PROLOGUE

Iyak nang iyak ang sampung taong si Daze dahil hindi niya alam kung saan na siya napunta. Dahil sa kapilyahan niya ay naligaw siya ngayon at hindi niya alam kung saan pabalik sa Luxury Hotel na pinagdausan ng kaarawan.

Naimbitahan ang pamilya nila sa kaarawan ng kasalukuyang mayor ng kanilang lugar. Kasama siya at ang mga kapatid niya. Ngunit nang makita niya ang mag-asawang nagtanghal ng cello at piano bilang pagbati sa mayor ay doon na natuon ang atensyon niya. At dahil sa labis na pagkamangha ay sumunod siya sa paglabas ng mga ito.

Nang mapansin niyang wala na ang mga ito sa labas ay lumabas siya ng gate at nakita ang isang sasakyan. Hinabol niya ang sasakyan hanggang sa hindi niya namalayan napalayo siya. Hinahanap niya ang sasakyan hanggang sa hindi na niya makita. At sa kakalakad niya ay nawala siya at hindi na alam ang daan pabalik.

Hindi siya pamilyar sa lugar na nilalakaran niya. Hindi nga siya sigurado kung nasa Bulacan pa ba siya. Wala siyang idea sa bawat lugar dahil sanay siyang laging naka-kotse.

“Mommy, daddy,” Nag-umpisa na siyang kabahan. Medyo lumalalim na ang gabi at mukhang nagbabadya pang umulan dahil lumalakas na ang ihip ng hangin.

“Kuya Dylan.” Humagulgol na siyang naglalakad at tumingin-tingin sa paligid.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may nakapansin sa kanya. Isang dise otso na binata at sakay ng kanyang bagong biling kotse.

Kakabili lamang niya nito kaninang umaga at dumating ng late. At dahil naging busy ay ngayon lang siya nagkaroon ng oras na gamitin ito patungo sa kanyang matalik na kaibigan upang ipakita, at para ito rin sana ang unang makasakay dito. Ngunit nakaagaw pansin sa kanya ang batang tila naliligaw dahil kanina pa ito patingin-tingin sa paligid.

Sa una ay wala siyang pakialam sa bata. Inisip niyang hindi niya naman ito kaano-ano kaya wala siyang pakialam kung ano ang mangyari dito. Pero may kung anong kurot sa puso niya nang maisip niyang baka mapahamak ito. Ngayon nakita na niya ito sa ganitong sitwasyon ay para bang kargo na niya ang bata. Natatakot siyang baka bukas makalawa ay maging laman ito bigla ng balita dahil may nangyaring hindi maganda. Konsensya niya kapag nagkataon.

Nakita niyang umupo sa gilid ng kalsada ang bata at niyakap ang sarili. Kita niyang gumagalaw ang balikat nito tanda na umiiyak. Sa huli ay napagdesisyunan niya itong tulungan. Tinabi niya ang sasakyan at saka bumaba at nilapitan ang bata.

“Are you lost, baby girl?” Nag-angat ng tingin si Daze nang makarinig ng isang boses ng lalaki. Nagsalubong ang tingin nila. Kahit may kadiliman ay nakita niya agad ang mata nito na parang nangungusap. At sa murang edad ay nakaramdam siya ng kakaiba na hindi niya maipaliwanag. Pakiramdam niya ay ligtas na agad siya at may knight in shining armour nang pinadala para sa kanya.

“Hi,”

“Are you lost?”

“Yeah.” Pinunasan niya ang luha at saka ngumiti. Gumaan agad ang pakiramdam niya at walang mababakas na takot sa kanya. Hindi alintana na kanina lang ay takot na takot siya. Ngayon ay para bang nakahanap siya agad ng kakampi. An angel that God send to help her.

“Are you familiar with the place?” tanong ng binata sa kanya.

“No.” Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa lalaki. Pakiramdam niya ay nakikita niya ang sarili niyang repleksyon sa mga mata nito kahit nababalot ng dilim ang paligid. Ang linaw ng mga mata nito at gustong-gusto niyang titigan.

“Do you have any contacts with your family?” Umiling siya bilang sagot. “Ow, so better I will turn over you at the police, is it ok with you?” Tumango siya bilang pag-sang-ayon.

Ang gusto sana ng lalaki ay tumawag na lang ng pulis at hintayin na dumating ang mga ito. Wala siyang planong pasakayin ang bata sa kotse niya dahil ang gusto niyang unang makasakay rito ay ang matalik niyang kaibigan na palihim na minamahal. Pero nang tingnan niya ang bata ay naisip niyang isakay na lang ito lalo pa at nagsimula nang umambon.

“You can come with me?” tanong nito sa kanya.

“Sure.” Walang kimeng sagot ni Daze. Inalalayan siya nitong makasakay kaya mas lalo siyang natuwa. Nang sumakay ang lalaki ay tinulungan pa siya nitong magkabit ng seatbelt.

“I am Enrique Locsin, and I live nearby. When you go straight to this road you will ended at Hacienda Sebastian. And that road where I came is the Locsin farm. Kaya liliko tayo sa parteng iyon para makabalik sa highway. What’s your name by the way?”

“Dandelion Daze Dy, everyone call me Daze, but I prefer you call me Dande for short.” Lahat ay Daze ang tawag sa kanya. Kaya naman mas gusto niyang maging espesyal ang tawag sa kanya ng binata.

“Isa kang Dy?”

“Yes.”

“Are you related with Diana Dane Dy?”

“Do you know my sister?” Mas lalo siyang natuwa nang marinig niyang kilala nito ang kanyang ate.

“She was my classmate in high school. So you are the youngest Dy?”

“I am.”

“Well, I think I know where I can send you.” Ngumiti sa kanya ang lalaki at nakita ang pinong dimple nito sa gilid ng labi na mas nakadagdag sa kaguapuhan ng lalaki. Habang nagmamaneho ay hindi maalis sa kanyang labi ang ngiti habang nakatingin sa lalaki na pinagtaka nito.

“May dumi ba ako sa mukha?”

“No, nothing.”

“Kanina mo pa ako tinitigan.”

“You look like an angel.”

“Talaga?”

“Yes, you’re so handsome.”

“Thanks.” Mas lalo siyang natuwa nang ngumiti ito sa kanya. “I think we’re here.”

Sa labas ng mansion ay nakita nila ang isang sasakyan na agad huminto. Pamilyar sa kanya ito kaya binuksan niya ang bintana at kumaway. Nakita niyang lumabas mula rito ang kanyang ama kasama ang kanyang ina.

“Daddy!” Tinulungan siya ni Enrique na tanggalin ang kanyang seatbelt. Wala siyang pakundangan nang bumaba at malakas na sinara ang pintuan. Napapikit na lang ang binata dahil bagong-bago ang kotse niya pero wala man lang pag-iingat ang bata. Naisip na lang niyang hindi nito alam ang kanyang ginagawa.

Bumaba siya para magpakita sa mga magulang nito. Ayaw niyang pagdudahan siya ng lalo na ng padre de pamilya ng mga Dy. Alam niya ang lakas ng implwensya nito sa buong Bulacan at baka imbes na nagkawang-gawa lang siya ay mapasama pa siya. Kaya mas mabuti ng magbigay galang dito.

“Good evening, sir, my name is Enrique Locsin. Ako po nakakita sa anak niyo sa daan,”

“Our daughter explain it to us. Thanks for bringing here safe.”

“My pleasure, sir.”

“Are you related with Mr. Salvo Locsin?”

“He’s my father.” Ngumiti sa kanya ang ama ni Daze.

“I met him earlier. Anyway, you wanna come? Want some coffee?”

“No, thanks sir, actually I have something important to do be before I saw your daughter, and I think I am late.”

“Oh, my bad, I hope we will meet some other time young man, so we can return the favour of good deed you did to our daughter.”

“Ok lang po yon, sir. Karangalan kong makatulong. I need to go sir, I will meet my best friend and she’s waiting for me.”

“Thanks for your help again.”

“Thank for bringing me home, my knight in a shining armour.” Ngumiti sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa ulo.

“Next time, you have to be careful, ok, baby girl?”

“I am.”

Tumalikod na ang lalaki at saka kinuha ang cellphone. Nakita niya rin na napahinto ito at saka nagmamadaling umalis.

Nang makaalis ang lalaki ay tumingin si Daze sa ama. Walang bakas ng takot na pagagalitan siya o kaba na baka parusahan siya nito.

“Dad,”

“Yes?”

“When I grow up, I want to marry him.”

“Silly. May kasalanan ka pa nga dahil umalis ka ng party ay pinag-aalala mo ang lahat. Yan pa una mong naisip.”

“Because I am. At saka kung hindi ako umalis ay hindi ko siya makikilala. I will accept your punishment now. But I meant what I said, I want to marry him when I grow up.” Tumawa lang ama pumasok na sila sa mansion.

‘Enrique locsin, my knight in shining armour. You are officially my husband and will be mine forever.’