CHAPTER 30: Getting started
LHOYD
Iyon ang nagkasunduan namin ni debby ang pag panggapin na ibang tao na kamukha ni debby, si debby ang pinaasikaso ko sa kung ano uunahin niya. Gulat nga ako sa nalaman niya na hindi pala anak ni thomas ung anak ni lyka.
Sa totoo lang hindi ko alam na si tito pala ang ama, don sa araw na sinabi ni debby ay don ko lang din nalaman.
“ tingin mo may pakana si tito sa nangyari sayo??” kasi matagal na ang relasyon ni lyka at ng ama ni thomas, ibig sabihin pwedeng ang ama ni lyka ang may pakana at hindi si thomas.
“ oo, malalaman ko din naman yan agad. Diba malapit na ang binyag ng anak ni lyka?” tumango ako.
“ pupunta tayo” ngumiti siya ng malawak
“ anong balak mo?”
“ expose them, special day ng anak nila so dapat special day din nila” sagot niya.
“ paano? May ebidensya kana ba??” tumango siya, napaka bilis niyang kumuha ng mga impormasyon. Kung tutuusin mas mabilis pa siyang gumalaw saakin.
“ okay, basta huwag mo kakalimutan na laging may plan b. Okay??” tumango siya.
DEBBY
Nag re-ready na kami ni lhoyd, handang handa na ang mga regalo namin para sakanila. Sabi ko nga babawi ako kapag nabuhay pa ako at buhay ako. Salamat kay lhoyd, kung hindi dahil sakanya malamang patay na ako.
“ lets go??” tumango ako pero inayos ko muna ang kwelyo niya.
“ thank you”
NAkarating na kami sa lugar at pinag titinginan kami, sino ba naman ang hindi titingin? Nabuhay ang patay. Nilapitan kami at ang tatalas ng tingin, mga iba nagbubulungan.
“ meet donna my wife” sabi ni lhoyd.
“ donna??” napa tingin kami sa ama ni thomas, kasama si lyka at thomas.
“ isang babaeng pinapalitan ni lhoyd ng mukha para maging kamukha ni debby at para maging asawa niya” sagot ni thomas.
“ how desperate” sabi ni lyka.
“ mas okay na atleast sa maayos na paraan hindi sa masama” sagot ni lhoyd, hindi naka imik si lyka.
“ tama na yan, mag sisimula na ang kasiyahan” sabi ng ama ni thomas.
Nag kanya kanya na kami ng upo, si lyka at thomas kasama ang anak nila ay nasa harap, nag papasalamat sila sa mga pumunta at sa kung ano ano pa. May bumati pa thru online kaya ito pinapanuod namin.
Nag ikot na ang waiter para bigyan kami ng food, mmm mukhang masarap pero mas sasarap pa ito.
“ love sigurado ka bang hindi tayo mabubuko ni thomas?? Alam mo na” biglang nag appear sa screen, mmmm nagsisimula na.
“ don’t mind him, ako na bahala sa anak ko. Ang mahalaga ipag patuloy mo lang ang plano natin hanggang makuha natin ang pera niya” ang nag uusap ay si lyka at ang ama ni thomas.
Gulat na gulat ang lahat, nataranta pa nga si lyka at hindi malaman ang gagawin. Ang ama naman ni thomas ay hindi makagalaw at naka tingin kay thomas.
“ basta wag mo ipapahalata na hindi sakanya ang anak natin, kailangan mo din siyang pag tiyagaan para sa future natin” dugtong ng ama ni thomas.
“ no problem tsaka alam mong patay na patay ang anak mo saakin, sinabi ko na nga noon na ayaw ko sakanya pero isang gabi lang nakuha ko agad hahaha” si lyka, naka tingin lang ako sakanila at enjoy na enjoy ako sa mga mukha nila.
“ off that screen!!!” sigaw ng ama ni thomas, kaya pala noon ay walang pqgtutul saakin dahil may namamagitan na sakanila ni lyka noon.
Tinignan ako ni thomas, hindi ako nag pakita ng kahit anong emosyon. Masakit ba thomas? Masakit bang malaman na niloloko kana pala noon pa?! Ang ung malalapit pa sayo ang nanloko tulad lang din ng nangyari saakin.
“ off that screen” sigaw uli ng ama ni thomas, hindi maipinta ang mukha ni thomas.
“ lhoyd may alam ba kayo dito??” tanong ni bon.
“ were just doing a favor total kaibigan ko naman si thomas” sagot ni lhoyd, tinignan ako.
“ ibig sabihin” tinignan ako ni bon, ngumiti lang ako ng tipid sabay subo ng apple.
Lumapit si thomas sa ama niya, mabilis namang pumagitna si lyka. Akala ko noon si thomas ang gusto niya pero nalaman kong nagkaroon sila ng problema sa pera kaya kailangan niyang gamitin si thomas kahit na ang ama pala ni thomas ang gusto niya.
Hindi aakalain noon na pakakasalan ako ni thomas kaya nag plano sila ng ama ni thomas kung paano kukunin si thomas at nagtagumpay sila.
“ is it true?” tanong ni thomas.
“ no! Scripted yan, ni hindi nga namin alam yan!!!” sagot ni lyka.
“ boses niyo iyom tapos hindi niyo alam??!!” galit na sabi ni thomas.
“ oo nga naman, bakit kasi di niyo aminin” singit ko.
“ shut up!!” Sabi ni lyka.
“ sabihin na nating fake ang video, ipa DNA Na lang ung bata” dugtong ko.
“ no need! Thomas anak mo si---”
“ lyka” tinignan namin ang ama ni thomas.
“ kami iyo and yes anak ko nga” hindi makapaniwala si thomas.
“ pa!!! Kaya naman pala ayaw mong hiwalayan ko si debby noon dahil may ganito na pala!!”
“ Yes, anak kami na ni lyka at ung ipinagkasundo ng mama mo ay dahil nalaman niya ang relasyon namin kaya siya gumagawa ng paraan para mapag hiwalay kami. Hindi na din maganda ang estado ng kompanya ko at ang pamilya ni lyka kaya---”
“ kaya ginamit niyo ako? Kaya kahit lokohin niyo ako ng ganito ay okay lang dahil sa pera?!!! Pa anak mo ako!!!!”
“ im sorry, masyado lang akong desperado na---”
“ desperado sa pera!!! Kaya pala iniwan ka ni mama at dahil walang pasabi siguro tinakot mo”
“ sorry thomas, im really sorry. Nag mahal lang ako at tao lang din ako na nangangailangan” sagot niya.
“ talaga??? O sadyang di ka lang makunteto sa isang babae o kaya naman naiinggit ka saakin dahil madaming babae ang umaaligid saakin kaya ng may mag kagusto sayo na mas bata pinatos mo na kapalit ng pamilya mo!!!” Sinuntok siya ng ama niya.