Chapter Forget and Forgive
Jasmine'sPOV
Bakit parang pakiramdam ko hindi bukal sa loob ni Jarred ang pagbisita ni Khael sa akin? Against ba siya sa kaalamang ako ang liligawan ng kaibigan niya na ex-girlfriend niya. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng maradaman ang palad ni Khael sa aking pisngi at hinaplos iyon. Napatingin ako sa kaniya.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako.
"Wala naman, Khael. May naisip lang ako." ani ko.
Tinanggal na ni Khael ang palad sa pisngi ko. Napatingin ako kay Jarred, na nakatitig sa amin. Nagtatagis ang bagang niya. Galit ba siya? Pero bakit? Ayaw kong isipin na dahil nagseselos siya kaya nagtatagis ang bagang niya. Malabong mangyari yun. Baka galit siya dahil sa bahay niya kami nagiging sweet ni Khael. Tumango naman si Khael.
"Kain na po!" ani Ate Tessa sa masiglang tinig. Pinaghugot ako ng upuan ni Khael sa kanang bahagi ng mesa. Ganun din si Jarred, na pinaghugot ako ng upuan sa kaliwang bahagi kung saan siya nakatayo.
"Dito ka na maupo, Jasmine." ani Khael.
"Maupo ka rito, Jasmine." ani Jarred.
Magkaapnabay pa sila sa pag-aya sakin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung saan ako uupo.
"Ahm— bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. Ngumiti si Jarred at ibinalik ang upuan sa ilalim ng mesa.
"Doon ka na maupo sa tabi ni Vince, Jasmine. No need to choose, I know you will chose him over me." makahulugang ani Jarred. Napakunot-noo ako. Ano ang ibig sabihin ng sinabi niya?
"Jasmine, sit." ani Khael. Umupo ako sa upuan na pinaghila niya para sakin. Itinabi ko ang boquet ng bulaklak. Naupo na rin si Jarred sa tapat namin. Samantalang pinagsisilbihan naman ni Ate Tessa si Jarred. Tiningala ni Jarred si Ate Tessa.
"Sabayan mo na kami kumain, Ate." aniya.
Nag-alangan pa si Ate Tessa kung uupo o hindi, pero kalaunan ay nakisali na samin. Kukunin ko sana ang kanin na nasa malaking plato, nang kunin iyon ni Khael at nilagyan ang plato ko.
"Let me serve you, Jasmine." aniya at nginitian ako.
"Salamat." ayun lang ang nasabi ko.
Kumain kami ng tahimik sa nakalipas na sampong minuto hanggang sa basagin iyon ni Jarred.
"Vince, seryuso ka ba talaga sa panliligaw kay Jasmine?" tanong niya habang nakatitig kay Khael.
"Oo naman. Desidido ako sa panliligaw sa kaniya." ani Khael. Tumango si Jarred.
"Kapag bibisitahin mo si Jasmine, ipaalam mo sakin. Hindi yung basta-basta ka nalang pupunta dito na walang abiso."—tiningnan ako ni Jarred, at ibinalik muli ang tingin kay Khael.
"Sige. Pasensya na Bro, sa sobrang pag-aalala ko kay Jasmine. Nakalimutan ko na ipaalam sayo." puno ng sinseridad na wika ni Khael.
"Okay lang. Huwag mo nalang uulitin." ani Jarred. Tiningnan ni Jarred ang suot na relong-pambisig.
"I have to go. May meeting pa ako." aniya at tumayo. Tumayo na rin si Khael.
"Convoy na tayo, Jarred. Aalis na rin ako." ani Khael. Dumukwang si Khael at hinalikan ako sa noo na ikinagulat ko. Maging si Jarred ay natigilan rin sa ginawang iyon ni Khael. Tinitigan ako ni Khael.
"Magpagaling ka Jasmine. May pupuntahan tayo sa linggo." aniya at umalis na ng dining area. Tumingin ako kay Jarred. Nakatitig lang siya sakin at sinulyapan si Ate Tessa.
"Uuwi ako ng maaga, Ate Tessa." aniya at umalis na ng kusina. Kailangan namin mag-usap ni Jarred, mamaya. Gusto ko malaman ang totoong dahilan kung payag ba siya na ligawan ako ni Khael. Oo sinabi niya na payag siya, pero hindi iyon ang nakikita ko. Biglang tumili si Ate Tessa. Napalingon ako sa kaniya.
"Grabe! Hindi ko akalain na pag-aagawan ka ng dalawang iyon, Jasmine." aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Tumawa si Ate Tessa sa naging reaksiyon ko.
"Hindi man sabihin sakin ni Sir Jarred, napapansin ko na may gusto siya sayo. Kung paano ka niya tingnan. Sa kilos, sa pananalita. Gusto ka niya, at ayaw niya sa kaalamang liligawan ka ni Vince." prankang ani Ate Tessa.
"Gusto? Nagkakamali po ata kayo Ate Tessa. Hindi ako gusto ni Jarred. At kailanman hindi niya ako magugustuhan. Baka ayaw niya na ligawan ako ni Khael, dahil sa bahay niya ako liligawan ni Khael." ani ko. Umiling si Ate Tessa.
"Hindi, may gusto sayo si Sir Jarred. At hindi ako nagkakamali, dahil iba talaga siya makatingin sayo. Mukhang nakamove-on na siya. Ang haba ng buhok mo day!" ani Ate Tessa na may kasamang pagtili sabay haplos sa buhok ko.
Gusto nga ba talaga ako ni Jarred? Hindi ko alam. Depende nalang kung sasabihin niya sakin. Tumayo ako at tinulungan si Ate Tessa sa pagligpit ng pinagkainan. Subalit, pinigilan niya ang kamay ko.
"Magpahinga ka na, Jasmine. Ako na dito. Kailangan mo magpagaling." aniya. Ngumiti ako.
"Salamat po. Aakyat na po ako sa taas, Ate Tessa. Kapag kailangan niyo ako tawagan niyo lang ako." ani ko.
Tumango siya't ngumiti. Tumalikod at pumunta sa sink para maghugas ng plato. Naglakad na ako palabas ng dining area tsaka umakyat sa pangalawang palapag. Nang marating ko ang kwarto, nahiga ako sa malambot na kama. Biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon sa bedside table at tiningnan kung sino ang caller. Si Jarred, agad kong sinagot iyon at nagbabakasali na importante ang sasabihin niya.
"Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko. Ahm, may itatanong sana ako." aniya. Nacurious ako kung ano ang tanong niya at kailangan pa niya akong tawagan.
"Ano yun?"
"Bibilhan sana kita ng Bischu Doughnut. Pero naisip ko na baka hindi mo na paborito iyon. Kaya naisip kong tawagan kita." aniya na sa pakiwari ko ay nahihiya base sa tono ng kaniyang boses.
Hindi ko maiwasan na kiligin, alam pa niya ang paborito ko. Napangiti ako. Noong nasa college kami, ang Bischu doughnot ang lagi kong binibili kapag namamasyal ako sa Gee Mall. Minsan, binilhan niya ako. May kamahalan iyon dahil talagang mapapaulit ka sa pagbili sa sarap. Kaya, sobrang naapreciate ko ng bumili siya para sakin. Talagang pinag-ipunan daw niya iyon.
"Ahm. Yun pa rin ang paborito ko. Okay lang ba kung bibili ka? Wala akong pambayad eh." ani ko. Tumawa si Jarred na nasa kabilang linya. Bakit ba ang sarap pakinggan ng tawa niya? Sh*t! Ito na naman ba ako?
"My treat, Jasmine. Maaga ako uuwi ngayon."—tumikhim siya.—"Magpahinga ka na, you need rest para gumaling ka na dahil madami ako ipapagawa sayo." aniya sa tonong nagbibiro. Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya.
"Mukhang ihahanda ko ang sarili ko sa mga ipapagawa mo." aniko na nakangiti. Tumawa lang siya.
"Ikaw na pumatay ng tawag, Jasmine." aniya na kaagad kong sinunod. Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko maiwasang titigan ang cellphone. Paano ako makakamove-on nito kung tawa pa lang niya masaya na ako? Ayaw ko nang isipin pa. Muli akong nahiga sa kama at ipinasyang matulog.
Nang magising ako, agad akong nagtungo sa kusina para kahit papaano matulungan ko si Ate Tessa sa ibang gawain na kaya kong gawin. Nadatnan ko siyang naghihiwa ng karne ng baboy. Nang makita ako, binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"Mabuti at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam?" tanong niya.
"Okay naman po. Bukas pwede na ako magtrabaho. Ano po lulutuin niyo?" tanong ko. Patapos na siya sa paghihiwa ng karne. Tumalikod at pumunta sa sink para hugasan ang karne. Sumunod ako sa kaniya.
"Pork Hamonado. Request ni Sir Jarred." aniya habang hinuhugasan ang karne. Tumango-tango ako. Paborito ko ang Pork Hamonado, at alam iyon ni Jarred.
"Paborito ko po iyan, Ate Tessa." aniko. Nakangiting tiningnan niya ako mula sa ginagawa.
"Oo, sinabi nga niya. Ang sweet niya nuh?" aniya na kinikilig. Ngumiti nalang ako sa sinabi niya. Isinalang niya na ang kawali sa kalan na paglulutuan niya ng Pork Hamonado.
"Alam mo mabait na bata si Vince. Wala akong masabi sa kaniya, pero mas gusto ko para sayo si Jarred kung sakali man na ligawan ka niya. Baka nahihiya lang siyang ligawan ka dahil nililigawan ka na ng kaibigan niya." aniya.
Bumuntong-hininga ako. Kung alam mo lang Ate Tessa ang lahat. Kung alam mo lang na ex-boyfriend ko si Jarred. Yun ang gusto kong sabihin kay Ate Tessa pero pinigilan ko and sarili ko. Oo, mapagkakatiwalaan si Ate Tessa. Pero mas mabuti nang wala siyang alam o hindi muna niya malaman.
PATAPOS nang magluto si Ate Tessa, inihanda na namin sa mesa ang mga pagkain. Alas singko pa lang ng hapon. Nang maihanda na namin ang pagkain sa mesa, biglang pumasok sa dining area si Jarred na bagong paligo. Napatitig ako sa kaniya, ganun din siya sakin. Nag-iwas ako ng tingin dahil napaka-gwapo niya at pakiramdam ko nag-iinitbang pisngi ko dahil nakatitig siya skin.
"Nandito ka na pala, Jarred." ani ko.
"Oo, kanina pa. Hindi ko na sinabi dahil mukhang abala kayo kanina." aniya at pumasok sa dining area. Nagtungo siya sa mesa at tiningnan ang nilutong ulam ni Ate Tessa.
"Mukhang masarap ito ah Ate Tessa." ani Jarred at tiningnan ako tsaka ngumiti. Genuine ang ngiti niya walang halong lungkot naadalas kong makita nitong mga nakaraang linggo.
"Oo naman Sir. Talagang sinarapan ko po para kay Jasmine, dahil paborito niya eh." ani Ate Tessa at tiningnan ako at kinindatan.
"Ate Tessa!" ani ko. Tumawa lang si Ate Tessa. Nagpaalam siya na pupunta sa taas at kukunin ang mga lalabhang damit ni Jarred. Kaya, naiwan laming dalawa ni Jarred sa dining area.
"Maupo tayo. Baka mangawit tayo." biro ni Jarred na dagli kong sinunod. Naupo ako sa kanang bahagi, samantalang sa kaliwang bahagi naman siya ng mesa. Bale magkatapat kami.
"Kamusta ang trabaho?" tanong ko.
"Kamusta ang pakiramdam?" tanong niya na nagkasabay kami. Natawa ako ng mahina, ganun din siya.
"Ladies first. Ayos lang naman. Nakakapagod pero masaya, dahil nagpupursige ako para may mapatunayan ako at para sa kinabukasan ng magiging pamilya ko. Gusto ko maging maayos ang buhay ng mapapangasawa ko at nang magiging anak namin." aniya na titig na titig sa akin.
"Napakaswerte naman nang mapapangasawa mo kung sakali." ani ko. Pero hindi ko maiwasang makaramdam ng selos, kung sinuman ang babaeng mapapangasawa niya. Ngumiti si Jarred.
"Nasa kwarto ko pala yung Bischu d
Doughnut na binili ko. Ibibigay ko mamaya pagkatapos natin kumain." aniya.
"Salamat." Biglang namayani ang katahimikan s aming dalawa nang basagin iyon ni Jarred.
"Alam kong gustong-gusto mong nang bisitahin ang magulang mo. Nag-usap kami kanina, dahil kinailangan kong dumalo sa isang business meeting kasama sila. Bukas pupunta sila dito para bisitahin ka." aniya.
Hindi ko maiwasang mangilid ang luha sa sinabi niya. Dati ayaw niyang makita ko sila. Pero ngayon, siya na ang nagkukusa. Pero bakit? Bakit ba ginagawa ito ni Jarred. Hindi ko mapigilang ang sarili ko. Umalis ako sa pagkakaupo at lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat Jarred. Namimiss ko na kasi sila. Sobra " ani ko habang umiiyak. Naramdaman kong natigilan siya. Hanggang sa tumayo siya, kaya kinalas ko ang mga kamay ko na nakayakap sa kaniya. Tinitigan niya ako.
"Alam kong miss na miss mo na sila. Kaya nakisuyo ako na pasyalan ka nila dito, dahil nagpapagaling ka pa." aniya na nakangiti tsaka hinaplos ang pisngi ko.
"Bakit? Bakit mo ginagawa ito, Jarred?" Naguguluhan na ako sa ipinapakita niyang kabutihan sakin. Gusto kong malaman ang dahilan.
"Gusto kong bumawi sa mga nagawa kong hindi maganda noong nagsisimula ka palang bilang katulong ko dahil narealize ko. Mali ang magtanim ng galit sa kapwa at maghiganti. We need to forgive and to forget. Dahil walang maidudulot na kabutihan ang paghihiganti. At gusto ko maging maayos tayo, bilang magkaibigan Jasmine. Huwag kang mag-alala, napagpasyahan kong gawing sampong buwan ang pagiging katulong mo." aniya pero nabanaag ko ang lungkot sa kaniyang boses. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaluha sa sensiridad sa mga sinabi niya. Tinuyo niya iyon gamit ang hintuturo niya.
"Bakit ka umiiyak? Umiiyak ka ba dahil sa mga nagawa ko, Jasmine? I'm sorry. I'm really, really sorry. Hindi ko sinasadya." aniya na punong-puno nang pagsisisi ang mga mata. Umiling ako.
"Masaya lang ako dahil natutunan mo na akong patawarin at kalimutan ang nakaraan. Oo naman, payag akong maging kaibigan ka Jarred. Salamat." ani ko.