Kabanata 13

“SINUBUKAN kong sunugin ang bahay pero parang may proteksyon iyon. Like there’s some kind of invisible shield!” ang kuwento ni Jules.

Napasinghap ang dalaga. Hindi niya alam kung maniniwala o hindi ngunit napagtanto niyang dapat nan ga siyang maniwala sa binata. After all, he saved her tonight.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Umupo siya sa pinakamalapit na pang-isahang sofa. Sapo niya ang kanyang noo.

“There must be something to be done there!” aniya.

“Plano kong makipag-usap sa tiyahin mo sa umaga,” ang pagpaalam sa kanya ni Mike. “But then, Jules couldn’t wait. That’s why we set up a stakeout. Narinig naming sumigaw ka mula sa loob pero hindi kami agad nakapasok. There was something that stopped us from getting in. Nang hindi ka na namin narinig, sinubukan namin ulit at saka pa kami nakapasok. Misteryoso ang nangyayari doon, dapat alam mo na ito ngayon, Finna.”

Naaalala niya ang kanyang ginawa. “Gusto kong lumabas pero hindi ko mabuksan ang pinto. Pumanhik ako sa itaas, sa kuwarto ng tita ko, bago sana ako pumunta sa silid ko pero sumunod siya sa ‘kin. I’ve never been this scared my entire life! Not even from what had happened to me before…” at napahinto siya saka napailing. “I have to save Tita Rina!” Tumayo na siya.

Pinigilan siya ni Jules. “Hindi ka puwedeng bumalik doon… nang mag-isa,” ang anito.

Napatingin siya rito at saka sa tiyuhin nito. Hindi alam ang sasabihin o ang gagawin pagkatapos siyang pigilan ng binata.

“It’ll be safer to go back there in the morning, in the light of day,” ang dagdag naman ni Mike at pumanhik na ito sa itaas pagkatapos magsalita.

Sinundan niya ng tingin ang may edad na lalaki at bumaling sa pamangkin nito. “How could he be so calm?” ang usisa niyang tila hindi makapaniwala kay Jules.

“Believe me, he’s acting like it, but he sure is very nervous right now,” ang seryosong sagot naman ni Jules sa kanya. Seryoso ang mukha ng lalaki.

“Bakit? Bakit mo ‘to ginagawa? Ba’t mo ako tinutulungan?” She wanted to know, of course. It was not everyday that someone was willing to help somebody when something out of this world was happening. It was kind of baffling.

Nagkatitigan silang dalawa nang ilang saglit.

“Because we lost our loved ones there, in that very house,” ang sagot sa kanya ni Jules.

Napamaang siya sa kanyang narinig.

Pinaupo siyang muli ng lalaki sa sopa. “Let me tell you the story almost three years ago.”

Napatingin lang sa binata si Finna at saka tumango na siya.

***

NAPATINGIN si Jules sa kanilang bahay. Hindi na siya nagpasundo pa sa Maynila para makauwi rito. He just hired a taxi dahil ayaw naman niyang mapapagod ang mga magulang sa pagbiyahe at ayaw niya ring sumakay ng bus. He wanted the taxi all to himself and offered the driver a negotiable amount. Pumayag naman ang driver kahit malayo.

Kaya heto na siya.

Umalis na ang taxi pagkatapos mailapag ng driver ang kanyang maleta sa lupa. Lumabas ng bahay ang kanyang mga magulang at kapatid na tuwang-tuwang makita siya. It had been about four years since they last saw each other personally. Tumatawag lang kasi siya sa mga ito sa telepono o kaya ay sumusulat⸺snailmail. Wala pa kasing internet sa barangay nila dahil napakalayo sa kabihasnan.

Niyakap siya ng mga ito.

“It’s really great to see you, son!” ang saad ng kanyang amang si Melandro. Pagkatapos siyang yakapin ay tinapik nito ang kanyang balikat.

“Kuya! Akala ko bukas ka na uuwi, eh. Pero buti na lang ‘andito ka na dahil may pasalubong ka sa ‘kin, di ba?” excited na anang kapatid niyang si Joanna na nasa dise otso pa lang.

“Oo. ‘Yong sinabi mong favorite flavor mong chocolate, nasa bag ko. ‘Eto, o. Dalhin mo na sa loob,” sabi niya. Ipanasa na niya rito ang kanyang hand carry na bag at halos mabitiwan pa ng dalaga ang bag sa bigat at tinawanan niya lang ito.

Inirapan siya ng kapatid at tinawag ang kanilang katulong na si Aling Iska para tulungan ito sa maleta niya.

Dumating naman ang hardinero nila para tumulong dahil nakita nitong medyo malaki ang mga bagahe niya.

Hinalikan niya sa pisngi ang inang si Jenny at nakayakap ito sa kanyang baywang habang papasok sila ng bahay. Nagkukuwentuhan sila hanggang dinner nila ukol sa kanyang pag-aaral sa California.

“May nag-offer sa ‘king trabaho doon bilang programming consultant. Malaki rin ang sahod, dad. Hindi ko siguro iyon mahihindian,” nakangising pagkukuwento niya sa ama.

“What do you mean? You’re not going to put up your own business in Manila as planned? At ikaw rin ang aatasan ko sa negosyo natin doon na gas station at restoran now that you’re back,” nakakunot-noong anang Melandro.

Napatigil sa pagsubo ang binata. Napatingin siya sa ama at napasulyap sa tahimik na ina at kapatid bago bumaling muli sa amang umasim ang mukha.

“Dad, I don’t think I can do all that. Programmer ako at hindi businessman. Although… yeah, I did take online courses while going to the university in California with regards to business management, but⸺”

“Kung hindi lang sa mapagkatiwalaang si Mrs. Laurel, matagal nang bagsak ang negosyo natin. Kaya malaki ang bayad ko sa kanya at utang na loob. If only your mom…”

Napabuntong-hininga siya. Alam na niya ang istoryang iyon. Kung hindi lang masakitin ang ina niya sa Maynila ay hindi sila titira sa Santa Barbara. Ayon pa sa doktor ay dapat lang na dito sila titira kung saan presko ang simoy ng hangin at malayo sa polusyon. Mahina ang baga ng ina at madali itong dapuan ng sakit.

Kahit na minana ng ama ang bahay na ito mula sa mga magulang ay puwede nitong ipagbili iyon anumang oras kung gugustuhin sana nito. But then, there was his mother’s case.

“I know, Dad. I’m sorry. I am thinking selfishly. But don’t you think that I have my own life to live in the future?” ang balik naman niya sa ama.