CHAPTER ONE

Selena's POV

Ang Sicillian University ay isang paaralan para sa mga anak ng Mafia, Gangster at Assasin. At kami ang may ari nito. Ang S. U ay isa ring dorm school. Hindi ka makakalabas dito hanggat hindi ka naka graduate.

Andito ako ngayon sa rooftop ng school namin hawak-hawak ang dalawang katana ko. Naghahanap ng bibiktimahin.

Tuwing pagsapit ng alas 8 ng gabi, ginaganap ang Bloody Night kung saan kailangan mong pumatay kundi ikaw ang mamatay. Sa school nato bawal ang duwag. Kailangan mong lumaban, kailangan mong pumatay.

Kahit nasa rooftop ako kitang kita ko parin ang target ko, I have a super eyesight. Marami akong kayang gawin na hindi kayang gawin ng mga normal na tao. Pero kahit kailan hindi ko ito ginamit. Kahit marunong akong mag control nito.

Mabilis akong tumalon at tumakbo at sinundan ang aking target. Siya si Drake Flamenco ang number one bully at siga sa school. Kailangan ko syang patayin para mawala na ang sagabal sa organisasyon namin siya at ang ama niya ang traydor.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng makita kong papunta siya sa gubat saka umakyat sa bakod. Tatakas ang gago. Kinuha ko ang dagger sa boots ko at tinapon iyon sa gilid niya. Dahil sa gulat, siya ay nahulog sa bakod at tumingin sa kin ng matalim. Ilang metro lang ang layo ko sa kanya.

"Oww the snake is trying to escape huh" I said and smirked at him pero ngumisi lang din siya sa akin.

"Kahit anong gawin mo Selena babagsak at babagsak ang organisasyon niyo!" hindi ko pinansin ang sinabi nya at tiningnan siya ng malamig.

"Ibalik mo ang files na ninakaw mo and I'll set you free"

"Kahit ibalik ko iyon sayo at hindi patayin alam kong may ibang papatay sa akin at kahit patayin niyo ako hindi na mababalik ang ninakaw ko sa inyo" seryoso niyang sabi sa akin.

"Kanino mo binigay ang files Flamenco" at humakbang ng ilang metro sa kanya isang dipa nalang ang pagitan namin.

"Alam mo ba ang totoong pagkatao mo Selena? Ginawa ka nilang sandata sa pansarili nilang kaposukan Selena, sinunod mo na lang sana ang sinabi ng Nana Yena mo... ang umalis sa poder nila."

Bigla akong nanigas sa sinabi niya si Nana Yena siya ang nag alaga sa akin siya na naging nanay ko at namatay siya ng dahil sakin...

"P-Pano... mo nakilala si Nana?"nauutal kong tanong sa kanya pero hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Hindi ka nababagay sa mundong ito Selena, alam mong ibig kong sabihin." at tiningnan ako ng matiim.

"Katulad rin ba kita Flamenco?" umaasa kong tanong sa kanya.

"Hindi tayo magkatulad Selena, isa lamang akong normal na tao. Hanapin mo ang totoong mundo mo Selena doon ikaw ay nararapat." iyon ang huling sinabi niya at tumalon sa kabilang bakod.

Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang makatas, dapat pinatay ko na siya. Kaya nga ba hindi ko siya pinatay kase may koneksyon sila ni Nana Yena?

"Wrong move Selena, you shouldn't let that bastard escaped, now you have to face your consequence"

Bigla akong napatingin sa aking likuran at nakita ang kanang kamay ng Ama ko. Alam kong mapaparusahan ako sa ginagawa ko pero hindi ko pweding galawin kung sino man ang may koneksyon kay Nana. Si Nana na naging nanay at nagiisang kapamilya ko.

— s4ucevenomous