CHAPTER 16: Getting Better

DEBBY

Ang saya saya ko lang kasi laging nag Eefort si thomas para kay baby, minsan nga naiisip ko panaginip ata ito kasi nong ikinasal kami napaka lamig niya at lagi ko siyang nahuhuling naka tingin sa isang picture, minsan naisip kong tignan nga EEh

Biglang pumasok sa isip ko, paano kaya pag silipin ko saglit sa kwarto niya? Titignan ko lang naman kung sino ung nasa litrato tapos malalaman ko ako pala no…. ayiiiiiihhhh may pag asa!!! Landi kong buntis.

Total wala siya at magagabihan daw siya kasi may aasikasuhin, tinignan ko kung may makakakita saakin at ng makita kong wala ay pumasok na ako. Napaawang ang labi ko dahil sa sobrang ayos ng kWarto niya, napa himas ako sa tiyan kong malapit ng pumutok.

“ anak oh dapat ganito ka din kaayos pag may kWarto ka” ngiti kong sabi, tumingin ako sa kabuuan hanggang napadako sa may mesa, lumapit ako at tinignan ung mga pictures hanggang napansin ko ung lagi niyang tinitignan na litrato.

Kinuha ko at tinignan, biglang kumirot ang puso ko ng makita kung sino ung nasa picture. akala ko pa naman ay ako, hindi pala.

“ bakit?? Bakit hindi ako?”tanong ko, ibinalik ko sa dati at umalis na sa kwarto niya.

Nag kulong lang ako sa kwarto ko hanggang gabi, bumaba ako para kumain at hanggang ngayon ay wala si thomas.

“ paki open po ung t. v” ang boring kasi kaya naisipan kong manuod habang kumakain.

“ chika chika!!! Nitong nakaraan ay lagi na lang nakikita si mr. guillermo na laging may kasama na napag aalamang asawa niya ang kasama niya, makikita sa litrato na sobrang saya nito at kahit hindi makita ang mukha ng babae ay halatang si mrs guillermo ay masaya din… masaya ang mag asawang guguiller na nag babakasyon sa isang pribadong resort……” taas baba ang dibdib ko sa napanood ko at narinig ko.

Kailan man hindi kami inilabas ni thomas at hindi ako ang kasama niya, kung ganun sino?? Sino ung kasama niyang buntis na nagpapasaya sakanya ng ganun?? Akala ko ay ako lang ang nag bibigay ng ngiti na iyon pEro hindi pala.

“ manang wala kang sasabihin kay thomas, pag nag tanong kung nanuod ba ako ay paki sabing hindi” tinignan ko siya.

“ sige po ma’am pero okay lang po ba kayo?” tanong niya, ngumiti ako at tumango. Tumayo na ako para bumalik sa silid ko.

Hinimas ko ang tiyan ko, sana mali ang kutob ko. Sana hindi si lyka dahil hindi ko kakayanin, siya na nga ang laging tinitignan na nasa litrato tapos….. naikuyom ko ang kamao ko sabay pag tulo ng luha ko.

Kinabukasan maaga akong nagising at hindi parin umuuwi si thomas, mayat maya ay may humalik sa noo ko. Si thomas na naka ngiti at may mga dalang pagkain, inilapag niya sa harap ko.

“ kain ka, dapat pag balik ko ubos na iyan…. Maliligo lang ako…. Hi baby” sabi niya sabaya himas sa tiyan ko, naka tingin ako sakanya hanggang tumaas siya. Tinignan ko ang pagkain na dala niya, binuksan ko at mga hindi halatang tira nila.

Tumulo ang luha ko, kumuha ako at totoo nga dahil sobrang lamig na ng tinapay at ung iba ay namuo na ang mantika sa gilid…. Napa ngiti ako ng mapait habang nginunguya ang tinapay, pinunasan ko ang luha ko dahil ayokong mapansin ni thomas pag balik niya.

“ by the way wala ako dito ng tatlong araw, magbibigay ako ng mga mag babantay sayo… hindi ko kasi pwedeng I postpone to dahil malaking investment ito dibale pag may nangyari tawagan mo agad ako…. Okay??” ngumiti ako ng tipid at tumango.

“ pwede ko bang malaman kung saan kahit iyon lang para atleast alam ko man lang pag dumating sila papa” malumanay kong sabi.

“ palawan… don’t worry alam naman nila papa ito so pano alis na ako…. Ubusin mo yan” hinalikan niya uli ako sa noo, simula noong nagpakasal kami ay sa noo niya lang ako hinahalikan. Tumayo ako at tinawag si manang.

“ kumuha ka ng magagamit natin manang may pupuntahan tayo saktong dadating ang makakasama natin” walang tanong tanong ay sumunod siya, dumating na ung mga makakasama ko at kinausap ko na sila na kung saan man kami mag punta ay wala silang sasabihin kay thomas.

Ginamit ko ang pagiging sweet voice ko para maawa sila at pumayag, maayos na ang lahat ay pumunta na kami kung saan siya pupunta… ayokong maniguro pero gusto kong alamin kung ung kutob ko ay totoo.

Kahit masakit na ang tiyan ko ay tinitiis ko dahil sa haba ng biyahe namin, nakikiusap ako sa anak ko na pagtiisan muna ako kahit ngayon lang… nakarating na kami sa palawan at hindi ko na kinaya kaya napag isipan kong mag pahinga muna kami sa isang hotel.

Habang nag papahinga, iniisip ko kung paano ko aalamin kung nasan si thomas… habang nag iisip ay hindi ko namalayan na inantok na pala ako. Nagising na ako ng umaga, nakita ko si manang na naka tingin saakin.

“ mabuti po at nagisin kayo, akala ko po kung napano na kayo” ngumiti ako at bumangon.

“ okay lang po ako, okay lang bang paki abot ung phone ko?” dali dali niyang sinunod ang utos ko, alam kong hindi ako dapat lalapit sakanya pero siya na lang ang choice ko.

“ hello… lhoyd” tinignan ko si manang.

“ pwede bang humingi ng favor? Itetext ko sayo ung mga detalye okay lang??” pumayag naman siya.

“ salamat, bye” napa buga ako ng hangin, gusto ko muna siyang kamustahin pero mas okay na muna ito.

Sinend ko na ang lahat sakanya at nireplayan lang ako ng okay…. Inutusan ko si manang na umorder ng mga pagkain namin at sabay sabay kami… ipinatawag ko kasi para dito na kami kakain sa room namin.

“ kung may gusto pa kayong kainin ay magsabi kayo” sabi ko sakanila.

“ okay na po kami ma’am” sagot nila, nginitian ko sila at pinag patuloy ang pagkain. Panay tingin ako sa phone ko kung may balita na si lhoyd