Chapter 23 The Visitor

JasminePOV

Bahagya akong natigilan sa sinabing iyon ni Mrs. Racqueza, mukhang namumukhaan pa niya ako. Walang dahilan para mag-deny ako. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Jarred. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ayaw niya na malaman nila ang apelyido ko. Gusto kong malaman. Pero kailangan kong taymingan. Ngumiti ako kay Mrs. Racqueza at tumango.

"Ma'am ako po si Jasmine Galvez. Yung minsang nakasama niyo po sa Cletore nang dalawang beses at minsang niyaya niyo po mag-shopping sa Fridda's Boutique." ani ko.

Mabuti nalang ang ginamit kong apelyido kay Mrs. Racqueza ay ang middle name ko. Tiningnan ko si Jarred, at nakita ko na nakampante siya sa sinabi ko. Kung anuman ang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman nila ang apelyido ko dapat kong malaman iyon. Kailangan ko siyang makausap tungkol doon. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ako ni Mrs. Racqueza mula ulo hanggang paa.

"OMG! Is that you Jasmine?! Anong ginagawa mo dito? Bakit katulong ka?" tanong niya sa akin. Akmang magsasalita ako nang maunahan ako ni Jarred.

"Mas malaki po amg pasahod ko sa kaniya Tita at hindi naman mahirap ang ginagawa niya. Naglilinis lang po siya sa kwarto ko at minsan nagluluto naman. Nag-hihire ako ng ibang katulong para gawin ang mabibigat na trabaho." aniya na titig na titig sa akin.

Para bang sinasabi ng mga mata niya na sumang-ayon ako. Sabagay, tama nga naman siya. Mas malaki talaga ang sahod ko kung ikukumpara sa ibang katulong. Dahil kompanya namin ang nakasalalay sa pagiging katulong ko sa mansiyon niya.

Pero, kung darating ang panahon o pagkakataon na kailangan Kong sabihin ang apelyido ko. Sasabihin ko, walang dahilan para magsinungaling ako. Minsan nang nawala ang taong mahal ko ng dahil sa kasinungalingan ko at hindi ko na uulitin iyon. Binalingan ni Mrs. Racqueza si Jarred.

"Oh. Ganun ba. Okay." aniya pero makikita sa bukas ng mukha niya na may mga tanong pa siya, ngunit pinili nalang na manahimik.

"Yes Tita. Let's go to the kitchen. Tulungan ko na po kayong mag-prepare ng pananghalian." ani Jarred at nauna nang naglakad patungo sa kusina. Sumunod naman si Sir Racqueza sa kaniya. Samantalang umabresete naman si Mrs. Racqueza sakin. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Samahan mo ako maghanda ng pananghalian. Madami tayong pag-uusapan! Hindi ko akalain na magkikita pa tayo. At sa ganito pang pagkakataon. Nawalan na kasi tayo ng komunikasyon nun. Nagpalit ka ba ng cellphone nun?" tanong niya sakin habang naglalakad kami patungo sa kusina. Iyon ang pagkakataon na nakipaghiwalay ako kay Jarred at kinailangan kong magpalit ng cellphone , pati social media account.

"Hm, grounded po ako. Kailangan po kasing mag-aral mabuti, medyo istrikto si Mama." ani ko.

Please. Huwag na siya magtanong. Ayaw ko magsinungaling. Pero totoo naman iyon. Grounded ako at kailangan ko talagang mag-aral mabuti para sa kinabukasan ko, na ang bagsak ko pala ay pagiging katulong. Hindi na siya nagsalita na ipinagpasalamat ko.

Inilabas namin ang mga pinamili nila mula sa dalawang plastic na dala ni Mr. Racqueza. At habang ginagawa iyon. Biglang tumunog ang doorbell. Mukhang may bisita. Sino?

"Ako na po ang magbubukas." ani ko na tinanguan lang ako ng ginang at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Lumabas ako ng kusina at tinungo ang front door. Sumilip ako sa peep hole para tingnan kung sino ang kumakatok. Si Beatriz? Hindi ko akalain na kasama siya dito. Baka ipapakilala na siya ni Jarred? Sa isiping iyon biglang may kirot akong naramdaman sa aking puso. Bumuntong-hininga ako at binuksan ang pintuan.

"Hello!—." naputol ang sasabihin niya ng makita ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nandidiri siya sakin.

"Akala ko si Jarred. Asan siya?" tanong niya at pumasok sa loob. Sinadya pa niyang banggain ako sa balikat. Marahan akong napapikit. Ikalma mo Jasmine. Ikalma mo! Umikot ako paharap.

"Nasa kusina. Kasama sina Ma'am Celeste at Dan Racqueza." ani ko.

"Omg! Nandito na sila. Oh my God, bakit ba kasi traffic!" inis niyang wika at tinungo ang kasina. Samantalang sinundan ko naman siya. Nang makarating kami sa kusina. Lahat ng mata nakatutok samin at nalipat iyon kay Beatriz.

"Hello po. Good Morning!" bati ni Beatriz at pumunta siya sa tabi ni Jarred at hinalikan sa pisngi. Samantala, tumabi naman ako kay Ma'am Celeste na hindi maipinta ang mukha.

"Who is she iho?" tanong ni Sir Dan Racqueza.

Nagulat ako sa tanong niya. Ibig sabihin walang alam ang ama ni Jarred tungkol sa relasyon nilang dalawa? Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Beatriz. Alam ko ang sakit na iyon, dahil nanggaling ako sa ganitong sitwasyon na lihim na relasyon. Pero, ibang kaso yung ngayon dahil nasa tamang edad na si Jarred. Tumikhim muna si Jarred.

"She's my girlfriend Dad for six months. Hindi ko po kasi siya nababanggit sa inyo dahil naging abala ako at ngayon lang ako nakapagdesisyon na ipakilala siya sa inyo. Pasensya na hindi ko po nasabi na pupunta siya ngayon dito. Gusto ko kayong surpresahin." aniya at tiningnan ako at si Mrs. Racqueza bago ibinalik ang tingin sa kaniyang Ama. Inilahad ni Beatriz ang kamay sa harapan ni Sir Racqueza.

"Nice meeting you po." aniya na may magiliw na ngiti sa mga labi. Marunong din pala siya maging mabait. Tsk! Tinanggap ni Sir Racqueza ang kamay ni Beatriz.

"Nice meeting you too iha."—lumingon si Sir Racqueza sa gawi namin at tiningnan si Mrs. Racqueza, tingin na punong-puno ng pagmamahal. Hindi ko mapigilang humanga sa kanila dahil kahit nalaman ni Mrs. Racqueza na may anak sa ibang babae si Mr. Racqueza, nananatili pa rin silang matatag. Inilahad ni Sir Racqueza ang kamay kay Mrs. Racqueza.—She is my beautiful wife, tumatayong ina ni Jarred." aniya. Umalis sa tabi ni Jarred si Beatriz at naglakad patungo sa direksyon namin, nang matapat siya kay Mrs. Racqueza. Niyakap niya ang ginang na yumakap din pabalik.

"Nice meeting you po Ma'am." ani Beatriz at nang bumaling siya sa kinaroroonan ko. Ngumiti siya sakin. Pinigilan ko ang sarili na paikotin ang mga mata dahil sa kaplastikan niya. Sh*t!

"Hi." aniya. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Mrs. Racqueza.

"So, magluto na tayo para mabilis tayo matapos at makapananghalian na tayo!" masiglang wika ni Mrs. Racqueza na sinang-ayunan naman namin.

Nagpatuloy kami sa ginagawa at nagkwentuhan tungkol sa mga buhay namin. Si Beatriz ang laging nangunguna, ipinagmamalaki niya ang BEAu-tique niya na ngayon ay gumaganda ang sales at tumitingin sa akin na para bang pina-iinggitan ako.

"Wow. Pasyal tayo sa Botique niya minsan Jasmine. What do you think?" tanong sa akin ni Ma'am Celeste na ngayon ay nagluluto na.

Si Jarred at si Beatriz ay hinuhugasan ang mga gulay at ibang lulutuin. Samantalang si Sir Dan ay nililinisan ang mesa kung saan naroon ang mga kalat nila. Tinutulungan ko naman si Mrs. Racqueza sa pagluluto, lalo at Beaf Steak ang niluluto niya. Gusto daw niyang subukan. Bago pa man ako makasagot nagsalita si Beatriz.

"Pwede kitang samahan Tita Celeste, ako nalang po sasama sa iyo para mas maguide ko po kayo." ani Beatriz na ikinabaling ng ginang dito. Sumang-ayon kanina ang ginang nang irequest ni Beatriz dito na Tita Celeste ang itawag sa kaniya. Pero ramdam ko na napipilitan lang si Mrs. Racqueza sa pagpayag.

"Uhm. I'm sorry Beatriz pero si Jasmine ang kasama ko. Gusto kong bumawi sa mga panahon na di kami nagkita. Diba Jasmine?" malambing niyang sabi sakin at binalingan ako. Ngumiti ako at tumango.

"Opo Ma'am—."

"Tita Celeste. Okay? Don't call me Ma'am. Mas gusto kong tinatawag akong Tita ng mga taong malalapit sa akin." putol niya sa iba ko pang sasabihin. Ngumiti ako ako sa kaniya.

"Sige po. Tita Celeste." ani ko. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtalim ng mata ni Beatriz habang nakatingin sa akin pero hindi ko yun pinansin. Subukan niya akong malditahan at hindi ko siya uurungan!

Natapos kami sa pagluluto ng Beaf Steak, at sina Beatriz at Jarred naman ang nagtulong para lutuin ang Bicol Express na paborito ni Sir Dan Racqueza. Samantala, inihanda naman namin nina Sir Dan at Tita Celeste ang mesa.

Hindi ko maiwasang tingnan sina Jarred at Beatriz, nakapulupot ang kamay ni Beatriz sa bewang ni Jarred habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Jarred. May konting kirot akong naramdaman sa nakita. Sh*t! Hindi dapat ako naaapektuhan!

"Hindi ko gusto si Beatriz para kay Jarred. Hindi ako komportable sa kaniya." bulong sa akin ni Tita Celeste. Hindi nalang ako umimik hanggang sa may narinig namin ang doorbell.

"May inaasahan ka bang bisita Jarred?" tanong ni Sir Dan kay Jarred. Lumingon si Jarred sa kinaroroonan namin at nagtama ang aming mga mata. Saglit lang iyon dahil tiningnan na niya si Sir Dan.

"Wala po Dad." aniya at tumingin ulit sakin.

"Hm. Ako na po ang titingin." aniko at lumabas ng kusina at tinungo ang front door. Nang buksan ko iyon. Namimilog ang mga matang napatitig ako sa kaniya.

"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" aniya. May dala siyang isang bucket na fried chicken.

"Nandito ka ba para bisitahin si Jarred?" tanong ko. Tinitigan niya ako ng mabuti.

"No. Nandito ako para bisitahin ka. Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin na may pagkunot ng noo. Bago pa ako makasagot, may nagsalita sa aking likuran.

"Jasmine. Sino yan?" tanong ni Tita Celeste. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan at pinapasok si Khael.

"Tita Celeste?!" tanong niya.

"OMG! Ikaw pala yan iho." aniya at nanunukso ang mga mata niya ganun din ang labi niya na nakatingin sa akin.

"Yes po. Pasensya po, hindi ko po alam na nandito po kayo. Bibisitahin ko po sana si Jasmine." ani Khael na malapad na nakangiti sa akin.

"Ow! Dito ka na mananghalian iho." ani Tita Celeste at kinuha ang bitbit na plastic bag may lamang fried chicken na dala ni Khael.

"Kung alam ko lang po na nandito kayo, sana nakabili ako ng dalawang bucket ng fried chicken." ani Khael. Umiling si Tita Celeste.

"It's okay iho. Nagluto kami. Binibisita mo ba si Jasmine o baka naman nililigawan mo na?" tudyo ni Tita Celeste kay Khael. Namula ang mukha ni Khael sa sinabing iyon ni Tita Celeste. Tumawa ng mahina si Tita Celeste habang nakatakip ang kamay sa bibig. Still the same, mahinhin pa rin si Tita.

"Okay. Huwag mo ng sagutin. Tara sa kusina, patapos na kami sa pagpreprepara ng pananghalian. Saktong-sakto ang dating mo." ani Tita Celeste at nauna ng naglakad. Lumapit sa akin si Khael.

"I miss you Jasmine." aniya at siniko siya sa tiyan. Tumawa lang si Khael sa ginawa ko.

"Ouch! Is that mean, I miss you too?" tanong niya sa akin na may ngisi sa mga labi.

"Ewan ko sayo Khael. Tara na sa kusina baka hinihintay na tayo." ani ko at nauna ng naglakad patungong kusina habang mahinang tumatawa si Khael na nakasunod sa akin. Pero masaya ako ngayon, atleast nandito si Khael hindi ako maaa-out of place.