Ang Bata Sa Gubat
Written by: Zvredd
Sa pag ca-camping o pag tra-travel niyo ba, may mga bagong nalalaman at kwento ba kayong naririnig patungkol sa lugar na pinupuntahan niyo? O wala? Ako si Krisha, twenty-five years old, at ito ang kwento ko.
I’m a nature lover, since I was nine years old dahil sa Mama ko. Palagi niya ko isinasama sa pag ca-camping niya sa malaking lupa namin sa Baguio. Pangarap niya makapag-travel sa iba’t ibang mundo at makapag-camping sa mga Gubat kaya bumili siya ng lupa na magagawa niyang parang na sa isang bansa ka na, dahil sa mga magaganda at iba’t ibang klaseng bulaklak, puno, at hayop ang nandoon. Bumili na lang siya ng lupa dahil hindi siya maaaring makapag-travel mag-isa dahil sa sakit niya sa puso. I love my Mom, kaya naging malungkot ako and almost two years din akong hindi naka- move on sa pagkawala niya. At, Sinisisi ko ang bunso kong kapatid dahil siya ang dahilan kung bakit namatay si Mama.
Namatay si Mama habang ipinapanganak nito ang bunso kong kapatid na si KL. Hindi nakayanan nang katawanan nito kaya inoperahan, Caesarean, nalang si Mama noon para lang makuha at mabuhay si KL.
Seven years old na ngayon si KL, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya pinapansin at tinatanggap na kapatid. I hate him.
At para makapag-relax ako at makalayo sa kanya, nag tra-travel ako sa iba’t ibang lugar kasama ang boyfriend ko na nature lover din na si Joris.
Gustong gusto ko talaga ang makapag- camping palagi sa isang gubat dahil maliban sa na-aalala ko si Mama, mas nararamdaman ko pa ang kalikasan. Mas gusto ko nga na tumira sa gubat at makapag-patayo nang sarili kong bahay, pero hindi ako pinapayagan ng Papa ko dahil baka mapahamak daw ako. Kaya, naghihintay nalang ako na makasal kami ni Joris para matupad ang gusto ko.
“Saan tayo?” Tanong ko kay Joris habang nakatingin ako sa mapang hawak ko at sa notebook ko, para tingnan kung ano pa ang pwedeng lugar na maaaring puntahan namin. Dahil kung wala na, babalik ulit ako sa Baguio o di kaya sa Palawan.
“Sa probinsya nila Tay Philip, sa Kanlinun.” Sagot ni Joris sa tanong ko habang naka-focus sa pag dr-drive.
Tumango ako. “Sige.” Isinulat ko sa notebook ang ‘Kanlinun’
NAGING maayos ang byahe namin papunta sa Kanlinun, at masayang sinalubong din kami ni Tay Philip at pinatira sa bahay nila.
Maganda sa Kanlinun, lalo na nang mag camping kami sa gubat nila dahil sa maraming iba’t ibang klaseng ibon ang makikita mo doon, at may iilang unggoy pa. Pero, kahit na ganun, hindi ako naging masyadong naging masaya sa pananatili doon. Dahil nang makita at marinig ko ang kwento patungkol sa bata sa gubat, kaagad akong umuwi sa lugar namin para yakapin nang mahigpit ang kapatid ko.
Nag-simulang mangyari iyon nang mag camping kami ni Joris sa gubat. Lumabas ako nang gabing iyon na hindi ko kasama si Joris, para mag-explore sa gubat. Hindi rin ako nagdala nang flashlight, cellphone lang, dahil maliban sa may maliwanag nang ilaw na nang gagaling sa buwan, marami din ang mga alitaptap ang nandoon.
Habang kumukuha ako nang litrato, may nakita ako sa malayo na isang bahay. Sira na ito at parang walang nakatira. Dahil sa curiosity ko, naglakad ako papunta doon.
Butas-butas na ang bahay, maraming sapot ng gagamba at may mga ibon na rin ang nakatira sa itaas. May isang sirang din na CCTV ang nasa may pintuan.
Halatang matagal na ang bahay at masasabi mo talaga na walang nakatira.
Pumasok ako sa loob pagkatapos kong buksan ang flashlight sa cellphone ko. Napaubo pa ko dahil sa makakapal na alikabok. Pero kaagad din ako napatigil sa pag-ubo nang may parang anino akong nakita. Nang tingnan ko ito, nagulat ako dahil may isang bata ang nakasilip saakin. Nandoon ito sa may pinto nang isang kwarto, na ilang pulgada lang ang layo sakin.
Napaka-payat nito at kasing tangkad lang ito ni KL.
“H-hello? Sorry kung pumasok ako. Na saan ang mga magulang mo?” Tanong ko. Pero hindi niya ko sinagot.
Nakatingin lang siya sakin. Dahan-dahan nitong isinara ang pinto.
“Huwag kang pumasok. Magagalit si Mama.” Sabi nito.
“Ah, sige. Sorry ulit.”
Lumabas ako nang bahay nila. Muntik pa ko mapatalon sa gulat dahil nang makalabas ako, malakas na sumara ang pinto.
SOBRA akong na-awa sa bata dahil napaka-payat nito. Gusto ko sanang bumili noon ng mga pagkain para ibigay sa bata pero nang malaman ni Tay Philip kung saan ko ibibigay ang mga pinamimili ko, pinahinto niya ko sa pagbili at napa-hampas pa siya sa kanyang noo.
Nang tanungin ko siya kung ano ang problema, doon na siya nag kwento patungkol sa bata.
Patay na raw ang bata, si Tres. Matagal na. Namatay ito dahil sa sobrang gutom at walang makain.
Nagsimula ang lahat nang aksidenteng mapatay ni Bianca, ina ni Tres, si Agoncillo, ama ni Tres, dahil sa nakitang may kahalikan itong iba na babae. Itinago ni Bianca nang mabuti ang katawan ni Agoncillo sa gubat kaya alam niya talaga na napatay niya ang asawa niya at hindi ito panaginip.
Kaya, palagi siyang natatakot tuwing gabi dahil umuuwi si Agoncillo sa bahay nila at nakikipaglaro pa sa anak nila.
Patay na si Agoncillo. Sigurado siya dahil binalikan pa niya ang katawan nito para lang maka-sigurado na patay na ito.
Pero dahil hindi na nito makaya ang konsensyang nararamdaman, nagpakamatay si Bianca. Nalaman kasi ni Bianca na hindi pala totoong pinagtataksilan siya ni Agoncillo at hinalikan ang babae, dahil ang babae mismo pala ang humalik sa asawa.
Mahal na mahal siya ni Agoncillo na pati kahit kaluluwa na ito, ay paulit-ulit pa rin nitong pinaparamdam na mahal siya nito.
At ayun sa usap-usapan, matapos magpakamatay ni Bianca ng gabing iyon, nagparamdam ito sa anak nito na si Tres at tinuruan na huwag magpapa-pasok nang kahit na sino sa bahay nila. Kaya, hindi matulungan ng mga tao si Tres dahil sobrang malayo ang loob nito sa mga tao.
Hanggang sa, nalaman nalang nila na namatay ito dahil sa sobrang gutom.
Nalungkot ako sa kwento ng batang si Tres. Dahil naging trahedya ang masayang buhay nito.
Na-alala ko ang kapatid ko na si KL, kaya napatayo ako ‘non para umalis at umuwi.
Naguguluhan pa noon si Joris kung bakit gusto kong umalis, pero hindi na siya magtanong pa nang makita niyang umiiyak na ko.
Iwan ko. Pero nang marinig ko ang kwento ni Tres, paunti-unti kong napagtanto ang kamalian ko at kung gaano kalungkot ang buhay ngayon ng kapatid ko.
Pitong taong gulang palang si KL pero naranasan na nitong hindi kumain palagi dahil nahihiya at natatakot ito sa mga katulong na baka pagalitan ito. Naging malamig din ang pakikitungo ko sa kanya at ni Papa dahil sinisisi namin siya sa pagkamatay ni Mama.
Napahagulgol ako sa iyak nang ma-alala ko pa kung paanong ngumiti lang saakin noon si KL kahit na natulak ko siya ng malakas dahil sa kakulitan niya.
NANG makauwi ako, hinanap ko ang kapatid ko at napayakap dito ng mahigpit habang paulit-ulit na humihingi ng tawad. At sa pagpikit ko, na-alala ko ang sobrang kalungkutan sa mga mata ni Tres nang tingnan niya lang ako noon. Na para bang, naghihintay lang ito ng pagkakataon na umiyak at isigaw kung gaano siya kalungkot na mag-isa.