CHAPTER 31: Thruth
DEBBY
Malawak ang ngiti ko, nagkakagulo ang north dahil sa mga naibulgar, dahil sa inis ni thomas siniraan niya ang kompanya ng ama niya para mag back out ang lahat ng mga investors maski ung mga consumer ay hindi na nila tintankilik ang produkto nila.
“ so ano na plano mo ngayon?” tanong ni lhoyd.
“ tuloy tuloy lang, hindi pa nila nararamdaman ung naramdaman ko” ang tinutukoy ko ay ung ginawa saakin ng mga lalaking iyon.
“ may nakuha kana bang impormasyon doon??” tanong niya.
“ meron”akala ko nga si thomas nong una pa lang pero nagkamali ako.
“ kilala mo na kung sino?” tumango ako.
“ sino---” biglang bumukas ang pintuan, ang ama ni thomas.
“ lhoyd tulungan mo ako, nawawala si lyka at thomas…. Please hanapin mo sila, baka kinuha na siya ni thomas at pnuwersa” sabi ng ama niya, tinignan ako ni lhoyd
“ pakiusap lhoyd, tulungan mo ako. Hindi kita mabayaran sa ngayon pero babayaran kita ka pag nakaahon na ako” sabi niya.
“ susubukan ko po, ipapaalam ko kapag may nalaman na ako” sabi ni lhoyd.
“ thank you, magbaba kasakali din ako sa iba ko pang kilala” umalis na siya.
“ anong ginawa mo?” tanong niya.
“ nasa okay silang lugar” kumunot ang noo niya
“ debby sabihin mo ang plano mo, baka mapano ka naman” umiling ako.
“ kaya ko ito lhoyd, don’t worry hindi ako gagawa ng ikakapahamak ko” sagot ko.
Knock knock
“sir, hinihintay kana po ng ka meeting niyo” singit ng sekretarya niya.
“ hintayin mo ako dito, huwag kang gagalaw ng mag isa” ngumiti ako at tumango, iniwan na niya ako.
Sorry lhoyd pero sana maintindihan mo kung bakit ko ito gagawin, tumayo na ako at mabilis na lumabas sa opisina. Kailangan ko ng tapusin ito, masyado na silang nag eenjoy sa buhay nila.
Pumunta ako sa isang bahay kung saan andito din sila lyka at thomas, nakapasok na ako at naka tingin sila saakin.
“ ano ba itong ginagawa mo? Alam ba ni lhoyd to??” tanong ni thomas.
“ hindi, labas siya dito” hinila ko ung upuan at umupo sa may harap nila, nakatali naman sila kaya okay lang.
“ ano bang kailangan mo saamin?” tanong ni lyka.
Kinuha ko ung phone ko at may kung anong tinawagan, mayat maya at dumating na ung mga taong tinawagan ko.
“ anong gagawin mo saamin? Bakit may mga kasama ka?” tanong ni lyka.
“ masyado ka namang atat, dibale mamaya mag eenjoy ka” natahimik siya.
“ bakit? Bakit mo ito ginagawa? Wala naman kaming kasalanan sayo” sabi ni thomas.
“ wala nga ba???” Tinignan ko sila matalim lalo na si lyka.
“ sabihin mo, hindi ka si donna kundi ikaw si debby” ngumiti ako.
“ si-siya si debby?? Akala ko ba….” Naningkit ang mata ko.
“ akala m0 patay na ako, sayang nga hindi sa kabila ng ginawa niyo saakin” nanlaki ang mata niya.
“ hindi…. Hindi ako ang may kasalanan don” agad niyang sabi.
“ naaalala mo pa pala kala ko itatanggi mo, ako kasi araw araw laging nasa isip ko maski sa panaginip…. Paano mo nagawa saakin iyon lyka? mmm? Kaibigan kita pero paano mo nagawa sakin iyon!!!” hindi ko mapigilan ang sama ng loob ko sakanya.
“ ano ba pinag uusapan niyo?” tanong ni thomas.
“ wala ka nga pala alam pero ang ama mo may alam” kumunot ang noo niya.
“ si papa??” tumango ako.
“ oo nga pala, mamaya makakasama natin siya. Para siyang baliw kakahanap sainyo” ngiti kong sabi.
“ mamaya may live show tayong papanuorin, lyka galingan mo ah” kita mo ang takot sa mukha niya.
“ debby pakiusap, hindi ako ang may pakana doon. Ang ama ni thomas ang may plano don, masyado siyang nagalit dahil sa pamamahiya mo saakin at----”
“ sino ba ang nauna lyka?? Unang una ikaw ang lumapit saakin para comfrontahin tungkol kay thomas, kaya naman pala gigil na gigil ka kasi pag nawala sayo si thomas katapusan na ng sustento sayo” napayuko siya
“ pinigilan ko siya----”
“ tama na, tapos na at nangyari na ang mga nangyari”putol ko.
“ sige na dalhin niyo na siya sa isang kwarto” lumapit na ung mga lalaki sakanya.
“ debby naman, please kung----” tinakpan na ang bunganga niya, dinala na siya kaya kami naman ni thomas ang natira.
“ anong gagawin mo sakanya?” tanong niya.
“ ipapalapa ko sa mga uhaw na buwaya” sagot ko.
“ debby, ano ba nangyari sayo? Bakit nagiging ganito kana? Mapapahamak si lhoyd nito dahil sa---”
“ hindi ako papayag na madadamay siya, kaya nga mag isa akong gumalaw dahil ayokong madamay ang taong tumulong saakin. Dibale malapit na tayo sa ending nito, hintayin lang natin ang ama mo para pareho niyong mapapanuod kung ano ang ginawa nila saakin” tumayo na ako at iniwan siya, kanina pa tumutunog ang phone ko.
“ hello?” si lhoyd.
“ debby sabihin mo kung nasan kayo” mukhang alam niya na.
“ lhoyd ako na bahala, huwag mo ng isali ang sarili mo dito. Kukunin ko lang ang hustisya na dapat at okay na, mamumuhay na ako ng tahimik pagkatapos neto” binaba ko na ang phone ko at pinatay na.
Ilang minuto ay dumating na si mr. Guillermo, sakto naka set up na ang lahat. Kaming tatlo naka harap sa isang screnn, screen kung saan mapapanuod namin kung anong gagawin nila kay lyka.
“ nasan si lyka??” malamig na tanong ng ama ni thomas.
“ shhh…. Malapit na tayo, maupo ka diyan” pinuwersa nilang ipa upo siya ng mga kasama ko.
“ debby kung ano mang gusto mong ipakita please itigil mo na” pakiusap ni thomas.
“ bakit? Hindi ka ba curious kung ano ang ginawa ng mahal mo at ng ama mo saakin?” sagot ko.
“ teka… debby??? Ikaw si debby?? Akala ko----- hindi! Hindi-hindi, anong gagawin mo kay lyka?!!!” nagwawala na agad ang ama ni thomas.
“ ung ginawa ng mga taong inutusan mo” umiling siya.
“ de—debby debby huwag…..” hindi na siya mapakali.