Kabanata 12

NAPATINGIN si Jules sa nakalutang na katulong. He extended his hand as he spoke, “Huwag kang matatakot sa ‘kin… sa ‘min. Naririto kami para tumulong sa ‘yo.” Humakbang itong papalapit kay Finna.

“I don’t trust you!” ang matigas namang aniya kahit natatakot pa rin at saka hinigpitan ang pagkakahawak ng vase.

“If you want to live, you’ll come with us!” ang matigas ding suhestiyon ng lalaki habang pinilit ng kasama nitong lalaki na hilahin pababa ang nakalutang na si Saling.

Nakita ng dalaga na hindi nito maigalaw nang kahit isang pulgada si Saling. Umawang ang mga labi niya at napalunok siya. Ang ibig sabihin ay hindi rin niya kayang hilahin ang tiyahing naroroon sa kuwarto nito at nakalutang din sa ere.

Kumunot ang noo niya habang nag-iisip. If she would go with these strangers, mas ligtas nga siguro siya dahil puwede siyang makipaglaban sa mga ito kaysa sa multo o espiritu.

Just as she thought about that ghost or spirit, lumitaw itong bigla sa kanilang harapan at napatingin sa kanilang tatlo. Nakita niyang napaatras ang dalawang lalaki sa takot, nanlaki ang mga mata. Hindi na siya nag-atubili pang umalis sa bahay na iyon. Tumakbo na siya palabas ng pinto at sumunod sa kanya ang dalawang lalaki.

Pumasok siya ng van at noon niya lang naisip na hindi niya dala-dala ang susi. She cursed under her breath. Binuksan ng lalaki ang pinto ng van at hinila na siya nito palabas.

“Sumakay ka na sa motor ko, dali!” ang dikta nito.

Wala siyang mapagpipilian sa ngayon. Mabilis siyang nagpatianod sa lalaki at sumakay sa motor nito samantalang ang kasama nitong lalaki ay mabilis na pinasibad ang owner-type jeep na dala rin nito.

“Saan tayo pupunta?” usisa niya habang umaangkas sa motorsiklo.

“We’ll be safe when we’re away from that house!” ang tugon ng lalaki na mabilis na nagpapatakbo ng motorsiklo nito at siya naman ay napakapit sa baywang nito.

Kahit sa takot niya ay hindi niya maipagkaila na namanguhan ang binatang nagda-drive ngayon. “Saan nga tayo pupunta?” tanong pa niya rito, trying to not get distracted by his mere scent. Dama nga niya kahit ang matigas nitong katawan kung saan siya nakadikit. Wala rin naman kasi siyang choice kundi ang kumapit sa lalaki. Hindi pa naman siya sanay na umangkas sa motor.

“Sa bahay ka na lang namin ng uncle ko at ligtas tayo roon,” ang turan ni Jules at bahagya itong lumingon sa kanya. Malapit na malapit naman ang kanilang mukha at siya na lang ang medyo umiwas nang kaunti. Baka kasi magkadikit pa ang mga labi nila.

Ilang minute ang lumipas ay dumating na sila sa bahay ng magtiyuhin. Nanaog na siya ng motorsiklo at ipinarada ng lalaki iyon malapit sa jeep ng tiyo nito. Napatingin siya sa malaki ring bahay na iyon. Halos magkatulad ito sa kanilang kabibili lang na bahay ng tiyahin.

Mula roon ay nakikita niya ang mini-forest ngunit hindi ang bahay nila. Nakakubli iyon sa kabilang dulo ng mini-forest, naalala pa niya.

‘Ano na kaya ang nangyari kina Tita at Saling?’ napaisip siya. ‘Ayos lang kaya sila kahit na iniwan ko sila roon?’ Nag-aalala talaga siya sa maaaring mangyari sa dalawa.

‘Dapat ko kayang tawagan si Lily at sasabihin sa kanya ang nangyayari? Pero… baka kasi hindi siya maniniwala.’ Nalilito siya, hindi alam kung ano ang tamang gawin.

‘Mas importante yatang reresolbahin muna namin ito sa ngayon.’

Inimbitahan siya ni Jules na pumasok sa bahay. Kahit labag iyon sa kalooban niya dahil hindi naman niya kilala ang mga ito ay wala siyang magagawa at mapagpipilian sa ngayon. ‘Ika nga, she would just cross the bridge when she gets there.

Sumunod siyang pumasok sa bahay ng mga ito. Napatitig sa kanya ang may edad na lalaki na tila tinatantiya siya.

“Ako si Mike, ang tiyuhin ni Jules. I understand that you already met my nephew yesterday,” medyo matigas na sabi nitong hindi inihiwalay sa kanya ang paningin.

“Opo. At ako naman si Finna. Kalilipat lang namin ng tiya ko noong isang araw…” sagot niya.

“Right. I know the story. Binalaan ka na ng pamangkin kong umalis kayo ng bahay na iyon. Hindi ka nakinig o naniwala sa kanya,” ang tila paninisi pa nito sa kanya. Sa ekspresyon nito ay alam ni Finna na ayaw sa kanya ni Mike.

Napalunok naman siya at napatingin sa walang imik na si Jules. Pasulyap-sulyap ito sa kanilang dalawa ng tiyuhin nito.

“How was I to know that it wasn’t just a prank?” ang balik naman niya sa may edad na lalaki. “And besides, you don’t know the reason why we settled here in this goddamned place!” Halos pumiyok ang boses niya.

“Sa ngayon, hindi pa natin mababawi ang mga kasamahan mo sa bahay,” ang patuloy na sabi ni Mike.

“Babalik po ako roon sa umaga,” ang desisyon niya.

She heard him chuckle. Napasulyap siya kay Jules na humakbang papalapit sa kanya na tila laylay ang balikat. She could sense the bad news coming. But she did not want to conclude until she heard it from him. Napakuyom ang kanyang mga palad na nakatingin sa lalaki.

“It’s not that simple, Finna,” wika ni Jules nang mahinahon. “Kahit na alam namin ang puwedeng mangyari ay wala tayong magagawa sa ngayon. Mamaya, gigising rin sila na tila walang nangyari at walang maalala kundi ay natulog lang sila.”

Napakurap-kurap siya, puno ng kalituhan sa isip. “Ano? Ang ibig mong sabihin…”

“Ang tanging gising lang sa mga oras na iyon ang makakaalaala. Meaning to say, you’ll be like talking garbage if you’ll tell them what happened tonight. They won’t believe you,” pagkaklaro ni Jules sa kanya.

Napamaang siya. Shookt siya siyempre. “P-pero…”

“I told you, it’s as if it didn’t happen, Finna! Will you just listen to me? We stayed because we wanted to help!” naiinis nang sabi ni Jules sa kanya.

“What do you mean you stayed?” Napatingin siyang maigi sa lalaki.

“Matagal nang gusto ni Uncle Mike na umalis kami rito. Ako lang ang nagpupumilit na manatili dahil kapag may lilipat sa bahay na iyon, siguradong may mangyayaring masama,” paglalahad ng binata.

“You’ve known this all along, but why didn’t you stop selling the place?” galit na tanong niya rito. “Kung ginawa n’yo pa iyon, wala sana kami rito!”

“Young lady, it was out of our control!” saad ni Mike. “Nagmaniobra ang abogadong pinagkatiwalaan namin sa mga papeles, which I’ve just found out when Jules confronted me yesterday, at ito na ngayon ang may-ari sa bahay na iyon! Ipinagpabili niya sa pamamagitan ng real estate agents, and my nephew here did everything he could just to destroy that house!”

“A-ano’ng ibig n’yong sabihin?” nalilitong aniya rito. She could not make sense out of this conversation. It was not normal at all!