Chapter 2
"Pwede ba tayong magpapicture, Rafus?"
Binawi niya ang kamay niya sa hawak ko, at nakaramdam ako ng sobrang hiya. Hindi ko pala dapat basta-bastang hinahawakan ang kamay ng mayayaman. Damn, nakalimutan ko.
I was about to say sorry but I already heard some clicks, probably from Helen's phone.
"Pagbigyan mo na si Slaine, Rafus. Ito lang naman ang una at huling beses niyang hiling sa’yo." Sulsol ni Crezst.
I heard him sigh in defeat after a few seconds then he looked at me, reading my emotions. "Alright."
Palihim akong napangiti sa pagsuko niya. Napatingin ako kila Crezst, pareho rin pala silang napangisi. I cling to Rafus' arm and slightly lean against him while grinning from ear to ear. May pose pa akong napatingin sa kanya samantalang siya'y nakatingin sa camera na nakapoker face.
Tumingkayad ako habang nakatingin sa kanya at doon lamang siya napalingon sa akin na magkasalubong ang kilay. "What do you think you're doing?" May diin ang bawat salita niya.
"Practicing..." to be your girlfriend.
"What do you want?" I can sense that he's already pissed but I don't care. I want to piss him more.
"You." Diretso kong sabi at nakipaglaban ng titigan sa kanya.
Kalaunan ay ako ang unang umiwas. I can't stand to look at his eyes because I might fall deeply that I can't even resurface. "Totoo naman ang sinasabi k—"
"Stop the bullshit." Even the coldness of his voice reaches the depths of me.
"The feeling isn't mutual..." Napatingin ako sa kaniya, napangiti ako ng mapait. "I know that." Dugtong ko.
His face remains expressionless until he averted his eyes and started walking away.
I'm damn rejected!
Iginala ko ang aking tingin sa field pero walang maski anino nila Helen at Crezst ang aking nakita. Mga traydor talaga. Hinanap ko sila hanggang sa napaisip akong puntahan ang mesa na tinatambayan naming palagi.
"Saan kayo nagsusuot?" Inis akong napatingin kila Helen at Crezst. Kumain sila ng ice cream habang may sari-sariling mundo sa kanilang cellphone.
"Duh, obviously binigyan namin kayo ng privacy! Hindi kami chismosa ano!" Si Helen.
"So, anong nangyari?" Kumibit balikat ako sa tanong ni Crezst at umupo sa tabi niya.
"Akala ko ba hindi kayo chismosa— araguy Helen!" Napabusangot ako, trip talaga nilang dalawa na mambatok sa akin. Nakakailan na sila!
"Takungin kaya kita?" Malakas akong tumawa sa banta ni Helen. "Naka-flats ka sis," paalala ko at ngumuso siya.
"Huwag na nating tanungin Helen, tanga parin iyan kay Rafus!"
"Grabe ka naman makatanga Crezst!" Lumipat ako sa tabi ni Helen at sumiksik ng kaunti. "Maraming pictures ba nakuha mo Helen?"
"Gaga, huwag masyadong kiligin uy!"
Nakita kong napailing si Helen at napairap si Crezst pero dahil masyado akong excited na makita ang pictures namin ni Rafus ay binalewala ko ang mga rant ni Crezst at inilabas ang cellphone. "Share it mo sa akin, Helen."
"Huwag atat, hindi ko pa nga na-edit eh!"
"Part-time, Hel? Part-time?" Natatawang tudyo ni Crezst pero hindi siya pinansin.
"Huwag mong guluhin Crezst baka pagdiskitahan ang picture namin ni Rafus!" Saway ko at pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ang kapal mo! Ipagpapalit mo kami diyan kay Rafus?"
Napairap ako sa kadramahan ni Crezst. "Kalma, may boyfriend kayong dalawa."
"Hala! Oo nga pala, ikaw lang ang walang boyfriend!" Pagak na natawa si Crezst at maging si Helen ay nakitawa na rin.
"Happy? Papa-celebrate na tayo?" Kunwaring napipikon kong sabi.
"Oo, ako bahala sa cake tapos ang lettering na nakalagay ay The Last Man Standing." Panggagatong ni Helen.
"Is this Minute To Win It?"
"Gaga hindi! Singing Bee ito!" Pambubwesit pa ni Crezst. I slightly pull a little strand of her hair. Crezst glared at me after I let it go.
"Tama iyan Slaine, hilahin mo hanggang sa maging straight buhok niya." Utos pa ni Helen.
"Tangina!" Napamura siya't nabitawan niya ang cellphone. "Flat-chested ka kasi kaya nang hahawak!" Sigaw ni Helen kay Crezst at pareho na silang nakatayo.
Kinuha ko ang isang cup ng ice cream na hindi bawas at sinimulang kainin iyon habang nanonood sa kanila na naghahabulan.
"Walang personalan, Helen!" Pikong sabi ni Crezst na matalim pa ang tingin sa kaniya.
"Pa-ganti!" Sigaw ni Helen at tumakbo papunta sa direksyon ni Crezst. Hinawakan niya ang hinaharap ni Crezst. "Hala! Bakit ganoon? Parang wala lang." Pang-iinis ni Helen kay Crezst at umepekto agad.
"Kapag ito lumaki—" Pinutol agad ni Helen ang sasabihin ni Crezst. "Sige nga, kapag iyan lumaki. Ano?"
"Tawag doon himala!" Ako na ang sumagot at mukhang inis na inis si Crezst pero pinagtatawanan lang namin.
"Tama na nga, baka sumama pa loob ni Crezst." Ani Helen habang nagpipigil ng tawa. "Hindi ka nga flat-chested, iyong pwet mo lang." Napaubo ako sa sobrang tawa sa binato ni Crezst.
"Perfect combination, wow!" Napapalakpak ako, hindi na sila na nagreklamo pa dahil wala silang maibabato sa akin kung pisikal na anyo ang pag-uusapan.
"Ano? Okay na kayo?" Natatawa kong tanong sa kanila nang muli silang umupo.
"Pangitin mo ang pagka-edit, Hel. Inaaway niya tayo eh!" Bulong ni Crezst na dinig na dinig ko naman.
"Open mo na ang Shareit, dali." Utos ni Helen.
"Kanina pa,” kalmado kong sabi at bahagyang napangisi.
"Ang rupok talaga ng kaibigan natin ano? Si Rafus lang pala ang katapat!"
"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ni Helen.
I thanked her after I successfully received 43 pictures, some were edited and mostly are original pictures. Helen mouthed you're welcome and started another conversation with new topic.
"Pupunta ka ba ng nightclub mamaya, Crezst?" Tanong ni Helen. Umiling si Crezst at sumubo ng ice cream bago sumagot. "Huwebes palang ngayon eh! Bukas ng gabi nalang para kinabukasan ay walang pasok."
"Sama ka, Slaine?" Aya ni Helen na tinitimbang ang aking ekspresyon.
"May trabaho ako sa Sabado kaya hindi ako pwedeng maglasing bukas." Pagtatanggi ko.
"Sumama ka naman sa amin kahit minsan." May bahid ng pagtatampo sa boses ni Crezst at ngiting napailing ako sa kanila.
"Saka na kapag may pera."
"Libre ka namin! Sama ka na please?" Pagpupumilit ni Helen.
"Pasensya na girls, mahal ko atay ko."
"Gaga ka." Singhal ni Helen na ikinatawa ko.
"Minsan lang naman!" Depensa naman ni Crezst.
Umarko ang kilay ko at kalaunan ay isang nanunuyang ngiti ang gumapang sa labi ko. "May binabalak kayo sa akin 'no?"
"Stop na Helen, huwag na natin siyang pilitin." Pagsuko ni Crezst saka napairap at ibinalik sa ice cream ang atensiyon. Wala sa mood ang loka kaya hindi ko na pinikon pa.
"Kasama niyo naman siguro ang boyfriend niyo, magmumukha lang akong chaperon doon." Usal ko habang tinitignan ang pictures na natanggap ko mula kay Helen.
Ginawa kong wallpaper ang litrato namin ni Rafus na whole body. Tumingkayad ako kaya nagkatinginan kami sa isa't isa. He looks so handsome even in those glasses! I can't help myself from blushing and giggled at my own thoughts.
Friday came, I really thanked the SSG's Vice, Inigo. Nahuli kasi ako at mabuti nalang dahil hindi niya ako pinalista sa logbook, iwas ako sa pagkakaroon ng violation!
May dala akong graham balls at naubos agad iyon na hindi pa nagrerecess. Doon kami sa usual tambayan namin sa ilalim ng puno kumain ng recess at lunch.
Nadagdagan muli ang school works at kailangan namin iyong matapos bago ang final exam.
Nang bumukas ang gate ay agad na nagpaaalam si Helen at Crezst sa akin dahil nga magku-club sila mamaya. Hindi nila sinabi kung saan at isa pa, hindi naman ako sasama kahit anong pilit nila. Kahit libre pa.
Mahina ang tolerance ko sa alcoholic beverages at ayokong umasa sa pera nila. Nakakahiya. Baka isipin ng iba na pasipsip ako sa mayayaman kong mga kaibigan.
"Ay obaryo ko!" Biglaan kong sigaw dahil sa gulat. Pinanliksian ko ng mata si Lowell na sapo sapo ang tiyan sa katatawa.
"Gago ka!" Pinagsusuntok ko siya sa braso dahil sa pagkainis.
"Taympers! Taympers!" Pagpipigil niya sa akin pero mas lalo ko lamang nilakasan ang pagsuntok.
"Time Freeze iyon hangal!" Pagtatama ko. "Bakit ka ba kasi nanggugulat Lowell? Kung may sakit siguro ako sa puso, kanina pa ako dedo!"
"Masamang damo ka, Slaine." Pinaningkitan ko ng mata si Lowell dahil sa sinabi niya. "Joke." Pahabol nito.
"Hoy, hintayin mo 'ko!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi ako maabutan ni Lowell. Pwede naman siyang tumakbo, may pagkabobo talaga 'to minsan. "Sabay na tayong umuwi, Slaine!"
"Ayokong ma-issue, Lowell."
"Libre kita ng street food."
Napapantig ang tainga ko sa sinabi niya kaya napalingon ako at tumigil sa paglalakad. "Sana sinabi mo agad!"
Ngiting-ngiti siyang napapailing habang papalapit sa akin. "Tara na!"
Naglalakad kami ni Lowell sa corridor at nahagip ng aking mata si Rafus na nagbabasa ng libro sa bench. Sinadya kong lakasan ang boses ko kapag nakikipagtuksuhan kay Lowell para mapansin niya pero wala talagang epekto, manhid ang loko. Nakakabadtrip naman!
"Hoy grabe ka Lowell! Hindi naman ako baboy!" Reklamo ko dahil andami niyang binili para sa'kin!
"Minsan naman lang ‘to," aniya at sumubo ng fishball.
"Mukhang sa'yo na ako sasama tuwing uwian ah?" Napapangisi kong sabi.
"Sabi ko nga, ito na ang huling beses."
"Hoy Lowell! Mga galawan mo!" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko si Aji, ang pinsan niya na kalalabas lang ng gate.
Lumapit si Aji sa amin at inilahad ko ang paper plate na may lamang pagkain pero yung pagkain ni Lowell ang binawasan niya.
Mahinang napamura sa Lowell nang bigla siyang binatukan ni Aji pero naagaw ang pansin ko sa lalaking palabas ng gate.
Tumagal ang tingin ko sa kaniya. Grabe, ang gwapo niya talaga!
Napalingon siya sa direksyon namin na blangko ang ekspresyon ng mukha. Nginitian ko siya habang iniwagayway pa ang aking kamay pero umiwas siya ng tingin at diretsong naglakad paalis.
Kung hindi lang kita crush, ekis ka na sa'kin!
"Babalik kami bukas ng umaga sa bukid." Mahinang sabi ni Tatay na napatigil ako sa pagkain.
"Gusto niyo po bang samahan ko kayo, Tay?"
"Huwag na 'nak. Kaya na namin ito ng Nanay mo at ng mga Tito mo." Pigil ni Tatay.
"Ano po ba’ng gagawin niyo doon, Tay? Baka pwede akong makatulong?" Alok ko pero umiling si Tatay.
Hindi kami sinasama nila Tatay at Nanay sa bukid at kailangan ko pa silang pilitin minsan para pumayag.
"Mag-aani kami ng mani."
"Dalhin niyo po ang dalawang tupperware ng graham balls bukas para may makain kayo roon." Sabi ko sa kanila pero agad na tumanggi si Nanay. "Pagkakitaan mo nalang anak."
"Sige na po Nay, minsan lang naman po eh." Dumukot ako sa aking bulsa at inabot iyon kay Tatay. "Tulong ko po, Tay."
"Itabi mo nalang ‘yan sa gastusin mo anak." Ibinalik ni Tatay sa akin ang isang libo. "Nabayaran ko na po ang babayarin namin ni Shey sa school. Tulong ko nalang po ‘yan para sa pagbili ng maintenance ni Nanay."
Hinaplos ang puso ko nang makitang ngumiti sina Nanay at Tatay. Ang sarap sarap sa pakiramdam niyon. I can't wait to receive my diploma and find a permanent job so that I can give my parents anything they want.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan nina Nanay at Tatay bago pumunta sa bukid. Kinuha ko narin ang damit nila para maisama ko sa aking paglalaba. Pumunta ako sa tiyangge para bumili ng tig-iisang powder, bar soap at fabric conditioner.
Pagbalik ko ng bahay ay nakita kong naghahanda na sina Nanay at Tatay. Inilapag ko muna ang binili ko sa mesa para tumulong sa kanila. Ako ang naglagay ng tubig sa water jug na dadalhin nila at inilabas narin ang dalawang tupperware ng graham balls mula sa freezer. Inilagay ko iyon sa bag na dadalhin nila. Lumabas na ako ng bahay pagkatapos tumulong para makapagsimulang maglaba.
I've spend so much time washing our clothes. Nasampay ko na sa sampayan ang mga damit namin at ni-hanger ko naman ang mga damit panglakad. Kanina pa nakaalis sila Nanay at hindi pa nagigising hanggang ngayon si Shey.
Pumasok ako sa bahay para makapagpahinga ng kaunti, mag-aalas otso palang naman at maya-maya nalang ako maliligo.
Naka-mustard color shirt ako na may itim bulsa sa kaliwang dibdib at nakatuck-in sa aking black jeans saka ipinares sa lumang cream color na ballerina flats. Nakalugay ang aking mahabang buhok, sinuot ko ang relong pambisig at isinukbit sa balikat ang mumurahin kong sling bag.
Bitbit ko sa kanang kamay ang eco bag na naglalaman ng order ng adviser ko. Pumara ako ng tricycle at sinabi ko kung saan ako bababa. Nag-abot ako ng syete pesos na pamasahe.
Naglakad ako ng mga sampung metro bago ko narating ang bahay ni Ma'am. Nagtawag ako sa labas baka may aso at makagat pa ako. Lumabas si Ma'am na pinapapawisan, pinagbuksan niya ako ng gate ng bahay nila. "Pasok ka muna Slaine."
Ngitian ko si Ma'am at sumunod sa kanya, bitbit ko parin ang eco bag. "Ma'am, saan ko po ‘to ilalagay?"
Itinuro niya ang mesa at nilapag ko doon ang order niya. Mukhang abalang abala sila sa paghahanda, maging ang asawa ni Ma'am ay tumutulong na rin sa pagluluto. May mga lutong pagkaing nakalagay sa mesa at tinatakpan ng babasaging pantakip. Napansin ko rin kaninang may nagluluto sa labas ng bahay nila Ma'am.
"Ito ang bayad ko Slaine." Nanlaki ang mata ko sa halaga ng binayad ni Ma'am, hindi ko agad iyon natanggap.
"Wala po akong pangsukli sa'yo Ma'am."
I heard my teacher chuckled a bit. "Loka hindi mo na ako kailangang susuklian, bayad ko na lahat iyan sayo."
"Pero sobra po ng dalawang daan Ma'am." Pilit niyang inilalagay sa aking kamay ang isang libo. "Isipin mo nalang na tip ko iyan sa'yo Slaine. Sige na, tanggapin mo na."
Bumuntong hininga ako't napipilitang tanggapin ang pera. "Bumalik ka dito mamayang alas dos ng hapon Slaine, ah?"
"Ay hindi na po kailangan Ma'am." Tanggi ko. Nandito lang naman ako para maghatid ng order, hindi para umattend ng party.
Kung ano-ano nang kasinungalingan ang sinasabi ko kay Ma'am para makaalis lang kanilang bahay at sa huli ay pinayagan ako kahit labag sa kaniya.
Nagpaalam ako kay Ma'am at sa asawa niya bago tuluyang umalis sa kanilang bahay. Naglakad akong muli hanggang sa makarating ako ng highway.
Laglag ang panga ko at nanlaki ang aking mata nang makilala ko kung sino ang lalaking kausap ng isang caretaker.
He's wearing a tan colored chino shorts and a black polo t-shirt paired with white sneakers! He's still wearing an eyeglasses, let me tell y'all he's so frigging hot! Nakapasok ang isa niyang kamay sa bulsa at kitang kita ko mula dito ang mamahaling suot niyang relo. Rolex o Cartier o Patek Phillipe? Hindi ko alam kung anong brand basta diyan sa tatlong iyan!
I'm damn conscious of myself right now!
Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa direksyon ko. Napapakagat labi ako't medyo kinikilig.
Napasulyap uli ako kay Rafus, bahagya akong nagulat dahil nasa akin parin ang tingin niya habang kinakausap ang caretaker. Nakapark sa gilid nila ang kotseng BMW X5M na itim na sa tingin ko ay kaniya din.
Marunong pala itong magmaneho? Rafus baka naman may balak kang imaneho ako papuntang langit?
I laughed at my own thoughts. Curse this contaminated mind! Kasalanan ito nila Crezst at Helen!
Nang makaalis na ang caretaker ay naglakas loob akong tumawid ng kalsada para makalapit sa kaniya.
"Hi, so we meet again." I said in a nice way and trying to calm myself down. Baka kasi malandi ko siya. His eyes were intimidating but I snobbed it.
Seryoso niya akong tinignan at nangangawit na ang labi ko sa kangingiti sa kaniya pero wala namang epek.
"Uuwi ka na?" I tried opening up a conversation. My mouth left open when he just nodded and never said a thing.
Lintek na isang tanong, isang sagot na lalaki ito!
"Bakit dito ka nagbabantay? Hindi ba pa-norte ang lugar niyo?"
I'm grinning from ear to ear and my cheeks reddenned of he said. Even if it's in monotone, I'm still thrilled! Paano niya alam? Ito na ba ang sign na intersado siya sa akin?
Hindi pa kasi ako uuwi dahil may balak akong pumunta ng El Paso para bumili ng groceries. Makikipaglandian muna ako kay Rafus habang nagbabantay ng masasakyan.
"Kikitain ko kasi sugar daddy ko." I joked but I'm disappointed because he remained unbothered! "Ikaw bakit ka nandito?" I asked again and one of his brows raise.
"Bakit? Hindi pwede?"
"Sinusundan mo ako, ano?" Naiintriga kong tanong.
"As if." He scoffed.
Aguy ba! Pwede namang sabihin niyang hindi! May pa-as if, as if pang nalalaman! Ang sungit niya, daig pa ang babaeng may dalaw.
"Eh bakit ka nandito?" Masusungit na rin ako akala mo ikaw lang, a? Nakipaglaban ako sa titigan hanggang sa siya ang naunang umiwas.
I won! Ha!
"I'm just checking our family's plantation." He boringly answered.
"Totoo? Pati dito may plantasyon kayo?" Mangha kong tanong, hindi ko na inaasahang sumagot siya.
My lips trembled because of the question forming my head. "Anyways, are you a licensed driver?"
The side of his lips rose. "Why ask?"
"Just answer me." I demanded.
An amusing smile slowly crept his face. "Yes, I am."
Tinanaw ko muna kung may paparating na bus at nakita ko ang Ceres na huminto sa hindi kalayuan. Bumaling muli ako kay Rafus na tila naghihintay ng paliwanag kung bakit ko natanong iyon.
I smiled sweetly at him while he's just pursing his lips. "Then, baby drive me."
Hindi ko na hinintay pang makita ang reaksyon niya sa sinabi ko. Agad akong tumawid ng kalsada at pumara sa bus saka dali-daling umakyat pataas.
Damn, nakakahiya!