Chapter 23: Pageant
Rumored 23:
( Pageant )
We celebrated New Year together at sa totoo lang, feeling ko ito ang pinaka masayang Bagong Taon ko. Kasi hindi na ako nag-iisa with Chase around me. Si Kuya Kenzo kasi he spent his New Year always sa work niya. Napaka-workaholic, nakaka-asar. Si Kuya Kris naman nasa bahay noong pinopormahan niya, kasi inimbitahan siya ng Parents no'n at he can't say 'No', kasi nagpapa-good-shot siya which is I understand naman. Si Yaya Ems naman umuwi sa kanila.
While si Chase naman, ang balak niya talaga this year is magpunta ng London to celebrate New Year with his Grandma. Pero dahil sa akin nag iba yung plano niya. Yung kapatid niya at yung wife naman no'n mukhang okay naman. Yung Parents naman niya pa travel-travel na lang sa kung saang bansa. Parang feeling ko pa nga masusundan pa si Chase e', dahil sa sobrang sweet ng Parents niya.
"Thank you Kaylle, for walking into my life and bringing color to my world, which was once dark and gray." Bulong niya sa akin, habang nanunuod kami ng mga fireworks. Halos sumingkit mga mata ko dahil sa kilig na nararamdaman ko, while his arms are around me.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya, kaya lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. His eyes catches mine, blanko ang expression ng mukha pero kung titignan mo siya sa mga mata niya. It's full of love, full of passion. Parang tuwing tinitignan niya ako, parang ako lang yung taong nakikita niya. Parang ako lang yung napaka-ganda sa mga mata niya. Parang ako lang yung napaka-importante sa buhay niya.
"Alam mo Chase, kung mahal mo 'ko," ani ko habang nakatingin sa mga nangungusap niyang mga mata. Tumaas ang magkabilang kilay niya habang naghihintay ng idudugtong ko sa sinabi ko.
Ngumiti ako ng pilya, "sabihin mo na baka unahan pa kita at kiligin ka pa." Biro ko sa kanya.
"You want me to say it?" Maingat na tanong niya, habang nakatingin sa mga mata ko. Napa-iwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Ito nanaman kasi yung puso ko na grabe mag-hysteria.
Nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa kung saan, "Ikaw kung gust-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita siya ulit.
"I love you," saad niya. Halos ma-out of balance ako sa kinatatayuan ko ngayon. Noong nagtama mga mata namin nginisian niya ako, aba loko 'to ah!
"Wag ka muna kiligin hindi pa ako nagpapakilig," Aba at talagang...
"H-hindi ako kinikilig." Pagtataray ko pero natawa lang siya.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko, at tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Do you have anything to say?" Bakit ba ganyan? Madaya!
"Come on, baby cake. I'm waiting." 'yan nanaman siya sa baby cake niyang 'yan eh.
"I-I love you too Chase," Nauutal na sabi ko dahil sa kaba at dahil na rin sa pagtitig niya sa akin.
Ipinirmi niya ang mga takas na buhok ko sa tainga ko at masyadong mabilis ang pangyayari noong lumapat ang labi niya sa labi ko. Napakurap ako ng ilang beses para siguraduhin kong totoo 'yon, pero parang gusto ko ata mahimatay. Hindi dahil sa bad breath siya o ano pero parang magkakasakit ako sa puso sa ginawa niya. It wasn't my first kiss pero... Masyado talaga akong nabigla sa ginawa niya. It's just a smack kiss kung tutuusin pero feeling ko ang tagal na no'n dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang labi niya.
Hindi ako nakatugon sa halik niya hanggang sa halikan niya rin ako sa noo, "before you met me, I had a broken heart that trapped in the past, I just stayed like that for a year but now it finally stopped, because of you. " Sabi niya sa napapaos na boses.
"Chase," I want to say something. Pero ni-isa walang lumalabas sa bibig ko.
"I cannot see myself marrying someone, Kaylle. Tanggap ko na, na hindi kami ni Ysabelle pero parang hindi ko na makakaya kung pati ikaw hindi ka rin para sa akin."
"You're the source of my happiness, I hope you're aware of that kahit na ang corny ng mga banat mo sa akin." Dagdag niya, "Chase sumusobra ka na!" Ani ko noong bigla ko siyang niyakap at isubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Si Chase lang ang meron ako noong New Year. Pero kahit kaming dalawa lang it's enough and special. Hindi ko ma-explain yung saya na nararamdaman ko. Napaka-romantic kasi alam niyo 'yon? Oo, sabihin na natin na napaka-cliche nga pero pag nag mamahal ka, hindi mo talaga maiiwasan yung mga ganyan. Napaka simple lang kung tutuusin pero yung puso ko grabe na magpalpitate lalo na yung pareho na namin sinabi yung three words!
Sino ba mag aakala na itong si Chase may tinatago pa lang ka-sweet-an? Pero hindi mo naman makikita 'yon, kung hindi ikaw girlfriend niya.
Second week of January at pageant na nang Mr and Ms. Aristotle at nagulat na lang ako na kasali si Connor at siya yung pambato nila sa course nila.
Na-injured daw kasi yung dapat na escort, tapos siya na pinili ng Professor nila at he can't say 'No,' kasi baka raw ibagsak siya sa mga hawak nitong subject niya kaya natawa ako noong nalaman ko iyon. Kasi last minute masyado. Hindi ko alam kung nakapag rehearse ba siya pero dahil nga lagi siyang nagiging escort noon siguro alam niya na rin mga pasikot-sikot ng contest na mga ganito.
Habang masigla at enjoy akong nanunuod ng Pageant si Chase naman nakahulipkip sa tabi ko at halatang bored na bored at ang bibigat ng paghinga habang nakahalukipkip sa tabi ko.
Todo ang cheer namin ng kaibigan kong si Zeah noong nagpakilala si Carlo at the same time tawang-tawa ako kasi ang loko may pagka-comedian. Maraming candidates kaya naman medyo matagal yung pagpapakilala nila hanggang sa mapunta sa talent portion. Every candidates may 2 minutes para mag perform together ng partner nila.
Kumanta si Carlo pati si Geralyn duet sila kaya naman itong katabi kong si Zeah natahimik at hindi magawang mag cheer dahil sa mga gesture at palitan ng ngitian nila Carlo at Geralyn sa stage. Panigurado nanaman akong LQ nanaman sila kaya sana manalo course namin para worth it naman 'yon.
Noong turn naman ni Connor nagulat ako ng sumayaw siya ng Slow Motion at may dalawang lalaki siyang back up dancers. Grabe! Ngayon ko lang kasi nakita na marunong siyang sumayaw at ang lambot pa ng katawan. Kaya na amaze ako ng very light, akala ko kasi kakanta siya along with his guitar pero siguro sinunod niya lang yung talent ng escort nila? Madaming babae ang nagtititili kasi ang swabe talaga ng galaw ni Connor.
Hindi ko magawang magcheer gaya ng ilan, kaya ngingiti-ngiti lang ako at palakpak. "Stay in my lane. You're swerving." Masungit na pagkakasabi ni Chase sa tabi ko kaya kunot-noong binalingan ko siya ng tingin. Ano pa bang ginagawa ko?
"Buti Chase hindi mo naisipan na sumali sa mga ganito?" Tanong ko sa kanya. Binalingan niya ako ng tingin. "No, never in a million years." Agap na sagot niya kaya napangiwi ako. Sayang gandang lalaking nito hindi binabalandra.
"Pero nakaranas ka naman na sumali sa mga pageant at maging escort?" Tanong ko muli sa kanya. Kaya marahan siyang tumango at nag iwas ng tingin pero hinarap ko ulit mukha niya sa akin kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi na uubra kasungitan niya sa akin. Kami na eh.
"Talaga? Anong talent mo? Panalo ka?" Marahan siyang tumango habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
"It's in the past. Ayoko ng balikan 'yon naasar lang ako tuwing naalala ko 'yon. Si Mommy yung nagsali sa akin doon dahil pinakiusapan siya ng class adviser ko noong highschool." Masungit na kwento niya kaya natawa ako.
"But it's a memory. May picture ba si Tita na nasa stage ka at nag-pi-perform? Gusto ko makita itsura mo! Ano yung talent mo? Kumanta ka ba? Sumayaw?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Iniwas niya yung tingin niya sa akin, "I'll sing." Simpleng sagot niya, kaya napangiti ako at sinundot yung tagiliran niya kaya napapitlag nanaman siya at sinamaan ako ng tingin. "Sige nga sample! Kantahan mo 'ko mamaya," biro ko sa kanya kaya inirapan lang niya ako.
Halos 10PM pasado ng gabi noong matapos yung pageant at yung course na BS Entrep yung naging stand out among the other courses sa pageant paano ba naman kasi buwis buhay masyado performance no'n.
Sinamahan ko si Zeah na pumunta doon sa backstage sabi ko kay Chase hintayin niya lang ako sasamahan ko lang saglit si Zey kasi iba na nga ang timpla ng mood niya simula noong kanina.
Napatigil kami sa paglalakad noong tawagin kami ni Connor. "Kaylle!" Masayang tawag sa akin ni Connor kaya kinawayan ko siya. Naka-brush up yung buhok niya at my glitters, naka-formal attire rin siya dahil nga doon sa kanina may hawak din siya bouquet of flowers dahil pang 3rd runner-up siya.
"Galing mo pala sumayaw, galing mo kanina by the way congrats." Natawa siya sa sinabi ni Kazzeah kaya naging visible lalo yung napaka lalim niyang bilog na dimples. "Akala ko nga tapos na yung pagiging escort ko noong highschool hindi pa rin pala," tugon niya kaya natawa ako doon.
"Okay lang 'yan," sabi ko at tinapik siya sa balikat.
"Ay, Kaylle picture tayo?" Anyaya niya sa akin na kinagulat ko pa ng ilang segundo bago marahan na tumango. "Pre, picture-an mo nga kami!" Utos niya sa matalik na kaibigan niya na parang ginawa niya ng PA dahil ang dami nitong hawak.
"Grabe, magkano ba bayad ko rito? Ay," pabirong maktol na biro ng kaibigan niya kaya nagtawanan kami.
Nag peace sign ako habang siya naman is naka-akbay sa akin yung isang kamay naman niya is may hawak na bouquet. Naka-ilang shots din kami may wacky at kung anu-ano pang pose.
"Salamat Kaylle," Ani niya kaya napangiti ako at tumango. Nagpaalam na rin siya sa amin pagkatapos noong picture taking namin. "Mukha ka nga siyang mabait. Pero fuck boy pa rin siya sa paningin ko," si Zeah pagkaalis ni Connor.
"Grabe ka!" Natatawang ani ko.
"Bakit ipagtatanggol mo 'yon? Totoo naman ah?" Anas ni Zeah at tinaasan niya pa ako ng isang kilay niya. Hindi siya fuck boy, siguro naging pa-fall lang siya? Ewan ko, hindi ko rin alam.
"Carlo?"
Noong makita namin si Carlo halos tumakas yung puso ko sa ribcage ko dahil sa nakita ko at siguro gano'n din yung kay Zey pero mas masakit nga lang. I've never thought na magagawa niya 'to sa kaibigan ko.
"Babe, let me explain. Magpapaliwanag-" hindi na pinatapos ni Zeah yung sasabihin niya noong umalis na siya roon kaya sinundan ko agad yung best friend ko. Pero huminto ako ng ilang hakbang bago tapunan ng tingin si Carlo at Geraldine at napa-iling dahil na-di-disappoint ako.
Nagkatinginan kami ni Chase habang kino-comfort ko si Zeah, na humahagulgol sa pag iyak iniwan niya muna kami saglit para makapag-usap ng kaibigan ko.
"Tahan na, best!" Ani ko at niyakap siya.
Pero umiling-iling siya kaya napakalas ako ng yakap sa kanya, "Ang sakit best!" Simula niya habang sinusubukan niya pigilan yung luha na gusto tumakas sa mga mata niya.
"Grabe, best! Kapalit-palit ba talaga ako?" Tanong niya sa akin kaya ma-agap akong umiling sa tanong niya.
"Akala ko iba siya pero bakit gano'n? Sinira niya tiwala ko! Sinira niya!" Ani niya habang humagulgol ito sa pag-iyak. Pinahid niya yung mga takas na luha niya sa pisngi niya. Looking at her like this nasasaktan ako, dahil kaibigan ko silang dalawa kaya ako yung nahihirapan na makita silang ganito.
Ewan ko ba roon kay Carlo, kung anong nakain no'n bakit ngayon pa siya nagloko. Akala ko ba pangarap niyang babae si Zeah pero ngayong na sa kanya na ano 'to? Bakit biglang ganyan? Bakit bigla siyang nagloko? At seryoso kay Geralyn pa?
Umiling-iling siya at bumuntong hininga, "I'm sorry. Problema namin 'to ni Carlo hindi ko na dapat pa kayo inabala pa," iling na sabi niya noong tumayo siya, kaya napatayo na rin ako.
"Zey, ayos lang." Sabi ko kaya nginitian niya ako ng pilit bago punasan yung mga luha niya sa pisngi.
"Huwag niyo na ako ihatid kaya ko sarili ko."
"Pero Zey-," gusto ko siyang pigilan pero pag once kasi na nakapag decide na siya ang hirap niyang pigilan.
"Nabuhay ako ng wala siya, kaya makakaya ko nang wala siya." Matigas na pagkakasabi niya bago ako bigyan ng pilit na ngiti.
We bid goodbyes at agad akong pumunta sa paradahan ng sasakyan at nakita si Chase at sinalubong ako. Kwinento ko sa kanya yung nangyari habang siya naman tahimik lang na nakikinig sa akin habang nagmamaneho.
Natatakot ako para sa amin, paano kung ganyan din mangyari sa amin? Parang hindi ko ata makakaya yung sakit. Yun ata yung pinaka maituturing kong first heart break ko kung sakali. Tanggap ko sana kung mag-babakla si Chase pero ang labo naman na mag exit siya. At saka sayang din yung genes niya kung sakali.
Napabuntong-hininga ako at iling habang nakatingin sa bintana sa gilid ko. Bakit ba kung anu-ano nanaman ang mga naiisip ko?
"What's bothering you?" Tanong ni Chase sa akin kaya napabaling ako sa kanya ng tingin. His eyes were remained on the road. His left hand was on the steering wheel, while the right is on the gear. Kahit madilim sa kotse kita talaga yung pagiging magandang lalaki niya at hindi talaga maikakaila iyon. At idagdag pa yung naka-all white uniform siya habang yung itim niyang buhok is bagsak kaya naman napaka-sarap niyang tingnan sa mata.
Nagkibit-balikat ako, "wala naman iniisip ko lang yung mga magiging trials natin together sa future, hindi ka naman siguro mambabae 'di ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata habang hinihintay ko yung isasagot niya.
Bumaling siya ng tingin sa akin, "You have my loyalty, you have all of me, because I believe that you are the one for me." Napakagat ako sa ibabang labi ko 'yan nanaman siya sa banat niya, e!
"Siguraduhin mo lang," pagbabanta na sabi ko pero deep inside kilig na kilig na ako. "Bilang na lang ang taong nagmamahal sa'yo ng totoo na hindi ka minahal dahil isa kang Monteverde pero mahal ka bilang suplado at masungit, sasayangin mo pa ba ako?" Dagdag ko na kinamilog ng mga mata niya bago dahan-dahang ngumiti at iling.
"I will not," sagot niya bago hawakan ang kaliwang kamay ko at pisilin 'yon. "I love you," dagdag niya na kinatunaw ng puso ko. Ang sarap talaga pakinggan pag galing sa kanya.