Chapter 1

"Oh Aranza, ang aga mo ata?" Napangiti ako sa paninita ni Manong Guard. Bahagya kong itinaas ang dala ko. "May paninda po kasi ako."

Tumango si Manong Guard at ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang nagtitiis sa aking lumang sapatos. Nasa Senior High building na ako at kailangan ko pang umakyat sa hagdanan para makarating sa classroom namin na nasa ikalawang palapag.

"Ano 'yan Slaine?" Itinuro ni Lowell ang bitbit kong eco bag.

"Graham balls," simple kong sagot. Napalinga-linga ako sa buong classroom, bilang palang kaming nandito.

"Anong lasa niyan Slaine?" Gusto kong matawa sa tanong ni Dani sa akin.

Pilya ko siyang ngitian saka sumagot. "Graham balls na lasang bayag."

"Kaninong bayag ba?" Lumapit si Jangkit, ang bakla kong kaibigan.

"Kayong bahala kung kanino! Imagination niyo nalang ay i-limit." Napahalakhak ako.

"Sus! Kung alam ko lang, ang iniisip mo siguro ngayon ang kay Rafus, ano?" Agad kong tinakpan ang bunganga ni Jangkit dahil nahagip ng mata ko si Rafus.

Napahinto siya sa mismong labas ng classroom naming kaya panay tukso ng mga kaklase ko sa'kin. Napapa-ehem sila at inuubo pa. Mariin akong napapikit, nananalangin na sana hindi niya iyon narinig. Kumawala ako ng bumuntong hininga nang magpatuloy muli siya sa paglalakad.

"Naligaw ata ng classroom ang crush mo Slaine?" Napangisi lang ako sa tukso ni Lowell, naisipan kong sakyan.

"Manliligaw ata sa akin."

Gumawa ng tunog si Jangkit gamit ang kaniyang hinlalaki at hinlalato. "Hoy babae gising!"

Bumusangot ako sa kaniya dahil hindi niya man lang sinabayan ang trip ko.

"Scam ka naman Slaine eh! Lasang adobo!" Ani Dani na nginunguya ang graham balls ko. Kumuha narin si Jangkit sa tupperware at tumikim. "Lasang menstruation!"

"Mga tarantado talaga kayo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa habang binibilang sa kamay ang kinain nila. Lumapit si Lowell at kumuha na rin. "Lasang tanduay!"

"Ayan walwal pa, Lowell!" gatong ni Jon.

"Hoy bayaran niyo ha? Ten percent ang interest kada oras kapag utang!" Paalala ko sa kanila.

"Negosyanteng babae!" Singhal ni Jangkit at nilapag sa aking kamay ang bente.

"At least mura na at masarap pa!" Balik ko.

"Sure kang limang piso lang talaga 'to Slaine? Baka lugi ka niyan?"

Napaarko ang kilay ko sa sinabi ni Lowell. "Sige para sayo tig-sampu ang isa. Bale trenta yung sa'yo."

"Grabe ka sa akin Slaine Amaris! Kinukutongan mo 'ko!" Bulalas ni Lowell.

"Barya mo lang naman 'yang trenta! Hindi mo ikakamatay iyan Lowell!" Pagbibiro ko pero napaawang ang bibig ko nang inabot niya sa akin ang isang daan!

"Keep the change!"

"Seryoso ka?" Napatingin ako sa kaniya na naninigurado pero seryosong siyang napatango. "Uy, nagbibiro lang naman ako."

Galante! Ayaw na niyang tanggapin ang sukli! Bahala siya, sayang ang eighty-five pesos! Panload ko na 'yon! Naglahad narin si Dani ng bayad at inilagay ko ang benta ko sa isang wallet, nakahiwalay sa mismong wallet ko.

Inilagay ko ang eco bag sa ilalim ng upuan ko at tumulong sa pagbubukas ng mga bintana saka sa pag-aayos ng mga silya, may pagka-machine gun kasi ang bunganga ni Ma'am mahirap na baka maging puro lipstick ang grades namin.

"Tama na 'yang katutulong mo Slaine, baka makatanggap ka ng certificate kay Ma'am na most industrious." Napasabay ako sa tawa niya.

"Gago, hindi na tayo day care Lowell!"

"Mayroon namang ina-award-an nun sa Kinder ah! Day care talaga napili mo?"

"Mas maganda kasi sa day care! Pachill-chill lang tapos may matatanggap kang feeding kahit hindi ka pumasok." My classmates burst out of laugher with what I said.

"Mukhang alam na alam ah!" Ani Dominic na kapapasok lang ng classroom.

"Malamang dumaan ako ng day care, ulol!"

"Ang sama ng ugali mo, Slaine!" Pinagtaasan ko ng kilay si Dominic at naisipang inisin.

"Ikaw sa kabuuan masama talaga, Dom!"

"Ah ganoon? May balak pa naman sana akong bumili ng isang tupperware ng graham balls mo."

"Hoy gago! Joke lang! Ikaw kaya ang pinakamabuti sa lahat..."

"Talaga?" Bahagya pang namilog ang mata ni Dominic at nagpipigil ako ng tawa dahil hindi pa naman tapos ang sasabihin ko.

"... ng masasama!"

"Tarantado ka talaga Aranza!" si Dom.

"Araguy, masakit iyon Dom!" Sulsol ni Lowell na tawang tawa sa kanyang upuan.

"Hey people of the Earth!" Alam kong kay Crezst galing ang boses na iyon, matinis kasi.

Sunod na pumasok si Helen na mukhang panda dahil sa itim ng kaniyang eyebags. Kung ano ano siguro ang pinagpupuyatan nito.

Ilang minuto lang rin naman ang nakalipas at pumasok na si Ma'am, mukha siyang bad mood kaya walang naglakas loob na mag-ingay.

Nagtuturo na si Ma'am. Sinusulat niya sa pisara ang importanteng salita kalakip ang ibig sabihin at mga suportang impormasyon. Kinopya ko iyon at hindi pinapansin ang mga demonyo kong kaklase na naninitsit dahil gustong bumili sa akin habang nagtuturo si Ma'am.

Tinatapos ko ang kada period bago nagbebenta ng graham balls. Halos anak mayaman ang mga kaklase ko kaya kadalasang sinasabi nilang 'keep the change' kahit malaki-laki pa naman ang sukli.

Dapat lahat, ganoon!

Hindi umabot sa recess ang binebenta ko at naubos na. Si Dominic o Dom for short, bumili nga ng isang tupperware ganoon din si Crezt at Helen. Labinlima ang laman noon at otsenta pesos ang presyo, kasama na doon ang tupperware.

Every other day lang akong nabebenta baka kasi maumay ang mga kaklase ko.

"Tara na Slaine." Aya ni Helen sa’kin. Recess na kasi at medyo nagutom ako sa sobrang pagpipiga ng utak ko para maintindihan ang leksyon na tinalakay ni Ma'am kanina.

Punuan ang cafeteria kaya naisip naming umupo na lang sa mesa na may pahabang upuan sa ilalim ng isang kahoy. Dalawang fudgee bar lang ang binili ko dahil may tubig naman akong baon at dala dala ko iyon ngayon. Crezst ordered spaghetti and coke while Helen ordered siomai, bihon and lemon juice.

"Kuripot?" Sarkasmong tanong ni Helen at nginuso ang pagkain ko. Kumibit balikat ako at binuksan ang fudgee bar.

"Mabubusog ka ba niyan?" Si Crezst.

"Oo naman! Dalawa naman ito saka may tubig naman ako pampatid uhaw."

Napuno kami ng kwentuhan habang kumakain at napapansin ko pa ngang napapalingon ang ibang estudyante dahil napapalakas ang halakhak naming tatlo lalo na si Crezst.

"Punta tayo sa college mamaya?" Napaismid ako sa aya ni Helen, alam ko na naman ang modus niya.

"Sa Engineering Department ba?" Bahagya pang namilog ang mata ni Crezst habang nagtatanong.

"Oo girl, nandoon si Clajj the love of my life eh! Tapos nandoon rin si Hrist!" Kinikilig na sabi ni Helen at napahagikgik pa silang dalawa.

"Kayo nalang." I shrugged.

"Sa bagay sa SH building lang ang crush mo."

"Speaking of kinarurupukan mo," napatingin ako sa tinuro ni Helen. I saw Rafus sitting alone in the bench, just a few meters away from us.

"Hoy gaga, anong gagawin mo?" Umarko ang kilay ni Crezst nang makita akong tumayo.

"Watch and learn," I winked at them then started walking towards Rafus.

"Hi," I greeted him in a friendly tone but he just boringly looked at me. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa libro at walang hiya akong umupo sa tabi niya.

"Anong binabasa mo?" Nanatili ang aking ngiti kahit iniignora niya ang aking presensya. "Hey—"

"Ayoko sa maiingay," pagputol niya sa akin.

Napanganga ako sa sinabi niya. Walang kaemo-emosyon iyon.

"I just want to be friends with you." I directly said while looking at his stoic face.

He stopped reading and looked at me, weighing my emotion. I smiled but he just looked away.

"And I don't want to be friends with you," he said in a stern voice.

"Saan ka pupunta?" Panic kong tanong dahil nakita kong isinara niya ang kaniyang libro at tumayo ito.

The side of his lips rose and he playfully looked at me. "Bakit sasama ka?"

Nanuyo ang aking lalamunan at naiwan akong nakanganga.

"Hoy Slaine..." Natauhan ako sa pagyugyog ni Helen. "... okay ka lang ba? Bakit windang kang gaga ka?"

"Nakakatakot ka naman Slaine!" hiyaw ni Crezst at mahina akong tinampal sa balikat. "Ngiti ka nang ngiti para kang timang."

"Ayaw niya daw akong maging kaibigan," wala sa sarili kong usal at napahalakhak silang dalawa.

"Watch and learn daw." They mocked me but I just giggled when I realized something. My face heated and I unconsciously looked at the direction where Rafus took.

"Gusto atang tumungtong agad kami sa next level!"

"Aguy! Crezst, ha?" Reklamo ko dahil bigla-biglang nambabatok. "Baka pati brain cells ko lumipad!"

"Gising Slaine! Talo ka na sa babaeng katabi niya sa upuan!" Umiba agad ang aking timpla sa sinabi ni Helen.

"Panira ka talaga ano?" Sarkasmo kong sabi pero binelatan niya lang ako. Naging kuryoso ako kung sino ang tinutukoy niyang katabi ni Rafus. "Tingnan nga natin after recess."

Pinagalitan nila ako kesyo sinasaktan ko raw ang sarili ko. "Huwag kang martyr Slaine Amaris Aranza!" Sabay pa sila sa pagsabi.

"Gusto ko lang namang i-check."

I heard them both sighed in disbelief. "Kaloka ka," ani Helen.

Sinadya naming mapadaan sa classroom ng mga Grade Eleven at tama nga si Helen. Masyadong maganda ang katabi ni Rafus sa upuan, mukhang talo ako.

"Transferee," bulong ni Crezst at tumango lang ako.

Matagal akong nakatitig sa kanila at pinag-aaralan ang mukha ng babaeng transferee. Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Rafus sa aming direksyon.

"Huwag mo kasing titigan, maharot ka!" gagad ni Helen at muntik ko pa siyang masabunutan nang tampalin niya ang pwet ko at napahalakhak. "Damn, tibsol!"

"Tarantado ka, Helen Hernaez!" singhal ko sa kaniya. Umakyat kami papunta sa classroom at hindi parin natitigil ang panunukso nila sa akin.

"Happy? Ganyan nalang kayo panghabambuhay?" Bumusangot ako pero tumawa lang sila.

Nakapasok na kami ng classroom at habang nagkaklase ay tinutukso parin nila ako kapag nasasalubong ko ang tingin nila.

"Slaine..." Agad akong pumunta sa teacher's table dahil sa tawag ni Ma'am. Tinignan ko sila Helen at Crezst, sinesenyasang mauna na at tumango sila bago tuluyang lumabas ng classroom.

"Yes, Ma'am?" She smiled at me, crossing her arms on top of her chest. "I'd like to order 10 tupperwares of graham balls. Birthday kasi ng anak ko ngayong sabado. Pwede ba na ihatid mo nalang sa bahay at doon din ako magbabayad?"

"Pwedeng pwede po Ma'am. Anong oras ko po ba ihahatid sa bahay niyo?"

"Mga bandang alas nuebe, Slaine." Napatango ako kay Ma'am at tinitipa iyon sa aking cellphone para hindi ko malimutan.

"Sige po, Ma'am." Inayos ko ang aking mga gamit at inilagay iyon sa bag saka bumaba ng building.

"Anong sinabi sa'yo ni Ma'am? Pinagalitan ka ba or else?" Nginitian ko lang sila Helen at Crezst. Alas singko pa magbubukas ang gate kaya hinintay muna nila ako sa pinakamalapit na bench sa SH bldg.

"Mag-oorder kasi Ma'am sa akin at ihahatid ko raw doon sa bahay nila ngayong Sabado."

"Taray ng negosyo ni Ateng!" Ni-flip ni Helen ang aking buhok.

"Kalabanin natin si Slaine, Helen!" si Crezst.

"Palpak akong magluto kaya ikaw nalang."

Bumukas gate, nagpaalam sila sa akin dahil may kani-kanila silang sundo na mamahaling sasakyan. Ako lang kasi ang financially in trouble sa aming tatlo.

Namilog ang aking mata nang makita ko si Rafus na naglalakad sa corridor. Alam na ang kasunod.

"Hi ulit!" Nakangiti kong bati sa kaniya habang hinahabol siya kaso sa haba ng binti niya ay hindi ko siya maabutan.

"Rafus huwag ka namang rude sa magiging future mo!" Nahinto siya sa paglalakad at nilingon ako.

His face remain stoic, and I took the opportunity to run towards him and clung on his arm. I don't care if what he'll think of me.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" He asked me. I sweetly smiled at him while fighting my fear inside because of his grim expression.

"Nagpapractice." I answered honestly.

His brows furrowed and then trying to be freed from my hold. Marahan naman ang paghawak niya sa aking kamay, ako na lang ang kusang kumawala. He's wearing an eyeglasses, exactly my type.

Nararamdaman ko na parang ayaw niya sa presensya ko kaya ako na itong gumawa ng paraan para lumayo. "Good bye Rafus, take care." Nauna akong lumabas ng campus na walang lingon-lingon sa kanya.

Nakakahiya!

Nagtungo ako sa paradahan ng tricycle para makasakay pa-norte at pilit na inaalis ang katangahang nagawa ko kanina.

"Bakit ngayon ka lang?" Umarko ang aking kilay habang nakakrus ang braso sa aking dibdib. "Shey..."

"Sorry Ate, nilibre lang ako ng mga kaklase ko kaya ako ginabi." Aniya at inilapag ang bag sa upuan naming gawa sa kahoy.

"Abusado ka naman atang kaklase kung ganoon." Pangaral ko sa kaniya at napayuko lang siya. "Araw araw ka nalang ginagabi ng uwi, imbis na nakakatulong ka dito sa bahay at nag-aaral."

"Pasensya na po Ate, aagahan ko na po ang pag-uwi simula bukas," paninigurado niya.

Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa kaniya. "Sige Shey, gawin mo iyan."

"Punta po muna ako sa kwarto para makapagbihis." Paalam niya at tumango lang ako bilang saka nagpatuloy na paghuhulma ng graham balls.

Kalaunan ay lumabas narin si Shey para tulungan ako at alas otso na kamimg natapos. I put the last piece of graham balls on the 15th tupperware. Lahat ng iyon ay ipinagkasya ko sa freezer at nilinisan ang lugar na pinagawan.

Kumuha na ako ng kanin sa kaldero at ulam na ininit ko saka inilagay iyon sa mesa. Kumuha ako ng pinggan na gagamitin namin ni Shey at pitsil na ang laman ay tubig na may yelo.

"Nasaan sina Tatay at Nanay, ate?"

Napatigil ako sa pagnguya at tinignan siya. "Nasa bukid at bukas ng hapon pa sila uuwi, Shey."

May kubo kami doon sa bukirin. May sapat at malinis na tubig doon. Wala nga lang kuryente kaya nagdadala sila Tatay ng gas para sa gasera.

"Ako nalang po ang maghuhugas ng pinggan, Ate." Tumango ako sa pagpepresinta ni Shey at binilisan ang pagkain.

Poso ang pinagkukunan namin ng tubig at nakalagay ito sa likod ng aming bahay para tago. Lumabas ako para makapaglinis ng katawan at nang matapos ay pumasok ako sa banyo namin sa loob ng bahay para makapagpalit.

Siniguro kong nakasara ang lahat ng mga pinto bago pumasok sa sariling kwarto at nag-aral bago matulog.

Maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone. Lumabas ako ng kwarto para maghanda ng agahan namin at para mag-igib ng tubig na gagamitin sa pagligo sa banyo.

Bagong ligo ako at nakasando't shorts habang nakapulupot ang twalya sa ulo nang lumabas si Shey sa kwarto niya bandang ala-sais trenta na. Nasa hapag na rin ako at kumakain ng agahan. Umupo siya sa upuang nasa harap ko at kumuha narin ng makakain.

Iniabot ko sa kanya ang baon niya para sa araw na ito, hindi na kami humihingi kila Tatay dahil ako naman ang nagsusustento ng pangangailan naming dalawa ni Shey sa eskwela.

"Fully-paid na ba ang miscellaneous fee mo, Shey?" Umiling siya bilang sagot at nag-angat ng tingin sa akin. "Sige, ako nalang ang pupunta sa Treasurer's Office para magbayad."

"Salamat po, ate."

Ako ang naghugas ng pinagkainan naming dalawa dahil sinabihan ko na siyang maligo. Pumasok ako ng kwarto para makapagbihis narin ng uniporme. Hinayaan kong nakalugay ang buhok at nagbaon nalang ng pampusod. Naglagay ako ng lip tint para mamula ng kaunti ang aking labi.

Sadya ko talagang i-lock ang kwarto ko para hindi magalaw ang gamit pati narin ang perang itinabi ko. Ako lang ang may susi ng kwarto ko kaya malabong may makapasok.

"Shey, mauuna na ako sa'yo ha? Paki sara nalang ng mga pintuan dito sa bahay."

"Opo, Ate!" Sigaw niya mula sa kaniyang kwarto.

Nagsalin ako ng tubig sa aking tumbler at tuluyang lumabas ng bahay. Napatingin ako sa oras nang makasakay na ng tricycle. 7:15 palang naman at nasa sampung minuto pa ang byahe bago ako makarating ng WeSaS.

Iwinagayway ko ang aking kamay nang makita si Rafus na papasok sa kanilang kotse. Kumunot ang noo niya nang napansin ako pero agad rin naman umiwas ng tingin. Madadaanan ko pa kasi ang bahay nila at eksakto namang may pumarang estudyante.

Nilagpasan ng kotse nila ang tricycle na sinasakyan ko at napabusangot ako dahil iba ang aking ekspektasyon sa totoong nangyari.

Isa isa kaming nagbayad sa tricycle driver ng makarating sa tapat ng WeSaS. May mga nagbabantay na SSG sa gate nang pumasok ako, mabuti nalang ay mabait ako, naka-complete uniform at hindi pa late.

Hindi naman sila ganoon ka istrikto. Dati kong manliligaw ang president saka ex ko ang vice.

"Nakalusot ka ano?" Bungad ni Jangkit sa akin.

Kunot noo ko siyang tinignan at kalaunan ay nakuha ko ang nais niyang iparating. "Malamang naka-uniporme ako at hindi late."

"Wala kang graham balls Slaine?" Si Dom.

"Wala eh, ayoko namang araw arawin baka maumay kayo at makapaghanap pa ng iba."

"Wala kang jowa." Bumusangot ako sa paalala ni Jangkit.

"Meron kaya!"

"Sige nga, sino kung ganoon?" Paghuhuli ni Jangkit.

"Nasa ibang section!" Sagot ko.

"Nasa ibang grade kamo! Ano ba naman iyan Slaine, die hard crush mo talaga 'yang si Rafus?" Kumibit-balikat ako at malakas niya akong niyugyog.

"Bulag ka ba? Ang ganda ganda mong babae ka tapos doon ka magkakagusto?" si Jangkit at hawak hawak parin ang magkabila kong balikat.

"Wala namang masama! Crush lang naman eh." Depensa ko.

"Ikaw bahalang babae ka, ikaw nalang kaya ang manligaw?" Sarkasmo niyang sabi.

"Basted eh." Gatong ko pero isang pagbatok ang inabot ko.

Hindi nagtagal ay dumating narin si Ma'am at nasimula sa pagtalakay ng aralin saka binigyan kami ng pagsusulit.

"Kailan nga ulit ang deadline ng PowerPoint presentation natin?" Tanong ko kay Crezst habang tinitirintas niya ang buhok ko.

Nasa madamong field kami ngayong tatlo habang habang nanonood sa mga nagfo-football. Vacant time namin at naiinip kaming tumambay lang sa room.

"Two weeks from now, Slaine." Si Helen ang sumagot habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Nakapagsimula ka na?" Tanong ni Crezt at umalis na sa likuran ko.

"Oo pero hindi ko pa na-eencode dahil wala akong laptop."

"May luma akong laptop sa bahay Slaine, hiramin mo muna." Pang-aalok ni Helen pero agaran akong umiling bilang pagtanggi.

"Sa cellphone nalang ako gagawa may application naman na PowerPoint eh."

"Edi mahirap gumawa roon." Napangiwi si Crezst pero sumenyas akong kaya ko naman. Tinitirintas ni Crezst ang buhok ko. Nang natapos siya'y inilagay niya ang buhok sa kanang bahagi ko.

"Kuhaan natin ng picture ang buhok mo Slaine, dali!" Nagagalak na sabi ni Helen at tumalikod ako sa kaniya.

I heard some clicks then it stopped.

"Excuse me, pwede mo ba kaming kuhanang tatlo ng litrato?" Lumapit si Helen sa lalaki. Hindi ko makita kasi malayo pero nang naglakad sila palapit, parang gusto kong sabunutan si Helen.

Napatingin ako kay Crezst at nakangisi narin ito sa akin. Pinukulan ko sila ng matalim na tingin pero parang wala lang silang pakialam.

"Tayo ka Slaine, dali!" Nanunuksong naglahad si Helen ng kamay pero hindi ko iyon tinanggap at tumayong mag-isa.

Pinagitnaan pa nila akong dalawa! Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay hawak ang mamahaling cellphone ni Helen. Istoiko ang kaniyang mukha habang kinukuhanan kami ng litrato. Iba-iba ang mga pose namin at sa tingin ko'y naiinip na siya sa pagkuha.

Ibinalik na niya kay Helen ang cellphone at tumalikod na ngunit bago pa siya makahakbang palayo ay napahawak na ako sa kamay niya at para akong napaso.

Umarko ang kilay niya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang tingin namin. Malamig ang paraan ng pagtitig niya sa akin pero sapat na iyon para makaramdam ako sobrang kilig.