CHAPTER 2: South

LYKA

“ madam tumawag po uli ang north, tumawag din ang mama niyo” napa buga ako ng hangin.

“ tulad parin ng dati paki sabi ayoko” tinignan ako ng mayordomo namin.

“ kahit sino pang taga north ang ipa arrange date saakin ay ayoko, hindi ba malinaw na ayoko muna sa mga ganun” dugtong ko pa.

“ madam alam niyo naman na pag ang mama niyo nag desisyon ay walA ho tayong magagawa” sabi niya.

“ ah basta, ayoko. Ayoko ayoko ayoko maski pinaka mayaman pa yan” tumayo na ako at iniwan siya, nakakairita sila.

Araw araw na lang ganyan ang bumubungad saakin kada breAkfast, wAla na nga sila na makasabay ganun pa ang sasabihin.

“ madma good morning”tinignan ko sila, bumuntong hininga na lang aako

“ sa malayo lang kayo, ayokayk malaman nila” tumango ssiy at nauna na akong nag lakad.

Napa ngiti ako, pag dating ko kasi sa school ay nag hihintay na saakin si debby. Si debby lang ang nagiging totoo saakin, ung mga iba nakikisama lang dahil nga alam nilang may pera ka.

“ para saakin ba yang ngiti na iyan o para yan mamaya?” tanong ko,

“ syempre para sa mamaya” naningkit ang mata ko.

“ hahaha ano ka ba, araw araw naman masaya akong makita ka pero ngayon ibigay na natin sa darating muna mamaya” lumawak ang ngiti niya, kakaloka talaga ito. Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw siya sa guillermo na iiyon.

“ yan na ba ung binili mo??” tumango siya.

“ ipapapirma ko sakanya mamaya”

“ goodluck sayo” pumasok na kami at nag kanya kanya na kami, may klase kasi kami at saktong breAktime namin ay darating sila thomas at ung mga iba pa.

Tapos na ang klase ko ay biglang nag ring ung bell, ung bell na iyon ay para lang sa mga lima na iyon. Nag takbuhan ang mga tao at pumunta sa court ng school.

Nakabigla lang ako sa malayo, kita ko na agad si debby na akiki pagsiksikan. Kahit mabunggo bungo at kahit itinutulak na siya ay sige parin siya basta maka punta lang sa harap, sa tagal niyang nakiki pag siksikan ay napunta na din sa harap.

Para nanaman siyang eestatwa ganun na lang lagi ang nangyayari sakanya basat kaharap na sila, tinignan ko si thomas na naka pamulsa lang at halatang naiirita sa nagaganap, tinignan ko si de y na lumapit sa lima at iniabot ung papel na hawak niya.

Tinignan siy at tinignan ung papel niya, kinuha nong isa at tinignan saka iniabot ni debby ung bballpen. Kung hindi ako nagkakamali ung kumuha ng papel is si lhoyd vergara, ang pumapangalawa kay thomas at ung katakk niya ay si bon salcedo, ang napaka babaero sakanila at ung nasa likod ay si leon at bryan.

Pumirma na ung apat pero si thomas ay bigla na lang pinunit at itinapon, nagulat ak at natahimik silang lahat doon sa ginawa niya. Tinignan lang niya si debby na tulala. Mabilis akong bumaba, alam kong na hurt doon si debby.

Alam kong pinag ipunan niya ung pambili non tapos pupunitin lang, sa mga tulad nilang mayayaman wala lang sakanila pero sa mga tulad ni debby na ang piso ay napaka halaga.

“ bayaran mo yan” tinignan ko si debby na naka tingin lang don sa punit punit na ppapel

“ kung ayaw mo pumirma di sana binalik mo, hindi ung pupunitin mo lang” dugtong ko.

Naka tingin lang saakin si thomas at ung mga kasamahan niya, inilipat naman niya ang tingin kay debby.

“ okay lang” napa tingin ako kay debby.

“ okay lang, papel lang naman yan” sabi niya, ini angat niya ang mukha niya.

“ pero tama siya, bayaran mo” napa taas ng kilay si thomas.

“ hindi sayo pero sinira mo, bayaran mo. Hindi kadali mag ipon ng pera para pang bili niyan, alam mo bang napaka mahal niyan” sabi ni debby.

“ I don’t care, bago ka sana bumili inalam mo muna kung pumipirma ako ng ganyang ka cheap na papel” naningkit ang mata ko, ayan ang ayaw ko sa mga north masydadong matataas ang tingin nila dahil sa estado nila kaya kahit mayaman ako ay mas gusto ko dito south.

“ thomas just pay it, kailangan na nating umalis” sabi ni lhoyd.

May inilabas siya ng isang cheke, nag sulat at itinapon na lang saka nag lakad na palayo. Napailing ako sa inasal niya, sumabay na din ung mga tao na umalis. Pinulot ko naman ung cheke tapos iniabot kay debby pero hindi niya kinuha kundi pinulot ung mga punit punit na ppapel

“ bumili ka na lang ng bago, ito ung bayad niya oh” sabi ko.

“ sayang naman to tsaka narinig mo ba ung sinabi niya, hindi siya pumipirma ng mumurahin na ppapel”ramdam ko lungkot sa boses niya.

Tinulungan ko na lang siya na mag pulot kahit naiinis ako, matapos naming mag pulot ay ngumiti siya dahil kompleto.

“ ito ung bayad”ini abot niya.

“ ang laking halaga nito, ibabalik ko ito” kumunot ang noo ko at sinilip kung magkanu, nanlaki ang mata ko. 1 million??

“ dapat lang, ano akala niya saatin babayaring tao?!!! Naku nakakainis!!!!!” kun bulkan ako baka pumutok na ako.

“ hayaan mo na, tara na. may klase pa tayo” tumango ako at nag lakad na.

Pag pasok ko sa room ay pinag titinginan ako at andaming nag bubulungan, ano kaya naman ang problemA ng mga ito. Umupo na lang ako ng may narinig akong ‘ ang lakas ng loob na maki pag sagutan, akala mo kung mayaman’ napailing na lang ako.

‘ akala niya siguro sa ginawa niya magugustuhan siya ni thomas, tsk papansin tsaka ung kaibigan niya masyadong epal’ rinig ko pang sabi nila, naikuyom ko ang kamao ko.

‘ oo nga, feel na feel porke nakabili siya ng poster na iyon, pinunit lang naman hahaha buti nga sakanya’ tumayo ako at tinignan sila ng masama, kumalma ka lyka.

Lumabas na lang ako at hindi na lang papasok dahil baka mapa away pa ako, hay nakakainis ngayong aaraw