Chapter 01

Chandee's Pov

"Chandee anak bumaba ka na at kakain na!" Tawag na sigaw ni Mama

"Nandiyan na po!" Pasigaw din na sagot ko at nagmadaling mag suklay. May pasok pa kasi kaming tatlo.

"Ate ikaw nalang pumunta mamaya para kumuha sa card ko ha?" Sabi ni Yvone habang nag aalmusal

"Anong oras ba? Alam mo naman may klase din ako" tanong at sagot ko sa kapatid ko habang naglalagay ng palaman sa tasty (loaf bread)

"Alas tress pa naman yon tapos wala na kaming pasok after makuha mga report cards namin" -Yvone

"Pasensiya na Chandee may meeting kasi kami mamaya sa isang kliyente saktong 3pm pa ang usapan" Sabi naman ni Mama na kakaupo lang at naglagay ng sinangag sa plato niya

"Okay lang Ma vacant time ko naman yung 3:15 hanggang 4pm" sagot ko

"Salamat naman. Kanina ko pa iniisip kung sino pwede kong pakiusapan kung hindi ka p-pwede" Sabi pa ni Mama. Ngumiti nalang ako at tinuloy ang pagkain.

Sabay sabay kaming tatlong umalis ng bahay. Todo lock kami sa mga pinto at bintana dahil walang naiiwan dito sa bahay. Di rin kami nag iiwan ng susi sa ilalim ng doormat o kaya sa mga paso. May kanya kanya kaming dala. Talamak kasi nakawan dito samin at alam ng magnanakaw kung saan iniiwan mga susi ng mga tao.

*****

"Chandee!" Nakangiting tumingin ako sa likuran ko ng marinig ko si Mariel na tinatawag ang pangalan ko.

"'Bat ang dami naman yata niyan?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa'kin

"Oo nga e buti pa tulungan mo nalang akong magbuhat" pakiusap ni Mariel

Kinuha ko ang ilang pirasong libro na dala niya at binitbit iyon. Sabay na din kaming naglakad papunta sa classroom namin.

"Ano ba gagawin mo sa mga 'to?" Tukoy ko sa mga librong dala namin.

"Pinapatapon na ni Mama kaso nanghihinayang ako, balak ko sana I donate sa school" sagot nito

"Hala! Bakit pinapatapon sayang naman mukhang maayos pa naman sila"

"Maayos pa talaga. Diba mahilig kang magbasa? kung gusto mo pumili ka baka may magustuhan ka bago ko ibigay sa library"

"Talaga? Di ko tatanggihan iyan maraming salamat" nakangiting sabi ko

Pagdating namin sa classroom ay pumili agad ako. Gusto ko sanang hingin yung limang libro pero parang napaka greedy ko naman. Sa limang pinagpipilian ko may isang libro na para bang nagpapapansin talaga sa'kin.

"Okay lang ba heto nalang hiramin ko?" Tanong ko kay Mariel at pinakita yung libro na may pamagat na Storm Front

"Ang galing mong pumili ang ganda ng kwento niyan. Kung gusto mo talaga yan sayo nalang" pagpayag nito

"Thank you, babasahin ko agad pag-uwi ko" nakangiting sabi ko

"Walang anuman" nakangiting sabi nito

Natigil kami sa pagdadaldalan ng dumating na ang prof namin at nagsimulang mag attendance.

*****

"Gutom na ako ano kaya ang ulam sa canteen? Sana may sinigang na baboy" Sabi ni Hailey habang hinihimas ang tiyan niya

"Sana may beef caldereta ang sarap kasi ng beef caldereta nila" Sabi naman ni Mariel

"Masarap nga ang konti naman, mas bet ko parin ang may sabaw" Sabi naman ni Patricia

"True! Iba talaga kapag sinigang na baboy nakaka 2 extra rice ako" -Hailey

"Kahit hindi naman sinigang na baboy ulam mo nakaka 2 extra rice ka minsan tatlo pa nga" -Patricia

"Mabuti pa dalian natin baka maubusan na naman tayo ng ulam" Sabi ko naman sa kanilang tatlo

Mas binilisan nga namin ang paglalakad hindi dahil takot kaming magutom. Madalas kasi nauubos ang tindang ulam sa canteen at natitira lagi ay pritong itlog at hotdog.

Humaba ang mga leeg namin sa pagsilip kung ano ang mga pagkain na nasa tray. Narinig kong nag yes si Mariel dahil merong beef caldereta. Agaw pansin naman yung pork adobo na nagmamantika yung taba nito.

Bitbit ang mga trays namin ay umupo kami sa laging pinupwestuhan namin. Pareho kami ni Patricia na adobong baboy ang piniling ulam habang si Hailey naman ay tinolang manok, beef caldereta naman ang kay Mariel.

"Pharmacology na naman pala grabe yung utak ko parang sasabog na" reklamo ni Patricia habang kumakain kami

"Pare pareho lang naman tayong nahihirapan sa Pharmacology buti nga hindi sila magkasabay ng araw ng introduction to Psychology kung hindi baka nabaliw na ako" Sabi ko naman

"Kaya nga ang istrikto pa naman ni Ma'am Gina" Sabi naman ni Mariel

"Ihhh! Parang naiimagine ko tuloy yung itsura ni Ma'am Gina ngayon" -Hailey

"Hahaha!" Sabay sabay kaming tumawa

"Mag review nalang tayo ng notes after natin mag lunch baka biglang may pa quiz na naman si Prof. Edmond mamaya" Sabi ni Mariel

"Sana lang papagpahingahin ni Prof Edmond ang utak natin kahit ngayong week lang. Napaka toxic kasi ng week natin na'to. Isa pa yung sa fundamentals di pa ako nakapag review doon" -Hailey

"Sa friday pa naman fundamentals ah" -Patricia

"Sa friday pa nga pero halos lahat ng subjects natin may pa quiz o kaya naman may pinapa memorize" -Mariel

"Hay na'ko! Isipin palang mga irereview at imememorize ko sumasakit na ulo ko. Bakit kasi Nursing pa kinuha kong course" reklamo ni Hailey

"Mamaya na natin isipin yang mga imememorize natin at kumain muna. Sigurado mas makakapag isip tayo kapag busog tayo" Sabi ko naman

"Tama ka" sang ayon ni Mariel

Tuloy parin kaming apat sa pagkukwentuhan pero napalitan ang topic namin dahil sa pagpasok sa canteen ni Daryl at ang teammates nito. Si Daryl yung masasabi kong hearthrob dito sa university namin. Gwapo, matangkad, at maganda ang katawan. Siguro dahil kasali siya sa swimming team.

Bulungan at todo kilig parin sila habang pinag uusapan sina Daryl at mga kasama niya. Ako naman tamang inom lang ng coke ko habang hinihintay silang matapos. Parang nakalimutan narin kasi nila ang balak namin pag rereview sa Pharmacology.

"Hi Chandee nandito ka pala, hi girls" bati ni Joseph. Kasama siya sa swimming team at kaibigan ko rin. Magkaklase kasi kami mula elementary hanggang high school.

"Hello" sabay sabay na bati naman ng tatlo kong kaibigan. Kakilala nila si Joseph at tinutukso nga kaming dalawa pero walang spark samin e hanggang kaibigan lang talaga.

"Musta? Mukhang galing lang kayo sa practice ah" tanong ko kay Joseph

"Oo e malapit na kasi regional competition kaya puspusan ang pag pa-practice namin. Sana lang mapili ako sa freestyle" Sabi nito

"Kaya mo yan! Ikaw pa ba? Ang galing mo kaya" Sabi ko na inapataas ang confidence niya

"Joseph! Kinakain na ni Daniel ang ulam mo!" Sigaw sa kanya ng mga ka team niya habang tumatawa

"Mga loko kayo! Hintayin niyo ko!" Malakas na sabi naman nito sa mga kasama niya. "Paano kain na muna ako, nood ka sa practice namin mamayang 3:30 para naman may mag cheer din sa'kin" nakangiting sabi nito bago siya umalis

"Alam mo girl bagay talaga kayo" -Patricia

"Kaya nga no? Gwapo din naman si Joseph at ang bait pa" -Hailey

"Sa tingin ko nga kay Joseph may gusto sayo e ayaw lang niyang sabihin dahil baka masira friendship niyong dalawa" -Mariel

"Kami na naman napansin niyo, bakit kaya di nalang kayo manood ng practice nila para makita niyo Daryl niyo? 3:30 daw e sakto vacant natin"

"Ay bet! Gorabels tayo!" -Hailey

Umiiling na ngumiti nalang ako.

*****

"Akala ko ba manonood tayo ng practice game nila Joseph bakit aalis ka?" Tanong ni Patricia after ko magpaalam sa kanila na aalis muna

"Habol nalang ako kukunin ko lang report card ni Yvone di kasi pwede Mama ko" paliwanag ko

"Gusto mo samahan ka nalang namin?" Tanong naman ni Mariel

"Ehh? Huwag na. Kukunin ko lang naman yung report card tapos babalik rin agad ako. Tsaka ang init dagdag pamasahe ko pa kayo" pagbibiro ko sa huling sinabi ko sa kanila

"Gaga! Mas mayaman kami sa'yo no! Sige na samahan ka na namin para sabay sabay tayong pumunta sa sports center" Sabi naman ni Hailey

"Mas pabor sakin kung sasamahan niyo ko pero okay lang ba sa inyo na hindi makita si Daryl na lumalangoy at suot ang trunks niya? Kasi baka 4pm na tayo makabalik, alam niyo naman dito sa'tin problema lagi ang traffic" tanong ko sa kanila

Nagtinginan naman sila na parang tinatanya kung ano ang mas matimbang.

"Okay sasamahan kita" taas kamay ni Patricia

"Once in a blue moon ko lang makita si Daryl suot trunks niya tapos sa malayuan pa. Kaya swimming trunks ni Daryl pipiliin ko" nahihiyang sabi naman ni Mariel

Tumingin naman kaming tatlo kay Hailey na parang nalilito parin kung ano ang pipiliin.

"Ang totoo gusto kong samahan ka talaga pero bakit kasi kailangan sabay pa sila ng practice game ng swimming team" una siyang tumingin kay Patricia tapos kay Mariel at sa huli ay sakin. "Nakakahiya sayo pero tama si Mariel na once in a blue moon lang to, promise Chandee babawi ako sayo next time" nag aalalang sabi pa nito

"Ano ka ba okay lang, sabi ko naman sa inyo ako nalang diba? Feeling ko kasi mas mapapabilis pa ako kung ako lang" nakangiting sabi ko

"Sasamahan kita ano ka ba" Sabi naman ni Patricia

"Sus! Alam ko naman gusto mo rin makita sa malapitan si Daryl e, sige na okay lang ako. Basta huwag niyo rin kalimutan ipag cheer si Joseph ng ganahan siya" Sabi ko at tumingin sa relos ko "alam niyo aalis na ako para naman makahabol ako sa inyo kung sakali" paalam ko sa kanila

"Sige Chandee ingat ka okay? Kami na bahala kay Joseph mo para din naman samin yon para ma invite ulit kami sa panonood ng practice nila" Sabi ni Mariel na ngiting ngiti

"Kayo talaga sige bye na" paalam ko ulit sa kanila at tumalikod na. Lumingon pa ako sa kanila at nakitang abot tenga ang mga ngiti nilang kumakaway pa sa akin.

Author's Note

Hello po! Kung nagustuhan niyo po please follow me nalang po maraming salamat ❤️

***