Chapter 25 The SCF Heiress

Jasmine'sPOV

"No. You shouldn't be here. This is a serious matter that we didn't need your presence." ani Tita Celeste kay Beatriz. Natigilan si Beatriz sa prangkang sagot ni Tita Celeste. Tiningnan niya ako ng masama. Napakunot-noo ako sa ginawa niya. Ano ba nagawa ko at ganun siya makatingin?

"Pero girlfriend ako ni Jarred Tita Celeste. I have the rights. Kung pagmamay-ari nga nina Jasmine ang Saderra's Coffee Factory. Ano ang ginagawa niya dito? Diba dapat nandoon siya sa sa kompanya nila at doon nagtratrabaho? Bakit siya nandito. To seduce Jarr— pinutol ni Jarred ang iba pang sasabihin ni Beatriz.

"Beatriz sundin mo nalang si Tita, kumalma ka. Pag-uusapan pa namin ito. Ipapaliwanag ko nalang sayo ang lahat kapag natapos na kami sa pag-uusap." kalmadong sagot ni Jarred.

Matalim ang pagkakatingin ni Jarred kay Beatriz. Naglapat ang itaas at ibabang labi ni Beatriz. Parang pinipigilan lang niya ang galit. Nanginginig ang kamay niya dala ng galit . Bumaling siya sa akin at nagmartsa palabas ng kusina.

Huminga ako ng malalim ng kami nalang nina Tita Celeste, Sir Dante at si Jarred. Kinakabahan ako sa magiging usapan namin. Bakit kaya hindi sinabi ni Jarred sa mga ito na katulong niya ako? May itinatago ba siya?

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng kasintahan mo, Jarred. Ano bang nakita mo sa kaniya at niligawan mo siya? Nakita mo inasal niya? Hindi niya nirespeto ang sinabi ng Tita Celeste ko. Yes, she is your girlfriend pero kung umasta siya parang asawa mo siya. Hindi ko alam na ganun ang tipo mong babae."—ani Sir Dante. Huminga siya ng malalim para siguro pakalmahin ang sarili at ipinagpatuloy ang pagsasalita. —"Don't get me wrong hijo. Alam mo naman na wala akong pinipili. Kung sino ang magiging kasintahan mo, ayos lang sakin basta sincere sa pagmamahal sayo at hindi ka lolokohin. Sapat na sakin yun. Pasensya ka na kung ganun ang tingin ko sa girlfriend mo. Hindi ko lang maiwasang magkomento." hinging-paumanhin ni Sir Dante.

Hindi ko maiwasang humanga kay Sir Dante. Napaka-humble niya. Down to earth. Napakaswerte ni Tita Celeste sa kaniya. Syempre, swerte rin si Sir Dante kay Tita Celeste. Tumingin si Jarred sakin. Kababakasan ng pagkapahiya ang kaniyang mukha. At ibinalik iyon kay Sir Dante tsaka ngumiti.

"Ayos lang po sakin Dad. Dahil totoo po ang sinabi niyo. Ganun po talaga siya. Pero nauunawaan ko ang ugali niya. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao tanggap mo ang pangit sa kaniyang mga katangian." ani Jarred.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib sa mga sinabi niya. Ganun niya siguro kamahal si Beatriz. Do I mind? Dapat wala na akong pakielam sa kaniya. Dapat kinakalimutan ko na siya. Kaya ko ito! Tumango si Sir Dante at tiningnan si Tita Celeste.

"I understand Beatriz, but it still wrong. Hayaan na natin yun. Basta masaya ako para sa iyo. Masaya ako para sa inyong dalawa ni Beatriz." ani Tita Celeste.

Kababakasan sa mukha niya ang kislap ng kasiyahan para kay Jarred. Siguro nga kailangan ko na maging masaya para kay Jarred. Para matapos na ito, maybe we're not meant to be. Nandyan naman si Vince Khael at siguradong magiging mabuting kasintahan siya. Tumingin sakin si Jarred. Ngumiti ako sa kaniya.

"Masaya ako para sa inyo Sir." ani ko. Nakatitig lang siya sakin, mukhang nabigla siya sa mga sinabi ko, pero ilang saglit lang ay ngumiti siya sakin.

"Maraming salamat Jasmine."—tumingin siya kay Tita Celeste.—"Maraming Salamat Tita Celeste." Biglang tumikhim si Sir Dante Racqueza. Nabaling ang atensiyon namin sa kaniya.

"Gusto kong malaman kung bakit nagtratrabaho si Jasmine sa'yo Jarred." ani Sir Dante. Kampante lang si Jarred habang nakatitig sa mga mata ni Sir Dante.

"Kabayaran sa kanilang pagkakautang Dad." ani Jarred.

Bakit nga ba? Kung tutuusin, malaking halaga ang nahiram namin. Hindi sapat ang pagigi g katulong para mabayaran namin ang pagkakautang sa loob ng isang taon. Kahit man pinahirapan niya Ako, hindi pa run sapat iyon. Pero bakit? Bukod sa gusto niya akong parusahan? May iba pa ba siyang dahilan kung bakit niya ako kinuhang katulong?

"Jarred napag-usapan na natin ito diba?" tanong ni Sir Dante. Napakunot-noo ako. Ibig sabihin may alam si Sir Dante sa pagpapahiram ni Jarred ng pera sa magulang ko?

"Ano pong ibig niyong sabihin Sir? Alam niyo po na may utang ang aking mga magulang sa kompanya niyo?" manghang tanong ko. Sumulyap siya sa akin at ngumiti.

"Yes, need kasi ng approval ko ang pera na ilalabas ni Jarred kaya pinakiusapan niya ako na pahiramin kayo. Nagulat lang ako dahil ikaw pala si Jasmine Saderra. Alam ko na may dalagang anak sina Mr. and Mrs. Saderra. Hindi ko akalain na ikaw iyon. Pero sa tingin ko naman ayos ka naman dito sa mansiyon, diba? Hindi ka ba nahihirapan o naiilang kasi hindi ka sanay sa mga gawaing-bahay. Sabihin mo lang para mapag-usapan natin." ani Sir Dante sa akin na nakangiti. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ayos lang po ako dito. Trinatrato po ako ng maayos ni Sir Jarred. Mabilis lang po lilipas ang isang taon. Balak ko po kasing mangibang-bansa para tuparin ang pangarap ko po na maging Engineer sa bansang Barcelona." ani ko.

"Wow! Maganda doon iha. For sure, matutupad mo ang pangarap mo doon." masiglang wika ni Tita Celeste.

"Opo. Someday po, matutupad ko po ang pangarap ko po. Kapag natupad ko na po. Maybe, ako na po mamamahala sa kompanya. Gusto ko pong suklian lahat ng mga sakripisyo ng aking mga magulang. Kahit hindi po pagnenwgosyo ang gusto ko. Doon pa rin ang bagsak ko dahil wala naman pong ibang magmamana niton kundi ako." ani ko. Tumango-tango si Tita Celeste tsaka ngumiti.

"Good choice iha. Napakabuting bata. Kapag nasimulan mo na ang pagnenegosyo, siguradong mamahalin mo din Ang industriyang ito. Alam mo kung wala lang girlfriend si Jarred, irereto kita sa kaniya. Kaso, may Beatriz na siya at may Vince ka na. Ganun talaga siguro, may mga bagay na hindi para sayo." makahulugang ani Tita Celeste. Tumikhim si Jarred. Tumingin siya sa akin ng makahulugan at tiningnan si Tita Celeste.

"Depende Tita. Ikaw pa rin ang magdedesisyon nun kung hahayaan mo ba na hindi mapasayo ang babae o lalaking gusto mo. Kung gusto mo mapa-sayo siya. Gumawa ka ng paraan para mapasayo siya." makahulugang pahayag ni Jarred habang titig na titig sakin.

Napalunok ako. Pakiramdam ko nahihipnotismo ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Nagbaba ako ng tingin. Biglang tumunog ang cellphone ni Sir Dante na nakalapag sa mesa. Kinuha niya iyon at tiningnan ang cellphone.

"Si Mr. Valdez ang tumatawag." ani Sir Dante kay Tita Celeste. Tumango naman si Tita Celeste, pagdaka'y sinagot ni Sir Dante ang tawag.

"Hello Mr. Valdez."—pause—"Okay. Sa bahay nalang tayo magkita. Tutal, malapit lang naman ang bahay kung nasaan ka." ani Sir Dante tsaka pinatay ang tawag. Sinulyapan ni Sir Dante si Jarred.

"I'll visit you in your office one of these days. We should talk." aniya at tumayo na. Tumayo na rin si Tita Celeste at lumapit kay Jarred. Tumayo si Jarred at niyakap si Tita Celeste.

"Thank you Tita sa pagbisita. See you again Tita. Mag-iingat po kayo." ani Jarred.

"Ikaw din iho. Mag-iingat ka."—binalingan niya ako.—"Bibisita ako dito kapag gusto kitang makasama mag-shopping iha." aniya na nakangiti ng matamis, sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti. Tinapik naman ni Sir Dante ang balikat ni Jarred.

"Sige po Tita. Mag-iingat po kayo."

"Mag-iingat ka lagi iho. Salamat sa maayos na pamamahala sa kompanya ."—sinulyapan ako ni Sir Dante.—"Aalis na kami iha. Mag-iingat ka kay Jarred." biro nito na ikinatawa ni Tita Celeste.

Oo, mag-iingat na ako kay Jarred, ayaw ko na bumalik ang nararamdaman ko sa kaniya na ngayon ay unti-unti nang nawawala. Ngumiti ako. Nang makaalis sila Sir Dante at Tita Celeste, muli nagpakawala ako ng isang buntong-hininga.

Yun lang pala ang magiging usapan namin. Kinabahan ako. Nang kami nalang dalawa, biglang pumasok sina Beatriz at Khael. Agad akong nilapitan ni Khael, samantalang nilapitan naman ni Beatriz si Jarred.

"Khael, hayaan mo ako mag-explain." ani ko. Ayaw kong magalit sa akin si Khael, pero napag-usapan namin na sa tamang panahon sasabihin ko ang lahat ng bagay tungkol sa akin. Sinapo niya ang mukha ko at pinakatitigan ako tsaka ngumiti.

"Naiintindihan ko. No need to explain, diba sabi ko hihintayin ko ang pagkakataon na sasabihin mo sakin lahat." aniya na nakangiti. Bakit ba ang bait ni Khael? Sana matutunan ko siyang mahalin. Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.

"Salamat Khael. Salamat din sa pagbisita sakin." madamdamin kong pasasalamat sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti ulit.

"Walang anuman basta para sayo. Mauna na ako. Pinapatawag ako sa office ni Dad. See you again. Mag-iingat ka, huwag kang masyadong magpapagod. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ako. Okay?" aniya habang titig na titig sakin at mahihinuha ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Tumango ako bilang tugon.

"Oo mag-iingat ako." ani ko. Binitawan niya ang mukha ko at bumaling kay Jarred na ngayon ay nakatingin samin, pati si Beatriz.

"Mauna na ako Bro. Salamat sa masarap na pananghalian. Sa susunod ulit." ani Khael.

Tango lang ang isinagot ni Jarred sa kaniya. Muli sinulyapan ako ni Khael, at naglakad palabas ng kusina.

"Hindi ko alam kung anong meron sayo at gustong-gusto ka ni Tita Celeste."—tumingin si Beatriz kay Jarred na matalim ang tingin sakin.—"Explain this Jarred!" sigaw ni Beatriz. Napunta kay Beatriz ang tingin ni Jarred.

"Ano ang ipapaliwanag ko sayo Beatriz? This is a serious matter and no one shouldn't be known this except me, Tita and Dad." ani Jarred sa kalmadong boses.

"Are you kidding me?! Sabi ko kanina sasabihin mo sa akin ang lahat ng napag-usapan niyo?! Tapos ngayon, binabawi mo na? I'm your girlfriend Jarred! Dapat alam ko lahat ng mga yan!" sigaw niya sa nanggagalaiting boses.

Sh*t! Ganito pala magalit si Beatriz, ina-under niya si Jarred. Bakit hinayaan ni Jarred na makipagrelasyon sa ganitong klase ng babae? Napairap ako sa hangin.

"Then, let's break up para wala ka ng karapatan malaman lahat ng tungkol sakin." ani Jarred sa kalmado paring boses. Ano daw?! Nakikipaghiwalay na si Jarred kay Beatriz? Pero bakit parang may saya akong naramdaman? Sh*t! This is bad!