CHAPTER 3

GAYA NANG SINABI ko naghire ako ng private detective para kay Vienna. Gusto kong malaman ang lahat ng galaw niya. Hanggang ngayon hindi pa ako kinakausap ni Mikee. Marahil nasaktan siya sa sinabi ko noong nakaraan. Dalawang-araw na ang lumipas magmula ng magalit ako kay Mikee. Hindi naman tumatawag si SPO2 kaya sa tingin ko hindi ito nagalit nang putulin ko ang usapan nila ni Mikee.

Alas-dos na ng hapon. Wala pa kaming narerecieve na report ng karahasan ngayon, maging sa shaft-cutter. Masyadong tahimik ang araw na ito para sa akin. Madalas kasi kapag ganitong oras madalas na maingay ang station dahil sa mga estudyante na nagcutting at nahuling nambully o nagnakaw sa kung saan.

Biglang nagtext ang detective na hinire ko. Sinabi nitong magkita kami sa coffee shop sa station. Iniwan ko muna ang ginagawa ko para puntahan ito.

Jacob's Coffee Shop

"Chief."

Sasaludo sana ito nang pigilan ko siya. Malapit lang ako sa station at ayokong may makaalam ng tungkol sa ginagawa ko. Gusto kong ako muna ang unang makaalam kung si Vienna nga ba talaga ang shaft-cutter. Alam kong mali na pagbintangan ko ang isang tao. Kaya hiling kong sana matapos na ang mga hinala ko ngayon.

"Narito na po ang profile. Nalaman ko ring attempted rape victim siya sa Velacosta. Pero ilang taon na ang nakalipas. Matapos ang pangyayaring iyon, lumipat na siya rito sa Jacorta at dito na nanirahan for good."

Natigilan ako sa pagbabasa dahil sa sinabi niya. "Attempted rape victim? Kailan nangyari iyon?" tanong ko.

"January 22, 2015. Seven years na ang nakalipas."

"Ilan taon na pala ang lumipas. Narito rin ba ang info kung sino ang nagtangka sa kaniya?"

"Yes, chief. Vergel Dela Pueña ang pangalan chief."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ng nagtangka sa kaniya. "Anong sabi mo? Vergel Dela Pueña ba kamo?" ulit ko.

"Yes chief."

Jacorta Police Station

Mabigat ang mga paa kong bumalik ng station. Pumasok ako kaagad sa office at nagtimpla ng tsaa. Laman ng isip ko ang sinabi ng detective. Rape victim pala si Vienna, at nagkataon pang yung fourth victim ang humarras sa kaniya. Kung ganoon, maaari ko ngang ipasok bilang person of interest si Vienna.

"Wala ata ngayon si Mang Fred ah. Ganitong oras nangangatok na iyon para magbigay ng kape," bulong ko habang kumukuha ng tsaa.

Habang naglalagay ako ng mainit na tubig may biglang kumatok sa table ko. "Chief. Si Mang Fred naispottan sa may Ozaka. May hostage na babae."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong tsaa at tumapon sa binti ko.

"Aray! Ang init!" daing ko.

Kaagad na kumuha ng pamunas at extrang pantalon si Mikee sa closet ko at ibinigay sa akin. "Sandali lang po chief kukuha po ako ng ointment."

Madali kong kinuha ang pantalon at nagpalit. Habang nasa police car kami ni Mikee humingi ako ng paumanhin sa mga sinabi ko sa kaniya.

"Okay lang po chief. Alam ko naman pong mali ang ginawa ko. Hindi ko na po iyon uulitin chief. Kapag may nalaman ako wala na po akong ibang pagsasabihan."

Kasunod namin ang ilan pang mga police patrol. Mabilis ang takbo namin patungong Ozaka. Tumatabi ang lahat ng makasalubong at nasa unahan namin dahil sa lakas ng busina at wangwang ng bawat sasakyan namin. Kung kaya madali naming narating ang Ozaka.

2:30 PM | 90 Cross Bldg.

Blumentreet, Ozaka, Jacorta

"Walang lalapit! Kapag may isa sa inyo ang lumapit mamamatay ang babaeng ito!"

Nakita ko kaagad si Mang Fred na nasa itaas ng rooftop ng two-story commercial building. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang hostage, si Vienna. Hawak siya ni Mang Fred habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito. Bakas ang takot sa mga mata ni Vienna. Nakikita ko ring nahihirapan na siya marahil dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Mang Fred sa kaniya.

Kinuha ko ang megaphone kay Mikee at nagsalita. "Mang Fred, nakikusap ako ibaba mo ang hawak mong kutsilyo. Pakawalan mo ang babae at bumaba ka rito. Maaari nating idaan sa maayos na usapan ang problema."

Maraming tao sa paligid. Nakaabang na rin ang ilan sa mga officer ko. Habang may ilan na palihim na umaakyat sa itaas.

"Hindi! Hindi ko pakakawalan ang babaeng ito, hangga't hindi niya pinagbabayaran ang ginawa niya sa anak ko! Nagdurusa ang anak ko ngayon nang dahil sa babaeng ito!" sigaw niya mula sa itaas.

Malakas na sigaw mula sa mga tao sa ibaba ang namayani nang muling itutok ni Mang Fred ang kutsilyo kay Vienna.

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Pakawalan mo na ako!" sigaw naman ni Vienna.

Pilit na lumalaban si Vienna kay Mang Fred. Ngunit kung laki ang pag-uusapan wala talagang magiging laban si Vienna kay Mang Fred. Masyadong malaki ang katawan ni Mang Fred. Kung kaya kahit na anong palag ang gawin ni Vienna, hindi siya makakaalis sa bisig nito.

Biglang pumasok sa isip ko si Thraizy. Alam na kaya niya ang nangyayari ngayon kay Vienna, kung oo bakit wala siya? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

"Aish! Darn it Lucas! Ngayon ka pa nag-overthink," bulong ko sa sarili ko.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa megaphone at muling nagsalita. "Mang Fred! Nakikusap ako. Ibaba mo na ang kutsilyong hawak mo. Pakawalan mo na ang biktima mo. Ayokong gawin ito sa iyo pero kung hindi mo siya pakakawalan, mapipilitan ang mga tao ko na saktan ka." muling sabi ko sa kaniya.

"Saktan mo! Ganiyan naman kayo! Kami na ang dehado, kami pa ang lumalabas na masama! Nang dahil sa babaeng ito, muntik akong mawalan ng anak, at kailanman hindi na ako magkakaroon ng apo mula sa kaisa-isa kong anak na lalaki! Kaya sabihin mo! Papaano ko pakakawalan ang babaeng ito na dahilan kaya nagdurusa ang anak ko!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Papaanong nalaman ni Mang Fred na si Vienna ang pinaghihinalaan ko. Wala akong ibang pinagsabihan. Tanging kami lang ni Mikee at si, "SPO2!" gigil kong sabi.

Humigpit ang kapit ko sa handle ng megaphone. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kinatatayuan ni Mang Fred.

"Mang Fred. Last warning, kung hindi mo pa pakakawalan ang biktima, in a count of three mapipilitan na kaming paputukan ka."

"One."

"Two."

"Three!"

Eksakto sa balikat ang naging tama ng bala. Napahiga sa sahig si Mang Fred at napakawalan na si Vienna. Kaagad na pinosasan ng mga kapulisan si Mang Fred at dinala naman si Vienna sa kalapit na ospital. Pagkababa ni Mang Fred sinabi kong sa sasakyan na namin ni Mikee siya ilagay. Kasama ang dalawa pang officer dinala namin si Mang Fred sa kalapit na ospital para gamutin ang naging tama niya sa balikat.

Habang inooperahan si Mang Fred, tinawag ko si Mikee para alamin ang background ni Mang Fred. Bumalik siya sa istasyon para gawin ang inutos ko. Nagpaiwan ako para hintayin na matapos ang operasyon at para malaman na rin ang kalagayan ni Vienna. Nagdecide akong puntahan si Vienna sa emergency room. Nakita ko siya roon na nakaupo habang ginagamot ng nurse ang naging sugat niya sa leeg at balikat. Nang matapos na ang paggagamot sa kaniya, lumapit na ako para kausapin siya.

"Lucas."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Dahan-dahan ko na lang na hinaplos ang buhok niya para umayos ang pakiramdam niya. Alam kong natakot siya ng sobra dahil sa nangyari.

"If you're okay better get off. Baka makita tayo ni Thraizy?" Nag-aalangan kong sabi sa kaniya.

Lumayo naman siya sa akin at dahan-dahang pinunasan ang mukha niya. Hindi ko maitatangging nasa akin pa rin ang doubts pero sa nakikita kong lagay niya ngayon, nakakaramdam ako ng matinding awa.

"Sa tingin mo? Bakit ka hinostage ni Mang Fred?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya at muling umiyak. "H-Hindi ko alam. Ang alam ko lang pinagbibintangan niya ako na ako raw ang dahilan kung bakit nagdurusa ang anak niya. Hindi ko nga siya kilala kaya papaano pa ang anak niya!"

Tahimik akong pinakinggan ang sinasabi ni Vienna. Napansin kong nanginginig ang kamay niya. Patuloy din ang pagluha ng mga mata niya. Maya-maya lang dumating na si Mikee dala ang kailangan ko. Iniwan ko muna pansamantala si Vienna para kausapin si Mikee.

"Anong nakuha mong info?" tanong ko sa kaniya.

Inabot niya sa akin ang ilang papel. "Chief, ang anak po ni Mang Fred ay isa sa naging victim ng shaft-cutter."

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Sino sa kanila?"

"Si Addam Orlean po chief."

Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko ang pangalan ng anak ni Mang Fred. "Yung first victim?"

"Opo chief."

"Sigurado kaya ang statement niya noon na hindi niya talaga kilala ang suspect?"

Tumango si Mikee. "Base po riyan, dumaan po siya sa lie detector test. Kaya lahat po ng sinabi niya ay totoo."

Napakamot ako sa kilay ko. Kung totoong hindi niya kilala ang suspect, bakit inisip ni Mang Fred na si Vienna ang shaft-cutter? Sino ang nagtip sa kaniya?

"Mikee, maliban ba kay SPO2 wala ka ng pinagsabihan na iba tungkol sa natuklasan natin sa PMH?"

Umiling si Mikee. "Wala na po chief. Hindi ko na rin po nakausap si sergeant after mo po akong pagalitan."

Napayuko ako sa sinabi niya. "Pasensya nga pala ulit."

Nang masigurong maayos na ang lagay ni Mang Fred bumalik na ako ng station. Kasunod namin ang isa pang police car at doon nakasakay si Vienna. Kinakailangan namin siyang hingan ng statement tungkol sa nangyaring panghohostage.

Jacorta, Police Station

Pagdating sa station kaagad kong kinausap si Vienna sa loob ng opisina ko. "Kilala mo ba ang naghostage sa iyo?" muling tanong ko.

"Hindi. Ngayon ko lang siya nakita."

Tinype ko sa computer ang sinabi niya. "Kung ganoon, totoo ba ang ibinibintang sa iyo na ikaw ang dahilan kung bakit nagdusa ang anak niya?"

"Hindi. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa anak niya. Hindi ko siya kilala, kaya mas lalong hindi ko kilala ang anak niya."

Naglabas ako ng picture at ipinakita ko ito kay Vienna. "Ito, ito ang anak ng nanghostage sa'yo. Sigurado ka bang hindi mo siya kilala?"

Tinignan ni Vienna ang picture. "Hindi. Sigurado akong hindi ko pa siya naeencounter."

Ibinalik ko ang picture sa drawer ko at tinype ang sinabi niya. Umayos ako ng upo at isinandal ang likod ko sa sandalan ng swivel chair ko habang nakacross-arms. "Nakareceive ako ng report tungkol sa iyo. Nalaman kong biktima ka ng rape noong year 2019 sa Velcosta. Alam mo bang ang taong nangharass sa iyo noon ay namatay kamakailan, at ang suspect ay ang shaft-cutter?"

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Vienna. Namutla siya ng sobra at nanginig muli ang kamay niya.

"Vienna, you okay? Mikee! Mikee!"

Pinakuha ko ng maiinom si Mikee para kumalma si Vienna. Nang nawala na ang panginginig ng kamay niya at hindi na siya labis na namumutla tinanong ko na ulit siya tungkol sa kaso ni Dela Pueña.

"Alam mo ba ang nangyari kay Mr. Dela Pueña?"

"H-Hindi. Hindi ko alam. Ngayon ko lang din nalaman. P-Pero ano ang kinalaman ng kaso ko noon sa nangyari ngayon?"

"Dahil ang anak ni Mang Fred, yung nanghostage sa iyo, ay biktima ng shaft-cutter. Siya ang unang victim ng shaft-cutter, pang-apat naman si Mr. Dela Pueña."

"T-Tapos? Hindi kita maintindhan. A-Ano ba ang gusto mong palabasin? P-Pinagbibintangan mo ba akong ako ang shaft-cutter?"

Biglang tumalim ang tingin ko kay Vienna. Napapikit ako ng mariin nang maisip na mali ang strategy na ginagawa ko ngayon. Kinalma ko ang sarili ko bago ko siya sinagot. "Hindi. Gusto ko lang malaman kung may kinalaman ka sa pagkamatay ni Mr. Dela Pueña. Since ikaw ang maaaring mauna sa listahan ng mga taong may galit sa kaniya."

"Wala! Kailan siya namatay?" Mataas na ang boses ni Vienna sa akin.

"March 23."

"Nasa event ako that time! Remember? Grand opening iyon ng T'Zy restaurant kaya papaano! My God Lucas!"

"Don't be so hysterical Vienna. Pulis ako, at ako ang corporal dito. Kung maaari lang, ibaba mo ang tono mo."

"Paano ako hindi maghihysterical! Pinagbibintangan mo ako!"

"Hindi ako pwedeng basta na lang magcoconclude kaya nagtatanong ako. Hindi kita totally pinagbibintangan okay? Pwede mo naman akong sagutin ng mahinahon hindi ba?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Umupo siya muli sa harapan ko at nagsalita. Huminga siya ng malalim bago ako muling sinagot. "Oo, biktima ako. Naging biktima ako ng hayop na Vergel Dela Pueña na iyon pero never akong nagtangka sa buhay niya. Nang tumira ako rito sa Jacorta, ni wala nga akong alam na rito na rin pala siya nakatira. Kung mayroon ka mang dapat na tanungin at hanapin iyon ay ang shaft-cutter." Uminom siya ng tubig bago muling nagsalita. "Nakita ng mismong mga mata ko kung papaano muntikang patayin ng shaft-cutter si Vergel noon. Pero hindi siya nagtagumpay dahil dumating na ang mga pulis. Mabilis siyang umalis sa lugar."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Kung ganoon nakita mo ng malapitan ang suspect?" tanong ko.

"Oo. Pero hindi ko nakilala ang mukha niya. Nakasuot siya ng itim na mask. Ang tanging natatandaan ko lang ay ang suot niyang bracelet at ang kutsilyong hawak niya. Matapos non wala ng iba."

"Boses? Hindi mo ba siya narinig na nagsalita?" tanong kong muli.

"Hindi. Matapos mahuli si Vergel dinala na ako kaagad ng mga pulis sa hospital. Doon na rin ako kinuha ng mga magulang ko. After two days, lumipat na kami dito sa Jacorta."

Matapos ng ilan pang tanong pinalabas ko na si Vienna at pinapirma. Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. Stress na stress na talaga ako. Masyado ng magulo para sa akin ang kaso.

Ang unang victim na si Addam Orlean, buhay at naninirahan kasama ni Mang Fred. Iniisip ko pa rin kung papaano nagkahint si Mang Fred na si Vienna ang maaaring shaft-cutter. Pero base sa sinabi ni Vienna, malinaw ng hindi siya ang shaft-cutter. Nakita lang niya ang shaft-cutter. Base naman sa pangatlong biktima na si Balbegoso, isa sa kanila ni Thraizy ang maaaring tinutukoy nito dahil sila lang ang nasa monitor nang magsimula siyang maghysterical. Ang autopsy naman ng pang-apat na biktima ay wala pa. Ano na! Sino ka bang shaft-cutter ka!

Habang nirereview ko ang statements ni Vienna nafocus ako sa huling sinabi niya na suot ng suspect.

"Bracelet."

Malabong hint pa rin para malaman kung sino ang totoong salarin pero siguro balang-araw, makakatulong din ito para sa kaso.