Chapter 18: Teen Idol

"Uminom ka muna." Tinanggap ko ang tubig na iniabot ni Bea at agad uminom. Habang nanatili pa rin akong nakahilig kay Phythos. Nandito kami ngayon sa lilim ng isang puno.

I don't even remember how we managed to get out of the crowded auditorium.

"Ano bang nangyari? Kilala mo ba 'yong lalaki?" tanong niya. Kanina pa kasi ako tahimik at hindi sumasagot sa tanong nila.

Ngayon lang ulit siya nagtanong dahil medyo nahimasmasan na ako. Tumigil na rin sa panginginig ang kamay ko. Ganoon din ang pagsikip ng dibdib ko.

I never thought seeing Aljhon would turn out to be like this. When I'm in China, I always experience anxiety, but when I'm finally here in the Philippines, I've conquered it.

Dahil na rin siguro sa hindi ko masyadong pag-iisip sa buhay ko dati sa China at na-enjoy ko ang mga trabahong pinaggagawa namin ni Phythos.

Bumuntong-hininga ako saka pinili ng sagutin ang tanong nila.

"The last speaker is my ex-boyfriend. I never thought seeing him would trigger my anxiety." Tiningnan ko ang reaksyon ni Phythos. Malamlam lang ang mga matang nakatitig sa akin at patuloy na hinahaplos ang buhok ko.

Which is really a great help because it really calms me.

Nalipat naman ang tingin ko kay Bea nang parang maghihisterikal na siya.

"Teka, teka lang! Si Aljhon Brian Sy ex boyfriend mo? Ibig sabihin... ibig sabihin ikaw!" Nagulat pa ako nang ituro niya ako.

"Ako?" Napaturo pa ako sa sarili ko. Tumango-tango siya.

"Ikaw si Doll Chua!" Nanlaki naman ang mata ko. Paanong kilala niya ako?

Nanliit ang mata niya at agad lumapit sa akin. She examined my face like I'm a certain specimen. Natulala pa siya at ilang segundo pa napasigaw na naman.

"Oh my god! Ikaw nga! Hindi lang ganoong kahaba na ang buhok mo!" Nagpagupit kasi ako. Dati, sobrang haba ng buhok.

Mahigpit niya akong niyakap. Naguguluhan pa rin ako kung anong nangyayari.

"You're my teen idol! I'm your fan!" masayang sigaw niya.

"Teka, you know me? How?" tanong ko.

"Sira! Sobrang sikat mo rin kaya rito sa Pilipinas. You are a very good dancer and artist. You are like the Lisa Manoban of China. Kaya ang daming nalungkot noong bigla ka na lang nawala." Nilingon ko si Phythos pero tahimik lang siyang nakikinig at parang ang lalim ng iniisip.

"Because I've been in a car accident and that's why I need to leave the limelight and I think because of what happened to my face, I will no longer return." I said honestly.

"Pero, sayang naman ang career mo. Ang daming nag-iidolize sa 'yo. Hindi lang naman lahat ng fans mo taga China lang. And, I've never thought that you really don't know your fame and influence, even from other countries. "

"Hindi ko 'yon naisip dahil talagang sa China lang naman umikot ang mundo ko. And I rarely open my social media accounts. By the way, how did you conclude that I'm the ex girlfriend of Aljhon? How did you know him? " I can't help but ask.

Napangisi naman siya. "Syempre, fan mo ako kaya naging stalker mo ako.

I really wanted to know more about you. That's way, I keep searching for information. Then, I found out that he was your fiance. Nag-install at gumawa pa kaya ako account sa Weibo."

"Fiance?" Natutop naman niya ang bibig niya nang magsalita na si Phythos. Nilingon ko siya. Nakakunot noo na siya ngayon.

Bigla naman akong na guilty. Is he angry? Ayaw niya na ba sa akin ngayong nalaman niya?

"I'm sorry Faye, alis na ako baka kung ano pa masabi ng bibig na ito!" Pipigilan ko pa sana si Bea pero mabilis na siyang tumakbo palayo.

"He is your fiance..." tila lutang pang bulong ni Phythos.

Lalo akong kinabahan. Na turn-off na ba siya sa akin? No, it's our first day in our relationship. It can't be just like this.

Napakagat ako sa labi at hinawakan ang kamay niya.

"Yeah, but he is now my ex-fiance. He broke up with me after what happened to me. That's way, my parents called off our engagement."

Kusang pumatak ang luha ko nang maalala ang araw na 'yon. The day, I beg him to come back. The day, I realize perfect life doesn't exist. Remembering it is so painful.

Napatingin ulit ako kaya Phythos. Tahimik niyang pinupunasan ang mga luha ko.

"Phythos, are you turned-off by me now because of what you have found out?"

What if he breaks up with me because of this? Dumagsa ang takot sa dibdib ko.

"Hindi, pero may tanong ako. I just need an honest answer." He said seriously.

"What is it?" kinakabahang tanong ko.

"Mahal mo pa ba siya?" Kita ko ang pagdaan ng takot sa mata niya.

"No!" Agad akong umiling. I know my feelings, and that is him whom I love now. I've already moved on.

Oo, nasasaktan pa rin ako pagkakita kay Aljhon pero hindi dahil mahal ko pa siya kundi dahil siya ang nagpapaalala sa akin nang masasakit na naranasan ko sa China.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "I'm inlove with you, Phythos."

"Then, why are you fucking crying because of him?" Ramdam ko ang galit niya kaya lalo akong kinabahan.

"Because... he reminded me of my painful memories in China. Please, don't think that I still have feelings for him. You are the one who helped me heal, Phythos. You healed my broken heart. I love you. Please, believe me." Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko makakaya kapag siya naman 'yong sunod na mawawala sa akin.

Parang gripo na sa walang tigil na pagtulo ng luha ko.

"Sshh, tama na. I believe you." Hinaplos niya ang likod ko habang pinapatahan ako.

"I love you, Phythos. I love you..." paulit-ulit kong binubulong iyon sa kanya. Habang sinasabi ko 'yon, unti-unti ring naiibsan ang takot ko.

I can't lose this guy. I think, being hurt the second time around will be my death.

"Stop crying, okay. I believe you and from now on, don't ever think about those sad memories that you experienced in China. I promise I will change it to happy memories with me. And, I will overshadow it with my love. "

Napaangat ako ng tingin at muling napatitig sa mapang-akit niyang bughaw na mga mata. "Talaga?"

A sweet smile crept on his lips. "Yeah, I love you, Faye." Ang bilis nang pagtibok ng puso ko.

"You are not angry that I hid my identity?" Umiling naman siya.

"I understand your decision."

"Kahit artista ako? Kahit puhunan ko ang kasikatan na ayaw mo?" I ask again.

"Kahit ano ka pa. Wala akong pakialam kung superstar ka. Artista ka o kung ano man kasi mahal kita. Kahit ang mga paniniwala ko kaya kong alisin 'yon para sa 'yo. Because right now, nothing matters to me, except you."

Napatago na lang ako sa dibdib niya dahil sa sobrang saya. I can't find my voice to answer him.

"So what will I call you now, Faye Cameron or Doll Chua?"

"Bahala ka, but Doll Chua is just my screen name. My full name is Fayeren Doll Cameron Chua. So, initially, the name that I'm using here is still connected to my real name."

Tumango-tango naman siya. Pero parang wala talagang pakialam sa sinasabi ko.

Napasimangot ako. "Are you listening?"

"Oo, pero nga pala nakaisip na ako ng tamang pangalang itatawag ko sa iyo," nakangising sabi niya. Halata pa ang excitement.

"Ano?"

"Mine." Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

"Hahaha, your blushing. Ang cute!" He even pinched my cheeks.

"Nakakainis ka!" Nag-try akong gumanti sa kanya pero tumakbo na siya kaya ang nangyari naghabulan na lang kami sa buong field.

I felt like I was floating in the air because of too much happiness. Really, Phythos can change my bad day into a good day.

This is real happiness. I've always wished for it.