Chapter 29 Nobody's Perfect
Jarred'sPOV
TINITIGAN ko ang rectangular velvet box na naglalaman ng isang kulay gintong kwintas na may pendant na puso na nasa hawak ko. Binili ko ito kanina sa isang Jewelry Shop sa loob ng mall kasabay ng pagbili ko ng Bischu Doughnut.
Ibibigay ko ito kay Jasmine. Sa katunayan, balak ko talagang makipag-ayos na dito kanina nang tawagan ko siya at ang kwintas na ito ang magiging senyales na wala ng galit na namamayani sa aking puso. Ito ang ganda ng pakikipagkaibigan ko sa kaniya.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama na ang pagiging mabait dahil kailangan kong maghiganti, pero hindi iyon ang isinisigaw ng puso ko. Ang isinisigaw nito ay pagpapatawad at paglimot sa mga bagay na nangyari na. Bagkus, gumawa ng mabuti dahil yun ang nakatatak sa isip ng tao at habang-buhay nilang tatanawin na utang na loob iyon.
Huminga ako ng malalim at inilagay iyon sa paper bag kung saan naroon ang Bischu Doughnut at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kwarto ni Jasmine. Huminga muna ako ng malalim tsaka kumatok ng tatlong beses.
"Sandali!" sigaw niya.
Mukhang may ginagawa siya. Naghintay ako. Habang naghihintay. Muli, huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Bakit ka kakabahan? Bibigyan mo lang siya ng kwintas at doughnut. Walang masama doon. Pagkausap ko sa aking sarili.
Nang bumukas ang pintuan, tumambad sa aking harapan si Jasmine na nakasuot ng Sphagetti sleepwear dress na hanggang tuhod ang haba. Litaw na litaw ang kaniyang kaputian. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan.
"Pasok." aniya.
Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya. Pumasok ako sa loob at iginala ang paningin sa kabuuan niyon. Narinig ko ang pagsara ng pintuan kaya umupo ako sa upuan na naroon sa loob. Samantalang naupo naman sa kama si Jasmine. Tiningnan ko siya, nakatingin siya sa dala kong paper bag.
"Nasa loob ba niyan ang Bischu Doughnut na binili mo para sakin?" tanong niya sakin. Tumango ako.
"Oo." ani ko at iniabot ang paper bag sa kaniya na excited niyang tinanggap.
F*ck! Kinakabahan ako sa magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang nasa loob niyon. Tiningnan niya ako at ngumiti ng matamis. Hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang mga labi. Mga labi na kahit walang lipstick ay napakapula at mukhang masarap halikan. F*ck! Iwinaksi ko sa asking isipan ang mga bagay na iyon. Agad kong inilipat ang paningin sa kaniyang mga mata na ngayon ay nakatingin sa gilid niya. Mukhang nailang siya sa ginawa kong pagtitig sa kaniyang labi. Tumikhim ako para mawala ang tensyon na namayani samin.
"Kunin mo na sa loob ang Bischu Doughnut mo." ani ko. Tuningin siya sakin.
"Salamat, Jarred. Simula nang nagtrabaho ako dito, ngayon lang ulit ako makakain neto." aniya at binuksan ang paper bag. Narinig ko ang pagsinghap niya at napatingin siya sakin. Ngumiti ako sa kaniya.
"Kunin mo at buksan, para sayo yan." ani ko sa kalmadong boses pero ang totoo niyan kinakabahan ako. Kinuha niya ang velvet rectangular box na nasa loob ng paper bag at dahan-dahan binuksan. Nanlalaki ang kaniyang mga mata nang mabuksan iyon.
"Para sakin ito?" manghang tanong niya na hindi makapaniwala. Tumango ako.
"Oo para sayo yan. Nagustuhan mo ba?" tanong ko sa kaniya.
"Nagustuhan pero hindi ko deserve ito, Jarred. For sure, napakamahal neto. Hindi ko ito matatanggap, I'm sorry." aniya at tsaka ibinalik ang velvet box sakin. Tiningnan ko ang velvet box na hawak niya. Hindi ko maiwasang masaktan sa naging reaksiyon niya. Gaano ba kahirap tanggapin ang bagay na galing sakin. Bago pa man ako makapagsalita, muli nagsalita na siya.
"Mali ka ng iniisip, Jarred. Hindi ko sinabi iyon dahil ayaw kong tumanggap ng mga bagay na galing sayo. Sobra-sobra na kasi, tinulungan mo ang pamilya ko, tinulungan mo ang kompanya namin. Sapat na sakin iyon, Jarred. Sobra-sobra na, ayaw kong isipin mo na inaabuso ko ang kabutihan mo." aniya.
Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang boses. Ramdam ko ang pagiging totoo niya sa mga katagang binitawan niya. That's the one reason, why i admire her so much. Kinuha ko iyon at binuksan tsaka kinuha sa kahon ang kwintas. Lumipat ako sa tabi niya.
"Tumalikod ka, at isusuot ko." aniko na naging dahilan ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Parang naging mailap siya.
"Jarred—
"I will take NO for an answer Jasmine. I'm giving this to you, because this is my way of saying thank you for forgiving me for what I've done this past few weeks. This is a present, that we are friends, now. So please, accept it. Jasmine." ani ko habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Pinalambot ko ang ekspreksyon ng aking mukha.
"Okay. Kung yan ang rason mo, pagbibigyan kita. Pero, ito na ang huling bagay na ibibigay mo sakin na may malaking halaga." aniya. Mukhang effective ang ginawa ko.
Ofcourse, dahil ang susunod na ibibigay ko ay engagement ring. F*ck! Paano ako napunta sa ganung bagay? Sigurado na ba ako na si Jasmine ang gusto kong makasama habang buhay? O ang kung sakaling sigurado na ako. Ang tanong gusto ba niya all makasama habang-buhay?
"Ang lalim ng iniisip mo. Baka malunood ako niyan." biro ni Jasmine habang tumatawa. Natawa na rin ako sa sinabi niya.
"Hindi ka malulunod dahil nandito naman ako para sagipin ka." banat ko sa kaniya na naging dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi. Nagbaba siya ng tingin habang kagat ang ibabang labi.
"Huwag ka ngang nagbibiro ng ganiyan!" singhal niya na naging dahilan para matawa ako. Mas lalo siyang gumaganda sa aking paningin. At hindi ko maiwasang kiligin dahil ako ang dahilan ng pamumula ng kaniyang pisngi.
"Tumalikod ka na at isusuot ko." ani ko na dagli naman niyang ginawa.
Hinawi niya ang buhok niya pakanan. Nagulat ako nang matitigan ang kaniyang batok. Baybayin ang kaniyang tattoo. Ano ibig sabihin ng Baybayin na nakatattoo sa kaniya?
"Anong ibig sabihin ng tattoo mo?" tanong ko sa kaniya. Napasinghap siya sa tanong ko.
"Wala, trip ko lang yan." aniya. Hindi ko maiwasang paglandasin ang daliri sa kaniyang batok na may tattoo. Napapiksi si Jasmine sa ginawa ko.
"Jarred." aniya.
Isinuot ko na ang kwintas sa kaniyang leeg. Nang matapos ko iyon, dahan-dahan akong lumapit at hinalikan ang kaniyamg batok. Napakapit ng mahigpit si Jasmine sa kama.
"Tapos na. Humarap ka at titingnan ko." ani ko na ginawa naman niya. Dahil sa pagharap niya, muntik nang magtama ang aming mga labi. Lumayo siya sakin.
"Ahm. Bagay ba?" tanong niya habang hindi mapakali ang kaniyang mga mata.
"Look at me, Jasmine." ani ko na agad naman niyang sinunod. Ngumiti ako sa kaniya.
"Oo, bagay na bagay sayo." ani ko habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan kong inilapit ang labi sa kaniyang mga labi. Pero bago pa man magdikit iyon, tumayo na siya.
"Gumagabi na, Jarred. Kailangan ko na magpahinga, dahil bukas magtratrabaho na ako. Salamat dito sa kwintas at sa doughnut."—aniya sabay taas ng paper bag at paghawak sa kwintas.—"Goodnight." Tumayo ako.
"Sa susunod na araw ka na magtrabaho. Bukas ko na pauuwiin si Ate Tessa, bibisitahin ka ng magulang mo dito sa mansiyon. Goodnight. Have a good night sleep." ani ko at tumalikod tsaka naglakad palabas ng kaniyang silid.
Nang makarating ako sa kwarto at nahiga. Pinakatitigan ko ang kisame, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaginhawaan. Ganito pala ang pakiramdam kaapg pinalaya mo na ang sarili mo sa galit. Kapag natuto kang magpatawad. Matutulog ka ng matiwasay.
Kung tutuusin, pwede kong ipawalang-bisa ang kasunduan. Pero, kung yun ang magiging dahilan para mawala at mawalay sakin si Jasmine. Hinding-hindi ko iyon gagawin. Ipinikit ko ang mga mata. Ito ang unang gabi na matutulog ako ng matiwasay.
Pagkatapos maligo, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan ko sina Jasmine at Ate Tessa na naghahanda ng agahan. Masaya silang nagkwekwentuhan habang naghahain ng agahan sa mesa, kaya di nila napansin ang presensya ko.
"Good Morning!" masiglang bati ko sa kanila. Lumingon sila sa gawi ko.
"Good Morning din, Sir." ani Ate Tessa.
"Good Morning." bati ni Jasmine. Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng mesa.
"Tara kain na." yaya ko sa kanila. Umupo silang dalawa sa tapat ko. Nagsimula na kaming hainan ang sarili namin. Nang kumakain na kami, nagtanong si Ate Tessa kay Jasmine.
"Nga pala, Jasmine. Ano pala apelyido mo? Ilang araw na ako dito, hindi ko pa alam kung ano apelyido mo." ani Ate Tessa habang hinihiwa ang ham na nasa plato.
Tumigil sa ginagawang paghiwa ng grill meat si Jasmine at tumingin sakin. Tumango ako sa kaniya, tanda na ayos lang na sabihin kay Ate Tessa ang apelyido niya. Mapagkakatiwalaan si Ate Tessa. Sa loob ng dalawang taong paninilbigan niya sakin, masasabi kong mapagkakatiwalaan talaga siya.
"Saderra po. Jasmine Saderra, Ate Tessa." ani Jasmine na parang nahihiyang banggitin ang apelyido niya.
Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na wala siyang dapat ikahiya sa mga nangyari. Dahil pagsubok lamang ang mga iyon, para malaman kung gaano sila katatag sa mga pagsubok na dumating sa kompanya nila at ngayon ay nakakahahon na sila. Napakunot-noo si Ate Tessa.
"Saderra? Kaano-ano mo ang may-ari ng Saderra's Coffee Factory? Relatives?" tanong niya.
Natigilan si Jasmine sa sinabi. Siguro kaya parang nag-alinlangan si Jasmine na sabihin kay Ate Tessa ang mga impormasyon na may kinalaman sa kompanya nila ay dahil ayaw niya na magtaka si Ate Tessa kung bakit katulong ko siya. Hindi kagaya nina Dad at Tita na deserve nila malaman ang totoo, at isa si Dad ang may-ari ng kompanya. Tiningnan ako ni Jasmine. Nag-aalangan siya. Tumingin ako kay Ate Tessa at muli bumaling kay Jasmine.
"We can trust Ate Tessa, Jasmine. Go on. Say it." pagpapalakas ko ng loob sa kaniya. Tumingin si Jasmine kay Ate Tessa.
"Kami po ang may-ari nun, Ate Tessa. Don't get me wrong Ate, nahihiya lang ako na sabihin sayo dahil ayaw kong magtaka ka kung bakit katulong ako ngayon ni Jarred. Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong sabihin dahil siguro sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kompanya. Wala ako sa tabi nila Mom and Dad nang nabaon sila sa utang. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nahirapan ang pamilya ko na isalba ang kompanya. Kung sana ang pinili kong kurso ay Business, edi sana natulungan ko sila. Kaya—" natigil sa pagsasalita si Jasmine habang may luhang dumausdos sa kaniyang pisngi. Inabutan siya ni Ate Tessa ng tissue na kaagad naman niyang tinanggap. Matapos punasan ang luha, tumingin siya sakin at ngumiti.—"Kaya, nagpapasalamat ako kay Jarred, dahil sa kaniya naging maayos na ang takbo ng kompanya. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa kaniya habang ako ay nabubuhay." aniya na titig na titig sa akin.
Kitang-kitang sa kaniyang mga mata intensidad at sensiridad sa mga sinabi niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Masaya ako dahil nakatulong ako sa taong nangangailangan at sa taong mahal ko. Pero napalitan iyon ng kaba ng maalala ang dahilan kung bakit sakin humiram ang mag-asawang Saderra. Ano kaya mararamdaman ni Jasmine kapag nalaman niya? Tiyak na hindi niya ako mapapatawad. F*ck! Hindi dapat ako nag-iisip ng negatibong bagay! Ngumiti si Ate Tessa at inabot ang kamay ni Jasmine.
"Wala kang kasalanan sa nangyari, Jasmine. Dahil walang may gusto sa nangyari. Hindi mo man sabihin sakin ng buo, may ideya na ako kung bakit ka katulong ni Jarred. Doon pa lang matapang ka na. Ang isang kagaya mong laki sa yaman, ay nakakahanga dahil ginagawa mo ang mga bagay na hindi mo nakasanayan. Doon pa lang malaki na naitulong mo sa kompanya niyo. Siguradong proud na proud sayo ang magulang mo." ani Ate Tessa.
Ito ang gustong-gusto ko kay Ate Tessa, magaling magpayo. Alam niya kung paano pagaanin ang loob ng isang tao. Noong mga panahon, kailangan ko ng payo. Nandyan siya sa tabi ko para palakasin ang loob ko. Naging sandalan ko siya sa panahon na pakiramdam ko hinang-hina ako at walang taong malalapitan. Tumulong muli ang luha ni Jasmine at niyakap si Ate Tessa.
"Salamay po dahil hindi niyo po ako hinusgahan. Salamat po, dahil naiintindihan niyo ang sitwasyon ko. Maraming-maraming salamat po sa pagbibigay motivation sakin, Ate." ani Jasmine. Hinagod naman ni Ate Tessa ang likod ni Jasmine. Kaysarap pagmasdan silang dalawa. Kumalas sa pagkakayakap si Ate Tessa at pinakatitigan si Jasmine.
"Wala akong karapatan na husgahan ka. Sino ako para husgahan ka. Lahat tayo nagkakamali, walang perpekto. Minsan nagagawa natin ang isang bagay na labag sa atin dahil yun lang ang alam nating tanging solusyon sa problema natin. Ang Diyos lang ang pwedeng humusga satin. Pero tayo o ako hindi." aniya.
Madami ka talagang matututunan kay Ate Tessa. Sa edad na trentay syete anyos. Madami ka matututunan sa kaniya. Nang matapos ang pag-uusap na iyon. Nagpatuloy na kami sa pagkain habang nagkwekwentuhan.