CHAPTER 14: Pregnant

DEBBY

Bigla na lang akong nahilo at sumakit ang tiyan ko, hindi ko alam pero di ko na kaya ung sakit kaya naka pikit lang ako.

“ debby” tawag ni lhoyd, kumapit ako sakanya.

“ a-an-g sa-sa-sak…. it” hirap kong sabi, inutusan niya ung driver na mag punta sa hospital.

Nakaka kapit lang ako sakanya hanggang makarating sa hospital, inadmit agad ako dahil kay lhoyd. Kilala siya at agad na kumilos ang doktor tsaka nurse.

Andaming ginawang test saakin hanggang inihatid ako sa room ko, sabi nila matulog ako pero hindi ako makatulog kaya nag pahinga na lang ako. May kumatok sa pinto at pumasok si lhoyd kasama ang isang doktor.

“ debby may kailangan kang malaman” sabi niya, bakit ganito na lang ka seryoso ang mukha niya.

“ may malubha ba akong sakit?” tanong ko.

“ wala pero buntis ka” ano daw buntis ako?? Buntis ako??

“ buntis ako??” tumango ung doktor.

“ pero your not in good term, masyado kang stree and hindi iyon maganda sayo kaya I recommend na bed rest ka at iwasan mong mag paka pagod o stress kung ayaw mong mawala ang baby mo” sabi ng doktor.

Buntis ako?? Kung buntis ako ibig sabihin ung nangyari saamin ni…. Thomas ay nag bunga, tinignan ko si lhoyd na naka tingin saakin, napailing ako.

“ maiwan ko muna kayo” sabi ng doktor.

“ lhoyd… lhoyd ung nangyari… ung nangyari….”

“ shhhhh wag ka munang mag isip ng kung ano ano, isipin mo ang kalagayan mo” umiling ako.

“ lhoyd buntis ako, anong di mag isip??? Mababago ang lahat, nag aaral ako lhoyd, may pangarap ako at at…..” niyakap ako ni lhoyd.

“ paninindigan ka ni thomas” kumalas siya sa pagkakayakap.

“ alam niya??” tanong ko.

“ walang hindi pwedeng malaman ang isang guillermo debby at malamang itong paglalagi mo dito ay alam----” kumalabog ang pinto, may mga taong pumasok at kasama si thomas.

“ how’s my baby?” tanong niya, tinignan ko si lhoyd at tama nga siya na malalaman ni thomas ang lahat.

“ okay naman kailangan---”

“ alam mo ang lahat pero hindi mo sinabi saakin at pinili mong umamin sakanya kaysa saakin, sabihin niyo nga kayo ba may gusto sa isat isa??” sabi niya saamin.

“ thomas, im just protecting her from---”

“ from me?? Saakin tama? Sa anong rason lhoyd?? Kaibigan mo ako na tinatadtad ng issue pero nanahimik ka lang kaya anong rason mo? Anong rason mo!” galit na sabi ni thomas.

“ nakiusap ako sakanya” tinignan ako ni thomas.

“ nakiusap akong wag sabihin ang tungkol sa nangyari saatin pero hindi ko aakalain na mag bubunga ito, hindi ko ito ginusto at maski na ikaw dahil---”

“ enough… sasama ka saakin” kumunot ang noo ko, pinalibutan ako ng mga tao niya.

“ thomas hindi makakatulong na---”

” kung talagang concern ka sa issue ko, gawan mo ng paraan para hindi siya mapahamak” sabi ni thomas kay lhoyd, dinala na ako ng mga tao niya at dahan dahan akong isinakay sa sasakyan.

“ pwede bang makausap muna si---”

“ nasa bahay na siya kasama ang magulang ko” tinignan ko siya.

“ thomas ayoko ng gulo, gusto ko---”

“ I rather reserve that later” napa buntong hininga na lang ako at tumahimik.

Nakarating na kami, pumasok na kami at akala ko magulang lang niya at si mama pero kasama sila lyka?? Tinignan ko siya at yumuko na parang problemado.

“ bakit siya andito?” tanong ni thomas.

“ magiging asawa mo siya kaya bakit hindi siya andito??” kumunot ang noo ko.

“ ngayon anong gusto mong sabihin?” siguro papa niya itong nagsasalita.

“ debby is pregnant, malabong pakasalan ko si lyka” gulat na gulat silang lahat, tinignan ko si mama na napaawang ang labi niya. Nangilid ang luha ko kasi paaano na ung sinasabi ko sakanyang pangarap ko, hindi ko na matutupad.

“ no way!!! Thomas she’s south person! Ano na lang sasabihin saatin---” naputol ung sasabihin ng mama niya ng itinaas ng ama ni thomas ang kamay niya.

“ kung gusto niyong malaman ang detalye, tawagan niyo si lhoyd. Siya ang nakakaalam sa lahat so now I want you to know that debby will be my future wife, no buts dahil ayokong ma stress ang magiging ina ng anak ko”

“ I want to stop this issue kaya mag papa interview na din ako bukas para matigil na sila, lyka tungkol sa namagitan saatin I want to say sorry pero sana maintindihan mo na may kailangan akong panagutan” hindi ako maka imik sa mga nangyayari, maski na din si mama.

“ mukhang napag isipan mo na ang lahat mg ito kaya ako na gagawa ng paraa para bukas, siguraduhin mong matatapos ito” sabi ng ama niya.

Naiwan kaming tatlo dito, umalis na ang magulang ni thomas at inihatid na din si lyka. Ngayon kaharap namin si mama na kanina pa hindi umiimik, tinignan ko si thomas.

“ pwedeng iwan mo muna kami?” umiling si thomas.

“ madam alam kong nagulat kayo pero gusto kong malaman niyo na hindi ko pababayaan si debby, mag papatuloy parin siya sa pag aaral at tutuparin niya ang pangarap niya” tinignan ako ni mama.

“ siguraduhin mo lang na matapos, siguraduhin mo lang na matutupad mo ang pangarap mo. Sana maging masaya ka sa magiging buhay mo ngayon” sabi ni mama, bakas sa mukha niya ang galit.

“ sorry po mama” iyon lang nasabi ko, tumayo na siya

“ panindigan mo kung ano ang sinabi mo” sabi niya kay thomas at nag lakad na siya palabas.

Naiwan na kaming dalawa, napa buga na lang ako ng hangin at inisip na matatapos din ito. Tumayo si thomas at iniwan ako ng walang imik, saan ako makaka pag pahinga?

Nag hintay na lang ako dito, hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo dito hanggang dinalaw na ako ng antok. Inayos ko ang katawan ko sa sofa at pumikit, halatang pagod ang katawan ko maski na din ang utak ko.