Chapter 24: Surgery

"How's the exam?" Agad niyang tanong nang salubungin ako.

"Ayun, ang hirap pero mukhang papasa naman kahit paano," simpleng sagot ko at tipid na ngumiti.

Minsan lang kami magkita ngayong linggong ito. Dahil puro review ang inatupag namin. At ngayong araw ang last day ng final exam namin para sa first semester. I didn't know, college life is really exhausting.

Napangiti ako habang tinitingnan siyang seryosong nakahawak sa mga mabibigat na libro ko. Kung titingnan parang sobrang seryosong tao at walang mga kalokohan.

Students here have high respect for him.

"Sobrang gwapo talaga ni Senior Phythos."

"Anong gayuma kaya ginamit ni Faye, 'no?"

"Gaga! Gayuma agad? Ika nga nila, love has no eyes."

"Baliw, love is blind 'yon." Hindi ko mapigilang hindi matawa sa narinig.

"What? Anong tinatawanan mo?" kuryusong tanong niya. Napailing lang ako.

Nasanay na rin ako na lagi kaming pinagtitinginan lalo na kapag magkasama. Habang tumatagal unti-unti ko na ring nabubuo ulit ang self-confidence ko.

"Nga pala, mine, since maaga pa. Date muna tayo." Biglang anyaya niya.

"Sige, pero ipunta ko muna sa dorm 'yang mga libro ko."

"Oo ba! Mabuti naman may awa ka rin pala sa akin. Ang bigat, eh," bulong niya. Natawa na lang ako. Dakilang mapagpanggap talaga ang lalaking ito.

Hinintay niya naman ako sa entrance ng dorm habang mabilis naman akong nagbihis at bumaba na rin.

Agad niya namang hinawakan ang mga kamay ko.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya. Napanguso naman ako.

"Matagal ba 'yon? Wala pa ngang limang minuto, eh."

"Oo, basta nawawala ka sa paningin ko feeling ko bumibilis ang oras."

"Sus!" Tinawanan ko na lang siya.

"Saan pala tayo magde-date ngayon?" tanong ko.

"Ikaw, saan mo ba gusto?" Bigla kong naalala na hindi ko pala sinasabi ang tungkol sa surgery ko.

Siguro, ito na ang tamang pagkakataaon para sabihin sa kanya.

"Magsine tayo!" Agad na yaya ko. In our relationship. Isang beses lang kaming nakapagsine kasi puro amusement park na ang mga date namin.

"Kain na muna tayo." Agad ko siyang hinila sa mang inasal. Halos isang oras kasi ang byahe bago makarating sa mall kaya gutom na ako at alam kong pati siya. Mas magandang dito kasi unli rice.

"Hanap ka na ng upuan natin. Ako na mag-order." Utos ko.

"Ahm, mine, sa food court na lang kaya tayo." Napangisi ako nang mapansin ang pag-aalala niya. This guy, ang dali niya pa rin talagang basahin. Alam kong hindi ganoon kalaki ang perang nilaan niya para sa date namin dahil nagbayad pa siya ng mga fees sa University.

Minsan natanong ko noon si Bea at sinabi niyang may mga pera naman ang lima sa bangko. Pero dahil daw sa parang Mount Everest na pride nila hindi raw nila ginagalaw ang pera nila.

They want to prove to their parents that they can survive even without their help. They want them to surrender first and beg them to comeback.

"Mine, ako muna ngayon, okay?"

"Pero..." Inilagay ko ang daliri ko sa bibig niya para pigilan na siyang magsalita.

"Ikaw lagi gumagastos sa date natin. Kaya ako naman. Dapat, give and take," bulong ko.

Unti-unti na rin siyang tumango. Napangiti ako nang sumunod na siya sa akin at naghanap na nga nang mauupuan namin. Sobrang dami talagang tao dito.

Naalala ko noong una niya akong dinala rito para kumain. It was our second time selling street foods. Para akong bata noon na tuwang-tuwa kasi sobrang nasarapan ako. Ang dami kong nakain at isa pang dahilan hindi ganoon kamahal kumpara sa mga restaurant.

"Sa inyo po, Ma'am?" Nabalik lang ako sa reyalidad nang magtanong ang crew. Ako na pala.

"Dalawang PM1 po."

"Drinks po?"

"Ahm, isang ice tea tapos coke."

"Add ka pa po ng halo-halo, ma'am?"

"Sige." Napangiti ako. Mabuti na lang natandaan ko kung anong sinasabi niya noong nag-order siya.

Ang dami ko talagang natutunan kay Phythos. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko pa rin alam mag-order hanggang ngayon sa mga fast food like this.

My heart melted as I stared at him in deep thought. Alam ko na ang iniisip niya. Nagkukwenta na naman siya ng pera niya.

Kahit nasa pinakagilid ang napili niyang upuan nakakukuha pa rin siya ng atensyon.

"Mine!" Napangiti siya at sumigaw pa nang makita ko. Umupo na ako sa harap niya habang rinig ko ang ilang bulungan.

"Ay sayang! May girlfriend na."

"Hininaan mo naman sana boses mo. Tingnan mo ang dami tuloy na disappoint," tukso ko.

"Paki ko sa kanila, mas magandang alam nilang may nagmamay-ari na ng puso ko. Ang 'mine ko'~~" Kinindatan pa ako. Wala na lang akong nagawa kundi tumawa.

Para kaming patay gutom nang sa wakas dumating na ang order namin. Walang usap at puro lamon lang hahaha.

"Ako na rito, ah." Agad niyang sabi nang nasa may bilihan na kami ng ticket.

"Sige, ako na sa popcorn," tanging nasabi ko.

Napagkasunduan naming 'Isa pa with feelings' ang panoorin. Pareho kaming hindi kilala ang mga actors pero mukhang maganda naman ang plot ng movie.

"Mine, pasensya ka na mahirap ang boyfriend mo. Ganito lang kasimpleng date ang maibigay ko sa 'yo. I can't even date you to a five-star restaurant or even give you an expensive gift for our monthsary." Napalingon ako sa kanya. Kita ko ang dumaang lungkot sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos. "Hindi ba sabi ko sayo, I don't need expensive things or sophisticated date. You, is enough."

"I'm so lucky, I have an understanding girlfriend." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos ng short drama namin. Nag-concentrate na kami sa panunuod.

"What the fuck, ano ba 'yong pinanood natin?" Nagkatingin kami at parehong napabuntong-hininga. The movie has all the feels. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Mukhang may pinaglamayan, mugto ang mga mata ko sa kakaiyak kanina.

"Tingnan mo nga itsura mo hahah!" Humalakhak siya at itinuro pa ako. Napasimangot naman ako.

"Bakit kasi ang galing nila? Tapos ang astig nung may pa-sign language pa."

"Tsk, hindi ako naiyak sa movie kundi sa kakakurot mo. Hanggang ngayon ang sakit pa rin." Reklamo niya. Nagpeace sign naman ako.

"Sorry na!" Kumapit ako sa mga braso niya para maglambing.

"Basta, next time, puro comedy na lang ang papanoorin natin." Napangiti ako at tumango na.

"Tara sa arcade para naman mawala ang lungkot na aura mo," yaya niya kaya sumunod na rin ako.

"Alin dito ang gusto mo?" tanong niya habang pareho kaming nakatingin sa claw crane machine. Ngayon lang namin ito susubukan dahil pareho kaming feeling eh masyadong korny ito laruin kasi puro couple ang pumupunta.

Napangisi ako. "Kung makatanong parang sobrang confident ah." Tukso ko.

"Basta, alin nga?"

"Yung spongebob," simpleng sagot ko.

"Sige, tumalikod ka tapos takpan mo ako."

"Huh? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Para surprise, diyan ka sa left part." Sumunod na lang ako sa utos niya. Nanlaki ang mata ko nang ilang minuto lang nakalahad na ang spongebob toy sa akin.

"Halla ka, paano mo kinuha? Dinaya mo 'no?" tanong ko. Ngumisi lang siya.

"Sa 'yo si SpongeBob, akin si Patrick," aniya saka ko napansing may hawak pa siyang patrick star toy.

Napailing-iling na lang ako. "Nandaya ka," bulong ko.

"Kung hindi mo dadayain 'yon. Aabutin na tayo nang magdamag dito. Wala pa rin tayong makukuha." Ginulo niya ang buhok ko at ngumisi. Humabol na lang ako sa kanya dahil ang bilis niya talagang maglakad. Kinulit ko pa siya kung paano niya kinuha pero sekretong malupit daw. Baliw talaga!

"Nga pala Phythos, may gusto akong sabihin sa 'yo."

"Ano 'yon, Mine?" tanong niya. Pareho kaming nakaupo sa sahig at pinagmamasdan ang colorful fountain dito sa labas ng mall.

Huminga muna ako at matamis na ngumiti.

"My scars have healed and I can finally undergo surgery!" Masayang balita ko.

Matagal ng sinabi ni Kuya Brandon na pwede na pero sinabi ko na huwag muna ako magpa-surgery at observe muna ng isa pang buwan. Kung talagang okay na pero dumaan na ang isang buwan pero okay pa rin naman. So I think it's the right time.

Napakunot-noo naman ako nang mabura ang kaninang ngiti niya at naging seryoso.

"Are you not happy?" Malungkot ko ng tanong. Napabuntong-hininga naman siya.

What's the problem?

"Mine, do you still want to have your surgery? You know what, your beautiful already," seryosong sabi niya. Hinaplos niya ang parte kung nasaan ang peklat ko.

"Phythos, masama ba kung gustuhin ko ulit bumalik ang dating itsura ko? Ayaw mo ba?" Hindi ko mapigilang mapaluha. Yeah, umaakto ako na parang sanay na ako sa mukha ko pero hindi pa rin maiiaalis sa akin na gustuhing bumalik ang dating itsura ko.

The surgery had been always my hidden hope.

Niyakap niya ako. "Okay, I'm sorry, tahan na. Wala akong karapatan na pigilan ka kung iyon talaga ang gusto mo. I'm sorry, mine, but I just wanted to tell you, that... that scars of yours doesn't mean you're less beautiful," masuyong sabi niya at pinunasan ang mga luha.

"I know you love me with all my flaws and these scars, but Phythos. I still wanted to be with my previous self, with my original face without these scars! These scars robbed my confidence. Do you understand me?"

Panay ang pagtulo ng mga luha ko.

Am I selfish to still want it?

Napangiti siya at tumango. "Huwag ka nang umiyak. Sige, kung iyon ang gusto mo. I will support you."

"Talaga? Hindi ka na galit?"

"Hindi ako galit, mine. Saka wala rin akong karapatang manghimasok sa desisyon mo. Sorry, nakalimutan kong babae ka at artista pa. Your face is so important to you."

"Thank you." Bahagya pang nabasag ang boses ko.

"Oh, I just love these scars." Masuyong hinalikan niya ito tila nagpapaalam.

"Is that your farewell kiss?" I asked. Humalakhak lamang siya.

Namayani ang katahimikan sa amin. Nakasandal ako sa balikat niya habang nakayakap naman siya sa baywang ko. Pinanood lang namin ang iba't-ibang taong dumadaan.

My heart is calm.

Doesn't care about anything. Because this man beside me is my home and peace.

"Phythos, you are my moon." I whispered.

"Paano mo nasabi?"

"Because you make me calm and at peace. Also, it feels like my home. "

Napanguso siya. "Then, you are my star."

"Why?" kuryosong tanong ko.

"Because you are the brightest star that shines on me."

"Cheesy natin." Napailing-iling ako.

"I'm cheesy for you~~~" kanta niya ulit kaya pareho na lang kaming natawa.

"Kailan pala ang surgery mo?" biglang tanong niya.

"Next week, why?"

"I wanted to be with you at that important event in your life. Please."

"You don't need to say please. You can always come, my boyfriend." I said sweetly. As his ocean eyes twinkled with joy.