Chapter 17:

"Oh! This one is also delicious!" Ash giggled in so much happiness. Hawak niya sa isang kamay ang fishball at sa kaliwa naman ay Kwek-kwek. Nakalimutan kong nag-stay nga pala siya sa America kay medyo hindi ito familiar sa mga local street foods. Her Tagalog is excellent though.

"Ang OA mo! Wala bang gan'yan sa America?" her cousin annoyingly said.

"Saan ka naman makakakita do'n ng fishball at kwek-kwek, ha?" pagtatanggol ko kay Ash. I secretly winked at her.

"Aba! Bakit ako tatanungin mo? Hindi pa naman ako nakapunta do'n." Mabilis niyang tinusok ang fishball sa cup at kinain.

"Talaga? Mayaman ka naman, ah?" curios kong tanong ulit.

"Iyong parents ko, oo, pero ako hindi," there's a hint of bitterness in his voice. Pinili ko na lang na tumahimik.

"Hintayin niyo muna ako, bibili lang ako ng soft drinks." Kiro look at me, "I'll take Ash with me." Tumango naman si Ash sa sinabi ni Kiro at agad silang umalis na dalawa. Pinagmasdan ko ang papalayong bulto nila bago binaling ang tingin sa lalaking kaharap ko ngayon.

"May sauce sa gilid ng labi mo." Binigyan ko siya ng tissue na galing sa bag ko, "You're gross."

He laughed a little bit and wiped the side of his lips with a tissue. "Thanks, Bebe South," I'm not sure if it's really genuine or not.

I irritatedly rolled my eyes. "Feel ko may tinatago sa 'kin ngayon si Kiro, don't you think?"

"Wala, baka may surprise siya sa'yo," tumawa ito na parang may nakakatawa talaga.

"Huwag mo ulit ako paasahin, tangina mo," I cursed.

"Nasa sa'yo na iyon kung maniniwala ka." He shrugged.

Binigyan ko siya ng nakakamatay na titig at nag-focus na lang sa pagkain ng kwek-kwek. Susubo pa sana ako nang maramdaman ko ang mga titig niya. I look up only to see him staring at me.

"What?" I raised my left eyebrow.

"Paano mo kaya nagagawa 'yon?"

Kumunot ang nuo ko sa tanong niya. Mas lalo pa akong naguluhan nang hindi niya pa rin tinanggal ang mga titig niya sa 'kin.

"How can you made me fall in love with you... again and again?" He stared at me for a moment, "Turuan mo naman ako, para magawa ko rin 'yon sa'yo."

"What the fuck? Saang libro mo nakuha ang linyang 'yan?" Tumawa ako nang malakas. Honestly, kung may gusto ako kay KD kanina pa ako kinilig pero hindi, e.

He frustratedly combed his hair. Sumimangot siya at mabilis na kinain ulit ang tatlong fishball ng sabay. Natawa ako dahil mas lumaki ang pisngi niya.

"Papisil ng cheeks mo!" Hindi pa siya naka-react ay agad ko ng pinisil ang pisngi niya. He annoyingly groaned.

"Pero seryoso, nakakakilig ba?" His face lit up again.

"Iyong ano?" Pagmaang-maangan ko. Natawa ako nang makita ang reaksyon niya. Mukha itong pinagbagsakan ng lupa.

"Iyong sinabi ko kanina! Ano ba naman 'yan!" He frowned.

"Bakit naman ako kikiligin? Si Kiro ka ba?"

"Ouch... that hurts." Hinawakan nito ang dibdib niya na para talaga siyang nasaktan sa sinabi ko. I once pinched his cheeks again, we both laughed because of it.

Napatigil kami sa pagtawa nang dumating na ang dalawa. Napatingin ako sa paper bag na dala ni Kiro. Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan 'yon. Ano naman kaya ang laman niyan?

Itatanong ko na iyon sana kay Kiro nang agad nagsalita si Ash na ikinatigil ko.

"Let's go..." She quickly grabbed my hand. Napailing na lang ako at sumunod sa kaniya.

Naramdaman ko rin ang pagsunod nina Kiro and Kingdom sa likod namin. Lilingunin ko pa sana sila nang pinigilan ako ni Ash. I suspiciously look at her. May tinatago talaga silang tatlo sa 'kin.

"Magpapasundo na lang kami ni Pinsan sa personal driver namin," ani Kiro.

"Okay, be safe." Kiro waved at them.

"Mauuna na kami, ha?"

"Goodbye Aki! Goodbye Hilaga!" Masaya kaming kinawayan ni Ash.

Naglakad na kami papaalis at dumiretso sa sasakyan. I sat at the front seat as usual. Ilalagay ko na sana ang seat belt nang may naramdaman akong pumigil sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakasiklop sa kamay ko. Why does it fits so perfectly?

I slowly lifted my head. "What's wrong?"

"I have something to give you," his voice was calm and soothing.

Naguguluhan akong napatingin sa paper bag na inabot niya sa 'kin. Ito 'yon hawak-kawak niya kanina, ah?

"Para talaga sa 'yo 'to." Binitawan niya ang kamay ko at nilagay doon ang hawakan ng paper bag. Naguguluhan man ay ramdam ko ang pag-uumapaw ng emosyon ko.

"Open it," he smiled beautifully at me.

Pinigilan ko ang pagtakas ng luha ko habang dahan-dahang binubuksan ang bigay niya sa 'kin. Hindi ko aakalain na maiiyak ako sa tuwa at hindi na dahil sa nasasaktan ako.

Napakagat ako sa labi ko nang makita ang laman ng paper bag. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. He just smiled at me. Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

Polaroid camera. He brought me me a Polaroid camera. And I still can't fucking believe it! Ano ang nakain niya para bigyan ako ng ganito?

"I... I don't know what to say," I stammered.

"You want that right? Narinig ko iyong bulong mo kanina," I heard him say.

I look up at him and smiled. I want to hug him right now, but I can't.

"T–thank you, sobra," I began to sob. Ang tagal ko rin hinintay na bumalik kami sa ganito. Ang saya ko lang kasi kahit papaano mas nagiging malapit na ulit kami.

I closed my eyes when I felt his thumb wiping my tears. "It's just a Polaroid camera, don't cry." He chuckled.

No, the Polaroid camera meant everything to me.

"Let's capture this moment." Kinuha niya ang camera na hawak ko. He snaps a picture of me crying.

Gulat man sa ginawa niya ay napangiti na lamang ako. Sigurado akong pangit ang sa picture na 'yon pero ayaw ko rin ipabura 'yon sa kaniya. I also want to have a remembrance of me crying because of so much happiness. I want him to be the first person to capture this moment.

Nang makuha ang litrato ay agad niya iting winagayway sa hangin. He stared at the picture for a moment. He blinked twice while still staring at it.

"Fuck..." he cursed quietly, "So beautiful."

Para namang tinambol ang puso ko nang marinig ang salitang iyon sa mismong bibig niya.