2. The last heir of Monterealez Clan

Mula sa bulsa ni Maria, inilabas nito ang maliit na sobre. Nanginginig ang kamay na kinuha ito ni Isabela. Mabagal niya itong binuksan kaya halos mapasinghap siya nang mabasa ang laman nito.

Mula sa maliit na sinag ng buwan na sumisilip sa nakababang kurtina, nakita niya kung ano ang nakasulat sa lihim galing sa tagapagmana ng mga Villariso.

She never saw the man. She heard to her Nanay Maria that man is already thirty-one years old. Ruthless and manipulatives.

"Anong sabi, hija?"

Bayolente siyang lumunok. Kulang nalang lumabas ang puso niya sa ribcage sa lakas ng pagtibok nito. Halos malagutan siya ng hininga dahil sa nakalagay sa sulat.

'Kaya ko ba?'

"H-he wants to meet me. If I didn't show up, mapipilitan daw silang gumamit ng dahas."

Mariin na pumikit ang kanyang nanay Maria at sa muling pagbukas nito, bakas na ang pangamba.

"Anong gagawin mo? Magpapakita ka?"

Muling nagbaba ang kanyang paningin sa sulat. Natutop niya ang labi.

Hindi siya makapagdecide. Hanggang ngayon, natatakot pa rin siyang lumabas. Ni ang lumabas ng kanyang silid ay hindi niya magawa pero paano kapag hindi siya sumipot? Nakakasigurado siyang dadanak ang dugo sa buong hacienda. Madadamay ang mga inosenteng tao.

Wala siyang pagpipilian. Ang takot niya laban sa kanyang konsensya na mapahamak ang mga taong umaasa sa kanyang hacienda.

"Magpadala ka ho ng sulat." Kita niyang natigilan si Maria. She tightly close her eyes and then took a deep breathe. "Pakisabi na magkita kami dito sa Mansyon. Ngayong gabi..."

"Hindi ba't napakadelikado niyan hija? Papapasukin mo siya dito?"

Tumango siya dito. Lumamlam ang kanyang mata. "Mas safe dito Nanay. Kung may tauhan siyang dala maiwan sa ibaba. Papuntahin mo siyang mag-isa dito sa kwarto ko."

Suminghap si Maria. Lalo itong nabahala. "Mas delikado iyan Isabela!"

Umiling siya. "Ayoko pa rin pong lumabas. Pakiramdam ko mas safe ako dito sa loob ng kwarto ko. Pwede naman pong magbantay si butler Enrico sa labas ng aking kwarto, Nay."

Walang nagawa si Maria kundi sundin ang nais ni Isabela. Kaagad ring ginawa nito ang iniuutos ni Isabela.

Mabilis na nakarating kay Israel ang sulat mula sa nag-iisang Monterealez sa Isla. Nararamdaman niya na ang tagumpay na mapasa-kanya ang buong Isla. Noon pa man ay nais niya na ito.

Dati pa man usap-usapan na ang Isla ng mga Monterealez. Maraming siyang naririnig na patungkol dito na nagdulot ng pagakakaroon niya ng hangarin na angkinin ang buong Isla. At hindi nga siya nagkamali, mapapasakanya na ito. Isang bahagi na lang ng Isla, tuluyan na siyang maghahari dito.

Natigilan siya sa pag-iisip ng marinig ang katok at tawag mula sa kanyang tapat na tauhan, ito rin ang nagsilbing mga mata niya sa bawat galaw sa Isla.

"Señorito,"

Tinanguan niya si Enrico. Hindi niya mapigilang mapangisi. Bata pa man siya ay ito na ang kanyang tagaagapay maging si Maria ay dati niyang naging katulong. Naging mag-asawa ang mga ito. Simula din na iyon, naplano na niya kung paano makukuha ang buong Isla. Inutusan niya silang magmanman sa mga Monterealez, hindi naglaon, nagtagumpay nga sila.

Pasensyahan na lang sa huling Monterealez sa Isla, mararanasan nito ang bagsik niya.

"Ready na po ang mga tauhan para sa ngayong gabi,"

Ngumisi siya. "Good. Makakaalis ka na."

Tumango ito pero hindi pa umalis. Nalukot ang kanyang mukha.

"May kailangan ka pa ba?" Banas nito na tanong.

Kita ni Israel sa mukha nito ang pag-alinlangan na sumagot. Gayon pa man, nagpatuloy ito. "Kapag nasa iyo na ang buong Isla, anong balak mo kay Señorita Isabela?"

"Balak? Tsk. Naririndi na talaga ang tenga ko sa inyong dalawa ni Maria sa kakatanong niyan. Kayo na ang bahala kung ano ang gagawin niyo sa kanya. Wala naman silbi sa'kin ang mga katulad niya."

"Kung gano'n, isasama namin siya ni Maria sa pagluwas sa Manila."

Umismid siya. "Alright? Tulad ng pangako ko, kahit anong hilingin niyo tutuparin ko. Marunong akong tumanaw ng pangako."

"Maraming salamat po, Señorito."

Sumapit ang alas-otso ng gabi, nagkagulo ang buong Mansyon ng Monterealez sa pagdating ng mga armadong lalaki at sa gitna nito ay parang Hari na namuno si Israel.

Tinutukan ng mga armado ang mga katulong at iba pang mga gwardiya ng kanilang baril. Sa tagpong iyon, ipinapahiwatig nito na ang sino mang lumaban, dadanak ang dugo. Magkakaroon ng gyera.

Hindi maiwasan ng mga babaeng katulong ang matakot at the same time humanga kay Israel. Ngayon lamang nila nakita ang lalaki.

Hindi binigyang katarungan ng mga chismiss ang itsura nito. Kulang ang salitang gwapo sa mga chismiss na naririnig nila na ang tagapagmana ng Villariso ay sobrang gwapo pala talaga. Para itong isang greek God. Well-built body. Moreno ang balat nito at makinis. Ang kisig nito ay nakakapagpalaway sa mga kababaehan. Ultimo ang mga lalaki ay mababakla dahil sa kanya.

Bukod sa ilong at singkit ng mga mata nito, mas lalong nakakaakit ang natural na mapula at mamasa-masa nitong labi. Ang pagkaporma ng panga nito na tanda na lalaking-lalaki ito. Nagbaba ang mga mata ng mga kababaihan sa ibabang parte ng katawan ni Israel. Halos mahigit nila ang hininga nang makita ang tambok sa gitna no'n. Sigurado sila na patay pa iyon. Patay na nga, malaki na. Paano pa kaya kung nabuhay na?

Napasinghap ang mga kababaihan at kulang nalang ay tumili sa kilig nang ngumisi si Israel. Sa isip-isip ng mga ito. Nalaglag na ang kanilang panty.

Sumunod si Israel ng sumenyas si Maria para umakyat sila sa hagdanan. Alam na ni Israel ang gusto ng Monterealez. Nagalit siya ng una pero nagtimpi din. Pasasaan pa at mapapasa-kanya din ang lahat.

SAMANTALA, matinding kaba ang nararamdaman ni Isabela. Hindi siya mapakali. First time niyang makakakita ulit ng tao bukod sa mga tao dito sa kanilang Mansyon. Nanginginig siya sa takot ngunit pinaglabanan niya iyon.

Halos mahigit niya ang hininga ng makarinig ng mga yabag ng paa. Sumunod no'n ang pagclick ng seradura. Unti-unti iyong nagbukas. Nahigit niya ang hininga ng pumasok ang lalaki.

Sobrang tangkad nito at maganda ang pangangatawan. Hindi niya masyadong maanigan ang mukha nito dahil sa madilim sa kanyang kwarto.

Nagtaka naman si Israel. Masyadong madilim at wala siyang makita. Nainis siya.

"The fuck! Turn on the fucking lights! I can't see anything." His voice thundered in the whole room. Hindi sinabi nila Enrico na ganito ang madadatnan niya.

Marahas na lumunok si Isabela. Nasa dulo siyang gilid ng kama habang nakasakay sa kanyang welchair. Pawang nagtatago. Mas lalo siyang natakot at nilukuban ng pangamba dahil sa galit na galit na boses nito. Lalo na nang makita niya ang pagtaas at baba ng balikat nito.

"Damn! Where's the light?"

Hindi siya nakasagot. Parang napipi na siya.

"I know you are there! Maikli ang pasensya ko! Buksan mo ang ilaw!" Mariin ngunit nakasigaw ito.

Natutop ni Isabela ang bibig. Nanginginig na ang kanyang katawan sa takot. Napakabayolente ng lalaki. Hindi niya magawang makapagsalita man lang.

"Pinagloloko mo ba ako? I swear, kapag hindi ka nakipag-usap sa akin ng matino, ipapapatay ko lahat ng tao sa Mansyon na ito!"

Nanlaki ang mga mata ni Isabela. Bumuka ang labi niya para sana magsalita pero walang boses ang lumalabas. Saglit siyang natulala. Natauhan lamang siya ng malakas na nagbukas at sara ang pintuan.

Mas natakot siya ng mapagtanto ang sinabi ng lalaki. Mabilis na namula ang kanyang mata at tarantang pinaandar ang kanyang welchair papunta sa pintuan. Masyado na siyang nataranta na baka totohanin nga ng lalaki ang banta nito.

Hindi siya nakapag-isip ng tama. Malakas niyang nabuksan ang pintuan at doon lumabas. Napansin niyang walang tao. Ang usapan magbabantay sina Maria at Enrico sa labas ng kwarto ni Isabela pero wala ang mga ito. Hindi na lang iyon pinansin ni Isabela.

Nakita niya ang papalayong bulto ng lalaki. Mabibigat ang bawat yabag ng mga paa nito. Tipong galit na galit talaga ito. Hindi na siya nakapag-isip ng tama at mabilis na pinagulong ang ang kanyang welchair. Sa bilis nito, may nasagi siyang malaking banga sa gilid.

Suminghap siya sa gulat nang tumaob ang welchair kasama siya. Nakagawa iyon ng malakas na ingay kaya napatigil si Israel sa paglalakad.