CHAPTER 15: Wedding
THOMAS
Lumipas ang mga araw inaayos na ang kasal namin, tulad ng nasa plano ay nag aaral parin siya habang buntis at kumuha ako ng mga tao para may tumingin sakanya.
Ilang buwan pa ang lumipas ay ikinasal na kami, para kaming hangin sa kasal namin at parang yelo ang turingan dahil hindi man lang kami nag iimikan. Dumating ang lahat ng kakilala namin, naibroaddcast ang kasal namin kaya alam ng lahat kung sino ang asawa ko maski na si lyka ay pumunta sa kasal ko.
“ ngayong kasal na tayo at tapos naman na ang isang ssem mag pahinga ka muna dahil malaki na ang tiyan mo.. babalik ka naman sa pag aaral pag nanganak kana” nasa bahay kami ngayon, tatlong araw ang lumilipas simula nong ikinasal kami.
“ okay” sagot niya, naka tingin ako sakanya na nahihirapan iayos ung unan sa likod niya kaya lumapit ako at inayos to.
“ may kailangan ka??” tanong ko
“ w…wala” sagot niya, tumango ako, aalis na sana ako ng narinig kong naduduwal siya, kumunot ang noo ko. Anim na buwan na siya pero patuloy parin siya sa paglilihi?
Naka sunod ako sa hanggang sa c. r, nag hintay ako sa labas hanggang lumabas siya. Inabutan ko ng tubig pero umiling siya.
“ gusto ko ng malamig na makakain” sabi niya, napataas ang kilay ko.
“ pero ako na kukuha” habol niyang sabi, nag lakad na siya ng nauna na akong nag lakad para kumuha ng gusto niya.
Nadatnan ko siya na nakaupo at ibinigay ko ang gusto niya, may ice cream, milk tea at iced coffee akong dala. Tinignan niya ako, mali ba ung kinuha ko? Hindi ko naman alam ung gusto niya.
“ ayaw mo??” tanong ko.
“ pagkain na malamig ang gusto ko hindi inumin” napataas ang kilay ko, icecream pwede naman iyon ah.
“ ako na lang” tumayo na siya at pumunta sa kusina, sumunod ako at naka tingin lang sakanya. Binuksan niya ung ref pero kita ko ang pag nguso niya at mukhang wala doon ang gusto niya.
“ ano ba kasi hinahanap mo, pabili na lang ako” sabi niya, umiling siya
“ ako na bahala” sagot niya, nag lakad uli siya at kung ano ano ang tinitignan sabay simangot, tinignan ako ng kasambahay namin
“ urgh….. wwwwahhhh…. wala akong makain” hala ka! Umiyak na ssiya
“ Wait wait wait…. Bakit ka umiiyak?? Mag hanap na lang tayo sa labas” sabi ko, tinignan niya ako.
“ meron kaya doon??” tanong niya na parang bata, tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado na meron kasi hindi ko naman alam kung ano ang hinahanap niya.
“ hindi mo kailanganng umiyak, maligo kana at tara na” tumango siya, nag lakad na siya palayo at napa buga ako ng hangin.
“ mabuti ng ganun ang ginawa niyo sir, bawal paiyakin ang buntis” tumango ako at sumunod na, sinabihan na din naman ako kaya nga nag suggest na agad ako. ayokong pagalitan nanaman ako ni papa, si papa kasi ang kakampi ni debby kung tutuusin.
“ ano ba ung pagkain na gusto mo?” tanong ko, nasa kotse na kami at ako na ang nagmaneho.
“ basta ung malamig” sagot niya, bahala na nga. Puntahan na lang namin lahat ng madaaanan naming pwedeng mag benta ng pagkain.
Nakailang stop over na kami pero di parin kami makahanap ng pagkain niya, naka simangot na siya at para akong natataranta kakahanap sa pagkain na hindi ko alam kung anong malamig yan!
“ Uwi na lang tayo” malungkot niyang sabi.
“ paano ung pagkain mo?” hindi na siya umimik at tumingin na lang sa labas,, urgh!!! Ano ba kasi ung pagkain na gusto niya!!!!!
“ maghanap pa tayo, maaga pa naman” sabi ko pero umiling na siya, hayyyy paano ba to.
Umuwi na lang kami at dumiretso siya sa kwarto niya, nag search naman ako ng mga malalamig na food at lahat ng iyon ay nakita na namin pero ayaw niya. Gabi na pero hindi parin lumalabas kaya pinuntahan ko, kailangan niyang mag dinner.
“ Debhy kain na” binuksan ko ung pintuan at nakita ko siyang naka sandal sa kama niya.
“ kain na” sabi ko, umiling siya.
“ busog ako” sagot niya,
“ you have to eat” umiling siya.
“ debby wag matigas ang ulo, kailangan mong kumain lalo na ung baby” naiinis na ako, dahil lang sa malamig na iyan hindi siya kakain??!
“ ayoko nga” may diin niyang sabi.
“ debby kakain ka, tara na” lumapit ako sakanya ng binato niya ako ng unan.
“ ayoko!!”’ sigaw niya, inilapag ko ung unan at nag tangkang lumapit at binato uli ako.
“ debby… think about the baby” sabi ko, mahinahon pa ako at kaya pang mag timpi.
“ alis” napataas na doon ang kilay ko, pinapaalis niya ako.
“ alis!!” naiinis na ako.
“ debby kakain ka kahit ayaw mo!” hindi na siya umimik at naka tingin na lang saakin, tumayo siya at lumabas. Sumunod naman ako at nakita ko siyang pumunta sa kusina, kumuha na siya ng pagkain niya at umiiyak na kumakain.
Naawa tuloy ako sakanya, napa sobra ata ako. Natapos na siyang kumain at pumunta ng taas. Napa buga na lang ako ng hangin, kinuha ko ang phone ko at may tinawagan saka ako kumain.
Kinabukasan dumating na ung mga pagkain na inorder ko sakto naman na bumaba si debby at tinignan niya ito.
“ kuha ka ng gusto mo” sabi ko, hindi niya man lang ako nilingon, matagal niyang tinignan ung pagkain at ung daliri ko naka cross finger na umaasang may magustuhan siya o kaya naman wag uling umiyak.
Kumuha ng plato, may kinuha siyang mga prutas na ibat iba tapos kumuha ng ice cream tapos kumuha ng pan cake tsaka nilagyan ng syrup. Pinag sama sama niya lahat iyon at umupo tsaka kinain, kumuha siya sundae at nilagyan ng kung ano ano.
Pagkain pa ba iyong kinakain niya?? Hinayaan ko na lang, unti uti ay ngumingiti na siya, sa wakas… ang hirap pangitian ang buntis na galit.