Chapter 2
-Spencer POV-
Hindi naman mawala-wala sa aking isipan ang naging eksena kanina.
Fudge! Kung hindi lang ako nakapagtiis, baka nasa kama na kaming dalawa ngayon.
"Sir, you have a meeting wi——"
"Cancel all my meetings and appointments today!"
"But Sir!"
"No more but's!" Madiin na tugon ko.
Agad naman siyang napatayo at naglakad paalis. Kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Zach.
"Zach! I already find my wife!" Seryosong saad ko, nang sagutin niya ang tawag ko.
Narinig ko naman ang pagtikhim niya bago magsalita, "How?"
Napansin ko naman ang pagkagulat sa kaniyang boses. Parang hindi naniniwala sa aking sinabi.
"She came here awhile ago! Cause She wants to buy my lot."
"Ahh." Napansin ko naman ang panghihinayang sa kaniyang salita. Kaya naman agad kumunot ang noo ko.
"Need to end the call!" Singhal pa niya at pinatayan na ako.
Fuck! What's wrong with him?
Fuck! Napakarami ko ng iniisip ngayon! Para na akong mababaliw dito.
Bigla naman akong napatingin sa gilid ko, kung saan naroon ang gitara na regalo sa akin ni Khyra noon.
I really treasure the guitar she gave me.
Hindi ko naman namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa gilid ko, at hindi ko namamalayan na hawak-hawak ko na ang gitara.
I started playing the guitar. Then suddenly I feel so comfortable.
"Ouch! Fuck!" Sigaw ko, nang biglang napigtas ang isang string ng gitara.
Fudge! Kailangan ko na namang ipa-ayos ito. Hindi pwedeng mawala ang gitarang ito, dahil bigay ito ng taong pinakamamahal ko.
Linagay ko naman ang gitarang hawak ko sa kaniyang lalagyan. Tsaka ko ito binitbit at naglakad palabas sa office ko.
"Good afternoon Sir." Bati naman nila sa akin habang palabas ako sa sarili kong kompanya.
Nakita ko pa ang pagyuko nila sa akin bilang pagrespeto. Kaya naman tinanguan ko nalang sila at nagmadali ng lumabas.
I need to go in the mall now!
Meron kasi akong kilala sa Mall kung saan inaayos nila ang nasirang gamit. Kaya naman agad kong pinaandar ang kotse kong Mercedes-Benz.
"I need you to fix this as soon as possible." Utos ko naman sa isang staff dito sa mall. Kung saan nakatambak ang maraming gitara na iba't iba ang klase.
"Sir, pwede ka naman pong bumili nalang ng bago. Marami po kaming bagong labas na gitara ngayon."
Hinampas ko naman ang lamesa na nasa harapan niya ngayon, "I just want you to fix that fucking guitar!"
Bigla naman siyang nanginig sa takot, "S-Sorry —"
"It's okay, just fix that guitar and I'll double the payment."
Umaliwalas naman agad ang mukha niya, "Sure Sir. I'll fix this immediately!" agad naman niyang kinuha ang gitara ko. "Sir, maglakad-lakad ka po muna d'yan. Para naman malibang ka at hindi mabagot kahihintay dito sa gitara mo."
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.
Naglakad-lakad naman ako rito sa loob ng mall. Habang pinagmamasdan ang mga taong narito.
It's been two years since I went here, but nothing change.
"Kuyang pogi!"
"Fafa notice me!"
"Pagtumingin ka sa'kin ka!"
"Gaga! Hindi siya titingin sayo, dahil sa akin lang siya!"
"Alam niyo? Ang kakapal ng mukha ninyo! Hindi niyo ba alam na ako ang asawa niyan?"
"Imagine pa girl."
Nainis naman ako sa ingay na naririnig ko sa aking likuran. Kaya naman napalingon ako sa kanila upang tignan kung sino ang tinutukoy nilang lalake.
"Oh gash! Tinignan niya ako mga besh! Na love at first sight yata sa akin."
"Gaga! Ako ang tinignan niya! Asa ka pang ikaw."
"Hoy kayong dalawa! H'wag nga kayong mag daydream! Ako ang tinignan niya ano!"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa mga naging reaction nila.
Is it me? Am I the boy they are talking about? Fudge! I don't have any care to them! I have a wife and I am now married.
Bigla naman akong nagulat nang maramdaman ko na narito na sila sa tabi ko.
"Papicture naman po!" Saad ng isang babaeng maputi at may katangkaran.
I think she's a model.
"Hi, ako ito si Anne na mahal na mahal ka." Pagpapakilala naman ng babaeng makapal ang kilay.
"It's not you, it's not her, it's not him. 'Cause it's me, your baby." Sambit din ng babaeng mukhang clown dahil sa kapal ng make-up niya sa kaniyang mukha.
Naramdaman ko naman agad ang paghawak nila sa kamay, braso at katawan ko. Kaya naman biglang tumaas ang dugo ko.
Fuck! Kung hindi lang sila babae, kanina ko pa napagsusuntok ang mga ito.
Dahil nga babae sila, dahan-dahan ko nalang na tinanggal ang kamay nila sa pagkahawak sa akin.
"Shems! Ang pogi mo talaga!"
"Mahal na yata kita!"
"Ikaw na ba ang aking Mr. right? Ikaw na ba ang love my life? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?"
Pinakalma ko naman agad ang sarili ko, dahil sa kaingayan ng tatlong babae na narito sa harapan ko.
Fuck! Nababaliw na yata ang tatlong babaeng 'to.
"Miss thank you for your compliment. Thank you for telling that I'm pogi." Pagpapasalamat ko sa babaeng mukhang model, ngumiti naman siya sa akin.
Tapos tumingin naman ako sa makapal ang kilay, "Mahal mo na yata ako?" pag-uulit ko sa sinabi niya kanina. "Kung gano'n mahal ko rin ang asawa ko." Dagdag ko pa, na agad naman niyang ikinatulala.
Binalingan ko naman ang babaeng nag mumukhang clown, "I'm not your Mr. Right. I'm your Mr. Left!"
Pinasadahan ko naman ng tingin ang bawat isa sa kanila, "Sorry but I am not available. I'm now married." Dagdag ko pa.
Bigla namang nanlumo ang kanilang mga mukha at nag acting pa na parang mahihimatay na.
Tsk! Bakit hindi sila nag artista?
"Mesheket huhu!"
"I feel you bessy! It's so hurt, its tugudug my heart!"
"Help me mga beshy! I'm broken!"
Pinikit ko naman ang mga mata ko dahil sa pagtitimpi na sigawan sila. Kaya naman bago ko minulat ang mga mata ko ay tumalikod na ako upang talikuran sila.
"AKALA MO NAMAN KUNG SINO! MAKARMA KA SANA!" sabay-sabay naman nilang sigaw sa akin, ngunit hindi ko nalang pinansin.
Bigla naman akong napatingin sa paligid ko at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Continue staring at me and I'll assure to all of you, that I'll do everything to fire all of you here!" Sigaw ko naman sa kanila.
Napangisi nalang ako nang kaniya-kaniya na silang tumingin sa malayo. Yung iba ay patay malisya pa.
"Fuck!" Singhal ko, nang makaramdam ako ng gutom.
Tumingin-tingin naman ako sa paligid dito sa mall upang hanapin kung saan naka-pwesto ang mga nagtitinda ng fries.
Fries kasi ang kinakain ko tuwing pumupunta ako sa mall na ito. Yeah! I'm a boy but I don't know why I really like to eat fries.
Iisang pwesto nalang pala ang nagbebenta ng fries dito sa mall na ito. Buti nalang at dalawa lang ang nakapila roon. Isang babae na may kasamang bata.
"Geezz!" Sambit ko pa, nang marinig ko ang malakas na tunog ng tiyan ko.
Hindi naman siguro masama ang sumingit sa pila!
Tumakbo ako papunta sa pwesto ng nagtitinda ng fries. Tsaka ako sumingit sa naunang pumila.
"One big fries please!" Singhal ko agad.
"Sir, Sorry pero may nauna na po sa inyo."
Bigla namang kumuyom ang kamao ko.
Fuck! I'm fucking hungry right now!
"Just give me a one big fries and I will double the payment!" Seryosong utos ko naman sa kaniya.
Napangisi naman ako nang binilisan niya ang pagluto ng fries na inorder ko.
May naramdaman naman ako na may kumakalabit sa tuhod ko, ngunit binalewala ko lang.
Hindi na ako nakapagtimpi dahil paulit-ulit niya akong kinakalabit.
"What?!" Inis na singhal ko sa batang kumakalabit sa akin.
"Phyra!"
Napatingin naman ako sa kasama ng bata, dahil napaka-pamilyar ng kaniyang boses.
Fuck! Mapaglaro ba ang tadhana? Kanina lang ay nakita ko siya sa kompanya ko, ngayon naman makikita ko siya rito.
"Mommy! This guy deserves to be punish! Nauna tayo Mommy, but this guy is so singit-singit in the line!" Napatingin naman ako sa bata.
"Phyra anong sinabi ko noon sayo?" Nabalik naman ang tingin ko sa aking asawa.
"Respect the one whose older than you." Anas naman ng bata. Kaya nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"But Mommy, you also said to me before that don't make singit-singit if there's nauna na in the line." Mataray naman na dagdag ng bata.
"Sir eto po ang order niyong fries."
Bigla naman akong napatingin sa nagbebenta at tulala kong kinuha ang fries tsaka ko ito binayaran.
"Keep the change." Sambit ko, tsaka ulit ako tumingin sa likuran ko. Kung saan naroon ang asawa ko at ang batang nag ngangalang Phyra.
"Hey Mister! I will forgive you this time. But if you make singit-singit again, I'll pull your balls!"
Napamulagat naman ang dalawa kong mata sa batang babae na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na nasabi niya ang mga katagang iyon.
She is so young for fucking sake!
"Baby let's go home!" Pagmamadali naman ni Khyra habang hawak-hawak ang kamay ng bata.
"But Mommy! I want fries!" Pagmamaktol naman ng bata.
"I'll buy you next time baby."
"But Mom—"
"Baby!" Pinandiinan naman ni Khyra ang pagtawag sa bata.
"Fine Mommy." Tugon naman ng bata, tsaka nag patianod na agad sa paghila sa kaniya ni Khyra.
Bigla namang pumasok sa isipin ko kung sino ang batang babae na kasama niya.
Bakit kaya Mommy ang tawag niya sa asawa ko?
Imposible!
Imposibleng manganak si Khyra!
Imposible! Fuck!
Pero paano kung nag ampon siya?
Imposible pa rin, dahil kamukhang kamukha niya ang batang iyon.
Ngunit paano? Paanong nangyari na nanganak siya?
At kung sariling anak man niya ang batang iyon, Sino ang ama?
Imposible ba na ako ang ama ng batang iyon?
Fuck! Naguguluhan ako!
Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa asawa ko, no'ng maghiwalay kami ten years ago.
"Hello Zach?" Pagtawag ko naman kay Zach sa cellphone na hawak ko.
"Anong kailangan mo Spencer? 'Diba nahanap mo na ang asawa mo?" Rinig ko naman ang pagka-sarkastiko ng kaniyang salita.
Fuck! What is wrong with him?
"I need you to investigate the life of my wife ten years ago! Gusto kong alamin mo lahat ng nangyari sa kaniya noong maghiwalay kaming dalawa."
"Bakit mo naman naisipan 'yan Spencer?" Hindi ko nakikita ang reaction niya ngayon, ngunit base sa pananalita niya. Alam kong gulat na gulat siya.
"Nakita ko ulit siya ngayon sa mall."
"Tapos?"
"Nakita ko siya rito na may kasamang batang babae!" Deretso kong sagot sa kaniya. Narinig ko naman ang malakas na pagbagsak ng isang bagay doon sa kabilang linya.
Fuck! He's acting weird!
"A-ano ang s-sinabi niya sayo? May na kwento ba siya?" Kinakabahan naman niyang tanong sa akin.
Humigpit naman ang hawak ko sa cellphone ko, "Wala! Kaya nga gusto kong alamin mo ang nangyari sa asawa ko noong mag hiwalay kami. Gusto ko ring alamin mo kung sino ang batang kasama niya—Hello? Zach?" Umakyat naman ang dugo ko dahil sa pagka-inis.
Fuck! Pinatayan lang niya ako ng tawag! Ano bang problema niya?
He's my long time friend, and I really know him for a long time. But, this is the day I feel that he's acting weird! His not like this before! What's wrong?
Tinawagan ko naman agad ang isa sa kilala ko ring magaling na investigator.
"Alpha, I need your help!"
"Payment first!" Tugon naman niya, kahit kailan talaga hindi nagbabago ang lalaking ito.
"I will send the money to you! Name your payment!"
" 'Yan ang gusto ko sayo Spencer eh! Ano ba ang ipapagawa mo?"
"Gusto kong alamin mo ang nangyari sa asawa ko noong maghiwalay kami ten years ago. Lahat ng detalye niya ay alamin mo!"
" 'Yan lang ba? Sige, maka-aasa ka!"
"Meron pa!" Singhal ko naman.
"Ano?"
"Investigate my friend too!"
"Sino? Si Zach ba?"
"Oo!"
Narinig ko naman ang paghalakhak niya sa kabilang linya, "I will investigate the best investigator huh?"
"I'll double the payment you want! Just investigate him too!"
"Bakit naman na isipan mong pa-imbestigahan ang kaibigan mo Spencer? Wala ka bang tiwala sa kaniya?"
"Just investigate him! H'wag ka ng magtanong pa! Babayaran naman kita."
"Okay! Just payment first!"
"Sure!" Tugon ko, bago ko pinatay ang aming linya.
"I'm so sorry Zach! Kailangan kitang pa-imbestigahan. Lalo na at iba ang kinikilos mo. I can't even understand you anymore! Nasira na ang tiwala ko sa'yo." Sambit ko naman, nang maibaba ko ang aking cellphone.
Malalaman ko rin ang lahat, lalo na ang nangyari kay Khyra. Malalaman ko rin kung sino nga ba ang batang kasama niya kanina.
Fuck! Yung gitara ko nga pala!