Chapter 15

“Pinatawag mo raw ako? Bakit?” tanong ni Darielle. Sinulyapan niya lang ang hawak na club ng lalaki.

‘Naglalaro na naman ‘tong loko kahit sa oras ng trabaho,’ sa isip niya. Kita niya ang naka-setup na mini-golf course nito sa loob ng opisina nito.

‘Ang judgmental mo, D. Baka naman pampalipas oras niya lang kapag naii-stress siya sa trabaho.’

‘Huh! Anong stress? Siya naii-stress sa dami ng babaeng pumatol sa kanya? Tch!’ sarkastikang pakli ng isang bahagi ng kanyang utak.

“We’ll start your golf lessons, D.” Seryoso itong nakatingin sa kanya na animo’y trabaho talaga ang pinag-uusapan nila.

Gusto niyang mapatawa nang mapakla pero nanatiling walang emosyon sa kanyang mukha habang nakatitig sa lalaki.

‘Seryoso talaga siya? Pakialam ko ba talaga sa golf-golf na ‘yan? Grr! Kabanas!’

“Come on. I’m telling you this is for work,” dagdag na anito nang hindi pa rin siya kumilos kundi nakatayo lang. “Dad wants us to do this together, remember?”

Ilang minuto ang lumipas na pangungumbinsi sa kanya ay napilitan siyang gawin na lang ang gusto nito.

“Hindi ganyan ang pagsu-swing. Akala ko ba nanonood ka sa UVid?” sita ni Caleb sa dalaga.

Pinilit niyang maging seryoso sa paggo-golf pero medyo nahihirapan siya. Saan ba talaga siya lulugar?

“It’s not just the arms, D. Can’t you move your hips? You have to move your hips para mas effective ang pagsu-swing mo,” pagtuturo sa kanya ng lalaki.

***

Caleb crouched slightly at hinawakan niya ang binti ni Darielle. Napaigtad ang babae at muntik na siyang tadyakan o kaya ay hampasin ng club nang magtaas siya ng kamay, senyales na dinepensahan ang sarili at huwag siyang saktan.

“I swear, I’m not doing anything perverted, okay? Just bend your knees slightly and should be shoulder-width apart. Parang hindi ka makabukaka, eh! Hindi naman kita aanhin. At least, hindi pa ngayon,” sabay tawa niya. Inaksyunan na naman siyang hahampasin ng club ng dalaga kaya nagtaas siya ulit ng kamay at sumeryoso. “Seriously, dapat alam mo na ‘to, ‘di ba? Sige, swing ka ulit.”

Marahas itong bumuntong-hininga. Umayos na ito ayon sa pagko-coach niya sa tamang stance. Awkward pa rin itong tingnan pero puwede na. Nahila naman ang mga mata niya sa pang-upo nito.

‘Fuck! She really has a nice ass! I wanna…’ Natigil siya sa pag-iisip ng pilyo at napaiwas siya ng tingin nang nilingon siya nito. Tumikhim na lang siya at tiningnan ang pagkakahawak nito sa club.

Naghanda na ito para hampasin ang bola. “Oh, shit!” nasabi nito nang napalakas ang pagpalo. Lumipad ang bola sa isang bahagi ng dingding, tumalbog, at natamaan ang picture frame sa desk niya. Napamaang ito at napakagat-labing napatingin sa kanya na may guilty look. Hahakbang sana ito para pulutin ang nakatalikod na nabasag na picture frame pero mabilis niya itong hinawakan sa kamay at parang slow motion ay bumangga ito sa matigas niyang katawan.

Awtomatikong pumaikot ang isa niyang bisig sa baywang ng babae na lalong ikinamangha nito. Naghinang ang kanilang mga mata, kapwa humihinga nang hindi normal.

He could not stop himself. He closed his eyes, slowly lowered his head, and gently grazed her soft, lush lips with his. Para siyang nakuryente sa kanyang naramdaman nang dumantay ang mga labi niya rito. She tasted like sweet and exotic fruit na noon pa niya nalasahan. He thought it would drive him crazy. He slowly moved his lips into a gentle, coaxing kiss.

He paused to watch her face. Nakita niyang nakapikit ito ng mga mata at nakaawang ang mga labi. Napangiti siya kaya naman ay itinuloy na naman niya ang paghalik dito. Ang sarap kasi nitong halikan. Bigla na ring nawala ang pagiging stoic nito. Wala man lang salitang namutawi sa mga labi. He definitely liked this side of her even more. He pondered with amusement.

Nilaliman pa niya ang paghalik kay Darielle. Binitiwan niya nang unti-unti ang kamay nito para lumipat sa maganda nitong pang-upo.

Napamura na naman siya sa isipan. It was soft but firm. She was all woman. Narinig niya ang bahagya nitong pag-ungol kasabay niya nang dumako roon ang kanyang kamay. Marahan niyang hinimas iyon at kasabay niyon ay inikot niya ang sariling balakang at idinikit ang kanyang matigas na harapan sa puson nito. All the while, his warm and wet tongue slowly invaded her mouth to search hers.

Napasinghap ito sa ginawa niya at malakas siyang itinulak. Humihingal ito at pulang-pula ang mukha. Tumalikod ito sa kanya at mabilis na tumakbo palabas ng kanyang opisina. Habol-tingin na lang siya rito nang nakaawang ang mga labi. Ilang saglit pa ay napangiti siya sa sarili sa kabila ng paghingal niya.

“Fuck!” Napamura na lang siya.

‘Muntik nang bumigay si D, ah.’

Wala iyon sa plano niya pero ayos. Natikman naman niya. Ang sarap talaga ni Darielle. Masaya siya at nakaiskor siya kahit papaano.

Lumipat ang paningin niya sa nabasag na picture frame dahil sa tumalbog na bola ng golf. Dumukwang siya at tinitigan ang picture ng dalaga. Nakita sana ni Darielle ang sarili nitong picture kung hinayaan niya ito kanina pero bigla siyang natakot⸺at nahiya⸺kaya sa halip ay pinigilan na lang niya ito at hinalikan, which was better. Maybe.

‘Or did I do the wrong thing? Mas lalayo ba siya sa ‘kin dahil sa ginawa ko?’ napadili-dili siya.

Dinampot niya ang landline phone mula sa cradle nito at pinatawag si Bert sa nakasagot na supervisor sa mga janitor para linisin ang sahig dahil sa nabasag na frame. Ini-display niya lang ang picture frame na iyon kapag nasa office siya at itinatago niya sa drawer ng kanyang desk kapag umuuwi siya. Bukod doon ay meron siyang iba’t ibang larawan din ng dalaga na kuha ng kanilang official photographer sa tuwing may event sa kumpanya ang mga kopyang iyon at ginawa niyang slides na screensaver ng kanyang laptop.

Yeah, he knew he was like an obsessed stalker or something, but what could he do? Patay na patay talaga siya kay Darielle noon pa man. At talagang hindi na niya kaya pang magpigil at magpapigil pa lalo na’t natikman na niya ang mga labi nito.

‘I’m done watching her from afar, Dad. I really can’t take it anymore…’