CHAPTER 25- MORNING SICKNESS
NAGISING akong napakakagaan ng pakiramdam. Para bang napakaganda ng mood ko, at napaka freah ng utak.
Nakangiti akong idinilat ang aking mata. Bakit ba parang napakasaya ko ngayon?
Nagunat ako ng kamay, at sa pagunat ko may nasagi akong isang matigas na bulto. Kaagad ko itong binalingan.
Ganun nalang ang pagsilay ng ngiti ko sa labi ng makita ang maamong natutulog na mukha ni Senyorito.
Ang gwapo!
Ang haba ng pilik mata, ang tangos ng ilong, ang nipis ng labi, ang kapal ng kilay, isali na din natin ang makapal niyang mukha. Lihim nalang akong napatawa sa ideyang naiisip.
Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang maskulado nitong braso.
Napatigil nalang ako ng bigla akong may maalala. Kaagad kong binalingan ang aking katawan. Mas lalo pa akong napangiti ng makitang may suot na nga ako na blouse at pajama.
Binihisin niya nga ako.
Binalingan ko ulit ang maamong mukha ni Senyorito. Napakalapit lang ng pagitan ng mga mukha naming dalawa, at sa hindi malamang kadahilanan, gustong gusto kong ilapat ang labi ko sa labi niya.
Para kasi akong nagdidileryo na naiiyak kapag hindi ko nahalikan ito.
Napatigil nalang ako. Ano bang nangyayari sa akin? Kani-kanina lang napakaganda ng mood ko, tapos ngayon para na akong naiiyak!
Baliw na ba ako!?
Mahimbing paring natutulog si Senyorito, hindi naman siguro niya mararamdaman kapag hinalikan ko siya, peek kiss lang naman sa lips ang gagawin ko.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Bahala na si Batman!
Dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito.
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili at tuloyan ko ng inilapat ang labi ko sa malalambot niyang mga labi.
Napapikit nalang ako. Parang nagwawala ang systema ko. I don’t know pero pakiramdam ko ang sarap ng labi nito ngayon.
Ilalayo ko na sana ang labi ko mula sa labi nito ng bigla nalang gumalaw ang kamay niya at naglakabay patungo sa batok ko, pinihit niya ito dahilan upang mas lalong napadikit ang labi ko sa labi niya.
Seconds passed, natagpuan ko nalang ang sarili kong tinutugon ang halik ni Senyorito.
Bakit ba parang napakahayok ko sa halik ngayon!?
“What a great morning” biglang nakangising saad nito ng maghiwalay ang labi naming dalawa.
Kaagad ko siyang tinalikoran.
Pota! Nahihiya ako sa ginawa kong paghalik sa kan--- Napatigil nalang ako ng maramdamang biglang gumalaw ang kama at narinig ko nalang ang tumatakbong yabag nito patungong cr.
Kunot noo akong bumangon at binalingan ng tingin ang tumatakbong si Senyorito.
Anong nangyari dun?
Bumangon ako at susundan sana ito.
Pero, baka sumakit lang ang tiyan niya kaya kumaripas siya ng takbo papuntang cr.
Sa ideyang yun, nagligpit nalang ako ng pinaghigaan naming dalawa, hihintayin ko nalang siyang lumabas.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na ako sa pagliligpit pero hindi parin ito lumalabas mula sa banyo.
Ano ba talaga ang ginagawa niya sa loob?
“Senyori---” Napatigil ako sa patawag ng bigla itong lumabas galing sa banyo. Parang namumutla ito.
“Bakit ang tagal mo sa loob?” Kunot noong tanong ko.
Ngisi lang ang isinagot ng kupal habang naglalakad papalapit sa akin.
“I just released some of my sperm, Panda” nakangising saad nito habang umuupo sa kama---paharap sa akin.
Nakatayo kasi ako paharap sa paanan ng kama.
Baka guni guni ko lang.
“Alam mo, napakahalay—”
“Sino bang bigla bigla nalang nanghahalik?” biglang tanong nito na ikinapula ng pagmumukha ko.
“I’m just sleeping peacefully, then suddenly you---a beautiful maiden awakens my horny hormones. Alam mo namang hindi----the fuck! Why are you crying baby?” mabilis pa sa alas kwatro itong tumayo ng makitang umiiyak na ako.
“Panda, bakit ka ba umiiyak?” bakas ang pagaalala sa mukha ni Senyorito.
Panay lang ang hikbi ko, pati din kasi ako hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, basta bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nung nagsasalita siya, pakiramdam ko kasi pinapagalitan niya ako.
“Panda” niyakap niya ako. “Sabihin mo sa akin, may masakit ba sayo?” tanong nito habang hinahaplos ang likod ko, pero panay parin ang hikbi ko.
“W-wala” hikbi ko habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi.
Baliw na nga siguro ako kasi bigla nalang akong umiiyak ng walang matinong dahilan.
Bigla naman itong pumiglas sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
“Bakit ka ba talaga umiiyak?
Sabihin mo sa akin, may nagawa ba akong nakasakit sayo?” tinutuyo nito ang konting butil ng luha sa pisngi ko, bakas parin ang pangamba sa mukha niya.
Hindi ako sumagot at panay lang ang titig sa labi niya.
Ang ganda at ang lambot tingnan ng mga labi ni Senyorito, nagsisimula na namang magdileryo ang utak ko, binubulongan na naman ako na halikan ito. Ang sarap talaga---
“Sky, sagotin mo naman ako, nagsisimula na akong magalala say—”
Napahinto ito sa pagsasalita ng bigla nalang akong tumingkayad at bigla nalang inilapat ang labi ko sa labi niya.
“Hmmmm” napaungol nalang ako ng mahina. Sa hindi malamang kadahilanan ang sarap talaga ng labi ni Senyorito ngayong umaga.
Pinutol ko ang halik at nakangiting umayos ng tayo. Bumalik na naman ang mood ko.
“Liam” nakangiting saad ko.
Pero ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang nakaestatwa lang ito sa kinatatayuan niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
Iwan ko, pero para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa akin.
“Liam, ano bang nangyayari sayo?” tanong ko habang sinusundot sundot ang tagiliran niya. Ang cute, malambot na matigas ang tagiliran ni Senyorito.
“Fuck!” biglang mura nito dahilan upang napaigtad ako sa gulat.
“Sky, ano bang nangyayari sayo?” bakas ang kaguluhan sa mukha niya.
“Pangalawang beses mo na akong hinalikan ngayong umaga, tapos sa pinakaunang beses tinawag mo ako sa totoo kong pangalan” napasabunot ito sa sariling buhok. “Ano ba talagang nangyayari sayo?” lugong lugong tanong nito.
“Iwan ko” kibit balikat na sagot ko habang sinusundot sundot parin ang tagiliran niya, pero kaagad naman akong natigilan ng bigla nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko dahilan upang napatingin ako sa mukha niya. Seryoso itong nakatingin sa akin.
“Sky” seryoso itong nakatitig sa akin.
“Sagotin mo lahat ng itatanong ko, okay?” anito. Nagugulohan man tumango parin ako habang nakakunot ang noo.
“Okay, mahal mo ba ako?” seryosong tanong nito na mas lalo pang ikinakunot ng noo ko.
Bakit biglang naging weirdo itong si Senyorito!?
“Oo, mahal kita” sagot ko na bigla nitong ikinangiti, dumukwang ito at hinalikan ang noo ko.
“Sabi ko nga, normal pa ang Panda ko” hinapit nito ang beywang ko at napadikit ako sa kanya. “Bakit ba bigla ka nalang naging weirdo?” tanong nito.
Kunot noo ko siyang binalingan.
“Hindi naman ah, mas weirdo ka panga keysa sa akin” sagot ko habang nakatitig na naman sa labi niya.
Ano ba tukso!
Layuan mo ako!
Kaagad kong iniwas ang tingin sa labi nito. Baka saan pato mapunta.
At kapagkuwan, bigla akong natigilan ng bigla na namang umikot ang utak ko.
Iba na naman ang gusto ko.
“Senyorito” naglalambing akong yumakap sa kanya. “Pwede ba akong pumunta sa Mall?” naglalambing na tanong ko. Naramdaman ko munang hinaplos nito ang buhok ko.
“Hindi ako pwede ngayon, Panda, nangako kasi ako kay Mommy na pupuntahan ko siya ngayon”
“Pwede naman na ako lang ang magisa na pumunta sa Mall, kaya ko naman eh” mabilis pa sa alas kwatrong saad ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko namang natahimik ito habang seryosong nakatitig sa akin. “Sige na Senyorito, payagan mo na ako” pagmamakaawa ko.
Bigla naman itong napabuga ng hininga. “Fine” anito na ikinangiti ko.
“Pero, tawagan mo ako kapag—”
“Wala akong cellphone, tinapon mo, remember?” putol ko sa kanya.
Hindi pa kasi ako nakakabili ng bago.
“Basta, umuwi ka nalang ng maaga” parang napipilitang saad nito.
Kaagad ko siyang hinalikan sa pisngi.
“Thank you, Liam—”
“Stop that” madilim na putol nito sa akin “It’s Senyorito not Liam, mas gusto kong ganun ang itawag mo sa akin kasi ikaw lang ang tumatawag sa akin ng ganun, and I felt really special when you call Senyorito” anito.
Napangiti naman ako. “Okay Senyorito, maliligo na ako” saad ko sabay takbo papuntang banyo.
“Panda! Sabay tayo!” sigaw nito.
“Manigas ka jan! balik sigaw ko sa kanya.
Excited na akong pumunta sa Mall!
HAPPY READING GUYSOO