Chapter 30: The 5 Rules

Rumored 30:

( The 5 Rules )

Pumunta ako sa condo na tinutuluyan ngayon ni Chase, Sunday naman ngayon kaya alam kong nandito siya. I have his duplicate key kaya anytime pwede ako magpunta rito. I'm also planning na ipagluto ko siya ng lunch saka roon ko sasabihin yung about sa scholarship na natanggap ko. Three days na lang ang palugit ko kaya dapat ko na talaga 'tong masabi sa kanya.

"Tulog pa kaya si Chase?" Tanong ko sa sarili ko noong pihitin ko yung door knob papasok sa condo niya. Napatingin din ako sa wrist watch ko at eight a. m pa lang kaya malamang tulog pa nga siya.

Maingat kong binaba yung mga binili ko sa dining table niya. Hindi ko naman kailangan maglinis dito kasi organized na at malinis nang tingnan.

Halos lamigin ako noong makapasok ako sa kwarto niya dahil sa lamig na salubong ng aircon. Ang lamig as in jusko! Parang ni-freezer ako bigla hinanap ko yung remote para sana hinaan man lang 'yon. Grabe hindi ba siya giniginaw?

Napunta ang tingin ko kay Chase na payapang natutulog habang nakataklob ng comforter ang kalahating katawan niya. Habang yung kaliwang kamay nakapatong sa may tiyan niya yung kanan naman nasa may bandang mukha niya. Ang cute niyang tingnan para sa akin, actually para siyang baby. Baby ko.

Halos maghysteria nanaman puso ko dahil sa naalala ko sa nangyari noong mga nakaraang linggo rito sa condo niya.

"Iyon pa talaga inisip mo?" Inis na sabi ko sa sarili ko at napailing.

Napatingin ulit ako kay Chase na sobrang himbing ng tulog. Ito talaga yung hindi ko maintidihan na kahit tulog na siya at lahat ang gwapo pa rin niya? Actually nga, mukha pa siyang anghel pag natutulog? Mukhang model ng unan at kama?

"Grabe ka na Kaylle! Pumirmi ka nga!" Inis na kausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga daliri ko na nakaturo sa akin.

Ewan ko ba. Tulog naman itong si Chase pero grabe nagagawa niya rito sa puso ko. Hindi naman ako sobrang in love 'di ba? Jusmiyo nakakabaliw na 'to.

Paalis na sana ako sa kwarto niya pero halos mapatili ako noong may humatak sa akin pahiga.

"You're here." Hindi pa ako nakakapagsalita pero mas lalong humigpit yung pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya na ako pakawalan.

"Chase," I'll try to escape from his both arms na nakapulupot sa akin pero halos kilabutan ako when he start to kiss my left shoulder up to my neck.

"Don't move." His sexy voice though grabe nakakaturn-on.

Gusto ko mapamura sa mga naiisip ko dahil iba na 'to. Samahan pa nang pag-aalburoto nitong puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito ngayon na para bang kulang na lang atakihin na ako nito sa puso.

"How'd you get in here?" Medyo raspy boses niya sa pagkakasabi niya n'yan.

Ramdam ko yung mga mainit na paghinga niya sa may bandang leeg ko. Tapos ang loko may pakagat pa sa tainga ko!

"Ahm... Ano 'di ba binigyan mo'ko ng... duplicate key mo..?" I want to curse myself dahil sa pagkakasabi ko niyan na medyo pa ungol

Chase smirked at mukhang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya sa akin kaya naman buong lakas ko siya na itulak. "Haynako! Ikaw talaga minamanyak mo nanaman ako!" Ani ko sa kanya noong maitulak ko siya

Humagalpak lang siya ng tawa at iling habang nakahiga, "pero sabi mo noon okay lang na manyakin ka basta boyfriend mo?" Pilyong asar niya sa akin

"Hoyyy! W-wala akong sinasabing gano'n!" Wala akong maalala na sinabi ko 'yan sa kanya!

"Don't you remembered it?" Taas ang dalawang kilay nito sa akin habang diretso itong nakatingin sa akin kaya mabilis akong umiling kaya natawa ulit siya, "sabi mo pa nga okay lang sayo na hubaran ka pag boyfriend mo na yung tao, so is that mean that I can get you naked and-"

"Haynako! Bahala ka na d'yan maghahanda na ako ng almusal natin," naloloka kasi ako sa mga sinasabi niya pero tatayo pa lang ako sa kama niya hinila nanaman niya ako kaya napaupo ulit ako

"Where's my good morning kiss?" Aangal pa sana ako kaso nagsalita nanaman siya. "You didn't kiss me yet since you got here." Hirit niya kaya no choice lumapit ako para halikan siya sa labi pero smack kiss lang yung ginawa ko.

"Come on! Is that it? Is that even a kiss?"

"Ang arte mo naman paano ba dapat?"

"Here let me teach you," sa pagkakasabi niya no'n halos manigas ako sa kinauupuan ko when he start to lean forward and our lips touched. Na halos ika-hysteria ng puso ko dahil sa bilis ng pangyayari!

Halos mapasinghab ako sa ginawa niya na paglalim sa paghalik niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa bibig ko. His tongue even tried to play with mine hanggang sa hindi ko na kinaya yung tension at tuluyan na akong bumigay sa mga halik niya, he's start to deepen the kiss noong naramdaman ko ang pag ibabaw niya sa akin. His kiss are tasted like a chocolate na sobrang nakaka-adik at take note kakagising niya lang pero infairness hindi siya bad breath!

Marahan akong napamulat ng mata when he pulled away na nakangisi while we're both catching our breath. "That's what you called kiss hindi yung ginawa mo kanina," nakangising sabi niya habang nakatingin siya sa mga mata ko pero hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong mga oras na'to dahil dahan-dahan ko muli nilapat muli yung labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam kung tama ba yung hinalikan ko siya ulit, gusto ko na huminto pero damn it! Parang tumigil ang mga oras na ito para sa akin. Dahil sadyang nakaka-adik talaga yung mga halik niya. Yung tipo na para kang nawawala sa sarili mo pag hinahalikan ka niya? I wonder kung ilang babae na ba ang nahalikan ng mga labi nito.

Yung labi niyang malalambot na parang mallows at gaya nga ng sabi ko he tasted like a sweet chocolate kaya sinong hindi maadik sa mga halik niya na ito?

Halos magsitaasan yung balahibo ko noong naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng mga halik niya papunta sa leeg ko.

Nakakakiliti at nakakakuryente bumibigat din yung paghinga ko sa bawat pag atake niya ng halik sa akin at ramdam ko rin yung pag-init ng buong katawan ko sa mga halik niya. Ang weird sa pakiramdam pero gustong-gusto ng katawan ko ang ginagawa niya.

My goodness! Nagiging manyak na ako! Hindi ako 'to. Hindi ko maiwasan hindi mapakapit sa balikat niya noong naramdaman ko ang marahan niyang pagkagat sa gilid ng tainga ko, plus pa yung mainit niyang paghinga na nararamdaman ko sa may bandang tainga ko. My goodness! Nakakakiliti. Jusme ano ba ginagawa niya? Natuturn-on ako!

He was going to kiss me on my lips again. Sana.. Pero napatigil siya noong may narinig siyang mag doorbell maski ako natauhan kaya napaayos din ako.

Agad akong nakaramdam nang hiya noong magtama ang mga mata namin, pero nawala rin naman 'yon nung hinalikan niya ako sa noo ko bago siya lumabas ng kwarto niya. Napapaisip tuloy ako kung walang interupsyon ang nangyari ano na kaya mangyayari sa amin? Muntikan ko pa atang masuko yung dapat isuko kung hindi kami titigil.

Tapos na kami mananghalian at hindi ko pa rin nasasabi kay Chase yung dahilan ng pagpunta ko rito, kinakabahan ako pero kailangan ko na talaga 'to masabi.

Napatingala ako at napabuga ng hangin dahilan kung bakit napunta sa akin yung atensyon niya, "What's wrong?" inosenteng tanong niya sa akin.

"Uhm, Chase..." Parang umurong yung dila ko noong parang handa na talaga siyang makinig sa anumang lalabas sa bibig ko.

"What?" Taas ang kilay niya habang hinihintay niya akong magsalita.

Nandito kami sa may sala niya nanunuod ng action movies sa Netflix habang magkatabi kami.

"Is there something bothering you? Tell me, what is it?" Tanong niya muli sa akin kaya napabuntong hininga ako at tumingin sa mga mata niya na nakatingin sa akin. Napangiti ako ng pilit noong hinawakan ni Chase ang kamay ko. Muli akong tumingin sa mga mata niya at marahang sinabi ang gusto kong sabihin sa kanya mula pa kanina.

"Uhmm Chase, kaya nga pala ako narito para sabihin sa'yo na isa ako sa mga napili na magstudy abroad ni Misis Castro, ako raw kasi yung isa sa mga mahusay na estudyante niya sa pag-bi-bake." Medyo kinabahan ako dahil ilang segundo siya natigilan sa sinabi ko na parang inaabsorb niya pa yung mga sinabi ko sa kanya, hanggang sa marahan itong tumango at bumuntong hininga. Kinakabahan man ako sa magiging tugon niya sa akin pinilit ko pa rin maging cool kahit na sa totoo lang grabe yung paghysteria nitong puso ko sa sinabi ko, dahil sa madaming what- ifs na tinatanong ng isip ko gaya nalamang nang kung pipigilan ba niya ako?

"How much do you like to bake?" Blankong ekspresyon na tanong nito sa akin habang nilalaro ang magkahawak naming mga kamay

Agad akong ngumiti ng napaka lapad sa tanong niya, "sobrang gusto ko magbake Chase, alam mo pag nag-bi-bake ako nakakagaan sa pakiramdam at napakasaya ko basta hindi ko ma-explain yung feeling! Tsaka, Chase alam mo naman siguro na passion ko na talaga 'to, hobbies ko na rin," nakangiting tugon ko sa kanya kaya marahan naman itong tumango habang pinagmamasdan ako.

"Then go for it, I can't do anything about it." He shrugged his shoulder, "It's your dream. I love you Kaylle, and seeing you happy makes me happier. I want you to grow and explore," sabi nito bago marahang ngumiti.

"I really do love you Kaylle, and I want to see my girl that she's achieving her own dreams, her goals in life. Ayoko naman na itali lang kita rito sa tabi ko, and sooner or later you regret na you choose to be with me at hindi mo nagawa yung mga pangarap mo na 'yan because of me and I don't want that na in future masusumbat mo 'yan sa akin." Sabi nito na biglang namungay ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Gusto ko sabay tayo mag explore at mag grow." Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa naririnig ko ngayon sa boyfriend ko.

"So you mean na..." marahan itong tumango bago umiwas ng tingin sa akin, "But I have to make a rules dahil wala ako sa tabi mo para bantayan ka roon" medyo nag susuplado na sabi nito kaya mas lalong lumapad mga ngiti ko.

"Anong rules naman 'yon? Ikaw talaga akala mo naman ipagpapalit kita," ani ko sabay kurot sa kanang pisngi niya kaya mas lalong kumunot ang noo niya.

"I'm just making sure. Ayokong mangyari ang nangyari dati," tugon niya kaya naman nawala mga ngiti ko sa sinabi niya, kasi naiintindihan ko naman na siguro na-trauma siya roon.

"Okay ano ba yung mga 'yon?"

"Just 5 rules," sagot naman niya" pinakita niya pa sa akin yung daliri niya na limang rules 'yon na dapat kong sundin.

"Since it's America you can wear anything liberated but I'm not there kung may mambastos sa'yo, I can't protect you."

"Eh, alam mo naman yung choices of clothing ko 'di ba? Kaya malabong magsuot ako ng mga gano'n. Atsaka alam mo namang flat chested ako, hindi ko kaya magsuot ng mga pang sexy na damit kahit na gusto ko wala naman kasing kakapitan," natatawang sabi ko kaya ang sama ng tingin niya sa akin.

"It doesn't make you less a girl kung wala ka man ang mga bagay na meron ang iba. Kaylle, I don't want you to hear that you're looking down on yourself because for me you are more than enough," seryosong saad niya kaya hindi ko maiwasan na hindi mapangiti at mapayakap sa kanya.

"Bakit ka ba masyadong seryoso? Nagbibiro lang naman ako," sabi ko habang yakap siya. Hindi ko maiwasan talaga na isipin na sobrang swerte ko talaga sa lalaking 'to.

"Kailan ba alis mo?" Tanong niya na mas lalong nagpahigpit sa yakap ko.

"Sa Wednesday." Kumalas siya sa pagkakayakap ko at tiningan ang mga mata ko, "Actually, binigyan lang kasi talaga ako ng ilang linggo ni Misis Castro kasi replacement lang ako sa umourong na studyante," paliwanag ko.

"Ilang araw na lang pala kita makakasama," ngumisi siya at umiling. "Hindi ka pa nakakaalis namimiss na agad kita," dagdag na ani niya kaya bumigat pakiramdam ko.

"Chase naman eh!" Gusto ko maiyak kasi naman wala pa nga hindi pa nga ako nakakaalis gumaganyan na siya. Ang hirap kaya!

"Ano ba yung rules mo?" Tanong ko sa kanya.

Hinalikan niya yung noo ko, "Rule number one, I don't want you to be so close with any other guy but me," sunod niyang hinalikan ang ilong ko. "Rule number two, don't talk to any guy who approaches you. You should introduce me to your guy friends. I'm the one to judge if he can be friends with you."

Sunod naman niyang hinalikan ang kaliwang pisngi ko, "rule number three, if a guy ask you your number tell them you have me, you have a boyfriend kung hindi tumigil just give him my number," sunod niyang hinalikan ang kanang pisngi ko. "Rule number four, I want you to always update me of who's with you and where you at just keep me on track, okay?" Marahan akong napatango habang nakatingin sa mga mapupungay niyang mga mata na para bang nanghihigop.

"And about my rule number five, I want you to stay loyal to me. You should love me because I love you." Huling sabi niya bago niya ako sunggaban ng halik sa labi ko.