CHAPTER 1:Dream
DEBBY
Makiki pag kita ako kay thomas ngayon, si thomas ay boyfriend ko ng matagal simula high school pa lang kami. sa totoo lang ako nanligaw sakanyan kasi ang crush na crush ko siya tapos napag alaman kong crush din niya ako kaya di na ako nag pa tumpik pa, ako na ang nanligaw at sinagot naman niya ako.
Nag luto ako ng paborito niyang bulalo at sa katunayan biglaan itong pag punta ko sa condo niyaa kasi minesssage ko lang siya kanina at sana naman nabasa niya na makiki pag kita ako sakanya dito sa condo mismo.
“ ito na pala siya th----”
“ cara” bulong kong sabi, may kasama kasi si thomas na babae. Hindi lang basta kasama kundi ang sweet pa nila, mas kumirot ang dibdib ko ng makitang hinalikan pa ni thomas ung babae.
Tumalikod na ako at iniwan ung dala ko, tumakbo ako ng tumakbo habang umiiyak. Sobrang sakit, sobrang sakit ng pag taklisan ng taong minamahal.
“ napaka sama niyo! Mga walang--- aray!!” inimulat ko ung mata ko.
“ tirik na ang araw nasa illusyon ka nanaman ng panaginip mo debby… ay naku naman nasa anino ka nanaman ni thomas guillermo na iyan no?!!!” bumangon ako sabay simangot.
“ panira rin itong si cara, kung kailan nasa magandang moment na ako doon pa eeksena” tumayo na ako at pumuntang c. r
“ debby tigil tigilan mo yang kaka thomas mo ha, ni hindi ka nga kilala nong tao tapos pilit mong isinisiksik siya sa panaginip mo” patuloy niya.
“ tsaaka anlayo niyo, nasa south ka habang siya nasa north.. ibig sabihin nasa middle class ka habang siya nasa high class at alam mo naman na malabong mag kagusto ang mga high class sa mga tulad natin kaya gising gising na ha” umikot lang ang mayta ko habang nagsisipillyo.
“ kaya nga panaginip, hayaan mo na ako doon. Ang mahalaga wala akong ginagawang masama” sabi ko.
“ tsaka hanggang panagiip ko lang naman si thomas at hindi na umaasang mag kakagusto saakin iyon, sa itsura kong ito kumpara don sa mga high class?? Naku…. Malamang pang basahan lang” napamewang siya.
“ okay yan, malinaw sayo pEro wag mo I down ang sarili mo kasi magkakaiba ng ganda ang mga tao…. May kanya kanya tayong ganda sa panlabas man yan o panloob. Oh siya! Kain na malalate ka pa” tumango ako.
Ako nga pala si debby gonzaga, isang second year college. Ung tungkol kay thomas, isa siya sa lima na sikat na high class na nasa north. Napaka gwapo niya, kumbaga wala ka ng hahanapin pang iba kaso iyon nga mayaman siya at hindi lang basta mayaman.
Kilala siya at ng pamilya niya maski mapa north, south, east, west pa iyan. Ewan ko ba nakasanayan ko na lang na lagi siyang mapaginipan, paano ba naman kahit abot kamay ko siya ay hindi ako maka salita pag andiyan na siya.
Minsan kasi dumadalaw ang limang iyon sa bawat universities para mamigay ng financial support sa school at iyon lang ang pagkakataon ko na makita sila ng malapitan kaya kapka nababalitaan kong darating sila ay wala akong pinapalampas na pagkakataon.
“ aalis na ako” paalam ko
“ ingat” pahabol niya.
Nag lalakaad ako papuntang school, malapit lang naman kasi mga 4 kkilometro hahaha. May pinag iipunan kasi ako na bibilhin kaya ito ako nag titiiis na mag lakad para mabili ko iyon, napa ngiti pa ako habang iniimagine na mabibili ko na din sa wakas.
“ naku mahal na araw paki laser nga ho itong babae dahil nanaginip nanaman” si lyka, kaibigan ko at kababata ko.
“ gagi bakit ka andito? Asan ung mga gwardiya sibil mo?” ngumiti siya.
“ iniwala ko syempre tsaka bakit ka ganyan, ayaw mo ba akong makita?” nag pout siya.
“ ano ka ba nag iingat lang ako, ang isang high class na tulad mo ay hindi dapat mag isa” sabi ko.
“ kasama naman kita at pag kasama kita alam kong safe ako” kinindatan niya ako, ginawa pa akong body guard nneto
Ako lang nakakaalam na isa siyang high class, dito kasi siya nag aaral at ayaw sa may north. Sabi niya mas gusto niyang makisama sa mga totoong tao kaysa sa mayayamang plastik. Pinayagan siya ng magulang niya basta lagi siyang may dalang alipores
Dito kasi sa south pag nalaman na high class ka pinag kakaguluhan kana, si lyka ay sobrang bait at napaka down to Earth. Hindi mo siya makikitaan na galing siya sa mayamang pamilya dahil nga sa kabaitan niya.
“ pssst… may nabalitaan ako, bukas daw may dadalaw” ngiti niyang sabi, nanlaki ang mata ko
“ talaga??!!” tumango siya, lagi akong nangunguna na malaman kung daarating si thomas dahil kay lyka.
“ sisiguraduhin kong mapapansin niya ako bukas” disidido kong sabi.
“ ayan ka nanaman, tama na nga yang kahibangan mo. puro ka pasa nanaman pag uwi mo” nginitian ko siya.
“ okay lang basta makita siya” napailing siya.
“ baliw na baliw kana sa guillermo na iyan” hindi na ako sumagot dahil nakarating na kami sa school.
“ oh paano kita na lang uli mamaya” sabi ko, niyakap ko siya.
“ ssige” mag kaiba kasi kami ng course pero same time ang uwiAn at break time namin.
Natapos nanaman ang mag hapon na naka ngiti ako, sa totoo lang nong nalaman kong pupunta sila bukas ay wala ng ibang ginawa ang utak ko kundi ang isipin si thomas.
“ hulaan ko, nasa thomas nanaman ang isip mo” biglang sulpot ni lyka.
“ my pera ka bang extra diyan? Bayaran ko bukas. May bibilhin lang kasi ako” kumunot ang noo niya.
“ ano naman bibilhin mo?? May pera ako” sagot niya.
“ ipapapirma ko lang sakanya bukas” umikot ang mata niya.
“ debby sasayangin mo lang ang pera mo doon sa picture na iyon, napaka mahal pa” nag puppy eyes ako sakanya.
“ hay naku!! Magkanu ba??” lumawak ang ngiti ko.
“ 500 na lang kulang ko” sabi ko, inilapag niya ung bag niya at kinuha ang wallet niya saka kumuha ng 500.
“ oh hayan, kahit di mo na bayaran” umiling ako,
“ babayaran ko” sabi ko