CHAPTER 6

TULALA AKO habang naglalakad sa loob ng mall. Gaya nga ng sabi ko noon, kung madadagdagan pa ang mabibiktima ng shaft-cutter, baka tuluyan na akong maadmit sa Peter's Mental Hospital.

Kasama ko ngayon si Thraizy dahil nagpasama siyang bumili ng bagong sapatos para sa darating na event. Panay ang kwento niya sa akin, pero wala akong maintindihan kahit na isa. Laman pa rin kasi ng isip ko ang mga nangyari kagabi.

Malakas ang kutob ko na malalaman ko na ngayon kung sino ang totoong suspect. Siguradong may naiwan na fingerprint mula sa tape na inilagay ng suspect sa huli nitong biktima. Napanood ko na rin ang cctv footage sa club. Hindi edited ang video na nakuha ko dahil wala akong cut na nakita. Nagkataon nga lang na masyadong matao noong gabing iyon at hindi malinaw ang kuha sa may bandang pintuan patungo ng cr dahil sobrang dilim doon. Tanging dancing light lang ang nagsisilbing liwanag sa buong club.

"Hon?"

Natigil ako sa pag-iisip ng tapikin ako ni Thraizy. "H-Huh? May sinasabi ka ba?"

Sumimangot siya bago ibinalik ang hawak niyang damit. Sa lalim ng iniisip ko kanina, hindi ko na namalayang nasa ibang stall na kami. "Kanina ka pa absent-minded. May problema ba?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at pilit na ngumiti, "Wala na naman. Sorry, sadyang napagod lang talaga ako kahapon. Medyo stress na rin, hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakakuha ng evidence para mahuli ang hinuhuli ko. Plus, nadagdagan pa ang naging victim."

"Ano bang kaso kasi ang hinahawakan mo? Tell me. Baka magamit ko ang connections ko para matulungan ka kahit papaano," mungkahi nito.

Umiling muli ako sa kaniya, "No need hon. I can do this. Problema ko ito, makakaya kong lutasin ito. Isa pa, papaano ko mahaharap ng buo ang Dad mo kung nag-cheat ako? Also, don't bother. This case is kinda normal although abnormalities are drooling inside."

Napailing siya sa sinabi ko. "Dahil sa sinabi mo, feel na feel ko ngang mahirap ang kaso. Well, hindi na ako mangungulit pa. Bukas na rin ang competition. I need to focus my mind sa dish na gagawin ko. I wanna make a name under my perfect dish."

"Ah anong oras nga ulit ang event bukas?" Napapakamot-kilay kong tanong.

"See sa sobrang absent-minded mo pati oras ng cooking show bukas limot mo na. Mabuti na lang talaga, alam kong mahirap ang gawain ng mga pulis. 7pm ang start ng mismong show. Kaya mga 4pm dapat naandoon na ako."

"Sige. I'll file a leave para maihatid kita. Hindi ako papayag na wala ako bukas. Ako yata ang number one fan mo."

"About that, don't worry. Si Vienna na ang maghahatid sa akin bukas. Siya na rin kasi ang mag-aassist sa akin kaya hindi mo na need na umabsent pa."

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. "Speaking of Vienna, nanggaling ba kayo sa J&J Club kagabi?"

"Yeah. Paano mo nalaman? Nagpunta ka rin ba doon?"

Gumuhit ang kaba sa dibdib ko. Kahit wala naman akong dapat na ikatakot pero nakaramdam talaga ako ang matinding takot. "Ah yeah. May report kasi ng karahasan doon. Hindi mo ba nalaman na may nabiktima ang-"

Naputol ang sinasabi ko nang may biglang sumingit na isang babae."Excuse me? Are you Chef Thraizy Ambrosio?"

Hinarap ito ni Thraizy at magalang na kinausap. "Yes? Do I know you mam?" tanong ni Thraizy.

"Oh. Hi, maybe not but I'm sure tomorrow you will know me. Glad to see you here. Mas maganda ka pala sa personal kaysa sa picture."

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Thraizy. Well, kahit naman ako nagulat sa sinabi ng babae. She dressed like an angel but her mouth is dark as hell. She's talking about tomorrow maybe siya ang makakalaban ni Thraizy sa cooking show bukas.

"Oh I'll take that as a compliment. Nice meeting you mam. Maybe see you tomorrow?" Nag-aalangang sabi ni Thraizy dito.

Tumawa ng mahina ang babae bago muling nagsalita, "Let's see if you can keep yourself nice and generous if I beat you from the first upto last round."

Umalis ang babae sa harap namin at naglakad na parang modelo. Sobrang sama ng titig ni Thraizy habang nakatingin sa papalayong babae. Hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin ang mukha niya. "Don't mind her honey. Inaasar ka lang non," sabi ko sa kaniya para malighten ang mood niya.

"Hmm? As if naman na naasar niya ako," depensa niya.

"Hindi ba? Eh parang siya na ang isasalang mo bukas sa kawali kung titigan mo eh."

Bigla siyang tumawa sa sinabi ko. "Ganon ba? Well, hindi siya ganoon kameaty para maging main dish ko para bukas."

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nang matapos siyang makabili ng sapatos at ilang damit, inuwi ko na siya sa kanila.

Habang pabalik ako sa station naalala ko si Mang Fred. Umikot muna ako sandali sa ospital para kumustahin siya. Pagdating ko roon hindi ko inaasahang nakauwi na pala si Mang Fred. Napag-alaman kong nakapagbayad na rin ito ng bills. Bumalik na ako ng station dahil hindi ko nan alam ang bahay nina Mang Fred. Pero bago pa ako makarating ng station, nakita ko si Vienna na papasok ng coffee shop malapit sa station. Ipinark ko muna ang sasakyan ko sa tapat ng station bago sinundan si Vienna.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin habang hinihintay ang inorder niya.

Umupo ako sa harapan niya at malumanay na tinanong. "May gusto lang sana akong itanong ulit sa iyo."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Tungkol na naman ba sa shaft-cutter yan?"

Mabigat akong bumuga ng hangin bago sumagot. "Oo. Promise last na to. Kailangan ko lang talaga ang tulong mo. May hint na ako kung sino ang shaft-cutter pero kailangan ko lang ng pruweba."

Bumuntong-hininga rin ito bago ako sinagot. "Okay. Fine!"

"Hindi ba sinabi mong may bracelet siyang suot noong nakita mo siya?" tanong ko sa kaniya.

"Oo. Mayroon nga."

"Natatandaan mo pa ba kung anong klase?"

Sandali siyang nag-isip, "Oo. Bakit? Need mo ba ng picture?"

"Oo. Meron ka?"

"Wala. Pero pwede ko siyang isearch para makuha ako ng picture. Pero kung okay lang, huwag muna sana ngayon. In-off ko muna kasi yung phone ko kasi ayaw akong tantanan ni Dad. Send ko sayo mamaya. Okay lang?"

"Sige sige. Ito last na, may kilala ka bang-"

"Here's your order mam," biglang singit ng waitress.

"Kilalang ano?" tanong sa akin ni Vienna.

"Kilalang-" Sasagutin ko pa lang sana siya nang biglang tumawag si Mikee. "Yes? Gising na siya? Okay sige. Saang hospital? Okay sige. Salamat."

"Sorry Vienna, sa susunod ko na lang itatanong sa iyo. May urgent akong kailangang puntahan. Yung pic ha, asahan ko."

Kinuha ko kaagad ang kotse ko at dumeretso sa ospital na sinabi ni Mikee. Kaagad kong hinanap ang ward na kinalalagyan ni Brent. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang humihinga pa siya.

"Brent," sabi ko sa kaniya.

Kaagad niya akong tinignan. Namumugto ang mga mata niya at maga ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Kasama niya ngayon ang kaniyang ina. Gusto kong magtanong pero alam kong hindi pa stable ang lagay niya. Kaya kahit kating-kati na ang dila ko, pipigilan ko na lang muna.

Lumabas ako para tanungin si Mikee. "Nalaman mo ba kung sino yung Ixie na tinutukoy niya kagabi?" tanong ko.

"Hindi po chief."

"Wala pa siyang sinasabi mula kaninang umaga?"

Umiling siya. "Wala pa po. Pumunta po ako sa burol nung huling biktima sa club. Narito po ang info niya." Inabot niya sa akin ang isang papel. "Napag-alaman ko po mula sa barista na naroon na may isang babae ang humingi sa kaniya ng angel shot at siya po ang itinuro. Pero bago pa po siya makarespond, wala na po ang biktima sa kinauupuan nito. Inakala raw po niyang umuwi na ito dahil nakahalata. Hindi po niya ineexpect na nasa cr po pala ito kasama ang shaft-cutter."

ABRAHAM FAULKENSTEIN 55

CEO of Valgouz Enterprise

"Nakilala mo ba kung sino yung babae?"

"Opo. Ito po ang pangalan, estudyante siya na iniwan ng mga kaklase kay Mr. Abraham."

"Kailangan ko siyang makita. Itext mo na lang ako mamaya kung nakakapagsalita na si Brent. Pupuntahan ko muna siya."

Blk 18 Lot 57 Fuerto Ville,

Ozaka, Jacorta

Kaagad akong kumatok sa pinto ng bahay ng sinasabing huling nakasama ni Abraham bago ito matagpuang wala ng buhay. Ilang sandali lang lumabas ang isang matandang babae na sa wari ko, ito ang ina nito.

"Sino ho sila? Ano hong maipaglilingkod ko?"

"Ah. Nariyan po ba si Miss Shaina Oscorio? Gusto ko lang po sana siyang makausap." Magalang kong sabi.

"Narito po, tuloy po muna kayo officer." Pinapasok niya ako sa bahay niya. "Nasa kwarto po ang anak ko, sandali lamang ho tatawagin ko. Maupo po muna kayo. Sandali lamang ho ano?"

Umupo ako sa sofa at hinintay na makababa si Shaina. Dala ko ang picture nina Vienna at Thraizy maging ng iba pang tao na nakita ni Mikee roon. Gusto kong malaman kung nakita ba niya sila nang gabing iyon. Oo, alam kong mali. Maling paghinalaan ko sina Thraizy pero desperado na ako. Mula sa mga hint na nakukuha, malakas ang kutob ko. Isa sa kanila ang shaft-cutter. Ilang sandali lang bumaba na si Shaina. Halata ang takot sa mga mata nito. Tumayo ako bilang paggalang bago umupo ulit nang makaupo na ang mag-ina.

"Ako si PO3 Steinford. Ako ang incharge sa krimen na nangyari kagabi sa J & J. Dederetsuhin ko na ho kayo, ang anak niyo na si Shaina ang sinasabing nagsumbong kay Mr. Abraham sa barista. Humingi ka ng angel shot tama ba?" tanong ko sa kaniya.

Tumango ng marahan si Shaina. Hindi ito makapagsalita kaagad kaya ang ina nito ang sumagot sa akin. "Alam ko na po ang nangyari. Pero kung ang anak ko po ang itinuturo niyong gumawa noon sa lalaki nagkakamali po kayo," sabi ng ina nito.

"Wala naman po akong sinabing ganoon mam. Nakita ko naman po sa cctv na nasa harap ng barista ang anak ninyo at umalis lamang ito nang magsimula nang magkagulo. Ang gusto ko lang po sanang malaman ngayon," Dahan-dahan kong kinuha ang mga picture sa bulsa ko. Kasama na rin ang kina Thraizy at Vienna. "Nakita mo ba sila sa club noong gabi bago maganap ang krimen?"

Inisa-isa ni Shaina ang picture. Nagsimula siyang dumampot ng mga picture. Ang unang kinuha nito ay picture ng barista, sumunod ang mga dancer at ilang waitress, kasunod ang picture ni Thraizy at Vienna. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang damputin niya ang picture ni Thraizy at Vienna. Matapos na makuha ang picture ni Vienna ay huminto na siya sa pagdampot.

"May nakausap ka ba sa isa sa kanila? Sino sa kanila ang hiningan mo ng tulong?" tanong kong muli.

Umiling siya sa akin. "W-Wala po. Maliban sa barista, wala na po akong hiningan pa ng tulong." Nauutal niyang sagot. "P-Pero ito, itong dalawang ito, ito po ang katabi ko nang magsumbong po ako sa barista."

Parang huminto ang paghinga ko nang makitang sina Vienna at Thraizy ang itinuro niyang katabi niya. "Matapos ba na makapagsumbong ka napansin mo bang umalis sila o nagpunta sa kung saan?"

Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang mga tanong ko pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga posibilidad.

"Hindi ko na po sila napansin."

"Sigurado ka?"

"Opo. Takot na takot na rin po kasi ako noon. Iniwan po ako ng mga kaklase ko at wala po akong pamasahe pauwi. Hindi ko na po napansin pa kung umalis sila o hindi. Nang magsimula pong magkagulo, lumabas po ako ng club. Hihingi po sana ako ng tulong sa isa sa mga pulis na dumating pero itong babaeng ito, tinulungan niya po akong makauwi. Kinuha niya po ako ng taxi at siya po ang nagbayad ng pamasahe ko."

Natigilan ako sa sinabi niya dahil si Thraizy ang tumulong sa kaniya para makauwi siya sa kanila. Gusto kong batukan ang sarili ko. Papaano ko nagagawang paghinalaan ang ganito kabuting tao. Itinago ko na ang mga picture. Matapos ng ilan pang tanong umalis na ako at bumalik sa station.

Jacorta Police Station

Nasasabunutan ko ang sarili ko sa loob ng opisina. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko. Hinihintay ko pa rin ang resulta mula sa forensic. Hinihiling kong may makita na roon kahit papaano. Kalahating oras ang lumipas lumabas na nga ang resulta. Ngunit bigo na naman akong makakuha ng fingerprints. Tanging DNA lang ng victim ang nakita.

Pauwi na sana ako tumawag si Mikee at sinabing nakakapagsalita na si Brent. Kaagad akong tumungo roon para kausapin siya.

Froster General Hospital

"Brent. Anong lagay mo? Bukod dito, ano pang masakit sayo?" bungad ko nang makita ko siya.

Hinawakan nito ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya. "Kalooban ko pare. Muntik na akong mawalan ng ginintuang baril."

Nagulat ako sa sinabi niya. "You mean buo pa ang sayo?"

Tumango siya sa akin. "Oo. Second hand M16 na nga lang."

Hindi ko napigilang matawa dahil sa sinabi niya. Pero narito ako para tanungin siya tungkol sa sinabi niya kagabi. "Pero seryoso, sino ang shaft-cutter? Nakita mo ang shaft-cutter tama ba?"

Tumango siya at sumagot. "Si Ixie nga!"

Nakunot ko ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi matandaan si Ixie. "Ixie. Ixie. Sorry pero hindi ko na talaga matandaan kung sino si Ixie."

Biglang tumawa si Brent. "Ano ka ba! Imposibleng makalimutan mo si Ixie. Mahal na mahal mo yun pare!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. "A-Anong sinabi mo?"

Tumago siya muli ng ilang ulit. "Oo! Siya nga! Si Thraizy ang shaft-cutter! Noong gabing iyon kasi sobrang sexy ng kasama niya. Hindi ko napigilan sarili ko. Kaso bago pa ako makalapit ng tuluyan nagulat ako bigla na lang niya akong-"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nasuntok ko ng wala sa oras si Brent. "Ahh shit! Anong problema mo? Huwag mong sabihing type mo rin si Vienna? F*ck! Ansakit!" daing nito habang sapo ang pisngi at ang puson nito.

"Sinasabi mo bang si Thraizy ang shaft-cutter?" Galit na galit kong tanong sa kaniya.

"Oo! Nakita ng dalawang mata ko! Siya mismo! Siya ang may hawak ng kutsilyo. Hinawakan niya ang-shit! Nurse! Binugbog na ako ng pulis dito!"

Napahiway na lang si Brent dahil sa dalawang magkasunod na suntok na ibinigay ko sa kaniya. Mabilis na pumasok si Mikee at isa pang officer. Kaaagad nila akong inilayo kay Brent habang pilit naman akong lumalapit sa kaniya.

"Chief! Kumalma ka chief!" sabi ni Mikee.

"Paano ako kakalma! Eh itong lalaking ito nagsasabi ng kasinungalingan!" sabi ko kay Mikee.

"Hindi ako nagsisinungaling! Totoo ang sinasabi kong nakita ko!"

"Huwag mo akong pinagloloko! Alam ko high school pa lang tayo malaki na ang pagkagusto mo kay Thraizy! Agenda mo ba to para paghiwalayin kami? Ha!"

Biglang tumawa si Brent. "Hanggang ngayon pala nagseselos ka pa rin sa akin? C'mon Lucas! Ako na ang matibay mong ebidensya pero ayaw mo akong paniwalaan? Sige kay SPO2 na lang ako magsasabi-ah! Hindi rin pala pwede dahil-"

"Subukan mong ibuka muli ang bibig mo! Tuluyan kang mawawalan ng pinaka-iniingat-ingatan!"

Nagtagumpay si Mikee na palabasin ako ng kwarto. Sa tulong ng mga nurse tuluyan akong napalabas ng ospital. Habang nasa parking area ako dumating si Mikee hawak ang isang bote ng tubig. Inabot niya ito sa akin at muli akong kinausap. "Nagpositive siya sa drugs chief. Pagpasensyahan niyo na po siya sa ngayon. Dala po siguro ng drugs at gamot na ininom niya ang mga nasabi niya ngayon."

Sumabog ang hawak kong bote na may lamang malamig na tubig dahil sa galit. Nakadrugs pala si Brent kaya niya nasabi sakin ang lahat ng iyon. Pero hindi ko rin maiwasang hindi mapaisip. Papaano kung nagsasabi siya ng totoo?

"Chief, papaano po kung nagsasabi po ng totoo si officer?"

Sumama ang tingin ko kay Mikee. "Ano? Pati ba naman ikaw? Hinding-hindi magagawa ni Thraizy ang ibinibintang ni Brent sa kaniya."

"Pero chief, paano kung-"

"Tumigil ka Mikee! Hindi magagawa ni Thraizy ang bagay na iyon! Mali ang ibinibintang niyo! Hindi siya ang shaft-cutter!"

Padabog akong sumakay ng kotse. Pinaharurot ko ito hanggang sa makarating ako sa restaurant ni Thraizy. Sarado na ito at wala ng tao. Ipinarada ko sa harapan nito ang kotse. Habang nasa loob ako ng kotse dito ko inilabas lahat ng galit na nararamdaman ko. Hindi maaaring si Thraizy iyon! Oo natandaan ko ng si Ixie ay si Thraizy. Nakalimutan ko lang ang nickname niyang iyon dahil sa tuwing babanggitin ko ang pangalang iyon, nagagalit siya sa akin. Pero bigla akong natahimik nang mapaisip ako sa kung anong maaaring dahilan kung bakit nagagalit siya tuwing sinasabi ko ang nickname niyang iyon.

"Hindi! Hindi Lucas! Hindi si Thraizy! Nakadrugs lang ang hayop na iyon! Kaya naman-Aish! Sino ba itong-"

Nahinto ako sa pagwawala nang tumunog ang phone ko. Chat mula kay Vienna ang bumungad sa screen. Kaagad kong chineck ang message.

Vienna Laurenzy Arcalanza

Ito na ang picture. Ito ang

natatandaan kong suot ng

shaft-cutter nang gabing iyon.

Halos mahulog ko ang cellphone ko nang maview ko ang picture. "Hindi! Hindi ito maaari!"