CHAPTER TWO
Selena's POV
Sakay ako ng sasakayan ni Cesar ng kanang kamay ng Ama ko. Alam kong mapaparusahan ako sa ginagawa ko. Papunta kami sa aming mansion para tanggapin ang parusa ko. Kahit hindi pa ako nakarating doon alam kong alam na nila ang ginawa ko. Isang pagtatraydor ang ginawa ko sa organisasyon namin, ang hinayaang tumakas ang isang ahas.
"What you did is wrong Selena" biglang sabi nya.
"I know Cesar" malamig kong sagot sa kanya. He sighed and said...
"Ayokong maparusahan ka Selena, pero huli na ang lahat hindi pa man kita nakita sa gubat may ibang tao na ang nakamasid sa inyo hindi ako ang nagsabi sa ama mo wala akong planong sabihin sa kanya ito."
Sa loob-loob ko lihim akong napangiti.
"Hindi ka parin nagbabago Cesar, inaalala mo pa rin ako" Tumingin lang sya sakin at ngumiti
"Gaya ni Yena, anak na rin ang turing ko sayo Selena. May isa sana akong hiling sayo Selena"
Bigla akong napatingin sa kanya.
"Ano yun Cesar?" Binalik niya ang kanyang tingin sa daan.
"Sundin mo ang sinabi ni Yena sayo Selena ang umalis sa poder nila at hanapin ang mundong nararapat sayo. Hindi ka ligtas dito, iyon lang ang hiling ko sayo Selena."
I sighed of what he said. "It's impossible Cesar, alam mong walang ganung mundo isa lamang itong sumpa Cesar. I was cursed!"
Hindi ko mapigilang mainis matagal ko ng tanggap.
"We both know Selena, you can make the things impossible to possible."
"Bakit may nakasalamuha kana ba na kagaya ko Cesar?" Tanong ko sa kanya.
"Oo Selena kaya alam kong hindi ka nagiisa" Hindi ko alam pero nasiyahan ako sa narinig ko.
"Asan siya ngayon Cesar? Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap. Dalhin mo ako sa kanya ngayon din Cesar" Mabilis kong sabi sa kanya
"Matagal na siyang nakabalik sa mundo niya, sa mundo niyo Selena. Iyong panahon na iyon ay hindi pa namin alam ni Yena na katulad mo rin siya".
Nanghina ako sa sinabi niya akala ko makakawala na ako. Matagal ko ng gustong umalis sa poder ng kinikilala kong magulang pagod nakong maging sunod-sunoran sa kanila, pagod nakong pumatay ng mga inosenting tao para lang sa pera
"Pero may isang bagay siyang binigay sa akin na makakatulong na makapunta ka sa kabilang mundo, para bang alam niya na may makikilala akong katulad niya..."
Agad akong napatingin sakanya.
"... kaya ihanda mo na ang sarili mo Selana dahil ngayong gabi na ito ay magiging malaya kana" Nakangiti niyang sabi sa akin.
Biglang tumulo ang luha ko at napangiti sa sinabi nya. Pinaka unang ngiting ginawa ko sa tanang buhay ko. Hindi niya nakita iyon kasi nakatingin ako sa labas ng bintana, pasimple kong pinahid ang luha ko. Kahit hindi niya nakita, alam kong ramdam niya ang saya ko.
Si Nana Yena at Cesar ay magkapatid at hindi alam iyon ng organisasyon tanging ako lamang ang nakakaalam. Si Cesar ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban at si Nana Yena naman ang nagaalaga sa akin. Silang dalawa ang naging pamilya ko. Kasi kahit kailan hindi ako tinuring na anak ng kumopkop sa kin, kundi isang hamak lamang na laruang pang sandata.
Ng makarating ako sa mansion isang mag asawang sampal ang bumungad sakin.
"What the hell is your problem Selena! Why did you let him escaped! Tu ija de pota!" Galit na galit si Papa ramdam na ramdam ko sa sampal niya.
"What a disgraceful bitch" sabi ni Mama na galing kusina. Tumingin si Papa kay Cesar.
"... dalhin mo siya sa punishment room at ng maparusahan siya. 100 lashes at kuryentihin pag nahimatay" Cesar cleared his throat.
"Sí Señior" Walang emosyong sagot ni Cesar pero kita ko pa rin sa mata niya ang pag aalala para sa akin.
"Honey pwede bang ako na lang ang magpaparusa sa kanya? I'm bored"Alam ko kung si Mama ang gagawa non higit pa sa 100 na latigo ang ibibigay niya sa akin.
Hinila ako ni Cesar at pumunta sa punishment room. Ng makapasok na kami agad na tinali nya ang paa at ang kamay ko na nakadapa at bumulong.
"Itatakas kita rito Selena, kukunin ko lamang ang bagay na makakatulong na mahanap ang mundong nararapat sayo... babalik ako pangako" Tumayo na siya at iniwan ako sa ina-inaahan kong demonyo.
"Well, kahit kailan talaga wala kang kwenta" Napahalakhak ako sa sinabi niya.
"Kung sino mang walang kwenta dito, ikaw yun at hindi ako" At dahil nagalit siya sa sinabi ko, sunod-sunod niyang hinampas ang latigo sa katawan ko napaungol nalang ako sa sakit.
"Kulang pa ito! Dapat matagal ka ng pinatay! Isa kang salot! Walang kwenta!" Walang tigil na paghampas niya ng latigo sa akin at kinukuryente niya ako tuwing pipikit mata ko. Ang sakit. Hindi ako pwedeng mahimatay tatakas pa ako.
Lalatigohin niya na naman ako ulit ng may humampas sa likod nya at nahimatay. Napatingin ako sa gumawa nun.
"C-Cesar... bumalik ka.... t-tinupad mo ang pangako mo." nahihirapan kong sabi.
"Kailan mo ng tapusin ang paghihirap mo sa pamilyang ito Selena kailangan mong makalaya, kailangan mong hanapin ang tunay mong pamilya alam kong hinihintay ka na nila." sabi niya sakin habang hinuhubad niya ang tali sa kamay at paa ko.
Ng mahubad niya ang mga tali sa akin inalalayan niya akong makalabas sa kwartong iyon at ng makarating kami sa labas ng mansion bigla ko siyang niyakap alam kong nabigla siya sa ginawa ko.
"Maraming salamat Cesar, maraming salamat... sa lahat-lahat utang ko ito sa iyo" Sasagot na sana siya ng...
"Selena! Cesar! you motherfucker traitors!" Sigaw ni Papa habang tumatakbo papunta samin.
"Kailangan mo ng umalis Selena ako ng bahala tumakbo kana, umalis kana."
"Pero mapaparusahan ka Cesar.." Hinaplos nya ang mukha ko at hinalikan sa noo.
"Kalayaan at kasiyahan mo ang importante sa akin, sa amin ng Nana Yena mo Selena handa kong tanggapin ang parusa..."
May binigay na singsing siya sa akin at marahan akong tinulak
"... ingatan mo ang bagay na yan Selena yan ang magdadala sayo sa totoo mong mundo, tumakbo kana Selena, mahal na mahal ka namin ni Yena anak..."
Nagsipatakan ang mga luha ko sa sinabi niya at sa una at huling pagkakataon tinawag niya akong anak.
Niyakap ko siya sa huling sandali. "Salamat Tatay Cesar, salamat sa inyo ni Nana Yena hindi ko kayo makakalimutan.."
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at di naglaon ay tinugon niya ang yakap ko at ngumiti. Agad akong tumakbo ng makita kong malapit na ang mga tauhan ni Papa.
Takbo lang ako ng takbo hindi mawala sa aking isip ang pagsuntok ni Papa ky Cesar. Hinahabol nila ako ngayon at pinaputukan ng baril na tumama sa balikat ko at paa bigla akong nadapa. Hindi ako pweding mahuli. Hindi ko pweding sayangin ang sakripisyo nila Nana at Tatay Cesar sakin. Tiningnan ko ang singsing na binigay ni Tatay sa akin agad ko itong sinuot at tumayo upang tumakbo ulit.
Mabilis akong tumakbo sa gitna ng kagubatan kahit nahihirapan nako sa mga sugat ko. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong makalayo. Alam kong ano mang oras mahihimatay na ako, hinang hina na ako. Hindi pa man ako tuluyang nawalan ng malay nakita ko ang pagliwanag ng singsing at paghigop nito sa akin.
Salamat Nana Yena at Tatay Cesar... Sa wakas makakauwi nako sa tunay kong mundo...
— s4ucevenomous