Chapter 2:
"Laughtrip talaga 'yong reaction kanina ni Bethany!"
"Bakit anyare?"
"May naglagay kasi ng ipis sa bag niya."
Kanina pa usap-usapan ang nangyari kanina kay Bethany. Kahit ako ay nasaksihan rin ang pangyayari kanina lang. May ipis daw kasi sa bag ni Bethany kaya kanina halos mahimatay siya sa kakasigaw. I admit nag-enjoy akong makita siyang gano'n but ugh! Hindi ko pa rin masikmura ang ginawa sa kaniya.
Kahit naman ako matatakot 'pag may ipis na biglang lumabas sa bag ko. Na-i-imagine ko pa lang na gano'n tumataas na ang balahibo ko.
"Ay! Ipis!" Napatalon ako nang may biglang tumakip sa mata ko.
"Hulaan mo kong sino Bebe South, bigyan kita ng clue. Isa akong hari." Mas tumaas ang balahibo ko dahil sa kung sinong demonyo na bumulong sa'kin.
Mas nakakatakot pa sa ipis tch. What a great day to start!
"Fuck you!" Tinampal ko ang kamay niya na nakatakip sa mata ko at agad siyang hinarap nang puno ng inis.
"Where? When?" he annoyingly grinned.
"Pervert" Mabilis akong tumalikod at diretsong pumasok sa room.
Mabilis kong nilagay ang ice cream sa desk ni Kiro at umupo sa likod.
I rolled my eyes when KD entered the classroom. Kita ko pa ang pagkinang ng mga mata niya nang makita ang ice cream sa desk ni Kiro.
"Vanilla ulit ang flavor?" Pinatalikod niya ang upuan at doon umupo paharap sa'kin. Nakapangalumbaba itong tumingin sa harap ko.
Sumama ang timpla ng mukha ko at malakas na hinampas siya sa balikat gamit ang notebook na hawak ko.
Imbis na dumaing ay mas lalo lang itong ngumisi. Ugh! Kainis.
"Confident ka talagang ibibigay ulit sa 'yo ni Kiro ang ice cream, ano?" I glared at him.
He chuckled once again. "Syempre."
"Epic 'yong itsura kanina ni Bethany, 'no?" Nagsimula na itong tumawa dahilan para mas lalo pa akong mainis.
Kahit siguro nakatayo lang siya ay maiinis pa rin ako. Nakakaasar talaga ang pucha!
Hindi ko na lang siya pinansin at mas lalong nag-focus sa pagbasa ng mga notes sa lesson namin.
"Sino kayang gwapo at macho ang naglagay ng ipis doon?"
Gulat kong inangat ang mga tingin ko sa sinabi niya. What the fuck?! it means. . .
"Ikaw?!" Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang gulat.
Nanlaki naman ang mata ko nang mas lalo lang itong natawa. He even smirk like an evil in front of me.
"Sabi ko naman sa 'yo e. Ako ang cupid ng pagmamahalan n'yong dalawa kaya hindi ko hahayaang may maging hadlang sa pag-iibigan niyo." Mala- demonyo itong tumawa.
Nangingilabot kong nilayo ang sarili ko sa kaniya. Alam kong baliw siya pero hindi ko inaakalang may ikaka-baliw pa pala siya.
What if lagyan niya rin ng ipis ang bag ko? Hindi pwede, ako nagpapakain sa kaniya ng ice cream!
"Huwag kang lumapit sa'kin!" Hinarang ko ang upuan ko sa kaniya.
"Grabe ka naman Bebe South! Iniisip mo talagang kaya kitang saktan?" He pouted. He's sincere, so it means hindi niya 'yon kayang gawin sa'kin.
Kumalma naman ako sa sinabi niya. My eyes are still narrowing at him.
"Baliw," I mumbled in the air.
"Sa 'yo," Dagdag niya sa binulong ko.
He leaned back into his chair and wiggled both of his eyebrows.
Naiinis kong sinipa ang upuan niya dahilan para mawalan siya ng balanse at natumba. Natawa ako dahil pati ang upuan niya ay natumba rin.
Mukhang napalakas ang pagsipa ko.
Well, he deserve it naman.
"Sorry but not sorry." Ngumiti ako nang nakakaasar sa kaniya.
"May ipis pa ako dito, gusto mo lagay ko rin sa bag mo?" gulat akong napatayo at lumayo sa kaniya. Mabilis kong hinablot ang bag ko at niyakap.
Inayos niya ang upuan niya at binalik sa pwesto niya. Kalmado itong umupo ngunit may mga ngisi pa rin ito sa mga labi.
Nang masiguradong wala siyang gagawin ay agad akong umupo sa upuan ko. I even checked my chair. Buti naman at wala talaga siyang planong totohanin 'yon.
Napapitlag ako nang tumalikod ito at may kinuha sa bag niya. Inabot niya iyon sa'kin.
Nagtataka ko namang tinitigan ang kamao niyang nakakuyom. What if ipis talaga ang ibibigay niya sa'kin?
"Hindi 'yan ipis." Mukha namang totoo ang sinabi niya kaya kinuha ko na lang.
Napatingin ako sa bigay niya. Napakunot ang nuo ko nang mapagtanto kong ano ito.
Chocnut?
"Total sa'kin naman napupunta ang ice cream na binibigay mo kay North." He smiled once again. "Bibigyan rin kita ng Chocnut araw-araw kagaya ng pagbibigay mo ng ice cream kay Kiro"
My eyes widen in shock. I couldn't believe in what he said.
He actually cares? Akala ko talaga isa lamang siyang patay gutom na peste sa buhay ko pero hindi ko inaakalang iba rin pala siya.
Dahan dahan akong napangiti sa kaniya. Mukhang nagulat pa ito ngunit napalitan rin naman 'yon ng ngiti sa huli.
"Akin isang gallon ng ice cream tapos sa'yo isang piso lang ng Chocnut?!" natawa ako nang maglaho ang mga ngisi niya.
Sumimangot ito. "Iyon lang kaya ko e."
Napatigil kami sa pagtawa nang makita naming naglalakad si Kiro papalapit sa'min.
Umayos ako ng upo at iniwas ang mga tingin ko gano'n rin ang ginawa ni Kingdom.
Napalunok ako nang makita ang talim ng titig niya sa'min. Nagagalit ba siya kasi kinakausap ako ni KD?
Napakapit ako nang mahigpit sa desk ko nang marahas niyang tinapon ang ice cream na bigay ko sa basurahan. Nangingilid ang mga luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bakit hindi niya na lang ibigay kay KD? Mas tanggap ko pa 'yon kaysa sa pagtapon niya ng ice cream na bigay ko. Gano'n na lang ba talaga kadali para sa kaniya na saktan ako ng ganito?
Why is he hurting me like this? We used to best friends. Itatapon niya lang ba lahat ng iyon?
Patago kong pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ko at mas nag-focus na lang sa binabasa ko.
Bumigat ang dibdib ko nang marinig pa ang mahihina niyang mura sa harap. Hindi ko na mapigilan ang luha ko kung kaya't patuloy itong lumandas pababa sa pisngi ko.
Dali-dali kong sinubsob ang mukha ko sa desk at doon umiyak ng patago.
I even remember how he used to take care of me back then. Ayaw na ayaw niyang makita akong umiiyak. He also like my ice cream, favorite niya raw iyon. We even promise to each other na kapag nag-away kami, isang bigay lang ng ice cream magkakaayos na kami. It's like our way to fix our friendship.
Kaya kahit ngayon nagbabasakali pa rin ako na baka pwede pa kaming magka-ayos. Pero kahit anong bigay ko pa ata ng ice cream sa kaniya hindi na 'yon mangyayari.
Iniwasan at kinamumuhian niya ako ng walang dahilan. And I hate him for that.
Mapait akong napangiti sa kalagitnaan ng paghikbi.
Can I really hate him? Kahit ano pa sigurong sakit na ibibigay niya sa'kin, hindi ko pa rin siya susukuan.
And I hate myself for that. I hate myself for not giving up on him. I hate myself for not being able to fix our friendship. I hate myself because I chose to love him, loving him more than my own.