Chapter 18:
I stared at the phone for a few seconds and smiled. I was busy creating our own group chat. Naisip ko lang na mas maganda rin na mag usap kaming apat through chat. Nasanay na ata siguro akong kausap sila lagi.
F. R. I. E. N. D. S
@Kaharian:
Hello! It's me your handsome Kingdom!
@Abo:
Who the fuck created my nickname?!
@Palasyo:
Ako Pinsan, hehehe.
@Hilaga:
It's loud.
@Timog:
Tangina mo KD. Ang pangit ng nilagay mong nickname.
@Palasyo:
Ganda kaya! Tagalog version ng mga pangalan niyo.
@Hilaga:
Go to sleep, Kira. Don't mind them.
@Kaharian:
Aba! Killjoy talaga 'tong si North.
@Abo:
Yieee... kinikilig ako.
@Timog:
Okay, I'll go to sleep na. Goodnight guys!
@Abo:
Goodnight Aki! Goodnight Pinsan! Goodnight Hilaga!
@Kaharian:
Hoy! Bored ako, huwag muna kayo matulog.
@Hilaga:
Fucking go to sleep Kingdom, don't disturb the girls.
@Kaharian:
Okie, goodnight Bebe South! Goodnight Pinsan!
@Hilaga:
Goodnight to all.
Nilagay ko sa ibabaw ng cabinet and phone ko at agad na pinatay ang ilaw sa kwarto. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko habang may mga ngisi pa rin sa labi.
~
Nagising ako nang may marinig akong ingay. I slowly open my eyes. Tinakpan ko ulit ang buong mukha ko ng unan nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.
Kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng cabinet upang tingnan ang orasan. Napahiyaw ako sa gulat nang makitang late na ako. It's already 8:00 AM, ma-la-late na ako!
Agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom. Mabilis kong binasa ang buong katawan ko at ginawa ang shower routine ko. Napangiwi pa ako dahil feeling ko ang lagkit ko pa.
Mabilis din akong nagbihis ng uniform ko. White long sleeves, black stripes necktie and short skirt. Hindi na ako nag abala pang mag-blower dahil wala na talagang oras. I put a simple make up to brighten my face.
Nang makontento na ay agad akong bumaba. Napahilot ako sa sintedo ko nang makita ang sticky note na nilagay ni Mammi sa refrigerator.
"Maaga akong papasok sa Hospital ngayon. Sumakay ka na lang sa Taxi kasi hindi kita maihahatid. I already cooked your breakfast, eat well."
Malalim akong napabuntong hininga nang natapos ko nang basahin iyon. Hindi na ako kumain pa dahil anong oras na. Sana talaga maraming Taxi ang bumabyahe ngayon.
Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong namataan si Kiro na busy sa pag-ty-type ng cellphone niya. Gulat man ay hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya.
"Kiro!" I loudly yelled his name.
Napaangat ito ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti ito pabalik.
Naglakad ito palapit sa 'kin. Napaayos naman ako ng tayo nang tumama ang ilaw sa mukha niya dahilan upang mas lalong kuminang siya sa paningin ko. Parang meron itong spotlight na nakatutok lamang sa kaniya. My heart was pounding so fast when he finally stood up in front of me.
"Late ka?"
Tumango ako sa tanong niya. He look back at his car, "Ihahatid na lang kita." Binalik niya muli ang tingin sa 'kin.
"Okay," I agreed.
Sabay kaming naglakad patungo sa sasakyan niya. Umupo ako sa harap at agad na nilagay ang seatbelt.
Pinagkakatigan ko siya muli. He's wearing our uniform. Hindi rin basa ang buhok niya pero bakit na-late pa rin siya?
"Late ka rin nagising?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.
He quickly nod and return his gaze at me again. "Ikaw? Bakit ka na-late ng gising? Kinulit ka pa ba ni Kingdom?"
Mabilis akong umiling. "No! It's just that... wala ngayon si Mammi upang gisingin ako" I frowned.
"Ang laki mo na tapos si Tita pa ang gumigising sa 'yo," natatawa niyang wika.
I rolled my eyes at him. Sinimulan niya ang pag-andar ng sasakyan dahilan upang mapatahimik kaming dalawa. I bit my lower lips to stifle my smile.
Ilang minuto rin ang lumipas nang makarating na kami sa School. It's already 10:50 kaya sigurado ako na absent kaming dalawa sa apat na subject.
Actually, okay lang sa 'kin na ma-late ako lagi as long as kasama ko si Kiro. Gusto kong matawa sa sarili ko nang maisip 'yon. Landi ko talaga.
"Go to the classroom first, susunod na lang ako," he said.
I averted my gaze. Why? Pupuntahan niya pa si Bethany? O baka ayaw niya lang na makita kaming dalawa ng mga classmates namin?
I sighed because of that thought. "Okay," pinigilang kong magmukhang labag sa loob ko ang sinabi niya.
Mabagal akong naglakad palayo sa kaniya. Nagbabasakali na baka 'gaya ng laging ginagawa niya ay pipigilan niya ako. But to my disappointment, he didn't do it.
Binuksan ko ang phone ko na nakapatay upang tingnan kong nag-text ba sina Ash at KD. At tama nga ako. I have 10 missed calls from KD and 6 missed calls from Ash. May mga text rin silang iniwan sa 'kin.
From Kingdom:
Bebe South, hindi ka papasok ngayon?
Sad na ako... inaaway lang ako dito ni Pinsan.
Argh! Ang boaring pag wala kayo ni Kiro.
South! South! South!
Kasama mo si Kiro?
Text back naman oh.
Are you sick? Puntahan kita mamaya diyan.
From Ashley:
Hindi ka papasok?
Aki, inaaway ako ni Pinsan.
Kinukulit niya ako na tawagan ka raw.
Pupunta kami ni Pinsan diyan sa bahay niyo pagkatapos ng klase.
Magbabasa pa sana ako ng mga text nilang dalawa nang may naramdaman akong pwersang bumangga sa 'kin. Napaupo ako sa lupa dahil sa sobrang lakas ng pagkabunggo ko.
"Hey! Are you okay? I'm sorry. . ." I heard a voice saying.
Napakamot ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko tumama ako sa matigas na bagay. Napaangat ako ng tingin upang tingnan kong sino ang ang bumangga sa 'kin. Napakurap-kurap ako ng malabong mukha lang ang naaninag ko.
He offered me his hand. Tinanggap ko naman ito, tinulungan niya akong tumayo sa pagkakatumba.
"Thanks..." maliit na lintaya ko.
Nang magtagpo ang tingin namin ng lalaking bumangga sa 'kin ay doon nanlaki ang mga mata ko.
"You?" I stared at him in disbelief.
"Yeah?" He chuckled, "Ah... of course kilala mo ako." He confidently combed his hair.
Tinikom ko ang bibig ko. The fuck? Ito ba talaga ang gusto ni Ash? Parang may saltik naman 'to sa ulo.
"I don't know you," I bitterly uttered.
Napatigil ito ng kaunti bago binaling ulit ang tingin sa 'kin. Tumaas ang sulok ng gilid ng labi niya habang pinagmamasdan ako.
"My bad, akala ko kilala mo ako. By the way, I'm Harvin." He stretch out his right arm to offer his hand to me.
"Harvin Guerrero at your service," he smiled a little.