Chapter 67 Yes
Pearl's Pov
Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas muli ang ilaw. Kaso, pagtingin ko sa stage ay wala na ang mga nag-sasayaw kanina at ang tanging naroon na lang ay si Dwight na naka-hawak na ng gitara.
Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Marunong kaya siyang mag-gitara? Pero bakit hindi ko yata alam?!
"Sana pagkatapos nito, sagutin mo na ako!" pag-uumpisa niya kaya naghiyawan ang mga nanonood.
Pansin ko rin na parang sa akin siya naka-tingin o baka assuming lang ako...
"This song is dedicated to Pearl Rian Samonte, ang sekretarya nang buhay ko." ani pa ng loko habang nakatingin at nakangiti sa akin.
So i am not assuming or something, sa akin talaga siya nakatingin at ako talaga ang tinutukoy niya.
"Tayo na, dali..." kinikilig na utos sa akin ni Whiskey.
"Akyat ka sa stage..." si Bianca naman.
Parang naisahan yata ako ng mga ito ah. Planado ba ang lahat nang ito kung kaya't alam nila ang kanilang mga ginagawa.
Tumayo naman ako at tinungo ang stage, bawat makakasalubong ko na estudyante ay tumatabi. Takot lang nila kay Dwight...
Nang makarating ako sa mismong stage ay humawak si Dwight sa kamay ko. Hawak na mahigpit na naman, hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito, lagi na lang hinahawakan ang kamay ko tapos ang higpit pa.
Nag-umpisa siyang mag-tipa nang gitara. "Aking sinta, ano bang meron sa iyo, 'pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo. 'Pag ngumingiti ka para bang may iba, 'pag nakatingin sa 'kin mapupungay mong mga mata, wala akong takas sa nakakalunod mong ganda... Ha, halika na, tignan mo lang ang aking mga mata, huwag kang titingin na sa iba, akin ka na wala nang iba. Habang buhay na ako'y iyo..." pag-kanta niya.
Concert feels lang ang peg...
Sa ginagawa niyang ito, parang may humahaplos sa puso ko, parang sinasabi nito na totoo ang lahat kahit alam ko naman na fake lang ito at darating ang araw na magiging alaala na lang ang mga bagay na ito. When the day come na makakuha kami ng lunas, mawawala na ang sweetness na ipinaparamdam sa akin ni Dwight ngayon kaya bawal sanayin ang sarili na lagi siyang sweet at lagi siyang kasama.
"Grabe ka naman, may paganito ganito ka pa. Hindi ako na-update..." bulong ko sa kaniya. Tumigil na rin siya sa pag-kanta, kainis nga kasi tumigil siya eh, ang ganda pala nang boses niya kapag kumakanta siya, pati kaloob looban ko'y nag-re-react dahil sa ganda nang boses niya. And isa pa, magaling rin pala siyang mag-gitara, hindi ko alam 'yon rati, ngayon ko lang talaga narinig na kumanta si Dwight...
"Kaya nga surprise eh 'di ba..." balik niyang bulong sa akin kaya natawa na lang ako. Kinasabwat pa talaga niya iyong mga kaibigan ko just for this surprise huh, ang effort...
"Okay guys, pwede niyo ba akong tulungan para mapa-oo si Miss secretary?! Gusto ko lang makamit ang kaniyang sweetest yes! Can you do it for me?!" naka-mic pa talaga siya habang nakikipag-usap sa mga nanonood.
Nag-hiyawan naman ang mga estudyante nang 'Sagutin mo na Miss Pearl' 'Bagay kayo' 'Endgame na sila, ayiee' And take note, mas malakas pang sumigaw ang mga kaibigan ko.
"Wuhoo, kayo rin pala, pinapatagal niyo pa..." sigaw ni Kier na nangibabaw sa lahat ng sumisigaw dahil sa sobrang lakas ng kaniyang boses.
"Yes na 'yan!" si Bianca na halos mahulog na sa kinauupuan.
"Oh my gosh, pati apdo ko kinikilig sa inyo!" si Whiskey naman na halos mamaos na sa kakasigaw.
Ano? Mag-ye-yes kaya ako? Pero kung no naman ang isasagot ko, ma-gui-guilty lang ako dahil sa mga nangyayari. Kung tutuusin si Dwight ang naiipit sa sitwasyong ito kasi hindi naman niya ako gusto kaya mahirap para sa kaniya ang bagay na ito at lalo pang mas magiging mahirap para sa kaniya kung babastedin ko siya sa harapan nang maraming tao, baka madungisan pa ang kaniyang pangalan kapag binasted ko siya, at isipin ng iba na ang isang President Dwight Cheon ay binasted lang nang isang Pearl Rian Samonte. First time rin niyang mabasted kapag nagkataon.
"Bago mo sagutin ang tanong nang EX ko, sagutin mo muna ang itatanong ko sayo..." natigilan ang mga sumisigaw dahil sa biglaang pag-sulpot ni Jaynie sa harapan namin ni Dwight.
Naka-mic pa talaga siya... Mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari... Well, palagi naman siyang ganiyan eh, nakikisawsaw sa moment nang ibang tao.
"Ano na naman 'to Jaynie? You need to accept the fact that i don't love you anymore..." naka-mic rin na ani sa kaniya ni Dwight.
Hindi ko talaga alam kung gaano kakapal ang mukha nang babaeng ito... Sawsawera!
"You don't love me anymore kasi ginayuma ka nang babaeng iyan. And that's the reason why you were crazy by her." naka-ngising ani pa nang maldita.
"Ano ka ba Jaynie, eskandalosa... Tumigil ka na nga." dahil sa sobrang inis, itinulak ko na lang siya kaya nabitawan niya ang mic at nag-cause iyon nang matinding ingay.
"Are you scared na mabulgar ang sikreto mo?!" aniya habang naka-upo pa rin sa sahig dahil sa pag-tulak ko sa kaniya. Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa niya sa akin.
Kailan ba 'to titigil kaka-away sa akin?!
"Nope, kasi wala naman akong sikreto... Umalis ka na, nakakahiya na Jaynie!" ani ko na naman. Nanggigigil na talaga ako sa babaeng ito. Baka maya't maya'y mahila ko na lang ang buhok niya nang hindi man lang niya nalalaman.
Maging si Dwight ay hindi na rin nakapag-pigil sa kaniya, kaya hinawakan nito ang palapulsuhan ni Jaynie at kinaladkad na ibinaba sa stage, may sinabi pa si Dwight sa kaniya pero hindi ko narinig kasi hindi niya ginamit ang mic.
"Pearl! Tandaan mo, you will pay for this, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo..." pagbabanta pa niya.
Like what i've said, hindi ako takot...
"And hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin sayo..." imbes na ako ang sasagot kay Jaynie, sinalo tuloy ni Dwight ang rapat na sasabihin ko.
"Gaganti ako sa inyo..." pagbabanta niyang muli gamit ang mic.
"As if we care..." ani ko sabay irap sa kaniya.
At kagaya nang rati, nag-walk out na naman ang babaita kasi wala nang maibatong linya.
Wala siyang proof na ginayuma ko si Dwight kaya hindi maniniwala ang mga tao sa kaniya, like ew, 21st na kaya 'no!
Nang makaalis na siya nang tuluyan, lumapit sa akin si Dwight tsaka humarap ng bahagya sa akin then he held my two hands.
"Ano na ang sagot mo? Legal na bang tawagin kitang honey?!" tanong niya while wearing a sweet smile.
Grabe, parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang kilig at kaba.
"Y-yes! Legal na..." sagot ko dahilan para mag-sigawan na naman ang mga estudyanteng nanonood.
Ang kaninang kaba ay napalitan nang saya. Hindi talaga nasagi sa isip ko na hahantong kami ni Dwight sa ganito kahit na kunwari lang.
"Thank you honey, i'll promise, mamahalin kita at liligawan araw araw para araw araw ko rin na makuha ang matamis mong oo!" aniya bago halikan ang noo ko. Tsaka ako niyakap nang mahigpit.
Ang saya ko despite all of this situation na ang hirap panindigan pero kakayanin ko dahil masaya ako sa ganito at alam ko sa sarili ko na gusto ko ang situation namin ni Dwight ngayon. Kahit sa panaginip, hindi sumagi sa isip ko na maging kami, kahit na fake lang!
"I love you..." saad ko.
"I love you too!" sambit niya.
"Haha, kinikilig kang loko ka, namumula tenga mo oh!" natatawa ako habang tinuturo ang kaniyang tenga na sobrang namumula.
Normal ba talagang kiligin ang taong nagayuma?!