CHAPTER THREE
Third Person's POV
Sa mundo ng Azaleus matatagpuan ang paaralan para sa mga magus user, ang Exousia Academy. Dito nila pinag aralan kung paano ma control sa tama ang iyong kapangyarihan.
Kababalik lang ng klase sa E. A dalawang linggo na ang nakalipas ng magsimula ang pasukan. Maliban sa mga Royal Elites na paggala gala pa rin sa Azaleus Town at tumambay sa kanilang paboritong tambayan ang Zaffiro Forest.
Ang Royal Elites ay grupo ng mga malalakas na kabataang may dugong bughaw. At ang Zaffiro Forest naman ay dating pinagtayuan ng pinaka malaking palasyo dito sa Azaleus ang Zaffiro Empire. Matapos ang digmaan labing walo na ang nakaraan, bigla na lamang naglaho ng parang bula kasabay ng pagkawala ng Zaffiro Clan at naging gubat nga ito.
Habang nakakasiyahan ang magkakaibigan bigla silang napatigil ang tumingin sa gitnang bahagi ng gubat. Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita nila.
Di na sila nag aksaya ng oras at pinuntuhan nila ito. Ng humupa ang liwanag may nakita silang babae na nakahiga sa damuhan. Puno ng sugat at puro dugo ang damit. Kahit ganun ang itsura ang babae di mapagkakailang napaka ganda nito, mula sa mahaba nitong buhok na may kulay rosas na sobrang tuwid at gintong kulay na mga mata, matangos na ilong, at sa heart shape na mapupilang labi at sa kutis nitong porcelana.
Hindi nila mapigilang mapahanga sa ganda nitong taglay kahit puno ito ng sugat. Saka laman sila natauhan ng nilapitan ito ni Hades at binuhat.
"Kailangan ko na siyang dalhin sa clinic, sumunod kayo" Malamig nitong sabi at nagteleport sa loob ng Academy at nagmamadaling pumunta sa clinic, ng makapasok siya sa clinic agad siyang nakita ng Healer.
"What happended to her Prince Hades?" Maingat na nilapag ni Hades si Selena sa kama.
"Heal her as soon as possible. Quick" Malamig netong utos. Dali dali namang inasisako ng mga Healer ang babae. Lumabas si Hades sa clinic at nakita ang kanyang mga kaibigan na naghihintay sa labas.
"Magiging maayos ba siya?" Nag aalalang tanong ni Hera.
"She will" Simpleng sagot ni Hades.
"Feeling ko galing siya sa mortal world may nakita akong tama ng baril sa braso at binti niya." Seryosong saad ni Zeus.
"Malalaman natin yan pag ayos na siya" Sumangayon ang lahat sa sinabi ni Poseidon.
Agad silang umayos ng makita nilang lumabas ang healer.
"How is she? Is she ok? Is she alive?" agad na tanong ni Hera sa Healer.
"She's fine, kailangan lang niyang magpahinga dahil maraming dugo ang nawala sa kanya at ang lalalim ng mga natamong sugat niya galing sa latigo"
"Latigo? I thought she was just shot?" Hindi alam ni Hades kung bakit nagagalit siya sa gumawa nito sa babae.
"Oh my god! Who ever made this to her is so evil!" Nanggi gigil na saad ni Athena.
"And a miracle na nabuhay pa siya dahil siguro isa siyang Azaleusian" Sabi ng Healer.
Mag iisang buwan na at hindi pa rin nagigising si Selena nag aalala na ang Royal Elites sa kanya sabi ng Healer ok na siya pero isang buwan na ang nakalipas hindi pa rin ito nagigising. Araw-araw nila itong dinadalaw minsan nga dito na sila natutulog para agad nilang malaman pag nagising na si Selena. Napalapit na ang loob nila dito kahit hindi pa ito nagigising.
"Akin na nga yan! napaka nito talaga kanina ka pa kain ng kain jan napaka takaw mo!" singhal ni Gaia kay Poseidon.
"Babe naman eh sa gutom ako" nakangusong sagot ni Poseidon Binatukan niya ito
"... lage ka namang gutom! Heh wag mo akong ma babe babe jan kabanas ka!" Sila kasing dalawa ang bantay ngayon.
Sasagot na sana si Poseidon ng mapatingin siya sa kama at nanlaki ang mata sa nakita. Nakita niyang gumalaw ang daliri ng babae dahil sa kaba bigla niyang hinigit si Gaia at pumunta sa gilid ng babae para abangan ang pag dilat nito.
"Bwisit ano ba...? "Biglang napatigil si Gaia sa sasabihin niya at tinurong nakatingin sa babae.
Dahan-Dahang itong dumilat. At kitang kita nila ang magaganda nitong pilak na mga mata. Napatulala nalang sila sa kanilang na saksihan mas lalo itong naging maganda.
"Where am I..." Tumaas ang kanilang balahibo ng marinig nila ang delikado at malamig nitong tinig saka na laman sila doon natauhan.
Iisa lang ang nasa isip nila habang naka tingin parin sila rito.
She has a beauty of a goddess.. but they both know that she's a scary and a dangerous living goddess.
— s4ucevenomous