Chapter 19: Her Ex
"Saan ka ba pupunta? Kung magta-trabaho. Sama ako..." Hinawakan ko ang kamay ni Phythos para pigilan siya. Sinundo niya ako kanina sa dorm para ihatid ako sa University pero nalaman kong hindi pala siya papasok dahil may pupuntahan siya. Today is the last day of our Foundation Day.
"Mine, hindi pa masyadong magaling 'yang mga pasa mo. At, ngayong girlfriend na kita parang nakakahiya naman kung isasama pa kita sa mga raket ko."
Mine? He really wanted to call me with that. A sweet endearment.
"Pero ang boring sa dorm saka ayaw ko rin namang pumasok. Wala naman akong event. Mas masaya kapag sasama ako sa 'yo." I even smiled sweetly. Pero nanatiling matigas siya at umiling.
"Mine! No!" Umiwas pa siya ng tingin.
"Phythos! Promise, hindi nakakahiya kapag isasama mo ako kasi na-e-enjoy ko naman magtrabaho. I'm learning so I really like it."
Supladong nilingon niya ako. "Kahit janitor ang work ko ngayon. Sa maduming cr ako magta-trabaho, gusto mo pa rin?" Napalunok ako tila aatras na pero ayaw ko rin talagang pumasok.
"Kahit janitor pa, sasama ako!" Napatawa ako sa itsura niyang tila nagulat sa sagot ko at lalong naging problemado.
Kumapit ako sa braso niya para lalo pa siyang suyuin. "Pumayag ka na, Phythos. Promise, hindi ako magiging pabigat sa 'yo."
Nabuntong-hininga siya. Lalong lumaki ang ngiti ko. I can feel it, papayag na siya.
"Sige na, please...."
"Okay." Labas sa ilong na sagot niya tila gusto pang bawiin.
"Yes! Tara na!" Sobrang excited kong hinila ang braso niya. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami tuluyang nakasakay sa jeep. Dati, takot pa akong sumakay dito dahil masyadong dikit-dikit ang mga tao pero dahil kasama ko naman si Phythos. Kaya kampante naman akong ligtas ako.
"Bayad po, dalawa! Sa may Monteciro!" sigaw niya at iniabot na ang bayad namin.
Monteciro? Why does it feel like I have already heard it?
Nilingon ko siya. Seryoso siyang nagtitipa sa keypad niyang cellphone. I really wanted to buy him a new phone. I even offered my second hand phones but he doesn't want to accept it. So, hinayaan ko na. I respect his principle.
Napaangat siya ng tingin nang mapansin ang titig ko. Napangiti ako at inalis ang tingin sa phone niya. Hindi ako nahihiya na mahirap siya. Na ganito lang siya. Because, this is one of the things that made me fall for him.
"Ano 'yong Monteciro?" tanong ko.
"Basta malalaman mo mamaya." Napahilig ako sa balikat niya nang halos mag-iisang oras na kami nagbabyahe. Inaantok na ako.
Iba-ibang pasahero na ang nakasabay namin. Marami na ring bumabang pasaherong una naming nakasabay kanina.
"Gising na, malapit na tayo." Agad akong napamulat dahil sa bulong niya. Halos magdadalawang oras yata kaming nagbyahe.
Nang pumara na siya sumunod na rin ako sa pagbaba sa kanya.
Habang pababa kami napansin ko pa ang mga tingin ng iba pang pasahero sa amin. Iba talaga, kapag ganito kagwapo kahit saan pumunta nakakakuha ng atensyon.
Napaangat ang tingin ko nang makita ang isang malaki at napagandang hotel na nasa harapan namin.
Monteciro Hotel
I silently read the name. Hanggang unti-unti kong naalala kung saan ko narinig iyon. Monteciro is one of the famous hotel in Asia. Mukhang isa sa branch nila ito. Nakapasok na rin ako noon sa isa sa mga hotel nila sa China. Nilingon ko siya seryoso lang siyang nakatingin din dito.
"Dito tayo magta-trabaho?" naninigurado kong tanong. Tumango naman siya. Sabay na kaming pumasok. Agad lumapit si Phythos sa guard.
"Si—" tila gulat pa ito pagkakita kay Phythos.
"Hello po sir! Kami po iyong bagong hired na janitor." Agad na sabi ni Phythos at hindi na pinatapos ang sasabihin ni manong guard.
"Huh? Paanong?" May binulong naman si Phythos dito.
Halla, mukhang alam niyang isa lang dapat ang janitor na papasok. Pero, gusto ko ring sumama kay Phythos. Okay lang sa akin kung hindi ako babayaran basta matuto lang ako.
"Ah! Sige, pasok na lang kayo sa servant's quarter para makapagpalit kayo ng uniporme." Tiningnan pa ako ni manong guard kaya nginitian ko siya.
Sumunod lang naman ako kay Phythos. Sobrang laki nga ng hotel at ang ganda. Mayayaman lang ang makaka-afford na magcheck-in dito.
Habang papasok kami sa servant's quarter. Napansin ko rin ang pagsulyap ng mga empleyadong nadadaanan namin. Lalo na kay Phythos.
Pati ba naman dito.
"Ito pala 'yong mga uniporme niyo. Magpalit na kayo. Nga pala, sa second floor kayo maglilinis." Agad akong tumango at tinanggap ang nilalahad na uniporme ng babaeng staff. Mukhang nasa mid-20's na. Medyo ilang din ang mata niya at tila nahihiya pang tingnan si Phythos.
Ano ba naman! Mas matanda na nga ito kay Phythos. Mukhang natamaan pa ng karisma ng lalaking ito. Nang umalis ito saka ko nagawang magtanong kay Phythos.
"Paano ka nakapasok dito? Bigatin itong hotel? Saka okay lang talagang sumama ako? Eh, hindi naman talaga ako hired?" Sunod-sunod kong tanong.
"Basta may nag-recommend sa akin at huwag ka nang mag-aalala ako ng bahala. Hindi ka rin naman nila tinanong, eh." Tumango na lang ako at nagpalit na ng damit.
Nakabuntot lang ako kay Phythos habang naglalakad kami papunta sa second floor.
He still looks so hot, like a model on a runway with a mop.
Nagsimula na kaming maglinis. Inuna namin ang sa may hallway ng second floor. Napangiti ako habang tinuturuan niya akong mag-mop. Sobrang cute niya lang kasi. Sinong mag-aakalang ang isang Greek god na katulad niya ay nagma-mop?
Malawak ang hallway kaya medyo natagalan kaming tapusin ang pag-mop.
"Phythos, hindi ba tayo papasok para maglinis sa mga kwarto?" I suddenly ask. Nang matapos na naming mag-mop pati rin ang pagpunas ng mga walls.
It's tiring, but I still want to experience the usual work I imagined for janitors. Like cleaning a dirty comfort room like that. But I think it will never happen since this is a five-star hotel, but I still want to clean a comfort room.
Noong una nandidiri ako as I imagined it. Pero ngayong na-e-experience ko na. Mopping and wiping floors and walls is really enjoyable.
"Hindi ka pa pagod?" gulat niyang tanong.
"Pagod, pero gusto ko kasing maranasang maglinis din ng comfort room. Since, ang alam ko naranasan mo rin 'yon." Nanlaki naman ang mata niya at napatitig sa akin.
"Hey, what is it? May problema ba?" tanong ko.
Umiling lang naman siya. "Sige, hintayin mo ako rito. Magtatanong lang ako sa ibaba kung may ipapalinis silang kwarto." Tumango ako sa kanya.
Naguguluhan pa rin ako. Ang alam ko kasi talagang responsibilidad ng mga janitor ang linisan ang mga kwarto o trabaho na iyon ng mga bellboy? Huh! I really don't know!
Sumandal muna ako sa pader habang hinihintay siya.
"You are really good young man, I hope you visit Philippines again."
"Of course Mr. Chang, I'm looking for it." Natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ng taong kalalabas lang sa elevator.
I tried to hide. Pero huli na, nakita na niya ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. Bakit nandito siya?
Napakuyom ako sa kamao para pigilan ang panginginig nito.
If I run, then he would think I haven't moved on. So, it's better to face him.
Magalang siyang nagpaalam sa mga kasama niyang business man at saka siya tuluyang lumapit sa akin.
"Faye, you are here."
"Yeah." Matipid akong ngumiti. Napakunot-noo siya nang mapansin ang suot ko at ang hawak kong mop.
"Why are you wearing that? Don't tell me, you are working here as a janitress?" Halos matawa pa siya. He seems like saying it, is just so ridiculous.
I stand proudly. "Yeah, I am." Napangiti pa ako.
Napailing siya. "Are you kidding?"
"No, if you don't have anything to say. I will go." Pero bago pa ako tuluyang makalagpas sa kanya. Nahawakan na niya ang braso ko.
Nakahinga ako nang wala akong naramdaman na kahit ano. Lalo ko lang napatunayan na wala na nga talaga akong kahit katiting na naramdaman para sa kanya.
Nilingon ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Can we talk?" Malamlam ang mga mata niyang nagsusumamo.
"We are already talking," walang emosyong sagot ko. Bakit ang tagal naman dumating ni Phythos?
"Faye, I miss you and I just want to explain my side. I broke up with you, it's not because I wanted to. It is just because of my family. They just threatened me with our business.
But when I found out that you went here, I got frustrated. I slowly realize that you are more important than my inheritance. I still love you, Love. I can fight for you now." Napatawa ako nang mapakla.
I never imagined I would hate that fucking endearment. And he still had the guts to call me that!
"Look Aljohn, you don't need to. I have already moved on and I love someone else."
"Move on?" Natawa pa siya. "Let me count, it's just 4 or 5 months? You are definitely lying," nakangising sabi niya.
"Well, I'm not," madiing sabi ko.
"You are just lying. And in your case, no man will accept you, except me." Doon na ako tuluyang napuno at malakas siyang sinampal.
"Do you still remember what I told you when you broke up with me? There will be someone who will love me even if I have these scars. And even if you cry blood, I will never accept you again."
"No, love! You're just saying these things because you want to hurt me. "
Akala ko pa naman matalino siya. Ngayon ko napatunayan na bobo siya. He still doesn't get it!
"I'm not! And look at my face. It's healing just like my heart!"
"Stop uttering lies! I know you still love me!" Nagpumiglas ako nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at isinandal sa pader.
"Let me go!" Pilit kong iniwas ang mukha ko nang tangkain niya akong halikan.
Phythos where are you?
"Fuck you!" Tila dininig naman ng langit ang dasal ko kasi pagmulat ng mga mata ko. Nakita ko nang nakabulagta si Aljhon. Habang patuloy siyang sinusuntok ni Phythos.
"She's mine! She's mine!" Patuloy niya iyong isinisigaw habang sinusuntok ito.
"Phythos, tama na!" Niyakap ko siya para pigilan siya. Baka tuluyan na niyang patayin si Aljhon.
Nanginginig siya sa sobrang galit.
"Phythos, tama na. Baka mapatay mo siya. I love you, please, stop." I keep saying it to him hanggang sa unti-unti siyang kumalma.
"Don't ever show your face to her again!"
"Faye, I can't believe. You just replace me with a janitor!"
"Even if he is the poorest man in the world, I will still choose him over you," matigas kong sabi.
Bago siya umalis. Dinuro niya pa si Phythos. "You will pay for this!"
Nilingon ko si Phythos. "Okay ka lang?" tanong ko habang tinitingnan kung may pasa siya.
"Okay lang ako. Ikaw, okay ka lang ba? Anong ginawa ng gagong 'yon sa 'yo?"
"Wala, he just tried to kiss me. Pero sakto naman at napigilan mo." Matipid akong ngumiti at niyakap siya lalo.
Pero nalungkot lang ako. All our efforts will be in vain. Siguradong tatanggalin siya sa trabaho.
Aljhon is a VIP while were just mere janitors.
"I'm sorry, Phythos."
"Bakit?"
"Dahil sa akin, mawawalan ka pa ng trabaho. Sayang ang pagod nating mag-mop."
Ginulo naman niya ang buhok ko at natawa pa. "Sino naman nagsabing tatanggalin nila tayo?"
"But, Aljhon is a VIP. You punched him. Siguradong nagreklamo na iyon sa ibaba."
Napailing lang siya at bahagyang lumayo sa akin para sagutin ang cellphone niya ng tumunog ito.
Napakunot-noo ako. Bakit kailangan niya pang ilayo? Baka ito na 'yon, sisante na siya.
Nakasimangot kasi siya habang nakikipag-usap at para bang inis na inis sa sinasabi ng kausap pero tuwing makikitang nakatingin ako saka siya ngingiti.
"You are fired?" mabilis kong tanong nang matapos ang tawag. Umiling naman siya at hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi.
"Tara na, hindi ba gusto mong maglinis ng cubicle may bakanteng kwarto na kailangan nating linisan." Naguguluhan man nagpahatak na rin ako sa kanya.