Chapter 1
~TEN YEARS LATER~
-Spencer POV-
"Fuck! It's been ten years past Zach, still you didn't even find my wife!" I angrily shout, while talking to him using my phone.
"I'm so sorry Spencer , mahirap lang talagang hanapin ang asawa mo."
Hinigpitan ko naman ang pagkahawak sa cellphone ko, "That's why I chose you to find my wife, 'cause you are the best investigator I'll ever known." Mas dinikit ko pa sa bibig ko ang cellphone na hawak ko, "But, I'm so very disappointed to you!"
"Sorry Spencer, h'wag kang mag-alala mas bubutihin ko pa ang paghahanap sa asawa mo."
Kinuyom ko naman ang isa kong kamao, "Fuck it Zach! Kung kakailanganin na libutin mo ang buong mundo upang hanapin ang asawa ko, gawin mo! Babayaran kita kahit magkano!"
"Kahit h'wag mo na akong bayaran. Basta ipagkatiwala mo lang sa akin ang paghahanap sa asawa mo."
"Fine! Pasalamat ka at kaibigan kita!" Huminga naman ako ng malalim, "Sana h'wag mo ng paabutin na maging 11 years ang paghahanap mo sa asawa ko!"
"Oo naman! Maka-aasa ka na mahahanap ko ang asawa mo bago mag 11 years."
Inis ko namang pinatay ang cellphone ko.
Fuck it! Where are you Khyra? I can't wait to see you. It's been ten years and I'm still finding you. Please wait for me my wife.
"Sir?"
Napatingin naman ako sa pintuan, dahil sa pagkatok ng sekretarya ko.
"Come in!" Utos ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod.
"Sir I have a——"
Inunahan ko na siya, bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
"If you will tell something bad news right now, better go out!" Banta ko sa kaniya, nakita ko naman ang takot sa mukha niya.
"Sir uh uhmp kasi uh—"
Hinampas ko naman ng malakas ang mesang nasa harapan ko ngayon, "Fuck it! Just say it!"
"It?"
Bigla namang kumulo ang dugo ko dahil sa sagot niya.
"Joke lang naman Sir, masyado kang seryoso." Pagbawi naman niya sa sinabi niya kanina.
Pinakalma ko naman ang sarili ko, "So, why are you here? What do you want to say?"
"Sir nabili na po natin ang buong lupa sa Urbiztondo, ang lupang hinahangad mong makuha."
"That's good! I thought the owners don't want to sell that lot?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Ayaw naman talaga niyang ibenta ang buong lupang iyon Sir. Kaso nag kasakit ang asawa niya, kaya naman napilitan siyang ibenta ang buong lupa niya."
"Double the payment, I want to help the family of that owner."
Lumapit naman siya sa akin at pinagmasdan pa ang mukha ko, "Sir Wow ha? Ang bait mo naman!"
"Tsk!"
"Pero Sir, hindi lang 'yan ang sasabihin ko. Dahil meron ka pang importanteng pwedeng malaman."
Kinunot ko naman ang noo ko sa harapan niya, "What?!"
"Umalis na po ang mga nagrerenta ng lupa sa Urbiztondo, dahil nga nabili mo na po ang lupang iyon. Kaso ang problema Sir, mayroong isang babae ang nagrereklamo."
Humigpit naman ang hawak ko sa lamesa, "Bakit naman nagrereklamo? Ano daw ang problema ng babaeng iyon?" Nagtatakang tanong ko sa aking sekretarya.
"Nagrereklamo po ang babaeng iyon dahil nauna raw po siya roon sa lupang iyon. Binabayaran daw niya iyon kada-buwan, ngunit sa kasamaang palad. Binili mo na daw agad iyon ng hindi man lang tinatanong kung may nauna na roon sa lupang iyon." Kwento pa niya.
"Kasalanan ko ba kung nabili ko agad 'yong lupang 'yon? Kung gusto niyang bilhin yung lupa, dapat binili niya agad 'yon. Hindi 'yong binabayaran niya kada-buwan!" Inis na singhal ko. Dadagdag pa kasi ito sa iniisip ko.
"Iyon na nga ang sinabi ko Sir. Kaso ang sabi niya, wala raw siyang pera at pinag-iipunan pa ang pagbili roon sa lupa."
"I don't have any care for that fucking girl!" Sigaw ko naman sa sekretarya ko.
"Gano'n po ba? Pwes, kayo na po ang bahala sa babaeng iyon. Siguro papunta na siya ngayon. Dahil kanina ay nakita kong paakyat na siya rito."
Agad namang lumaki ang pagkadilat ng mga mata ko.
"What?! Bakit naman daw siya pupunta rito sa kumpanya ko?" Inis na tanong ko.
"Ewan tanungin mo nalang si——"
Napatigil naman sa pagsasalita ang secretary kong si Laira dahil sa malakas na pagbukas ng pintuan ng office ko.
"Nasaan ang Boss mo?!" Sigaw na tanong niya sa secretarya ko.
Hindi niya ako nakita dahil nasa harapan ko si Laira. Kaya naman natakpan niya ako.
Sino ba naman kasi ang hindi matatakpan ni Laira? Sa laki at lapad ng katawan niya.
Nakita ko naman ang paglakad ni Laira sa gilid at ang pagturo niya sa akin.
Kaya naman mabilis na dumako ang paningin ko sa babaeng mapangahas na tumulak ng marahas sa pintuan ko.
Bigla namang lumakas ang kabog ng puso ko, nang makita ang kabuuan ng babaeng tumulak sa pintuan ko.
Napansin ko naman ang pagkagulat niya ng makita niya ako.
Fuck! Its been ten years and she's still beautiful.
Ten years ko siyang pinahanap. Akalain mo, siya na ang lumapit sa akin ngayon.
Fudge! I wanna hug her right now!
"Oh! Ikaw pala ang bumili sa lupang dapat ay bibilhin ko!" Pilit naman niyang saad.
Her hands was trembling and I can see it in my own two eyes.
Trying to talk calm infront of me huh? Then, let's see!
"Laira lumabas ka muna, kakausapin ko lang ang bisita ko." Utos ko naman sa secretary ko na agad naman niyang sinunod.
"Sit here!" Utos ko naman kay Khyra, ang mahal kong asawa.
"No need to sit infront of you! Mabilis lang naman ang sasabihin ko!" Matapang pa niyang sumbat sa akin.
"Mabilis lang? Okay, I'll count One to Three."
"Wait! That's not enough!"
Ngumisi naman ako, "Mabilis lang naman ang sasabihin mo 'diba? Pwes, tatlong segundo ang ibibigay ko sa'yo upang sabihin ang sasabihin mo." Anas ko pa. Napangisi naman ako lalo, nang makita ko ang pagka-inis sa kaniyang mukha.
"You're so unfair!" Sumbat pa niya.
"One!"
"Wait! Tatlong segundo talaga?!" Nanghihinayang na tanong niya sa akin. Ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Two!"
"Okay fine! I'll gonna sit infront of you!" Mabilis na singhal niya at agad na naglakad palapit sa harapan ko.
Napangisi naman ako sa inasal niya.
Hindi pa rin pala siya nagbabago, lagi pa rin siyang talo pagdating sa akin.
"Gusto kong sabihin sayo na ako ang naunang bumili sa lupang binili mo!"
Dumako naman ang paningin ko sa labi niya, tsaka ko siya tinitigan sa mata.
Fuck! I fucking miss her so much! I miss her hug, her kisses, and her body.
"Kung ikaw ang nauna, bakit nabili ko na?" Sumbat ko naman, while acting calm.
"Eh kasi naman! Binayaran mo agad ang lupang iyon! Alam mo namang nagbabayad ako kada-buwan upang mabili lang ang lupang iyon!" Inis na saad naman niya sa akin.
"Hindi ko alam na binabayaran mo 'yon. Bakit ba ako ang sinisisi mo? Binenta lang sa'kin ng may-ari ang lupang iyon."
"Okay fine! Bibilhin ko nalang ang lupa sayo este huhulugan ko pala!" Singhal naman niya.
Napangisi naman ako, "Hindi ko pinagbebenta ang lupang binili ko, Hindi ko binili ang lupang iyon upang ibenta lang."
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang kamay niyang nang-gigigil sa akin.
"Hindi ko ibebenta ang lupang 'yon sa'yo pero pwede ko 'yong ibigay sa'yo." Dagdag ko naman.
Umaliwalas naman agad ang mukha niya, "Really?"
"But in one condition." Nilapit ko naman ang mukha ko sa mukha niya, "Be mine again!——Fuck!"
Napasigaw naman ako sa sakit, dahil sa pagsuntok niya sa mukha ko.
Fuck! Ang tigas ng kamay niya!
"Bakit gusto mo akong mapasayo Spencer? Nagsawa kana ba kay Camille? Nagsawa kana ba sa asawa mo?" Tumaas naman ang isa niyang kilay, "Hindi naman ako magtataka kung magsasawa ka kay Camille. Dahil isa namang sawa si Camille, kaya nga tinuklaw ka niya eh. Tapos nagpatuklaw ka rin!"
Her words hit me so damn!
"Khyra matagal ng wala si Camille rito sa probinsiya. Pumunta na siya sa America dahil 'yon ang utos ko sa kaniya. Sinabi kong ayaw ko na siyang makita pa!" Pag-explain ko naman kay Khyra.
"Tsk! Ganyan kana ba kasama Spencer?! Ni hindi mo man lang pinanagutan ang anak mo sa kaniya?" Sumbat niya sa akin.
"I am not the father of her child!" Sagot ko.
Napansin ko naman ang biglang pagtahimik niya. Nakita ko rin ang pagdapo ng dalawa niyang kamay sa kaniyang bibig.
"So please Khyra, be mine again." pagmamakaawa ko sa kaniya.
Agad naman niyang tinanggal ang kamay sa kaniyang bibig, "Sa ginawa mo sa akin noon, sa tingin mo mapapatawad pa kita?" Bigla namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Spencer alam kong sampung taon na ang nakalipas. Pero yung sakit, dala ko pa rin hanggang ngayon!" Dagdag pa niya.
Hinawakan ko naman ang kamay niya, "Khyra please be mine again please." Pagmamakaawa ko pa ulit sa kaniya. Ngunit kinabig niya lang ang kamay ko at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"H'wag mo akong hawakan! Hanggang ngayon nandidiri pa rin ako sayo!" Sigaw naman niya sa harapan ko.
"Khyra, I will give the lot to you but please be mine. Just be mine again." Pangungulit ko pa sa kaniya.
"Spencer! Bibilhin ko pa rin ang lupa sa ayaw at sa gusto mo! Bibilhin ko pa rin iyon sa'yo!" Pagmamatigas naman niya sa akin.
"Hindi ko binebenta ang lupang 'yon Khyra!" Diniin ko naman ang pagkahawak ko sa aking lamesa, "But if you really want to get that lot, then be mine! That's so easy Khyra!"
"Kahit ano pang sabihin mo bibilhin ko pa rin sayo ang lupang 'yon!"
Tinitigan ko naman siya ng seryoso, "Mrs. Khyra Salvatore h'wag mong ipagpilitan ang gusto mo, dahil kaya kitang paalisin ngayon sa lupang iyon." Banta ko naman sa kaniya.
"Its Miss Khyra Montero, matagal na tayong divorce Mr. Salvatore!" Pagtatama naman niya sa sinabi ko.
"Hindi pa tayo divorce Khyra! Pinunit ko ang divorce paper na pinirmahan mo noon, dahil nalaman kong hindi ko anak ang batang dinadala ng kaibigan mo!" Tugon ko naman sa kaniya.
Peke naman siyang tumawa, "Hahaha! Sayang naman!" Malungkot na saad niya.
Bigla namang kumulo ang dugo ko. Fuck! Buti nalang at asawa ko siya, kung hindi kanina ko pa siya pinagtabuyan sa harapan ko.
"Look Khyra, kahit anong gawin mo. Kasal pa rin tayo! Kaya kung ako sayo, bumalik kana sa akin!" Banta ko naman sa kaniya.
"Kasal pa rin tayo? Spencer sa papel lang tayo kasal, matagal ng nasira iyon dahil sa'yo!" Padabog naman niyang hinapas ang lamesa, "Kung kasal man tayo, papel lang iyon Spencer. Papel lang na madaling punitin!" Dagdag pa niya.
"At sa tingin mo papayag akong punitin mo ang katibayan ng kasalan nating dalawa?" Singhal ko naman sa kaniya.
"Matagal ko ng napunit 'yon sa aking isipan, kasabay ng pagpunit mo ng puso ko!" Sumbat naman niya sa akin.
"Khyra can we just forget that moment? Its been ten years for fucking sake!" I shouted.
"Yeah! Its been ten years, but the scars in my heart is still here!"
"I'm so sorry." Paghingi ko naman sa kaniya ng tawad.
"Sorry? Too late Spencer!"
"Khyra please bumalik kana lang sa akin, tatanggapin ko kahit hindi mo ako mabigyan ng anak. Mahal kita Khyra! Mahal na mahal."
"Sana noon mo palang ako tinanggap Spencer, para sana masaya pa tayo hanggang ngayon!" Sumbat naman niya sa akin.
"Handa akong bumawi sayo Khyra. Just ple——"
"Stop it Spencer! Tama na! Tama na yung sakit na binigay mo sa akin noon. Tsaka pwede ba? Yung lupa ang pinunta ko rito, hindi ang balikan ang nakaraan natin." Pagsabat naman niya sa sasabihin ko.
"Fuck!" Sigaw ko ng sinuntok niya ulit ang mukha ko.
"Dalawang suntok na ang natamo mo, sana magising kana sa katotohanan na wala ng tayo!" Singhal pa niya bago naglakad papunta sa pintuan, ngunit tumigil naman agad siya at tumingin ulit sa akin.
"Hinding hindi ako aalis sa lupang binili mo Spencer! Dahil bibilhin ko 'yon sayo, kahit sa ayaw at sa gusto mo!" Pahabol niyang saad, bago tuluyang umalis sa harapan ko.
Hinding hindi rin kita papalayasin sa lupang iyon Khyra. Napakatagal kitang hinanap, kaya hindi ako papayag na mawala ka pa. Sa akin ka rin babagsak mahal kong asawa!