Chapter 22: Holidays
Rumored 22:
( Holidays )
I immediately type my reply, pero noong pumayag ako aba! Ang lalaking iyon tinawanan niya lang ako at he was just teasing me lang daw! Parang tuloy ako yung lumalabas na sobrang clingy. Kaya naiinis ako.
Marahan akong napa-iling ng makapasok ako sa mall na bagsak ang balikat. Napa-lingon ako sa paligid dahil ramdam na talaga ang simoy ng pasko. Dahil sa mga 50% sales at mga christmas decor na nakasabit ngayon sa paligid. Tapos pagpasok ko pa rito bumungad agad sa akin yung boses ni Jose Mari Chan.
Dalawang linggo na lang at magpapasko na pero hindi ko pa rin alam kung ano ba pwedeng i-regalo roon kay Chase.
Ang hirap niya kasing bilhan ng regalo lalo na galing siya sa isang marangyang pamilya. Lahat na halos na sa kanya na. Kaya anong ibibigay ko roon? Kung magbibigay man siguro ako ng isang bagay, baka meron na siya or baka ma-cheap-an lang siya sa binigay ko kasi hindi naman mamahalin iyon gaya ng mga nagreregalo sa kanya.
I asked him once kung ano ba ang gusto niya when it comes to material things. And he said he loves perfume. Kaya nga napansin ko sa walk-in closets niya ang dami niyang mga perfume yung iba, mga naka box pa at hindi pa halos nabubuksan.
"Kaylle!" Napalibot mata ko sa paligid kung sino yung tumawag sa akin. Hanggang sa makita ko yung kaibigan ni Chase na si Moon. He has chinky eyes, matangkad, maputi at matangos yung maliit na ilong.
Saka yung boses niya ang lambing pakinggan. Napaka malumanay. Si Chase naman gano'n din. Pero kung ako ang tatanungin? Sa lahat ng Aces si Moon yung pinaka-gusto ko dati noong hindi ko pa nakikilala si Chase. Dahil kagaya lang siya halos ni Connor.
Napa-iling ako sa naiisip ko.
Nakangising nilapitan ako ni Moon at may dala siyang Kenny Rogers na paper bag. He's wearing a color grey hoodie, ripped jeans and white snickers. Nakababa ang itim na buhok at naka-specs. Hindi ko tuloy maiwasan itanong sa isip ko, kung lahat ba silang magkakaibigan nagsusuot ng salamin? Pero grabe ang effortless. Ang gu-gwapo nila tingnan kahit naka-salamin man o hindi.
Grabe pala talaga yung swerte ko na naging kaibigan ko ang mga Aces. Lahat kasi halos ng Aces are all package. A boyfriend material. Kaya nga siguro Ace tawag sakanilang magkakaibigan kasi nga napaka-suwerte mo talaga kung one day you will ended up with one of the them.
It seems like you won a lottery nga raw kasi. They have fame, a luxurious life, a lot of money, a good looks. Pero syempre bago lahat ng iyan kailangan mo muna pa amuhin yung mga lion na ito. Hindi rin biro. Kasi mga hard to get sila. Piling-pili kasi yung mga gusto nila papasukin sa life-cycle nila. Kaya suwerte ka kung kasama ka roon. Suwerte rin ako kahit papaano kasi they treat me as one of their friends na.
"Moon."
Pinamulsa niya sa bulsa ng hoodie niya yung kaliwang kamay niya. "Namimili ka rin ba ng regalo?" Tanong niya sa akin kaya marahan akong tumango.
"May nabili ka na ba na regalo para roon kay Chase?" Umiling ako bilang tugon ko sa tanong niya.
"Ano ba ang balak mong bilhin?" Dagdag na tanong niya sa akin.
"Hindi ko nga alam e',"
"Hindi naman mahirap regaluhan 'yon eh." Si Moon.
"Pero alam ko mahilig siya sa perfume." Tumatangong ani niya, "mahilig siya sa pabango pero i-isang brand lang ng pabango yung ginagamit niya, tapos ang dami niya pang mga stocks no'n kaya parang useless naman kung reregaluhan mo siya ng pabango." Dugtong na sabi niya, hindi ko maiwasan na hindi makinig sa sinasabi ni Moon kasi nga gusto ko talaga na gusto ni Chase yung i-reregalo ko sa kanya. Pero ito namang kaibigan niya parang hindi rin ako matutulungan.
"Pero alam mo..." Nakakunot noong ani niya habang nakahawak siya sa baba niya at umaktong nag-iisip. "Mas maganda kung ano na lang yung naisip mo na ibigay. Alam ko naman na tatanggapin 'yon ng kaibigan ko as long as bigay mo."
"Pero advice ko lang bilang kaibigan niya make something new for him, like you know... Nag-bi-bake ka 'di ba? Why don't you just make him his favorite food? Or kaya naman diy album na mga nakangiti siya? You know, we aces seek for time and efforts sa mga girlfriend namin kasi we have anything na, and all material things won't mean nothing to us, kasi kaya namin palitan 'yon,"
"Oh siya, sige na I'll got to go." Paalam niya noong sinilyupan niya yung apple watch niya.
"Sige, thanks sa info!" Ngumiti siya sa akin ng napakalapad at tumango. Ano ba 'to? Balak rin ba niya ako agawin kay Chase?
"Welcome! And oh!" He snap his finger at lumingon ulit sa akin.
"If you're going to ask me kung ano ang gusto ko, okay na sa akin kahit na signature rubber shoes lang." Nanlaki mata ko sa sinabi niya kaya natawa siya.
"Lang? Hindi ako rich kid! Saka ikaw na nga nagsabi 'di ba na hindi mo kailangan ng material things?" Apila ko sa kanya, kaya napangisi siya.
"Yeah I did. Pero hindi naman kita girlfriend e' tumatanggap ako ng material things sa iba." Natatawang usal niya. Iba rin 'to!
"Saka kung magreregalo ka syempre dapat 'di ba gusto ng pagbibigyan mo yung i-reregalo mo." Dagdag niya kaya kumunot ang noo ko. Magkakaibigan nga sila.
"Pero syempre 'di ba kung ano man yung i-reregalo ng taong 'yon 'di ba dapat magpasalamat na lang? Kasi naalala ka pa?" Sagot ko naman sakaniya.
"Oh, asar kana niyan?" Natatawang sabi niya. "Umuusok na ilong mo." Turo niya sa mukha ko kaya inirapan ko siya.
"Pero sabagay may point ka." Nakangising ani niya.
"Napapaisip tuloy ako kung ano i-reregalo sa akin ni Raine," Pabulong na sambit niya pero hindi 'yon nakatakas sa pandinig ko. Raine? Is he mean Loraine?
Gustong-gusto ko siya tanungin pero hindi kami close! Kaya pinigilan ko. Ilang saglit pa nagpaalam na rin siya sa akin. Habang ako naman tuloy pa rin sa pag-ikot dito sa mall hanggang sa may makita akong bracelet dito sa isang jewelry shop. I'm planning to buy for myself a necklace pero naalala ko kasi si Chase.
"Miss, pwede ba patingin nito." Turo ko doon sa bracelet na nakita ko.
"Para sa boyfriend niyo mo ba?" Nakangiting tanong noong sales lady sa akin. Agad nag init magkabilang pisngi ko dahil roon, marahan akong tumango. "Oo, ate sa boyfriend ko nga." Nakangiting tugon ko sa sales lady. Grabe, wala nga si Chase rito pero grabe pag-hysteria ng puso ko. Nakakapanibago pero ang sarap sa feeling. Ganito pala talaga pag-in-love no'?
"Kung gusto mo Mam, tutal para naman sa boyfriend mo naman yung ireregalo mo. Meron kaming custom hand stomped bracelet, pwede niyong ilagay yung 'I love you' 'My only one love,' Or call sign niyo. Basta atleast 40 words, parang ganito." Tinawag niya yung isang kasamahan niyang staff na may gano'n at ipakita 'yon sa akin, kaya ito naman si ako na natuwa roon.
"Magkano ba ganiyan?" Kunot noong tanong ko sa sales lady.
"2, 500" Sagot niya.
"May ibat-ibang kulay din kami ng bracelet may silver, bronze and gold." Sabi niya kaya napatango na lang ulit ako.
Merong ibat-ibang style rin ng mga bracelets may bangle bracelet, tapos may leather nameplate bracelet, tapos may stainless version din, meron din na single cuff bracelet basta madami siyang pinakita at lahat 'yon parang gusto ko but sad to say I only need to chose one kasi wala akong pera. Ang dami ko pang reregaluhan jusmiyo.
"Ganito gusto ko pwede bang pa engraved yung 'Smile' sa harap tapos sa likod 'C. M. M'?" Sabi ko sa saleslady kaya naman tumango ito.
"Sure Mam, pasulat na lang po tapos pili kayo ng font." Sabi noong saleslady kaya naman napatango ako.
"Gaano katagal ko hihintayin?" Tanong ko noong matapos ko isulat yung pinapa-engrave ko tapos yung font style.
"Okay na po ito within 15 minutes." Kaya napatango ako at naupo muna sa upuan habang naghihintay. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba yung regalo ko o ano pero bahala na at least naalala ko siya this Christmas sapat na siguro 'yon? Atsaka nasa sa kanya na kung magugustuhan niya yung ibibigay ko sa kanya o hindi.
Napabaling ako sa cellphone ko ng tumong ito and it was a message from him, napakagat ako ng labi ko dahil hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa simpleng text niya.
Love Cake
'What are you doing?'
'Humihinga,' pilosopong reply ko.
Love Cake
'Nice talking,"
'What are you doing?'
'Katext ka na,' reply ko ulit. I'm trying to annoy him like sinasadya ko talaga na iklian yung reply ko. He once annoyed at me kasi ang ikli ko raw mag-type, pero little did he know na sinasadya ko talaga 'yon.
Love Cake
'Have you eaten?'
Text niya sa akin kaya agad ako nagtipa nang reply ko sa kanya na 'Hindi pa,' Ilang minuto rin na gano'n ang tema namin hanggang sa hindi na siya nag reply, well akala ko hindi na siya mag-re-reply pero natawa ako noong nagtext ulit siya sa akin at the way na magtext siya parang napikon na.
Love Cake
'I texted you because I want to have a conversation not a collection of your haha, ok, wala, aw, sige.'
'Aww, galit na love cake ko, sorry na love cake.'
'Alam mo na sa mall ako at nakabili na ako ng regalo ko for christmas, sana magustuhan mo 'to.'
Sunod-sunod na text ko sa kanya. Ilang minuto rin ako naghintay sa reply niya.
Love Cake
'You bought a gift for me?'
Hindi makapaniwalang text niya sa akin, I don't know pero naririnig ko boses niya sa text niya sa akin. Kaya napangiti ako. Agad ako nagtipa ng reply ko sa kanya.
'Sana nga magustuhan mo,'
Love Cake
'I'll surely like it, bigay mo e','
He replied kaya naman ito ako. Kilig na kilig at paulit-ulit binasa yung message niya.
Walang mapaglagyan yung saya na nararamdaman ko noong makuha ko yung i-reregalo ko kay Chase. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko habang hawak ko yung maliit na box na ibibigay ko sa kanya.
Sobrang excited ako na to the point na bilangin ko yung mga araw na lumipas. He's been busy kahit na magpapasko na. Puro aral pa rin ginagawa niya. Maraming researches at kung anu-ano pa ang mga pinapagawa sa kanila ng mga Professors.
Ang daming nagiging haggard sa course na 'yon pero si Chase? Parang wala lang sa kanya yung salitang iyon dahil sobrang fresh niya pa rin tingnan. Siguro kahit haggard na siya fresh pa rin tingin ko? Kasi nga 'di ba in-love ako?
December 23 noong nalaman ko na hindi pala sila rito mag-ce-celebrate ng Christmas at New Year kasi pupunta sila ng London at doon sila mag-ce-celebrate ng holidays.
Wala akong tourist visa papunta roon kaya naman naiwan ako. Hanggang Asia tour lang kasi ako, kaya sobrang lungkot ko noong umalis siya.
Akala ko pa naman kasi sabay kami mag-ce-celenrate no'n hindi pala. Pero okay naman may Skype at FaceTime naman kaya makikita pa rin namin ang isat-isa.
Nakilala ko sa FaceTime yung lola niya pinakilala na kasi siya sa akin ni Chase one-time, noong nasa condo niya ako nag-stay. Tapos biglang tumawag yung Lola niya. Masiyahin din gaya ni Tita yung Lola niya. Nalungkot nga siya na hindi ako makakasama sa Christmas. She badly wants to meet me kaso nakakatakot yung part na sinabi niya na; 'I want to see you, so I can know if you are worthy of my Grandson.' With strong British accent 'yon ha!
Nalaman ko nga rin kay Chase, na yung Lola niya is related sa isang royal family sa England but she's not a crown Princess or a Queen, blood related lang kumbaga. Kaya naman windang talaga ako. Sila na talaga mayaman tapos ano? May Royal blood pa? Kaya pala si Chase may pagka-tindig Prinsipe.
Chase promised me na rito niya i-ce-celebrate yung New Year, kaya naman medyo sumaya at gumaan yung pakiramdam ko noong sinabi niya sa akin iyon. Grabe! Alam ko, minsan naloloka na ako sa sarili ko kasi nga ang clingy-clingy ko! Nagugulat na nga lang ako na minsan ang cringey ko pag bumabanat ako sa kanya.
I, sometimes think na parang medyo mabilis yung mga pangyayari sa amin. Him being my boyfriend. Hindi niya nga ako halos niligawan.
Napangiwi ako dahil sa naisip ko na iyon. Hindi naman kasi ako nagpakipot man lang kay Chase. Masyadong nangibabaw yung pagka-gusto ko. Kaya ang unfair lang. Dapat pag gano'n 'di ba? Nagpakipot man lang ako?
"What's with the face?" Kunot-noong tanong ni Chase sa akin noong salubungin niya ako dito sa may arrival area. My goodness! Gaano ba ako katagal na lutang para hindi mapansin ang pagdating niya? Napalingon ako sa paligid namin, dahil halos lahat kasi napapatingin kay Chase mapa-tourista man o hindi. Lalo na noong nagtanggal pa siya ng shades niya. Akala siguro nila Arista na.
He's wearing a denim jacket with a plain white shirt tucked in a black chinos. Pero grabe he nailed that outfit.
"Do you miss me?" Tanong niya sa napapaos na boses, habang nakataas ang dalawang kilay na nakatingin sa akin. Teka lang naman! Bakit ganyan? Yung puso ko nahihibang nanaman.
"Tu me manques," kumunot-noo ko sa sinabi niya.
"Ha?" Instead of answering me, he give me a small smile at hinalikan yung noo ko. Na-kinalaki pa ng mata ko dahil sa gulat.
Pumirmi ka nga Kaylle!
"Nothing, let's go?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Noong makarating kami sa condo niya halos humilata na siya sa napakalaking couch niya, at hinayaan yung mga luggage na nakaharang sa pintuan kaya naman tinabi ko 'yon bago ko siya sundan doon.
"Jet lag?" tanong ko sa kanya, pagkaupo ko sa gilid niya. Marahang kong hinaplos pataas ang bagsak niyang itim na buhok na natatakpan ng noo niya habang nakapikit siya.
"Namiss kita, walang nagsusungit eh." Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya, nginitian ko siya noong mag tama ang mga mata namin. "I'm counting down the days, when will I see you again. You've been crossing my mind. Kaylle,"
"Luuh? 'yan ka nanaman e'!" Anas ko sa kanya at marahang pinisil ang ilong niya. Kaya napangisi siya pero nawala 'yon ng tapunan niya ng tingin ang dalawang kamay ko. Like he was finding something. Pero iniwas niya din yung tingin niya sa akin.
"You don't like my gift, aren't you?" Kunot-noong tanong niya sa akin. Napabaling naman ako sa may left wrist niya at suot yung bracelet na binigay ko sa kanya.
Isang singsing yung regalo niya sa akin at kahit gaano 'yon kaganda sa paningin ko nagdadalawang isip ako na isuot 'yon.
Isa 'yong maiko sakura ring na kulay silver at may kulay purple at pink na diyamente sa gitna na hula ko sa Japan niya pa 'yon binili or inorder. Simple lang siya kung tutuusin at mukhang hindi mamahalin pero alam kong mamahalin 'yon.
"Maganda. Nagustuhan ko." Sagot ko habang tumatango-tango pero nginiwian niya lang ako. At parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Then why are you not wearing it?"
"Kasi gusto ko ikaw ang magsusuot sa akin non! Teka nga kunin ko. Tapos isuot mo sa akin ha!" Napa-irap siya at napaupo. Kinuha ko sa bag ko yung maliit na kulay itim na box at inibot sa kanya.
Dahan-dahan niyang kinuha yung kaliwang kamay ko at sinuot doon ang singsing na binigay niya, napangiti ako noong masuot niya iyon sa akin.
"Thank you Chase for coming back here, akala ko roon ka magdiriwang ng Bagong Taon. Hindi ko naman kasi akalain na babalik ka talaga rito eh, na tutuparin mo yung sinabi mo," napa-iwas ako ng tingin sa kanya at napayuko. Pero marahang ini-harap ni Chase yung mukha ko sa kanya.
"I promised you right? I will be back before New Year,"
"Pero yung Lola mo-"
"She's okay with it," he assured.
Napahalikipkip ako noong sumandal ako sa upuan at napanguso, "sabi mo 'yan ah? Baka mamaya... Baka mamaya galit na sa akin yung Lola mo kasi pinapabalik kita rito," natawa siya sa sinabi ko at hinalikan ang noo ko.
"She'll understand it, alam niya na I want to spend my New Year with you. It's our first New Year together kaya dapat lang talaga na nandito ako."
"Siguraduhin mo iyan ha!" Sabi ko sa nagbabantang tono, kaya natawa siya.
"Oo, nga."