CHAPTER 23- TWO ANGELS ENCOUNTER

MALIYAH POV

It’s been two weeks since Doc Clyde visited me and offered me a job. I am still in denial, and I couldn’t believe it. A lot of things have been going on in the last few weeks. My Mama is slowly recovering from trauma and depression. But she still hates Ate Maze, trying to push her away. We visited her last weekend, and there was hate in her eyes. But no words came from her mouth. She was looking at her with pain and resentment.

I pity Ate Maze because the way our Mama treated her. I wish nothing but our  family to be happy, full of love and respect. Hanggang kelan ko kaya mararanasan ang ganitong problema sa aking pamilya. Hindi ako pwedeng sumuko, sa akin sila kumukuha ng lakas, at pag-asa. I know Ate Maze was unhappy, no matter how hard she try to please our Mama, but no avail.

Madalas tinatanong ko ang sarili ko, bakit kailangan maranasan ni Mama ito? Bakit kailangan tratuhin niya na malaking kamalian si Ate. I know how traumatized what happened to her and I am not in the position to questioned that, all I can do is to be strong for them and give her hope. Hindi ko sila pwedeng sukuan. Pamilya ko sila. Mas matimbang ang pamilya sa kahit ano pa man. Tunog ng telepono ang nag pukaw ng lumilipad ko na namang diwa. As I looked on the screen, it was unregistered number. Kunot noong inaangat at sinagot ko ang tawag.

“He—hello?”  walang may sumagot sa kabilang linya kaya tinignan ko kung naka off na ba ang call. Ngunit tuloy parin naman ang oras ng tawag.

“Kung wala kang magawa sa buhay, h’wag kang mang-abala ng iba”. Pagtataray ko sa kausap sa kabilang linya. Hindi ko sigurado kong may kausap nga ba ako. Akmang ibaba ko na ang tawag ng narinig ko ang sa kabilang linya.

“Maliyah wait” I know who he is, and my heart beating so fast, ito na ba pipilitin na ba ako ni Doc?

“Doc—Clyde?”paglilinaw ko na  siya talaga ang kausap ko, alam ko namang siya, walang iba

“Maliyah you need to be ready for  the next two weeks. My driver will pick you up. I will call you again to finalize the time. I already talked to your immediate officer and she signed your release. You will train your replacement for the next two weeks, and endorse all your handled patient to him.” Mahabang paliwanag ni Doc Clyde parang hindi na ito huminga. Nandoon na naman, ang bilis ng tibok ng puso ko sa kabiglaan sa mga sinabi ni Doc Clyde, alam ko naman na darating ang araw na ito, hindi lang ako handa o kahit kelan talaga hindi ako maging handa pagdating kay Clint. Clint? Close kayo? Kastigo ng isip

Hawak ko parin ang telepono at nasa tenga ko parin yun kahit wala na akong kausap. Isang tampal sa noo ang nagpabalik sa ulirat ko. It was no other than Wendy, my so annoying but sweet friend. Hindi ko pa sinabi sa kanya ang offer sa akin, alam kong malulungkot ito.

“Tara sa cafeteria  libre kita”  pilit kong pinagsila ang boses ko.

“Dapat lang, kanina pa ako dito hindi mo man lang napansin, para ka tuloy timang sa pinag-gagawa mo nasa tenga parin yang cellphone mo wala ka naman kausap” pang-aasaran nito sa akin.

Pagpunta  namin ng cafeteria, ako na ang nag-order sa aming dalawa, since marami naman akong utang na pamasahe sa kanya, at paglilihim ko sa kanya na aalis na ako sa dito sa hospital na pinagtatrabahuhan namin.

I ordered Wendy peanut-butter banana pancakes at chai latte tea. I requested a blueberry pancake and ice latte with caramel syrup for myself.  Dala-dala ko ang order namin at palinga-linga ako para hanapin si Wendy. Napako ang tingin ko sa bandang gilid, kumakaway ito sa akin.

Nang nakaupo ako, ang tamis ng ngiti, niya lalo tuloy akong nakonsensya na iwan siya pero wala naman akong ibang pagpilian.  Kailangan ko nang sabihin ngayon para hindi na siya mabigla pa, may pinagsamahan din kami ng almost a year. Susubo ito ngunit napatigil siya sa pagsubo, at nagtatakang  nakatingin siya sa akin at napayuko ako. Inilapag niya ang pancake niya.

“Ano ang sasabihin mo Maliyah.” Seryosong tanong nito, ito ang unang pagkakataon na maging seryoso ang boses, at lalo akong nalungkot para sa pagbabadyang hiwalayan naming dalawa.

“Wendy, hanggang dalawang linggo nalang ako dito, kinausap ako ni Doc. Chief at kinuha niya ako, as Personal Therapist ni Sir Clint.” Hindi ko masabi ang pangalan ni Doc Chlyde ayoko maging feeling close.

Hindi ito umimik pagkatapos ng inilahad kong balita sa kanya. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya, isa lang ang sigurado ako, malungkot siya sa pag aalis ko.

“Wend?” tawag ko sa kanya, sabay angat ko ng tingin, kita ko ang butil ng luha niya sa gilid ng mga mata niya.

“Iiwan mo na talaga, ako, akala ko tsismis lang ang mga yun, hindi mo man lang sinabi agad sa akin.” May pagtatampo sa boses niya, at lalo naman akong nahirapan mag paliwanag sa kanya, kasi alam ko ito ang mangyayari. Parang piniga ang puso ko

“Hindi kasi ako sigurado Wend, at hindi pa ma-process ng utak ang offer ni Doc. Chief sa akin.” Malumanay na saad ko sa kanya.

Natapos ang meryenda namin ng iyakan at halos hindi na namin nabawasan ang inorder ko. Para sa aming dalawa. Naintindihan naman niya ako, pero wala na raw siyang tunay na kaibigan dito sa hospital.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. At ginantihan ko rin yun ng mahigpit na yakap.  Naiiyak na ako dahil mapapalayo ako sa kanya ngunit wala naman akong pagpilian.

Ang bilis natapos ang dalawang linggong palugit ni Doc Clyde sa akin, heto ako ngayon nag lilipit na ng gamit, nakapag-alam narin ako kina Papa at Ate Maze, malungkot na masaya sila para sa akin. Si Merleah ayaw nitong pumayag pero naipaliwanag ko na  sa kanya, at kahit ayaw nito tumango nalang siya. Parang piniga ang puso ko, ito ang unang pagkakataon ko na mawalay sa kanila. Kinakabahan din ako. 

Dinig ko ang busina ng sasakyan sa harap ng bahay namin. indikasyon na dumating na ang driver na susundo at mag dadala sa akin sa bahay nina Doc. Clyde. Pababa na ako ng hagdan, at naka-abang doon si Papa, si Ate Maze, Merleah at si Tonton.  Kita ko ang hupyak na mukha, at lungkot ng mga mata ni Papa. Ate Maze was sad and about to cry. Umiling ako sa kanya, ayoko kong makita silang umiyak. Dadalaw parin naman ako dito. Ilang oras lang din naman ang Maynila. May day off naman ako.

“Maliyah, dalas dalasan  mo ang tawag para hindi ako mag-alala sayo ha?” it was the saddest voice from my Papa.

“Maliyah, mag-iingat ka doon ha? Tumawag ka agad kapag inapi ka doon.” Paalala nito sa akin. Kahit kalian hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya kahit  hindi kami iisa ang ama. Para sa akin si Papa parin ang tunay naming ama, at kahit kelan hindi magbabago yun.

“Akala niyo naman sa ibang bansa ako pupunta, sa Maynila lang naman, saka uuwi rin naman ako kapag day-off ko para dalawin kayo” pagbibiro ko sa kanila para kahit paano hindi gaanong mabigat ang pag alis ko.

Sabay-sabay nila akong hinatid sa nakaparadang sasakyan, at pinag buksan ako ng driver ng pintuan ng kotse. Nagpakilala rin ito sa amin na si Mang Danilo.

Maaliwalas, mukha nito at nakangiti sa amin. Mukhang makapalagayan ko agad ito ng loob. Nag paalam na ako kina Papa, at sumakay sa magarang kotse na sumundo sa akin. Habang nasa biyahe kami at panay ang sulyap ni Mang Danilo sa rearview ng salamin. Hindi na ako makatiis.

“May problema po ba Mang Danilo?” It was an innocent question. I was just curious and wondering what was going on inside his mind

“Wala naman  Ma’am Maliyah, nagagandahan lang ho ako sa inyo”. Deretsahang sagot nito at nasamid ako ng wala sa oras.

“Mapag-biro po pala kayo, akala ko ho  may dumi ako sa mukha kasi panay ang tingin niyo”. I heard him chuckled, and smile. Hindi na ito umimik hanggang tumapat kami sa malapalasyong bahay. Biglang lumakas ang tahip ng dibdib ko. This house  or should I say, this mansion screams power, luxury, fame, connection and wealth. Sigurado ako maliligaw ako sa sobrang gara, at laki nito.

Biglang bumukas ang automatic gate nito and a voice command was asking some identification verification. Nilingon ako ni mang danilo

“Ms. Maliyah, kailangan niyo po muna bumaba para ma scan ang retina ng inyong mga mata.” Magalang nitong saad sa akin.  Agad naman akong tumango at bumaba sa sasakyan at tumapat ako sa flat screen kung saan nakikita ko ang aking pangalan.

Napaka-high tech naman nito. Wala sa loob kong wika. Ng maka rehistro na ang mukha ko, at ang aking mga mata, itinapat ko rin sa screen ang aking palad. Matapos mascan ang aking palad, dinig ko agad ang digital voice.

“Your identity is confirmed.” Agad akong bumalik sa  sasakyan at kusang bumukas ang mala-dambuhalang gate na gawa sa solid na metal. Tumambad sa harapan ko ang kulay ginto na pandalawang pintuan. Bumukas iyon at naka-abang doon ang may edad na na ginang. Nakangiti ito ng nagtama ang aming mga mata, nabawasan tuloy ang kaba ko.

“Ms. Maliyah, maligayang pagdating.” Masiglang bati nito sa akin. napangiti rin ako, nahawa ako sa maaliwalas niyang mukha.

“Magandang hapon po” magalang kong sagot.

“Tawagin mo nalang ako Yaya Mameng, iha.”. inakay na niya agad ako papasok patungo sa kong saan, amoy ko agad ang mabangong meryenda na bumabalot sa paligid.

“Alam kong pagod ka, at gutom halika ginawa kita ng meryenda.” Sabi nito at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa direksyon na gusto niya. Nang marating namin ang kusina, hindi ko na alam kong paano ko ilalarawan ang mansyong iyo mula sa entrada ng bahay, at sa kusina kung saan ako dinala ni Yaya Mameng.

Hindi ko alam pero kakaiba agad ang nararamdaman ko sa kanya. Ang gaan-gaan. I saw mama in her. Parang may humaplos  sa puso ko ng maalala ko si Mama.

As I was standing on the island counter, I heard some noise of laughing,  a sound of running footsteps approaching me. Out of nowhere, small arms are hugging both of my legs. I was shocked and amused.  

“Mommy!” I heard these two little angels calling me. Did I hear it correctly? Are they calling me Mommy?

Napadako ang tingin ko kay Yaya Mameng na kita ko rin ang gulat sa kanyang mga mata. Kasunod ng dalawang cute na mga batang ay ang magandang babae, agad sumagi sa isip ko ang babaeng nakita ko sa bar. Siya kaya yun? Anak na niya ang mga ito? But was almost a year ago?

“Dhianna iha, siya si Maliyah siya ang personal therapist ni Clint.” Pagpapakilala ni  yaya sa napakagandang babaeng nasa harapan ko. Napatulala tuloy ako sa ganda niya.

“Dhianna pala.” Pagpapakilala niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya at buong puso ko naman itong tinanggap. Ang lambot ng mga kamay niya. Ako puro kalyo ata.

“Mal—maliyah po” magalang kong sagot sa kanya.

“Oh come on cut the po, hindi naman malayo ang edad ko sayo, just Dhee or dhani, your choice.” Ang lambing ng boses niya, nagagalit kaya ito?

“Ah sige- Dhani” alanganin kong sagot sa kanya. Then out of nowhere someone snakes his arm around Dhani’s waist and kiss her on the lips. Ang sweet naman. Sana all my love life. Nakita kong namula ang magandang mukha nito sa biglaang pag halik ni Doc Clyde sa harapan ko.

“Chlyde!” namumula ang mukha nito at sinaway si kay Doc.

“What? Can't I kiss my soon to be wife?” baritonong sagot ni Doc. Chlyde, para akong nanonood ng live na shooting ng isang telenovela sa sobrang sweet ng dalawang bida. I cleared my throat. Doon palang ako nakita ni Doc Chlyde at sumeryoso agad ang mukha nito. Pero namumula yun. Pilit kung pinipigil ang sarili ko na huwag mapahagikhik dahil ang isang Doc Chlyde ay nag bublush din naman  pala.

“Maliyah!” agad itong sermeryoso ng mukha at inayos ang tindig nito. Natatawang tumalikod si Dhani sa amin. Dumako ang mga mata ni Doc Chlyde sa hita ko kung saan naka-kapit ang dalawang cute na mga bata.

“Let her go Anthony and Andrea.” It was firm and authoritative voice. Agad kumalas ang dalawa at patakbong sumunod kay Dhani.

“Yaya kayo na ang bahalang mag asikaso kay Maliyah”. Hindi na hinintay na sumagot pa si Yaya Mamaeng at umalis na agad si Doc Chlyde. Saka palang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko na napansin pati paghinga ko napigilan ko pala.