Ang Fiesta sa San Alfonso

Written by: Zvredd

“Beh, uuwi ka ngayon? Hindi ka ba magpapalipas muna dito sa San Alfonso?” Tanong sa akin ni Ruth nang mapansin niyang nag si-simula na kong mag-impake.

Umupo siya sa kama ko at pinanood ang pag-i-impake ko.

“Oo, baka mag-alala sakin sila Itay. Alam kasi nila na sa tuwing Sabado ako palaging nakaka- uwi.” Sagot ko.

Malungkot niyang dinampot ang isang damit ko para tulungan ako na magtupi.

Napabuntong hininga siya. “Ayos lang ba na bukas ka nalang umuwi? Pagkatapos nang Fiesta? Wala akong kasama dito bukas sa boarding house. Ayuko munang umuwi. Isang taon nalang tayo dito kaya gusto ko sana na kahit sa isang pagkakataon lang, maranasan ko manlang ang maki- fiesta dito, lalo na kila Ma’am Fiona.”

“Gusto ko rin sana, Ruth. Pero walang signal dito. Hindi ko ma-text o matawagan sila Itay para sana sabihin sa kanila na hindi muna ako makaka- uwi.”

“Pwede naman ata na hindi ka umuwi ngayon kahit na hindi mo sila e- text. Malalaman naman siguro nila ang dahilan kung bakit hindi ka naka- uwi dahil Fiesta bukas dito sa San Alfonso.

Napahinto ako sa pag-i-impake saka napatingin kay Ruth. Gusto ko sumagot na ‘sige’ dahil gusto ko rin naman na manatili muna dito sa San Alfonso para maki- fiesta, kasi isang taon nalang gra-graduate na kami sa High School at aalis na kami dito para makapag- aral sa mga University o College sa Manila. Pero nangibabaw sakin ang sinabi ni Itay na huwag na huwag ako makiki-kain sa ibang bahay na hindi ko kilala, o nang pagkain ng basta-basta, at mag-lakad ng mag-isa sa San Alfonso lalo na kapag Gabi at may Fiesta dahil halos mga aswang daw ang tao dito. May usap-usapan kasi na mga aswang daw ang tao dito sa San Alfonso, na hindi ko naman masyadong pinaniniwalaan dahil sa tatlong taon ko na pag-aaral dito, wala naman akong napansin na kakaiba.

“Pasensya na talaga, baka magalit si Itay sakin.” Sabi ko.

“Sige na please, hanggang bukas lang naman. Uuwi rin naman tayo kaagad pagkatapos nang Fiesta, please, Clara.” Pamimilit sabi niya sakin.

Napangiti ako at nagpigil pa ng tawa dahil sa pagpapa- cute niya.

“Hay naku, gusto mo lang naman na makapunta sa bahay nila Efrael kaya ka ganyan.”

Nanlaki ang mga mata niya. “Hoy! Hindi ah.”

“Ay! Nag de-deny ka pa.”

“Hindi nga!”

Hinampas niya ko ng unan dahil hindi na nito mapigilan ang kilig at pamumula ng pisngi. Napatawa naman ako.

NANG hapong iyon, napapayag ako ni Ruth na hindi muna umuwi sa amin.

Ako nga pala si Clara, isang senior high school student, grade 12, at nag-aaral sa San Alfonso High School.

Hindi gusto nila Itay na dito ako mag-aral, pero wala silang magawa dahil ang San Alfonso lang ang medyo malapit sa lugar namin na may High School. Kaya dito nalang ako nag-aral.

KINABUKASAN nag ayos na kami ni Ruth nang damit para maki- Fiesta. Hindi kami naka- abot sa Parade dahil halos ten na nang umaga kami nagising.

“Clara, ayos na ba ang suot ko?” Tanong ni Ruth sakin habang tinitingnan sa salamin ang suot niyang dress.

Papunta na kami ngayon kila Ma’am Fiona dahil binigyan niya kami nang imbitasyon para magpunta sa bahay nila.

“Ayos na, pero ba’t ganyan ang suot mo? Hindi ba makiki- fiesta lang tayo?” Sabi ko, dahil naka- jeans at naka- t-shirt lang ako samantalang siya, naka- dress na pang party.

“Anu ka ba? Pupunta pa tayo sa bahay nila Efrael diba? Syempre, kailangan ko maging maganda!”

Napa- roll eyes nalang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos namin mag-ayos, lumabas na kami nang boarding house para maglakad papunta sa bahay nila Ma’am Fiona.

Habang naglalakad kami, namangha kami sa dami nang tao at iba’t ibang pagkain na ibinibenta. May nag ma-magic pa, at ilang munting bahay para sa mga manghuhula at magpapahula.

Halos twelve o’clock na nga kami nakadating ni Ruth sa bahay nila Ma’am Fiona dahil namasyal muna kami.

Ayos naman ang naging experience namin sa bahay nila Ma’am Fiona.

Mainit nila kaming sinalubong at hinandaan nang mga masasarap na pagkain. And actually, hindi ko paborito ang karne dahil mas prefer ko na kainin ang mga gulay kaya kakaunti lang ang kinakain ko na karne. Pero nang tikman ko ang karneng inihanda nila Ma’am Fiona saamin ni Ruth, namangha ako dahil sa lasa. Napakasarap nito at first time ko makatikim ng ganun. Nang tanungin ko si Ma’am Fiona kung anong klaseng Karne iyon, sinabi niya sakin na karne daw iyon ng manok. Nagulat ako dahil parang hindi naman Karne iyon ng manok, pero kahit na naguguluhan ako, nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

Ang next naman na pinuntahan namin ni Ruth ay ang bahay nila Efrael.

At ito ang hindi ko makakalimutan.

Hinandaan din kami nila Efrael ng pagkain. At kagaya nila Ma’am Fiona, masarap din ang karne na niluto nila lalo na ang adobong karne. Same taste lang sila nang karne na inihanda sa amin ni Ma’am Fiona. Kaya kumain lang ako nang kumain.

Pero kaagad ako napatigil nang may makita akong isang maliit na daliri sa soup nang karne na kinakain ko.

Nanlamig ako at gusto nang masuka pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tiningnan ko ang paligid. Nakita ko si Ruth na masayang kumakain habang kausap si Efrael. At nang may mapansin ako na tenga sa adobong karne na kinakain niya, dahan-dahan akong tumayo para hindi mahalata nang mga bisita lalong lalo na ang pamilya nila Efrael.

Lumabas ako nang bahay nila at sumuka. Ipinasok ko pa ang daliri ko sa loob nang bibig ko para mailabas lahat ng kinain ko.

Nang matapos na ko, pumasok ako sa loob para kunin si Ruth. Nag-sinungaling ako na gusto ko nang umuwi dahil Gabi na at mag-iimpake pa kami ni Ruth para bukas dahil uuwi na kami.

Kahit naguguluhan si Ruth, sumabay pa rin siya sakin.

Nang maka-uwi na kami sa boarding house at na lock ko na ang pinto, nanginginig na sinabi ko sa kanya ang patungkol sa kinakain namin. At katulad ko, nasuka rin siya nang ma-kwento ko iyon sa kanya.

Hindi niya raw niya iyon napansin dahil busy siya sa pakikipag-flirt kay Efrael.

“Ba’t ngayon mo lang sinabi sakin?! Dapat sinabi mo na sakin habang kumakain pa ko--,” sumuka siya ulit. “Sh*t!” And again, sumuka ulit ang brokenhearted na si Ruth.

Naiiyak siya na tumingin sa akin. “Aswang na ba tayo? Pero wait, kung nagpatuloy ba tayo sa pagkain—tayo na ba ang kakainin nila?”

“Hindi! Basta, wag lang tayo magpahalata na alam natin, na aswang sila.”

Napahikbi siya. “P-pero, si Efrael. Sayang siya. Pero, love is blind naman diba—”

“Sige, kung gusto mo maging pagkain nila.”

Napaiyak nalang si Ruth nang gabing iyon.

MULA noon, hindi na kami nakikain pa sa iba’t ibang bahay sa San Alfonso o naki- Fiesta sa lugar nila at sa ibang lugar dahil sa masamang naranasan namin. Naging lesson learned na namin iyon sa buhay namin.