Chapter 72 Last Date
Pearl's Pov
"Mom? I have something to tell you po!" pang-aagaw ko sa atensyon ni Mom na kasalukuyang nagsasandok ng kanin.
Kumakain kasi kami for dinner. Medyo hapon na rin no'ng ihatid ako ni Dwight rito sa bahay. Nag-enjoy talaga ako kanina sa orphanage...
And nalaman ko rin na hindi pala roon nakatira si Braggy, pumupunta lang raw siya roon para makipag-laro sa mga bata na naroon.
"Ano iyon 'nak tungkol na naman ba sa lovelife mo? Hmm?" aniya tsaka kumuha nang ulam.
Hindi na makapag-hintay at kumain na kasi favorite na naman niya ang inuulam namin ngayon. Tapos every time na nakakakita ako ng adobo, si Dwight parati ang naalala ko.
I let out a heavy sigh, "Opo, napag-desisyonan ko na po na aalisin ko na kay Dwight ang gayuma na napainom ko sa kaniya. Para makalaya na siya sa akin... At makapag-concentrate na siya sa babaeng mahal niya talaga!" mahirap pero rapat lang na gawin ang bagay na ito.
I'm selfless person and not a selfish one... Kailangan kong panindigan na maging selfless para sa kapakanan nang taong mahal ko, hindi ko siya pwedeng ikulong sa kulungan na hindi nararapat para sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng sakalin kapag ayaw niyang magpa-sakal, therefore, hindi ko siya pwedeng pilitin na mahalin niya ako kung hindi talaga ako ang tinitibok ng kaniyang puso.
"Eh sure ka na ba riyan? Wala na bang bawian? Kailan ba?" sunod sunod na tanong niya.
"Bukas na po... Bukas na!" sagot ko naman.
"Okay, so then I'll support you, ang importante naging masaya ka sa piling niya. Kung ready ka na nga talagang mag-let go, i-let go mo na siya for pete's sake! Basta we are here to support you, kami nila Whiskey at Bianca." ani ni Mom kaya tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon.
Sinimulan ko na rin na kumain...
Humiga ako sa mahabang couch na narito sa room ko, napagod ako dahil ako na ang umako sa paghuhugas nang mga pinagkainan namin. Then si Mom naman ay iniwan ko sa salas dahil manonood raw siya nang drama. Grabe nga eh kasi kapag tungkol sa mga kabit ang usapan sa TV nasasampal ni Mom ang hangin, grabe lang talaga ang epekto sa kaniya no'n kasi pinagpalit rin siya ni Dad sa ibang babae.
Bumuntong hininga ako at bahagya rin akong napatingin sa binigay ni Dwight sa akin na painting nang isang maliit na butterfly na in-display ko pa sa coffee table na narito.
"Bukas, i-le-let go na kita..." I said out of nowhere bago dumapa sa couch.
Hinaplos haplos ko pa iyon... Iyan ang una niyang binigay sa akin kaya mahalaga ang painting na iyan para sa akin.
Bigla namang tumunog ang phone ko na nasa paanan ko na pala kaya agad na tinignan ko iyon, baka kasi importante...
Facebook notification lang pala. Binuksan ko naman iyon at bumungad sa akin ang notification na nag-sad react si Xander sa profile picture ko. Which is iyong picture namin ni Dwight noong isang gabi na nag-celebrate kami nang pagka-panalo nang team nila sa basketball.
"Sorry Xander kung nasaktan kita sa hindi ko sinasadyang pagkakataon..." pagkausap ko sa aking sarili.
Hindi ko naman talaga sinasadya na saktan siya, hindi ko lang in-expect na gusto ako ni Xander, ayokong masira ang friendship na binuo namin dahil lang sa mahal niya ako. Pero unexpected na nasira na siya nang tuluyan. Hindi ko naman kasi pwedeng turuan ang puso ko na mahalin siya knowing na si Dwight lang talaga ang tintibok nang aking puso.
"Honey? Nasa loob ka ba? Pwede pumasok?" pinatay ko ang aking cellphone at pumunta sa pinto para pagbuksan si Dwight.
At ano naman kaya ang dahilan at narito siya?!
"Oh, gabi na ah. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya nang mabuksan ko na ang pintuan nang kwarto ko.
"Na-miss kita, pwede bang pumasok?" sagot niya.
"Sige, pasok ka..." umalis ako sa harapan nang pintuan para makapasok siya.
Dumiretso naman siya sa couch at naupo roon kaya tumabi ako sa kaniya.
"First time ko rito, ang ganda pala nang room mo!" malambing niyang saad.
"Ikaw nga eh, mas maganda kaya iyong kwarto mo kasi may sariling kitchen." sa akin library lang.
"Mas maganda ka pa rin sa lahat..." seryosong saad niya. Bakit ba kapag nagiging sweet siya sa akin mas na-i-inlove ako sa kaniya. Patibong ba 'to ni tadhana para hindi ko magawa ang plano ko bukas?!
"Nambola ka na naman eh. Common, spill it, may problema ka ba kaya narito ka?" hindi ako naniniwala na nagpunta lang siya rito para sabihin na miss niya ako.
"Pwede ba akong matulog rito?" naka-ngising saad niya. May binabalak ba ang lokong ito?
"No, hindi papayag si Mom!" iiling iling na wika ko.
"Mag-date na lang tayo, please. Gusto ko lang bumawi kasi hindi ako naka-attend sa prom kagabi." oo nga pala. Nag-promise siya na babawi siya.
"Sige, hintayin mo na lang ako sa salas, bababa ako kapag nakapag-bihis na ako." akala ko last moment na iyong kanina, pero may mas last pa pala at iyon ay ang date namin ngayong gabi.
"Sige, hintayin kita..." aniya bago halikan ang noo ko.
Naka-ngiti naman akong pumasok sa loob ng banyo para makaligo na. Ibang kilig ang nararamdaman ko every time na hinahalikan ako ni Dwight sa noo o sa pisngi o 'di kaya nama'y sa tuktok ng ulo ko. Nakakalungkot lang na one day, hindi ko na mararanasan ang mga bagay na iyan.
"Botong boto talaga sa akin si Tita 'no, isang paalam ko lang kasi, pumayag na siya agad." ang lakas nga niya kay Mom kasi hindi man lang nag-dalawang isip ang Mommy ko na hindi ako payagan sa date na 'to.
"Ang sabihin mo, may ginawa ka para pumayag siya." biro ko naman. Eh bakit ba, gusto kong basagin ang trip niya eh.
"Wala ah! By the way honey hindi ka ba napagod kagabi sa prom?" natawa ako nang bahagya sa kaniyang sinabi. Paano naman ako mapapagod kung hindi naman ako umalis sa kinauupuan ko kagabi?! Then may isang lalaki pa na yumakap sa akin kagabi at napag-kamalan ko pa na siya iyon. Siguro, hindi na niya kailangan pang malaman ang bagay na iyon, wala akong pinag-sabihan na kahit kanino even my friends at kay Mom kaya wala nang dahilan pa para malaman ni Dwight.
"Nope, na-bored lang ako kasi wala ka..." hindi naman siguro masama na bumanat ako kahit minsan 'no.
Tsaka last na rin ito, hindi na 'to mangyayari sa mga susunod na araw.
"Hey, don't be like that, hindi mo alam kung gaano mo ako napapakilig, huwag ka masyadong sweet sa akin, slight lang rapat!" aniya bago sumimsim sa kaniyang ice tea.
Tapos siya okay lang na pakiligin niya ako hanggang sa may mga paruparo nang nagsasaya sa aking tiyan?! Hindi yata patas iyon.
"Sige sabi mo eh." natatawa kong saad.
"Picture tayo?" gusto na naman niyang mag-picture? Hindi ko alam na ang isang Dwight Cheon ay mahilig rin pala sa picture picture.
"Sige." I respond.
Cellphone na naman niya ang ginamit namin.
"I love you..." nakakailang i love you na ba siya ngayong araw na ito?!
"I love you too, tandaan mo, no matter what, mamahalin pa rin kita, kahit na dumating na ang araw na maramdaman mo sa sarili mo na hindi mo na ako mahal." I didn't notice na may tumulo na palang luha mula sa aking mga mata. Sobra talaga ang epekto nang lalaking ito sa akin. Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi na ako iiyak nang dahil sa kaniya pero hindi ko talaga mapigilan na maiyak dahil mami-miss ko siya... Mami-miss ko ang Dwight Cheon na nagpapakilig sa akin parati.
"Don't say that, imposible na dumating ang araw na sinasabi mo. I love you and i love you!" aniya bago halikan ang mga labi ko. Habang magka-lapat ang mga labi naming dalawa, ramdam ko ang pagtulo nang mga luha ko. "Huwag ka nang umiyak. Hindi darating ang araw na sinasabi mo, kapag nangyari ang araw na 'yon patay na ako no'n." ang halik na iyon ay sandali lang ngunit ramdam ko ang pagmamahal. "Honey, don't be sad na, look oh ma-sa-sad na rin ako..." aniya tsaka pinunasan ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Naka-pout pa siya habang ginagawa ang bagay na iyon.
Napapangiti na lang ako nang mapait kasi this is the last... Last moment, last i love you, last date, last kiss and last picture!
Dahil bukas, tatapusin ko na ang lahat lahat...