Chapter 02
Chandee's Pov
"Ate nagluto ako ng pancakes kuha ka nalang sa mesa" Sabi ni Yvone na naabutan ko na nanonood ng K-drama.
"Ano ba yang pinapanood mo?" Tumabi ako sa kanya at tinikman yung pancakes na nasa platito niya
"Naman eh! Kumuha ka nga ng sa'yo dun sa kusina. Uubusin mo na naman itong akin e" reklamo nito na nilayo pa yung pancakes niya
"Ang damot mo talaga para tumukim lang naman" Sabi ko at kinuha ko sa kanya yung platito niya at tumakbo paakyat papunta sa kwarto ko.
"Yaaaaah! Ate naman e!" Sigaw nito sa'kin
Napangiti nalang ako at binaba sa study table ko yung pancakes na kinuha ko sa kapatid ko. Ewan ko ba gustong gusto ko siyang inisin. Yun siguro way ko ng paglalambing sa kanya.
Kumuha ako sa closet ko ng pang araw araw na damit at pinalitan ang suot kong puting uniporme. Pagkatapos ay nagsimulang buksan ang laptop ko para sa research project na gagawin ko.
"Ate kakain na" rinig kong sabi ni Yvone pagkatapos nitong kumatok sa pintuan ko
"Bababa na ako" sagot ko sa kanya.
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas syete na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras at masyadong naging tutok sa research ko. Hindi ko nga rin alam na nakauwi na pala si Mama.
"Nagpadala si Papa ng package?" Nagniningning ang mga matang tanong ko habang nakatingin sa balikbayan box. Nagtatrabaho kasi sa Canada si Papa at isang beses lang siya umuwi sa isang taon. Kapag nagpapadala din kasi siya ng box ibig sabihin malapit na siyang umuwi.
"Oo, kakatanggap ko lang kanina. Halos sabay lang nga lang kami ng nag deliver makarating sa bahay" nakangiting sabi ni Mama
"Buksan ko na Ma" excited na sabi ko
"Mamaya na pagkatapos nating kumain, alam ko naman may request ka sa Papa mo at sinabi niya sa'kin na nandiyan daw sa box" Sabi ni Mama na nginitian pa ako. Napakagat labi naman ako sa sobrang saya at umupo na sa pwesto ko
Magana kaming kumain at di rin nawala ang kwentuhan tungkol sa nangyari sa samin sa school at sa office nila Mama. Mga marites nga kami pero walang nakakalabas ng mga kwento namin sa loob ng bahay. Nagsumbong din pala ang magaling kong kapatid kay Mama sa pag aagaw ko ng pancakes niya. Napagalitan tuloy ako habang kumakain kami.
*****
Pagbukas namin ng box ay agad kong hinanap yung pinapabili ko kay Papa. Di maalis ang ngiti sa mga labi ko ng makuha ko na ang kahon na iyon. Mabilis kong binuksan at nakita yung mga tools na nandoon.
Napayakap ako at kulang nalang isayaw ko yung Littmann lightweight II se stethoscope. Ang tagal ko na kasing gustong bumili nito kaso medyo pricey.
"Akyat na ako Ma!" Paalam ko kay Mama habang yakap yung stethoscope at iba pang tools ko na ipinadala ni Papa.
"Sandali lang dalhin mo narin itong mga damit na pinadala ng Papa mo sayo, pati na itong mga snacks. Huwag mong kalimutan bigyan mga kaibigan mo bukas" Sabi nito at iniabot sa'kin ang mga iyon.
"Sige Ma thank you" sabi ko at umakyat na sa kwarto
Sa loob ng kwarto ay inayos ko yung mga pinadala ni Papa. Sinukat ko yung kulay pink and purple na blouse at nagustuhan ko naman. Alam talaga ni Papa yung mga tipo ng damit na gusto ko hindi tulad ni Mama na pa sexy lagi yung cut na binibili sa'kin.
May pinadala rin si Papa na doughnut bag ang cute niya sakto may paglalagyan ako sa mga gamit ko. Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko habang inililipat at inoorganize ang lahat ng kailangan ko.
Nang maayos naman ang lahat ay sinuot ko yung bag at tinignan sa salamin kung bagay sa'kin. Napangiti naman ako sa nakita ko kaya naman tatanggalin ko na sana sa pagkakasuot ko sa may likuran ko ng biglang may mapansin akong liwanag na galing sa libro na binigay ni Mariel sa'kin.
Ang daming tanong sa isip ko kung bakit may lumalabas na liwanag sa libro. Hindi naman yun sobrang liwanag pero nakakakaba parin kaya pinanood ko nalang ito. Maya maya ay nawala yung liwanag na mula doon.
Kinakabahan at nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba ang libro. Sa huli pinili kong hawakan at tignan ito. Wala naman akong naramdaman na kakaiba. Dahan dahan binuksan ko ito pero wala akong nakitang liwanag Namalikmata lang ba ako? pero hindi naman ako gutom para mag hallucinate. Binuksan ko ang mga pahina para malaman kung saan nanggaling yung liwanag. Baka kasi galing lang sa labas ng bintana ko ang liwanag na iyon.
Bumuntong hininga nalang ako ng walang makitang kakaiba sa libro. Siguro dahil sa pagod lang ako o kaya ay natamaan lang ng liwanag yung libro.
Umupo ako sa kama ko at huminga ng malalim. Kung ano ano na naiisip ko siguro dahil ang tagal na ng librong ito sa'kin pero hindi ko parin nababasa. Bakit kasi ang daming assignments hindi na tuloy ako nakakapagbasa.
Nang ibabalik ko na sana ang libro sa study table ay may nahulog na postcard. Nang pulutin ko iyon at tignan ang larawan ay nagandahan agad ako. Hindi ko alam yung lugar pero mukhang probinsiya dahil may nakikita akong bundok at maging ang disenyo ng mga bahay nila ay kakaiba, parang makaluma. Maging ang mga kasuotan nila ay bago sa paningin ko. Sa ibaba ng larawan ay may nakasulat na pangalan. "Dalya" bigkas ko at mula sa mga oras na iyon ay biglang lumiwanag.
Nabitawan ko ang postcard sa takot dahil biglang nagliwanag ito. Biglang lumaki ang liwanag at pinalibutan ako. Sa sobrang takot ay napasigaw nalang ako. Naramdaman ko ang parang paghigop ng liwanag sa'kin at huli na ang lahat ng mahawakan ko ang aking kama para may makapitan.
*****
Pagmulat ko ng mata ay nasa parang nasa gubat ako. Tumingin tingin ako sa paligid pero puro puno ang nakikita ko. Tumayo ako at naramdaman ang pananakit ng balakang. Ano ba kasi ang nangyari at nasaan ba ako.
Sinubukan kong alalahanin ang nangyari at nanlaki ang mga mata ko sa takot at pag aalala ng maalala ko ang lahat. Napaurong ako at natumba ng mapatid ako sa nakausling ugat ng malaking puno. Sumigaw ako ng napakalakas ng may marinig na kaluskos buhat sa may likuran ko.
"Sino ka?!" Sigaw ng isang boses lalaki. Naramdaman ko rin ang isang malamig na bagay sa may leegan ko.
"Tu-tulungan niyo po ako naliligaw ako" natatakot na sabi ko sabay iyak
Naramdaman kong timanggal nito ang bagay sa leeg ko at pilit itinayo.
"Magpakilala ka saan ka nagmula?" Tanong nito na hawak ang dalawang kamay ko na nasa likuran ko na tinalian niya
"A-ako po Chandee Munoz nakatira po ako sa Taguig" nauutal na sagot ko
Unti unti niya akong hinarap sa kanya at ng magsalubong ang mata naming dalawa ay para akong nabato balani. Ang ganda ng mga mata niya kulay chokolate ang mga ito at may mahahabang pilikmata.
"Kapitan!" Napatingin naman ako sa isang grupo ng mga lalaki na papalait ngayon samin.
"Sino yan? Espiya?!" Tanong ng isang lalaki at umangkla na huhugutin ang espada sa tagiliran niya.
Hindi ko alam kung ano ang sinagot ng tinawag nilang Kapitan. Para akong nabingi at ang tanging nasa isip ay kung paano ako makakauwi.
"Kapitan!" Namimilog ang mga mata ng isang lalaki habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa na tinawag niyang kapitan.
"Sabihin niyo sa'kin na hindi siya ang babaeng itinakda na hinihintay natin" sabi naman ng isa pa na kung hagurin ako ng tingin ay parang gustong sambahin.
Ano nga yung sinabi niya? Babaeng itinakda? Hala! Huwag niyong sabihin na walang babae sa lugar na'to at balak nila akong anakan.
"Hindi ko pa alam maaring siya nga o pinadala lang siya ng Astor para linlangin nila tayo. Ang mabuti pa ay dalhin natin siya kay Ama para malaman ang dapat nating gawin sa kanya" sagot ng tinawag nila na kapitan
Sa sobrang takot sa apat na lalaking nasa harapan ko ay napaurong ako muling natumba at napasigaw sa sakit. Feeling ko nagkapasa ang puwet ko.
"Huwag kayong lalapit sa'kin" sigaw ko habang gamit ang nakataling kamay sa likuran ko at mga paa para makalayo sa kanila.
Nakatingin lang silang tatlo sakin na tila ba pinag aaralan nila ako. Lumapit sa'kin ang kapitan na nakakunot ang noo kaya naman napapikit ako at muling sumigaw ng malakas. Iniisip ko na ito na talaga ang katapusan ko.
Dahil wala akong naramdaman ng kahit ano ay unti unti kong munulat ang mga mata ko. Naka upo ang kapitan sa harapan ko pero hindi siya sa'kin nakatingin kundi sa eco bag na may lamang snacks na pinapadala sakin ni Mama para I share sa mga kaibigan ko.
"Sa'yo ba ang mga ito?" Kunot noong tanong niya habang diretyong nakatingin sa mga mata ko
Tumango ako.
"Sa akin nga ang mga iyan" pagkumpirma ko sa tanong niya
Muli niya akong pinatayo at nagulat pa ako ng tanggalin nito ang lubid sa kamay ko. Hindi ko alam kung ano nasa isipan niya at maging ako ay nalilito kung ano ang gagawin ko. Tatakbo ba ako? Pero kapag tumakbo ako sigurado maaabutan nila ako. Baka kapag tumakbo ako ay patayin nila ako.
"Sumunod ka sa'min" Sabi ng kapitan na pinauna pa ako sa kanya sa paglalakad. Sumusunod naman ako sa tatlong lalake na nasa harapan namin.
"Hanggang ngayon nanginginig parin ako at hindi makapaniwala na nandito na ang babaeng itinakda" Sabi ng isang lalaki
Kinilabutan naman ako dahil sa sinabi niya. Ano ba talaga ang balak ng mga ito na gawin sa akin.
"Sigurado mag fi-fiesta ang buong bayan ng Dalya kapag nalaman ito" masayang sabi naman ng isa pa
Napalunok nalang ako sa sarili kong laway. Di naman siguro sila mga canibal diba? Mukha naman kasi silang matino hindi tulad nung napanood ko sa wrong turn na mukhang halimaw.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong naman ng lalake kanina na mag fi-fiesta daw sila sa Isang kasama pa nila na hindi kumikibo pero umiiyak
"Natutuwa lang ako at hindi makapaniwala na kasama natin ngayon ang babaeng itinakda" sagot nito.
Hindi ko naman maiwasan kilabutan kapag nababanggit ang salitang babaeng itinakda. Hindi ko tuloy maiwasan mag overthink na baka gawin nila akong alay o kung ano.
"Hindi pa natin alam kung siya nga ang babaeng itinakda kaya huwag muna kayong magsaya" Sabi naman ng lalaking nasa likuran ko.
"Opo Kapitan" sabay sabay naman na sagot ng tatlong lalaki.
Habang naglalakad kami ay may narinig akong tubig. Habang papalapit ay mas lumalakas ang tunog ng tubig na parang dumadaloy. Hanggang sa makita ko ang isang batis. May apat na kabayo din sa may di kalayuan at kumakain.
Nang makalapit kami sa batis ay nakita ko ang malinis na tubig na dumadaloy doon. Kung wala ako sa ganitong sitwasyon siguro ay baka naisipan ko pang magtampisaw at maligo doon.
Napahinto ako ng isa isang sumakay ang mga lalaki sa mga kabayo. Apat lang ang kabayo kulang ng isa para sakyan ko, isa pa hindi ako marunong sumakay ng kabayo at patakbuhin yon.
"Sakay na" utos sa'kin nung kapitan
"Pa-pasensiya na hindi ako marunong sumakay ng kabayo" nautal na sabi ko dahil sa takot
Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago nito inioffer ang kamay niya at buhatin ako para makaupo sa kabayong sakay niya.
Halos mahulog ako sa pagkakaupo sa kabayo dahil narin siguro sa takot, mabuti nalang ay hinawakan ako ni kapitan sa baywang at parang magic na nawala ang takot ko. Habang tumatakbo ang kabayo ay nagkaroon ako ng pagkakataon para tignan ang dinadaanan namin.
Literal na napanganga ako ng makita ang bundok na nakita ko sa postcard na tinitignan ko lang nakita.
Nang makarating kami sa bayan ay maraming nagsitinginan samin. Akala ko ako lang ang kaisa isang babae sa lugar na'to kaya naman lumuwang dibdib ko ng may makitang iba pa.
Pumasok kami sa isang garahe pero hindi sasakyan ang mga nandoon kundi mga kabayo. Bumaba na yung tatlong kasama namin ni kapitan at siya ang sumunod. Inalok din nito ang kamay niya para makababa ako, kahit nagdadalawang isip ay tinanggap ko rin iyon.
***