Chapter 23: Jewelry
"You know what, I can't help but to think about Leonella. She's madly in love with you. Naging dahilan pa para ma-depress siya."
"She's a strong woman. Gagaling din siya and hopefully she will change for the better," aniya.
Kapwa kami ngayon nakaupo sa rooftop ng apartment niya. I volunteered to accompany him here because of his wound. Ayaw niya pa noong una pero dahil sa kakakulit ko pumayag na rin siya.
"Tingnan mo nga naman hindi ko akalaing may magandang parte rin ang apartment mong mukhang haunted house." Napangisi naman siya at mahinang pinitik ang noo ko.
"Sinasabi ko naman sa 'yo, huwag mong minamaliit ang apartment ko. It may look ugly outside, but there's still something that makes it beautiful, and were here." Napangiti ako at hindi mapigilang halikan siya sa pisngi.
Nanlaki naman ang mata niya sa gulat. "Ikaw ah, bakit mo ako hinalikan? Nagiging manyak ka na!" Napailing ako at binatukan siya.
"Sira! Hinalikan ka lang naman sa pisngi, manyak na. Eh, ano ng tawag sa 'yo?"
"Sorry na, joke lang." Nagpeace sign pa siya na parang bata.
"Kasi 'yong sinabi mo tungkol sa apartment parang konektado rin sa akin. I'm also an ugly outside but beautiful inside."
"Na-touch ka?" May mapanuksong naglalaro na ngayon sa labi niya.
"Yeah, and everything you're saying has a point." Inakbayan naman niya ako.
"Kasi, Mine, words are empowering. Iniisip ko muna kung tama ang mga sinasabi ko. I want my every word to mark your mind. "
Napangisi ako. "You know what, parang ikaw ang babae sa atin sa dami ng words of wisdom mo."
"I can be a girl for you." Sabay pa kaming natawa. Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko habang nakatingala kami sa kalangitan. Just silently watching the stars and the moon.
"I'm now wondering how did you survived living like this. Mayaman ka naman bakit hindi ka na lang bumalik sa inyo?'' Bumaling ako sa kanya.
I don't have any idea how his life has been the past years. It may be really hard and lonely.
"We have our own pride and principle. Mas maganda nga ito at malaya kami. Pero huwag kang mag-aalala, malapit na rin naman akong makatapos. Tapos, maghahanap ako ng magandang trabaho. I will create my own name. Saka ako, babalik sa amin at kapag nangyari 'yon. Isasama na kita." Ang saya sa puso na ibinabahagi niya sa akin ang mga plano niya sa buhay.
"Whoo! May shooting star! Mag-wish tayo!" excited kong sigaw nang saktong paglingon ko sa kalangitan ay nakita ko. Agad na akong pumikit para humiling.
"I want this guy beside me to succeed and always be happy."
I silently wish. Hoping it will come true.
"Nag-wish ka?" tanong ko nang pagbaling ko sa kanya ay matiim siyang nakatitig sa akin. Tumango naman siya at ngumiti.
"Anong hiniling mo?" I ask curiously.
"Mine, kapag sinabi ko sa 'yo baka hindi magkatotoo. Kaya, sa akin na lang 'yon," supladong sabi niya. Napanguso naman ako at inirapan siya.
Namayani ulit ang katahimikan sa amin. I never imagined myself, sitting calmly on this rough surface.
It's not a perfect rooftop, but I considered it. The most beautiful place I have been to. Because of this guy beside me.
"May gusto ka bang sabihin?" tanong niya nang mahuli akong nakatitig sa kanya.
He is just so handsome. I'm always in awe as I stare at his perfect jaw, pointed nose, luscious red lips, and, most especially, my favorite part of his face, his ocean eyes.
No wonder, Monteciro has great genes.
"Bakit grabe ka makatitig? Minamanyak mo na naman yata ako?"
Napahawak pa siya sa katawan niya. Napahalakhak na lang ako.
This guy is really good at destroying my moments as I appreciate his beauty.
"By the way, can you tell me now the lovestory of you and Leonella." Agad na nanliit ang mga mata niya.
"Here you go again. You, still want to know it."
"Of course, sige na i-kwento mo na."
"Ayaw!"
"Please... ikukwento ko rin lovestory namin ni Aljhon. Para patas."
"Tsk, lovestory. Corny." Lalo siyang napasimangot.
"Sige na." Nagpuppy eyes pa ako sa kanya para pumayag siya.
"Fine! But promise me. You will not get jealous." Natawa ako.
"Oo, promise! Hindi ako magseselos." Itinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa.
Napabuntong-hininga siya. He seems miserable and I like it.
"Ang totoo, pinaalis kami ng mga magulang namin sa mansion para matututunan naming mabuhay sa hirap. They wanted us to strive and start from scratch. But, there is one condition: if along our journey we find a woman with the jewelry of our grandmother, Lola Leticia, then we can go back. As well as we must protect that lady and marry her later. That's how I got interested in Leonella. She had the necklace of my grandmother." Nanlaki ang mata ko.
"At first, I just wanted to know her and get the necklace. Later, I fell in love with her and she accepted my love. Okay kami, noong una, masaya. Itinago pa namin ang relasyon namin dahil sa takot niya sa mga magulang niya. Pero habang tumatagal unti-unti kong nakita ang totoong ugali niya.
She's too bratty, spoiled, and she hates me being poor. Kinakahiya niya ako pero dahil mahal ko nga. Hinayaan ko lang hanggang sa nakipaghiwalay siya sa akin at umalis papuntang ibang bansa. That day she left, her family found out about our relationship." Napapikit siya.
Like, he doesn't want to remember it.
Napahawak ako sa kamay niya para bigyan siya ng lakas. I didn't know it was something deeper. Kaya pala ayaw niyang sabihin sa akin.
"Pinabugbog nila ako at binantaang papatayin kapag nakipagkita pa ulit ako kay Leonella." Kumirot ang puso ko sa narinig.
I can imagine him being in too much pain, with bruises and blood all over his face.
"I didn't know Locke found out about what happened to me. So he revenged me. Inilabas niya ang baho ng pamilya nila Leonella. Kaya pala hindi na nanalo sa sumunod na election ang ama niya."
Locke, is really a good brother to him.
"Noong umuwi si Leonella. Gusto niyang makipagbalikan pero alam ko na sa sarili hindi ko na siya mahal. At nakilala na nga kita." Napangiti ako.
"I'm sorry, I didn't know na ganun pala ang naranasan mo. Sana, hindi na lang kita pinilit na i-kwento."
"It's okay, mine, it's all in the past."
"But, how about the necklace?" tanong ko.
"Noong kami pa ni Leonella. Nalaman kong peke pala ang nasa kanya at hindi ang kay Lola pero hindi ko na inisip noon ang tungkol doon."
"Wala ka bang balak hanapin kung sino ang babaeng nagmamay-ari? That girl, maybe the one destined for you." Kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero I still want to know his answer.
"Silly, wala naman na akong pakialam. Saka ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan. Wala na akong pakialam sa mana o pera man. I will strive by my own." Nakahinga naman ako sa sinabi niya.
"Pero, alam mo kakaiba rin ang pamilya mo, ah. Finding a jewelry to marry some girl." Napangisi ako.
"That's the curse of all of us, hahaha. But according to mom, Lola Leticia, is a great sorcerer and fortune teller. She predicted that she would have 5 grandsons and it came true. But her grandsons will be so hardheaded and will not have a sense of responsibility for our business. So at the age of 18. We need to strive on our own and experience being poor to learn the hard way."
"And then?"
"At bago siya mamatay binilin niya sa mga magulang namin na hanapin daw namin ang mga babaeng nagmamay-ari ng mga alahas niya at 'yon daw dapat ang pakasalan namin. Kasi ibinigay niya raw 'yon sa mga nakita niyang mga swerteng nagbubuntis noon. Crazy right? Until now, I can't believe naniwala talaga ang mga magulang namin."
Napangisi ako. "You have a cool grandma. She already predicted your future."
"She just predicted it. It's not 100 percent accurate." Halata ang 'di pagsang-ayon niya.
"Pero paano nga ang babaeng nakalaan sa 'yo?" Kulit ko ulit.
"You're the one destined to me. Nothing else," matigas niyang sabi. At buong gabi nga kaming nagkwentuhan. I also told him about Aljhon and I.
And really, he didn't get jealous about it except that he hated him for breaking my heart and even cursed our endearment with each other.
"Mabuti na lang, mine, ang naging tawag ko sa 'yo at hindi love. Iyon pala ang tawagan niyo. Sobrang pangit!" Humalakhak na lang ako dahil paulit-ulit niya 'yong sinasabi halata ang sobrang iritasyon. But honestly, he's even cuter when he gets irritated. I love this guy!