Chapter 73 Potions
Pearl's Pov
Ito na ang araw, ang araw na tatapusin ko na ang lahat sa amin ni Dwight. Yeah, mahirap pero kailangan kasing gawin, and buo na rin ang desisyon ko na alisin na sa kaniya ang gayumang napainom namin.
"Ang init init talaga sa lugar na ito..." angal na naman ni Whiskey.
Ganito na naman siya noong time na nagpunta kami sa lugar na ito.
"Kailangan mong mag-tiis bakla ka, kailangan natin gawin 'to kasi tayo naman ang nag-simula nito." kontra sa kaniya ni Bianca.
In fact, need talaga nilang sumama sa akin 'no. Sila kaya ang dahilan kung ba't napunta kami ni Dwight sa ganitong sitwasyon.
"Huwag na kayong magtalo, malapit naman na tayo eh." suway ko sa kanila at thank you naman kasi tumigil sila.
Tagaktak na rin ang pawis namin nang makarating kami sa shop. Wala kasing dumadaan na sasakyan rito kaya napilitan kaming mag-lakad kanina.
"Ah, Ate? Pwede ka po ba naming makausap?" pagtatanong ko sa counter.
Noong una, napataas ang kaniyang kilay dahil siguro akala niya may kasalanan siya sa amin kaya tinatarayan niya kami.
"Ah kayo ba 'yong tumawag na may problema sa librong nabili niyo rito?" ayon, sa wakas... Napagtanto na rin niya kung bakit kami narito.
Sabay sabay naman kaming tumango.
"Oh sige, tara roon sa office. Naroon si Lola, siya kasi ang may-ari nang shop na ito." aniya.
Napakunot naman ang aking noo. Sino kayang lola ang tinutukoy niya? Iyon kayang lola na sumabat sa usapan namin noon rito sa may counter?!
Sumunod lang kami sa kaniya papuntang office nang sinasabi niyang lola.
Pagka-open niya nang pinto bumungad sa amin ang isang matandang babae, pero hindi siya iyong lola na tinutukoy ko noon na sumabat sa usapan namin.
"Lola sila po ang tumawag sa atin noon na may problema raw sa nabili na libro rito..." wika no'ng babae na nasa counter.
"Okay, sige pumasok kayo rito..." utos niya na agad rin naman naming sinunod dahil pumasok kami sa loob.
Nag-senyas siya roon kay Ate na pwede na siyang umalis kaya lumabas naman ito at tanging kami na lang ang naiwan.
"So what's the problem? Spill it mga bata..." medyo masungit siya kasi sa tono pa lang nang kaniyang pananalita'y halata mo na sa kaniya na madali lang siyang mainis.
Nagkatinginan kaming tatlo... "Ah ano po kasi, mahirap man pong paniwalaan pero iyong nabili po kasi naming Book Of Love Spell ay gumana po siya..." bukod sa mainit rito sa office niya, pinagpapawisan na rin ako dahil sa kaba kasi nakakatakot iyong mga tingin niya sa akin habang nagsasalita ako.
"Paanong gumana? Spill niyo nang mabuti kasi hindi ko maintindihan ang point ninyo. By the way, nasaan ang libro?" nagkatinginan na naman kaming tatlo bago ko kinuha ang aking bag sa aking likuran para kunin roon ang librong dinala ko, the Book Of Love Spell.
Nang maiabot ko sa kaniya ang libro'y nakita ko na hindi na siya mapakali sa kaniyang kinauupuan.
"Paanong napunta sa inyo ang librong ito?" tanong niya habang matalim na nakatingin sa amin.
"Bakit po? May problema po ba sa librong iyan?" si Whiskey naman ngayon ang nagtanong.
"May alam po ba kayo sa past nang librong iyan?" tanong naman ni Bianca.
"May ginayuma kayong lalaki tapos tumalab sa kaniya? Tama ba ako?" mapanuring tanong niya.
Ilang beses pa akong napalunok nang sarili kong laway bago sagutin ang kaniyang tanong.
"O-opo, gumawa po nang gayuma ang mga kaibigan ko nang hindi ko man lang alam, tapos napainom ko po iyon roon sa lalaking gustong gusto ko. Pero accidentally lang naman po iyon kaya we're here para maghanap nang pangontra roon sa gayuma..." I said habang pinaglalaruan ang aking mga daliri.
"History repeats itself!" nakangisi niyang saad habang binubuklat ang libro. "Bago ka maghanap nang lunas sa gayumang napainom mo, hanapin mo mismo ang sagot sa lalaking iyon. At kapag wala kang nakuhang sagot galing sa kaniya... Here kunin mo 'to," inabot niya sa akin ang libro kaya kinuha ko naman iyon, "... gawin mo ang lahat nang lunas na nariyan, all the potions na nandiyan, gawin ninyo then ipainom niyo sa kaniya ang lahat nang iyon, and kapag wala pa rin nangyari. Huwag ka nang gumawa nang panibagong potion dahil ang totoong sagot ay sa kaniya mo lang makukuha, siya ang tanging may alam kung ano ang sagot sa mga tanong mo..." sa kahuli-hulihang pagkakataon, naging seryoso ang kaniyang mukha. "... ano man ang maging resulta, bumalik ka rito at may sasabihin ako sayong mahalagang bagay tungkol sa kasaysayan nang librong iyan. Ipinapaubaya ko sayo ang librong iyan ngayon, pero kapag nagawa mo na ang nararapat mong gawin ibalik mo sa akin ang librong iyan at ako na ang bahala para sa susunod na henerasyon..." dagdag niya pa.
Gulong gulo ang aking isipan, pilit kong iniintindi ang kaniyang punto kahit na hindi ko talaga maintindihan.
"Promise po, kahit na ano ang maging resulta, babalik ako rito sa inyo Lola. Salamat po sa inilaan niyong oras..." ani ko.
Mas gugustuhin ko nang umalis rito, parang nasu-soffocate ako rito sa oofice na ito.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan tsaka hinila ang dalawa kong kaibigan habang hawak hawak pa rin ang libro na pinagsimulan nang lahat nang nangyayari ngayon.
Pinihit ko na ang door knob at akmang bubuksan na ang pinto pero natigilan ako dahil nagsalita na naman siyang muli. "Ihanda mo ang sarili mo Hija, sure ako na ngayong araw na ito'y mahahanap mo na ang lahat nang sagot na hinahanap mo. Break a leg..." aniya bago ko siya lingunin, at pagka-lingon ko sa kaniya, nakangiti na siya sa akin nang matamis. Ba't ang gulo nang ekspresyon niya? Bipolar rin 'ata si Lola...
'Sure ako na ngayong araw na ito'y mahahanap mo na ang lahat nang sagot na hinahanap mo'
Paulit ulit iyan na tumatakbo sa isip ko... Pero sana nga, sana masagot na ang lahat nang tanong ko, pero isa lang naman ang hinahanap ko, potion para mawala na kay Dwight ang bisa nang gayuma... Iyon lang ang sagot na hinahanap ko't wala nang iba!
"Eh kailan natin papupuntahin si Ddwight rito?" tanong ni Whiskey habang hinahalo ang potion na ginagawa namin. Nagmumukha na kaming mangkukulam dahil sa ginagawa namin ngayon... Mabuti na lang at nasa work pa si Mom kaya malaya kami sa kwarto ko na gawin ang lahat nang gusto naming gawin...
"Kapag nagawa na natin ang lahat nang potion na nariyan..." sagot ko, habang si Bianca naman ang taga-basa kung ano ang next na gagawin namin.
Kagaya nang sabi ni Lola kanina, gawin ang lahat nang potion at ipainom sa kaniya, at iyon ang gagawin namin for pete's sake!
"Ready ka na bang alisin kay Dwight ang gayuma?" nasa akin ang tingin niyong dalawa.
"That's the purpose kung bakit tayo pumunta roon sa mainit na lugar at kung bakit tayo gumagawa nang potions ngayon, 'di ba?!" hindi man nila sabihin sa akin, alam ko na nag-aalala sila para sa akin. But, no one can change my mind, buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa kahit na ano pa ang mangyari.
Pabalik-balik ako sa Inhale at Exhale dahil kinakabahan na talaga ako. Ilang ulit ko rin na tinanong ang sarili ko kung handa na ba ako pero ang sinasabi nang isip ko'y gawin ko ang tama. At iyon naman talaga 'di ba, right is always right. Sa bawat oras, mas piliin na gawin ang tama kaysa ipagpalit ang tama sa isang malaking mali.
"And'yan na siya..." kinakabahan na wika ni Whiskey dahil grabe ito kung pagpawisan.
Pagkatapos kasi naming ilagay sa mga bote nang juice ang mga potion na ginawa namin ay agad na tinawagan ko si Dwight para mangyari na ang nararapat na mangyari.
Pagod ako dahil sa paglilinis sa pinag-gawaan namin nang potion's pero mas nangingibabaw ang kaba sa aking dibdib
"Miss mo na naman ba ako kaya pinapunta mo ako ngayon rito sa bahay niyo Honey? Hmm, ang sweet mo talaga..." bungad niya sa akin nang maka-pasok siya rito sa kwarto ko.
Bahagya pa niyang sinusundot sundot ang aking tagiliran.
"Huwag ganiyan, malakas ang kiliti ko sa baywang..." Natatawang sabi ko sa kaniya pero ang kaba ay narito pa rin sa aking dibdib.
"Aminin mo muna na miss mo ako..." hindi pa rin talaga siya tumitigil sa pangingiliti sa akin.
Napabuntong hininga muna ako bago ko siya tinignan mata sa mata, "Oo na, miss na miss na kita! oh happy na?!" nag-thumbs up pa ako nang tanungin ko siya kung happy ba siya parang iyong mga nauuso ngayon.
"Ayiee, nakakakilig naman ang Honey ko." napahinto muna siya sa pagsasalita nang dumako ang kaniyang mga mata sa mga potion na nasa coffee table. Sana lang ay hindi siya magtaka dahil sobrang rami talaga nang ginawa namin para ma-secure na matatanggal talaga sa kaniya ang gayuma. "Ano naman 'tong mga 'to, juice?" kumuha siya nang isang bote tsaka niya inusisa ito.
"Oo!" I respond.
"Eh ang rami naman, anong gagawin natin sa mga juice na 'to? Ibibigay ba natin sa mga bata na nasa orphanage?" jusqo, sana lang ay makayanan ko na painumin siya nang mga potions na iyan. Sana talaga maalis na sa kaniya ang gayuma.
Lumingon muna ako sa pwesto nila Whiskey at Bianca bago sumagot sa kaniya. Sinenyasan ko sila na lumabas na muna. Gusto ko na kaming dalawa lang ni Dwight ang narito sa loob ng room ko.
Sa pagtulong pa lang nila sa akin na maghanap nang kasagutan at magtimpla nang potions, nakabawi na sila sa nagawa nila. And I am thankful na nand'yan sila palagi sa aking tabi kapag may problema ako, at hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, naging mabuti pa rin sila sa akin kahit na minsa'y nababara ko sila o nasusungitan minsan.
I let out a heavy sigh and smiled bitterly, "Ipapatikim ko sayo lahat nang iyan, kung papayag ka. Balak ko kasing magtayo nang drinks shop. Please Honey, tikman mo na lahat nang iyan. Just for me, masarap naman lahat ng iyan eh." nag-puppy eyes pa ako habang sinasabi ang bagay na iyan.
Hindi ko gustong mag-sinungaling pero kailangan. Minsan talaga'y kailangan nating magsinungaling para sa ikabubuti nang ibang tao.
"Tataba ako niyan, mawawala abs ko!" gusto kong mapahagalpak sa tawa dahil sa kaniyang sinabi pero mas nangibabaw ang pilit kong ngiti na kusang kumawala sa aking mga labi.
"Bago ako magbukas nang sariling shop, gusto ko munang ipatikim sayo lahat nang iyan kung pasado ba sa panlasa mo. Kasi rapat ikaw ang maging number one fan ko because you are my sweet honey right?!" gagawin ko lahat para lang makumbinsi siya na inumin niya ang mga potion na ginawa namin.
Gulat akong napatingin sa kaniya nang lagukin niya diretso ang laman nang bote na hawak hawak niya kanina. First potion done...
"Ano masarap ba?" hindi pa siya sumasagot pero kinakabahan na ako kung ano man ang kaniyang isasagot.
Inihahanda ko na ang aking sarili kapag nawala sa kaniya ang gayuma, baka magtaka siya kung bakit narito siya sa bahay namin. Baka kamuhian na niya ako kapag nawala na ang gayuma sa kaniya.
"Sobrang sarap Honey, ano bang ingredients nilagay mo riyan? Ba't ang tamis?" malawak pa ang kaniyang ngiti habang pinupuri ang lasa nang first potion na ininom niya.
Don't loose hope Pearl, first potion pa lang iyon...
"Try this one, baka magustuhan mo rin ang lasa." inabot ko sa kaniya ang isa pang bote na kulay pink ang kulay.
Habang gumuguhit iyon sa kaniyang lalamunan ay ramdam ko na nagugustuhan nga niya ang kaniyang iniinom.
"Eh kung ganito lang rin ang lasa nang mga drinks mo, baka araw araw akong tumambay sa shop mo!" pabiro pa niyang saad.
Second potion, fail...
I didn't know how it feels this time, kung matutuwa ba ako na walang tumatamang potion or maiinis ako kasi sayang ang pagod namin na gumawa nang 20 na potion's.
Hindi birong gumawa nang potion's... Magmumukha kang mangkukulam!
"Gusto mo pa ba?" kunwaring tanong ko sa kaniya pero natatakot ako na baka humindi siya at hindi na niya mainom ang tamang potion.
"Kahit inumin ko pa 'yan lahat, basta ba para sayo, gagawin ko. Wala naman akong hindi gagawin para sa honey nang buhay ko." hinawakan niya ang aking kamay at bahagya iyong pinisil pero agad rin niya iyong binitawan dahil kumuha na naman siya ng isang bote. Kulay violet naman ngayon...
"Confirmed Honey, number one fan mo na ako. Ang sasarap talaga nang mga drinks na ginawa mo. Can't wait na maitayo mo ang shop na iyon, araw araw talaga akong tatambay ro'n masilayan lang ang ganda mo at matikman lang ang mga drinks mo." sa kahuli-hulihang potion, wala pa rin nangyari, walang pinagbago, honey pa rin ang tawag niya sa akin.
At last, bigo, sayang ang effort's namin sa paggawa nang potions kasi hindi tumalab sa kaniya. Paano na ito ngayon? Gusto kong maging malungkot pero bakit ang saya ng puso ko at parang nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi pa rin tumalab sa kaniya ang huling pag-asa na bumalik siya sa kaniyang wisyo, ang huling pag-asa na mawala sa kaniya ang talab nang gayuma...
Hindi ko na alam ang gagawin.
Ngumiti ako ng pilit tsaka hinawakan ang kaniyang pisngi. "Ang sweet sweet talaga ng boyfriend ko. Bakit gan'yan ka? Gan'yan ka ba talaga ka-sweet kapag nagmamahal ka?!" wika ko habang hawak hawak pa rin ang kaniyang pisngi.
"Syempre, Dwight Cheon 'ata 'to, kapag nagmahal pati ampalaya tatamis." pabiro niyang saad. Pero iyong totoo, ang sweet sweet niya talaga maging boyfriend.
"Ang sarap siguro nang ampalaya 'no kapag tumamis... Sige rito ka muna ah, stay here, may sasabihin lang ako kila Whiskey." I bit my lower lip to hold back my tears. Ayoko siyang pakawalan pero buo na ang desisyon ko... Wala na kaming magagawang potion kasi nagawa na namin lahat lahat nang naka-indicate roon sa libro.
"Ano? Tumalab ba ang mga potions?" kaagad na tanong sa akin ni Whiskey.
"Okay na ba siya? Hindi na ba siya inlove sayo?" si Bianca naman.
"Iisa lang ang sagot ko sa bawat tanong ninyo, ang lahat nang potions ay hindi tumalab sa kaniya. Sure ba kayo na nagawa natin lahat ng potions na nasa libro?"
"Oo, pati iyong mga nasa internet na related sa love spell ginawa na rin natin. Bakit hindi pa tumalab?!" iyan rin ang tanong ko Whiskey.
Nakakapagtaka lang na bakit ayaw tumalab eh lahat ng potion nainom na niya, may iba pa kayang potion's?!
"Baka pwede pa tayong gumawa ng bago..."
"Hindi na pwede, alangan namang gawin natin iyong mga potion's na hindi related sa gayuma, baka kung ano pang mangyari roon sa tao." sagot sa akin ni Bianca.
"Eh pa'no na? Paano na natin maalis sa kaniya iyong gayuma? Paano na? Gumawa tayo ng iba pang potion please!" hindi ko na alam ang gagawin... Gusto ko na lang maiyak dahil sa problemang kinakaharap ko ngayon.
Natahimik iyong dalawa at parang may tinitignan sa likod ko kaya napa-tingin na rin ako roon.
"Potion's? Gayuma?" laglag panga akong tumingin sa kaniya.
Aaminin ko na sa kaniya ang lahat, baka iyon ang tanging paraan para malunasan niya ang kaniyang sarili...
Habang nakatingin ako sa kaniya, biglang sumagi sa isip ko iyong sinabi ni Lola kanina... 'Huwag ka nang gumawa nang panibagong potion dahil ang totoong sagot ay sa kaniya mo lang makukuha, siya ang tanging may alam kung ano ang sagot sa mga tanong mo.'
Baka siya nga ang may alam nang totoong sagot kaya sasabihin ko na sa kaniya ang lahat lahat, maging ang dahilan kung bakit siya nababaliw sa akin ngayon. It's time to do the right thing...