CHAPTER 28: Debby
DEBBY
May naaamoy akong pagkain, inimulat ko ang mata ko at parang nasa ibang lugar nanaman ako. Tumingin ako sa gilid ng may naaninag akong tao, nanlaki ang mata ko at nag pumiglas.
“ debby”
“debby”
“ debby” pamilyar ung boses kaya tumigil ako sa pagwawala, tinignan ko ung tao at si lhoyd. Pumatak ang luha ko, niyakap niya ako ng mahigpit kaya napa hagulhol ako.
“ lhoyd tulungan mo ako…..” iyak kong sabi.
“ shhhh… your safe, calm down” sagot niya, hindi ko parin binitawan ang pagkakayakap sakanya, ayokong magising sa panaginip na ito at kung totoo man sana nga please dahil hindi ko na kaya ang pag hihirap na ginagawa nila saakin.
“ mag pahinga kana uli, hindi ako aalis sa tabi mo” hinaplos niya ang buhok ko, tumango ako at umayos ng pagkakahiga. Tumabi siya saakin, hinawakan niya ang kamay ko kaya pumikit uli ako. Please sana totoo na ito, sana totoong nasa maayos na akong kamay.
Nagising uli ako at tumingin ako sa tabi ko, si lhoyd. Kung ganun hindi ako nanaginip, totoong nasa ligtas na akonv kamay. Naramdaman ko agad ang gutom at kauhawan, sinagi ko siya para magising.
“ wa-water” sabi ko, bumangon siya agad at kumuha ng tubig. Naubos ko ang isang baso, salamat naman akala ko mamamatay na talaga ako.
“ ipapakuha ko ung pagkain mo” kinuha niya ung phone niya at may tinawagan siya.
“ saka na tayo mag usap, mag palakas ka muna” dugtong niya pa, ngumiti ako tsaka tumango.
Dumating na ang pagkain kaya kumain na ako, kahit papaano ay nakakabawi ako ng lakas. Hindi ako iniiwan ni lhoyd, kapag may kailangan itatawag niya lang, dumating ung doktor at sabi ay okay na ako, kailangan lang talagang mag palakas at patuloy parin siya sa pag examine saakin para walang makaligtaan.
“ lhoyd” nilingon ako.
“ pwede mo ba akong tulungan?” naka tingin lang siya saakin.
“ si thomas at lyka, sila ang may pakana nito saakin. Gusto ko silang bawian, gusto kong maramdaman nila ang paghihirap na ginawa nila saakin”
“ gaano ka kasigurado na sila ang may pakana?” tanong niya.
“ minsan narinig ko na kausap ng isang lalaki si lyka, rinig na rinig ko ang pangalan ni lyka. Malamang tinutulungan din siya ni thomas dahil ung huling pagkikita namin ni thomas ay sobra siyang galit saakin” sagot ko.
“ lhoyd please tulungan mo ako, hindi makatarungan ang ginawa nila saakin” malungkot kong sabi.
“ alam ko, mas okay na mag pagaling ka muna bago natin yan pag usapan” tumango ako.
Wala akong ginawa kundi mag palakas pero sa kabila non may nabalitaan akong nakakalungkot tungkol sa maselan kong parte, dahil sa ginawa saakin ng mga lalaking iyon nagkaroon ako ng bukol sa loob ng ari.
Kaya pala hirap na hirap akong gumalaw, sabi ng doktor kailangan kong maoperahan dahil kung hahayaan lang ay baka pumutok ito sa loob at maging cancer pa. Mas delikado iyon, sinabi din niyang matatagalan itong humilom.
Ung akala kong makakabawi na ako sakanila ay mukhang malabo dahil sa masamang balita pero mas umigting ang kagustuhan kong mag higante sakanila.
“ mas okay na mag focus muna tayo health mo bago na ang ibang bagay” sabi ni lhoyd, malungkot akong tumango.
“ gusto mo bang manuod ng t. v?” tumango ako.
Inon niya ang t. v at bumungad saakin ang mukha ni thomas, nasa isang presscon siya at parang akala mo ay namatayan.
“ sad to say that my wife was already died” sabi niya.
“ kinidnap ito at pinatay, sisiguraduhin mo namang magbabayad ang gumawa nito sakanya” dugtong niya pa.
“ ipinalabas kong patay kana” tinignan ko si lhoyd.
“ mas okay ng akalain nilang patay ka, kung alam nilang buhay ka hindi sila titigil kaya mas okay ng ganito” sabi niya pa.
“ pero paano?” tanong ko.
“ madali lang para saakin yan, huwag mo ng alalahanin iyon. Mag pagaling ka debby para pag balik mo handang handa kana” tumango ako.
Akala ko ganun lang ang sakit pero hindi dahil sobrang pananakit sa may maselang parte ko, hindi ako makagalaw at napapaiyak na ako dahil sa sakit na dulot nito. Masyado ding mabilis ang paglaki ng bukol para maimove ung operasyon ko.
Araw araw akong umiiyak, araw araw akong sumiwigaw sa sakit pero kinakaya ko. Laging nakaalalay saakin si lhoyd maski na wala itong tulog. Kailangan ko na daw maoperahan dahil mas posibilidad na pumutok ang bukol.
Hindi pa dapat dahil hindi pa handa ang katawan ko sa operasyon, maaari ko daw kasinh ikamatay pero sabi ko ituloy na. Sobra sobra na din ang paghihirap ko at kung ang plano ng panginoon ay kunin ako, okay lang dahil handa naman na akong mamatay noon pa simula ng ginahasa ako.
LHOYD
Naka tingin ako sa malayo habang inooperahan si debby, kapit lang debby. Hindi ito ang araw na dapat sumuko dahil nag uumpisa pa lang tayo, madami kanang pinagdaanan kaya dapat lang ay mabuhay ka pa.
Kitang kita ko ang ilang beses nilang binubuhay si debby, sa sobrang tagal ng operasyon mas lalo akong kumakapit na sana maganda ang resulta. Tumigil na sila sa pag oopera kay debby at tinignan ako ng doktor, umiling siya.
“ hindi!”
“ Buhayin mo!!! Huwag kang titigil, buhayin mo si debby!!!” sigaw ko, pumasok ako sa operating room at nilapitan si debby.
“ gising! Debby”
“ Gising debby!! Putang *na! Gumising ka dahil mag hihiganti pa tayo sa mga gumawa nito sayo!!!” sigaw ko.
“ lhoyd, ilang beses siyang lumaban pero hindi talaga kaya ng katawan niya. Im sorry” napasabunot ako sa buhok ko, kinuha ko ung pang pump nila at sinubukan ko uli kay debby.
“ debby gisiinnnnnnnngggggggggg----- toot tooot tooot” nagulat sila kaya inagaw nila saakin ang pang pump at ung doktor ay dali daling inasikaso si debby, naka tingin lang ako sakanila at blanko ang pag iisip
Inabot pa ng isang oras at doon sinabi ng doktor na okay ang operasyon at okay na si debby, napapikit ako dahil akala ko talagang mawawala na siya.