa ng agahan ng aking anak habang tulog pa ito. Baka maya-may ay narito na rin ang ate.

Sinilip ko ang mga cabinet upang humanap ng pancake mix na siyang gagawin kong pancake. Mahilig sa pancake si Cameron lalonna kapag maraming syrup. Nakahanap ko ng isang box sa pangalawang cabinet na binuksan ko. Magsisimula na sana akong gumawa ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si ate na may dala-dalang shopping bags.

"What are you doing?" tanong niya.

"Gagawa sana ako ng breakfast ni Cam, Ate," sabi ko. "Mukhang marami iyang binili mo," sabi ko pa.

"Ako na ang gagawa niyan. Jusko, Jade. Hindi ka ba nahihirapan sa laki ng tiyan mo? Baka mapano ang mga pamangkin ko. Hala, umupo ka na muna sa sala at i-check mo yung binili kong abaya. Bumili na rin ako ng mga damit ng mga baby mo at gamit pag nanganak ka na," sabi pa niya matapos niyang ilapag sa sala ang mga nabili niya at pinuntahan ako agad.

Inagaw niya sa akin ang pan at ang bowl na sana ay gagamitin ko.

Naupo ako sa sofa at iniisa-isang binusisi ang mga lamang ng paper bag.

Lahat ng mga biniling damit ng ate na pang newborn ay puro match. Bawat kulay ay dalawang set ang binili niya. May mga feeding bottles pa at mga iba pang gamit na kakailanganin ng bagong silang na sanggol.

"Thank you for the clothes ate," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Wala iyon," sagot niya sa akin. "As long as you give me at least ten nephews, hindi ako magsasawamg bilhan ng mga gamit ang mga magiging babies mo," natatawa niyang sabi habang nagfi-flip ng pancake sa pan.

"Hindi ko na yata kaya iyon, Teh," sabi kong natatawa. "Maybe after the twins, one more and then I have some birth control," sagot ko sa kanya.

"You know what, Jade, you really looked like mom," sabi niya sa akin.

Hindi ko naabutang buhay ang aming parents. Sabi ni ate ay naaksidente sila kasama ang nakakatanda naming kapatid. I was a baby back then. Si ate lahat ng nagpalaki sa akin at siya na rin halos ang tumayo bilang aking magulang.

"Good morning Tata Bell. What are you cooking?" tanong ng bagong gising na si Cameron. "Good morning too Mommy," bati niya sa akin.

"Morning," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Your favorite, young man," sagot ni Belle sa tanong niya.

"Pancake? I want lots of syrup Tata," excited na sabi ni Cameron at saka agad na dumalo sa lamesang nilagyan ni Ate ng isang pinggan ng pancake at maligamgam na gatas.

Matapos mag-thank you ni Cameron sa kanyang Tita ay lumapit sa akin si Ate at ipinasukat nito ang biniling tatlong abaya na may iba't-ibang kulay.

"Kailangan ko pa bang isuot ito?" tamong ko sa kanya habang tinatali niya ang klikpd ng aking ulo ang face cover na pares at kakulay ng abaya. Tanging ang mga mata lamang ang nakikita.

"Ito nga ang importante Jade upang hindi ka makilala ng sinuman. Sabi ko nga safe na safe ka kahit lumabas kapa dahil na nakakubli ang mukha mo," sagot niya sa akin.

"Parang nahihirapan akong makahinga ate," sagot niya sa akin.

"Tiisin mo. Masasanay ka rin. May binili rin ako para kay Cameron," sabi niya.

"Ha? Bakit pati si Cameron?" tanong ko.

"Because we need to hide him as well. In that way, pwede tayong lumabas ng walang nakakaalam kung sino kayo," sagot niya.

Hindi rin naman tumanggi si Cameron nang tanungin ko siya.

"See? With me, you are safe," nakangiting sabi ni ate.

Confident akong lumabas kasama ang ate at si Cameron. Maging sa check up ay hindi rin ako nakikita ng Beta na doctor na kaibigan ng ate.

"The twins are healthy," nakangiting sabi nito kay ate. "Is this omega your wife?" tanong pa nito.

"Yes," sagot ni Ate.

Pinandidilatan ko siya ng mga mata ng pasikteto ngunit pinanglalakihan niya lang ako ng mata giving me a warning not to say any words.

"Ah, congrats," sabi nito sa kanya bago ibinigay kay ate ang form kung saan isinulat niya ang ibang pangalan instead of my real name. "In a month and two weeks, makikita mo na ang babies mo, Ivy," sabi pa nito.

Muli akong napatingin kay ate.

Ivy? Her name is Ivy here?

Ito naman ang kumindat sa akin.

Pagkatapos naming magpacheck up ay sumakay n kami ni Cameron sa kotse ni Ate.

"Ivy? Seriously ate?" tanong ko sa kanya.

"Well, I always like the Ivy name so," natawa niyang sabi. "I use the name here," aniya pa.

Nagulat ako ng ihinto ni ate sa isang tabi ang kanyang kotse kahit malapit na ito sa apartment niya.

Nakita kong nakatingin siya sa bahay. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong may dalawang lalaking nakasuot ng kaswal na damit ang nakikipag-usap sa kapit-bahay ni ate.

Namukhaan ko ang isa sa mga ito.

"Ate, yung lalaking kalbo, isa iyan sa mga royal guard ni Marius," sabi ko sa kanya. "But what is he doing here?" takang tanong ko.

"Damn it. We have to move out of that house," sabi ni ate. "Nasundan kayo dito ," sabi pa niya.

Muling pinaandar ni ate ang sasakyan niya paalis sa lugar na iyon.

"I'm sure hahalughugin nila ang bahay. So better we leave now," sabi pa niya.

"Pero saan tayo pupunta?" nag-aalalang tanong ko at nagsisimula na naman akong niyerbyusin.

"Ako na ang bahala doon. Huwag kang kabahan. Alalahanin mo ang pinagbubuntis mo," sagot ni ate. "Use my phone. Sent a message to Marius. Tell him that I'm taking you away since you have been tracked down," sabi niya.

Agad kong kinuha ang smartphone ni ate at saka nagtipa ng mga salita sa keyboard at pagkatapos ay sinend ko ito sa numero ni Marius.

"Brace yourself. This will be a long ride," sabi niya pagkatapos kong ibalik sa dashboard ang kanyang phone.

Huminto muna kami sandali upang magpalit ng abaya si Ate. She said we are safe as long as nakatakip ang aming mga mukha. All we need to do is show our fake IDs as omega.

"I don't really know why this guy helping Sebastian is also wanting to bite you. Do you even know who is he?" tanong niya sa akin habang nagda-drive.

"No, I haven't. I don't even know who the hell Haize is. But Marius said he used to be his and Sebastian's friend back when they were young. After being abducted for about a month, Haize came back a changed person. He said that he was supposed to be the king but he declined the crown and then disappeared and reappeared as a successful businessman. I don't really know why he is helping that bastard but I know Marius will protect me," sagot ko sa kanya.

"Something is odd about this situation and the sudden appearance of that Haize guy. I feel like he's using those two alphas against each other," sabi ni ate.

Could it be?