CHAPTER 29: Im back
THOMAS
Isang taon ng patay si debby pero hindi parin ako mapanatag, meron sa part ko na naniniwalang buhay pa siya. Hindi kasi ako kumbinsido sa bangkay na nakita ko, alam ko ang pangangatawan ni debby at hindi ganun sa nakitang katawan niya kuno.
“ sir may nag papamigay” isang folder?? Kinuha ko at binuksan ko.
Mga picture ni lyka na may kasamang lalaki at kasama pa nila ang anak ko, kung titgnan para silang isang pamilya. Kumunot ang noo ko, may kakaiba sa mga ngiti nila. May laman pa sa loob kaya tinignan ko, isang DNA TEST???
Nakasulat ang pangalan ko at ang pangalan ng anak ko, tinignan ko ung result. Nanlaki ang mata ko, negative ang result. Lumabas ako at tinanong ung sekretarya ko kung sino ang nag padala at ang sagot ay isang babae.
“debby” hindi ko alam kung bakit siya ang naisip ko pero paano?? Paano niya nalaman ang mga ito? Totoo ba? Buhay siya at ito mga ito totoo din ba???
Ano ba ito, kalokohan itong ma naiisip ko. Tanggapin ko na patay na si debby at itong mga ito ay may gusto lang manira saamin ni lyka. Itinabi ko ung folder at nag trabaho na lang ako, napa hilamos ako ng mukha dahil hindi talaga ako mawala sa isip ko si debby.
“ oh anong mukha iyan??” si bon.
“ wala, may balita kana kay lhoyd??” tanong ko.
“ oo at bumalik na siya” kumunot ang noo ko.
“ may kasama siya??” tanong ko.
“ hindi ko alam, bakit parang may kakaiba sayo. Ano ba nangyayari sayo??” napa buga ako ng hangin. Kinuha ko ung folder at binigay kay bon, kinuha niya paara tignan. Bakas sa mukha niya na gulat din.
“ kanino galing?” nag kibit balikat ako.
“ bakit hindi mo itanong ito kay lhoyd total dumating na siya” dugtog niya.
“ satingin mo tutulungan niya ako? Galit na galit iyon saakin diba??” sagot ko.
“ isang taon na ang lumipas, move on na tayo” sabi niya.
“ siya lang makakatulong sayo thomas, samahan kita. Tara” tumayo na siya, bahala na nga para matapos na itong utak ko.
Pumunta na kami sa kompanya ni lhoyd at nadatnan namin siya na busy sa pag tra-trabaho, nilingon kami ng walang imik.
“ lhoyd kamusta na?” tanong ni bon.
“ busy ako, ano kaailangan niyo?” tnong niya, naging seryoso na siyang tao nngayon
“ ito si thomas may natanggap at hindi alam kung totoo ba o hindi” sabi ni bon.
Inilapag ko sa mesa at kinuha niya, tinignan niya lang. sumandal saka tinignan kami, ngumiti siya ng nakaka insulto.
“ nagsisimula na ata ang karma mo” sabi niya.
“ lhoyd” sita ni bon.
“ bakit ka saakin dumiretso kung pwede naman sa kabit mo? At kung may alam man ako sa tingin mo sasabihin ko sayo??” naikuyom ko ang kamao ko.
“ lhoyd naman parang hindi naman tayo mag kaibigan” sabi ni bon.
“ mmm?? Okaay dahil mag kaibigan tayo sasabihin ko ang totoo. Totoo yan at kung duda ka ikaw na mismo ang mag pa DNA sa anak mo at sayo. Ahhh meron pa pala, magugulat ka kung sino ang ama” ngumiti siya.
“ sino?” tanong ko.
“ mmmm?? Alamin mo” umigting ang panga ko.
“ pinaglalaruan mo ba ako?!! Bakit di mo na lang sabihin anag lahat ng alam mo!!” naiinis na ako lalo pa sa pa ngiti ngiti niya.
“ tatanungin ko muna sa asawa ko kung sasabihin ko, siya na kasi ngayon ang umaalam sa lahat” ao sabi niya asawa niya??
“ may asawa ka?” tumango siya, tinignan ang orasan niya.
“ parating na siya” sagot niya, mayat maya ay may bumukas sa pintuan. Nanlaamig ang buong katawan ko, hindi ito totoo. Nanagiip lang ako, kailan niya naging asawA ang asawa ko??
“ Debby” ngumiti si debby saamin.
“ hi” bati niya.
“ lhoyd…. Anong nangyayari?” Tanong ni bon.
“ mm?? Hindi siya si debby, by the way meet my wife donna” pinagloloko niya ba kami? Hindi siya si debby pero kamukhang kamukha ni debby.
“ nawala ka ng isang taon, ibig bang sabihin ito ang dahilan kung bakit ka wala?” tanong ko.
“ mmm?? Nag hanap lang naman ako ng may gusto na palitan ang mukha kapalit na magiging asawa ko siya” napaawang ang labi ko, nababaliw na siya.
Sinong matinong lalaki ang gagawa nito, naghanap siya ng babae na papalitan ang mukha at ung mukha ni debby pa? Ganito ba siya ka patay kay debby??
“ nababaliw kana” sabi ko.
“ bahala ka kung anong gusto mong sabihin, babe gusto niya malaman ung pinag uusapan natin kagabi” nilingon ko si debby ay hindi donna pala.
“ ahhh ung ama ng anak niya?? Ung papa niya” walang prenong sagot.
“ ama niya?? Si tito?” akala ko namali ang dinig ko pero totoo pala, pero seryoso si papa ang ama ng anak ko??
“ kalokohan… pinagloloko niyo na ako, alam kong galit ka saakin lhoyd pero hindi---”
“ iyon ang totoo, bakit di mo kasi alamin? Madali lang naman kung gugustuhin mo pero kung ayaw mo panindigan mo ang pagiging bulag mo” sagot ni debby/donna.
“ inaakusahan mo ang taong mahal ko na hindi kapani kapaniwala, hindi rin ako kayang lokohin ni papa” sagot ko
“ okay… ikaw bahala total buhay mo yan” ngumiti siya.
“ ayaw mo din pala maniwala kaya makakaalis kana” singit ni lhoyd, napailing ako at nag lakad na paalis.
LHOYD
“ seryoso ba ito lhoyd??” tanong ni bon.
“ kailan pa ako nagkamali bon? Oo may galit ako kay thomas pero hindi ako tulad niya, kung ano man nalaman ni donna lahat iyon ay totoo. Matagal na siyang niloloko ni lyka at ng ama niya, napaka manhid niya para hindi mapansin. Sabagay napaka galing ni lyka na itago, akalain mo, ipinaako ang anak niya sa anak imbes sa ama”sagot ko.